Saturday, December 29, 2012

Blooming of Our Music: Chapter 10



CHAPTER TEN



     PANAY ang ikot ni Nicole sa kama nya kinagabihan. Umiikot kasi sa tenga nya ang mga sinabi ni Mino kanina. Lalo na sa parte na mag-di-date daw sila. Inaamin nya kinikilig sya dun pero iniisip din nya na mali dahil sila nga ni Yua tapos makikipag-date sya kay Mino. Alam nya unfair at pang-loloko iyon pero deep inside may nag-sasabi sa kaniya na hindi naman totoo ang lahat. Fake lang naman yun at isa pa, itong si Yua naman ang may kasalanan ng lahat.




     Kung hindi lang kasi ito takot na aminin sa public ang relationship nila hindi na sana aabot pa sa ganito. Inaamin nya ang sama nya pero anong gagawin nya? At isa pa, nag-e-enjoy naman sya sa company ni Mino, at least kahit pano eh nakakalimutan nya yung sakit ng dahil kay Yua.




     Ayaw man nyang ikumpara ang dalawa, at alam nyang maling gawin nya yun. Pero mas nagagampanan kasi ni Mino ang pagiging boyfriend even though it was just a fake kesa kay Yua na pakiramdam nya eh fling lang sya. naiintindihan din naman nya ang situation ni Yua and mahal nya ito pero hindi lang talaga nya maiwasang ikumpara ang dalawa.




     Bumangon sya sa kama nya at napabuntong hininga. "Tama na nga! Ang sama sama ko ng girlfriend kay Yua!"sabi nya sa sarili saka muling humiga ulit.









++++++++++



     MAAGANG nagising si Nicole dahil naalala nyang ngayong araw pala nag-yayang madate si Mino at nang-hihingi ito ng regalo. Sabi nito nung nakaraan ay ayaw na nito kumain ng Sushi, yun sana ang ibibigay na regalo ni Nicole. Namo-moroblema tuloy sya ngayon kung ano ang ibibigay nya dito. Bibili sana sya ng chocolate pero naalala din nyang hindi mahilig sa matamis si Mino. 




     "Napaka-choosy nya naman kasi eh! Kalalaking tao choosy!"inis na bulong ni Nicole sa sarili habang nag-lilibot sya sa tindahan ng pwede nyang maibigay kay Mino.









     SAMANTALA, napabalikwas si Mino ng biglang hatakin ni JiSu ang kumot na nakabalot sa katawan nya. Boxer short lang ang suot nito kaya naman napabaluktot ito dahil sa ginaw na naramdaman dahil sa Aircon. Hinarap nya ito na nakapikit lang ang isang mata, nakunot ang nuo at magulong buhok.




     "Ano ba yun?"parang kinakain nya yung sinasabi nya habang kinukusot kusot pa nya yung mata nya.




     "Bumangon ka na nga dyan! Hindi tayo pwedeng ma-late ngayon!"wika ni JiSu.




     "Kelan ba tayo pumasok ng maaga sa school?"pilosopong sagot ni Mino saka muling bumalik sa pag-kakahiga.




     "Sira ka ba? Ngayon tayo lilipat sa dorm natin! Kaya bilisan mo na dyan! Nakakahiya kung mali-late tayo!"yun lang at si JiSu na ang kumuha ng maleta ni Mino para sa ibaba nya na lang ito hintayin.




     Napa-buntong hininga si Mino, naalala nya ngayon na nga pala ang araw na magiging trainee na sya ng JYM. At sa training days nya na yun ay makakasama nya ang taong kinasusuklaman nya. Nag-sisi tuloy sya bigla dahil tinanggap nya ang kontrata.










++++++++++


     WALANG kagana gana si Mino habang kaharap nya ang Team Leader at ang magiging manager nila. Kung masaya sina JiSu at SeChang kabaliktara naman ang nararamdaman nya. Lalo pa na katabi nya ngayon si Yua. Halos hindi nga maipinta ang mukha nilang dalawa sa umaga na yun.




     "Alright, so ito ang magiging dorm nyo. May dalawang room lang dito. That means dalawang tao in each room. JiSu and SeChang, kayo sa isang room. Yua and Mino kayo naman sa isa."sabi ng team leader nila.




     "Ano??"halos sabay ang dalawa sa pagsalita.




     "Gusto mong gumising kami sa umaga na puro bangas ang mga mukha namin?"galit na saad ni Mino sa team leader nila. Mabilis naman syang sinaway ni JiSu.




     "Hindi. Gusto kong gumising kayo at ma-realized nyo sa isang team na kayo hindi mag-kaaway."cool na sagot ng Team Leader sa kanya, pero umalma si Yua.




     "Ms. Kang, alam nyo naman po na hindi may iringan saming dalawa. Mas mapapagulo lang kung ganito."




     "Alam kong may iringan sa inyo. At hindi ko nga alam kung bakit eh. