Monday, January 14, 2013

Stalking Cholo - Adventure 2: Bullseye!


"Sir Guttierez!" ulit ko.

This time lumingon siya sa gawi namin. Bigla naman akong nagtago. Hehe. Hindi ko alam kung narinig niya dahil nasa kabilang lane naman siya ng kalsada.
Pero ang cool ko! Haha!

"Miss, iyong softdrink niyo coke ba o sprite?"
"Narinig kaya tayo Cyrah?" excited na tanong ko. Sumakay na kasi si Sir Pocholo kaya hindi ako masyadong sure kung narinig ba niya ako.
Siguradong papunta na iyon sa police station.
"Miss?"
"Oh please ang gwapo talaga ni Sir Pocholo," kinikilig na sambit ni Cyrah na sinundan niya pa ng isang very disturbing moan. Yaks nakakadiri!

Anyway, trip ko lang tawagin si Sir Pocholo dahil gusto kong bwesitin si Cyrah. Hindi nga ba at isa na siya sa mga nagkakandarapa dito? In the end hindi naman siguro ako magagaya sa kanila. He's not my type kahit sexy pa ang adam's apple niya. Itaga niyo iyan sa bato ay hindi sa maso pala para mas cool! Yeah men!

Teka iyong order ko nga pala na softdrink. Napatingin ako sa tindera. Mukhang inis na inis na siya habang nakatingin sa aming dalawa. Haha.

"Grabeh talaga si Sir Cholo noh?"

"Oo, nakasuot siya ng green kaya mukha siyang lumot. Mahilig ba siya sa green? Bakit iyon nalang palagi ang nakikita kong suot niya," lait ko.

Kasalukuyan na naming nilalantakan ang binili naming tinapay. Doon mismo sa bakery. Ang sagwa naman kasi kung sa daan kami kumakain pero minsan ginagawa namin iyon. And yes, lantak is the right term dahil gutom kami.

"Grabeh ka namang manlait. Bakit maganda ka ba?" balik pang-aasar sa akin ni Cyrah. Psh siya na ang sexy. Haha. Sige kampihan niya ang alien na iyon.

"Masama bang mag-describe?"

"Asus! Swerte nga ng magiging girlfriend niya eh. Balita ko single pa daw."

"Asus din! Sige go, gawin mo ng boylet."

"Boylet ka diyan. Pumunta na nga lang tayo sa police station at ng mapakinabangan ka naman sa newspaper."

Nauna na siyang tumayo sa aming dalawa. nasabi ko na bang walking distance lang ang police station mula sa kinaroroonan namin? Ayun naglakad na kami. Ang init ng araw. Pero fighting spirit parin. Wala pa kayaa kong naisusulat na article. Gusto ko na ngang magpasagasa sa gitna ng kalsada pero naisip ko na baka ako naman ang mabalita. Si Cyrah pa ang makinabang. Nakakainis pa naman ang napapanot naming news editor.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"We are here!" relieved na sambit ko.

Tyaran! Ang bilis namin ano? Parang magic lang. Pero wew! Pinagpawisan din kami. Lunch time ba naman kasi. Iyong kinain namin ni Cyrah kanina iyon na ang lunch namin. Kaya siguro hindi ako tumatangkad at hindi tumataba si Cyrah.

"Kunin mo na iyong blotter book Ashie."

"I know right."

Psh. Ang taas pa naman ng desk na kinalalagyan ng blotter book. Hindi ko masyadong abot. Joke. Mabigat lang talaga ang listahan na iyon kaya nahihirapan ako sa pag-abot. Anong konek? Malay ko. Kumukuha lang ako ng balita dito. :P

"Balita, hmmm...lemme see..."

Scan.

Scan.

Scan.

After 5 minutes.

Pambihira! Wala yatang magandang balita ngayon. Nakawan lang ng alagang baboy, daga, cobra, at nawawalang 100 peso bill. Wala ni isang news worthy. Magdevelopmental news nalang kaya ako? Pero kapos na ako sa oras eh. TT__TT

Bigla akong natigilan nong may mahagip ako sa harapan ko.

"Bakit ang dami yatang dibidi-dibidi?" puna ko sa ilang karton ng pirated DVD's. 
Nakumpiska iyon malamang.

Oh wait! Gosh! Scoop pala ito. Na-excite ako bigla.

"Oh please..."

Alam na kung ano ang ibig sabihin ng malanding expression na iyan ni Cyrah.

"Si sir Pocholo," mahinang bulong niya sa akin habang nakatulala lang ako sa DVD's.

"Ano kamo?"

"Si sir Cholo nandito."

Lumingon ako. Wala naman eh.

"Nasaan?"

"Wala na. Umalis na, ang slow mo kasi."

Kasalanan ko bang hindi matalas ang radar ko sa mga isinumpang nilalang. Haha. Joke lang. Ang ibig kong sabihin doon ay kasalanan ko bang tanging gwapong tunay lang ang nararamdaman ng aking third sense.

"Whatever. Anyway may brilliant idea na ako. May balita na ako," turo ko sa mga dibidi-dibidi.

"Whoa! OO nga noh. Saan ka maghahanap ng information tungkol diyan?"

"Saan pa nga ba? Eh di magtatanong, teka kukunan ko muna ng picture."

Nilapitan ko iyong mga pulis na abala sa pagtingin sa mga DVD tapes. May balak pa yata silang panoorin iyan. (=__=)"

"Ah, excuse me ma'am. I am Ashielyn Atienza, student intern from Golden Daily Chronicles. Maari ko po bang kunan ang mga ito ng pictures?"

Pinagmasdan muna ako ng babaeng pulis. (=__=)+ Ilang segundo muna ang lumipas bago siya sumagot.

"Itanong mo nalang sa may investigation."

Investigation. Iyong room na nasa harapan ko. Okay. Confident na ulit ang naglakad kahit medyo nainis ako sa babaeng iyon.

"Excuse me," magalang pero confident na bungad ko pagbukas ko palang ng pinto. Mwahaha! Ganon dapat ang approach.

"Yes?" humarap sa akin ang lumot na nakapolo. I mean si Pocholo na nakasuot ng green polo. Sheet! Anong ginagawa niya dito?

Ngumiti siya sa akin. Bigla akong natulala. OMG. Shit na malagkit! Extreme! To the highest boiling level. Bakit ang gwapo ng lalaking ito ngumiti? Very manly. Pakiramdam ko para akong natuka ng ahas habang nakatitig lang sa kanya. Ang bilis naman ng heartbeat ko na tila hinabol ng kung ano. Ito ba ang tinatawag na starstruck? Oh men! Ang gwapo pala ni Sir Pocholo sa malapitan.

Napalunok ako. Grabeng effort ang ginawa ko para lang makabawi mula sa pagkakatanga ko. 

"Ah...eh..sir I am Ashielyn Atienza from Golden Daily Chronicles. Pwede po bang kunan ng pictures iyong mga DVD's sa labas?"

"Ha?"

Shet. Oh my goly wow! Medyo inilapit niya ang mukha niya sa akin dahil mukhang hindi niya masyadong narinig ang sinabi ko. Inulit ko nalang ang sinabi ko sa kanya and thankfully pumayag naman siya.

"Sir kanina pa po ba iyon?"

"Ah, kararating ko pa nga lang din eh."

Napatango nalang ako saka mabining ngumiti. "Sige salamat po sir."

Dahan-dahan na akong lumabas ng investigation room. Noong sa tingin ko ay malayo na ako mula sa pintuan ay kumaripas na ako ng takbo. Diyos ko! Ano iyong experience na iyon? Parang gustong sumabog ng puso ko dahil sa kilig. Gusto kong sumigaw dahil sa tuwa. What the hell is happening to me?

"Cyrah!" tawag ko sa kanya. May katext siya habang nakaupo sa sofa na gawa sa kawayan.

"Oh tapos ka na?"

Tumango ako saka impit na tumili. Mukhang nagulat naman siya.

"Anong problema?"

"Nandoon siya sa loob!"

"Sino?"

"Siya."

"Adik. Sino nga?"

"Sir Pocholo! Nakausap ko siya."

Pakiramdam ko namumula ako ng mga oras na iyon. Kilig na kilig ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ang alam ko lang crush ko na siya at i-aadd ko siya sa FB! Bullseye!

------------
End of Chapter 2.





2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^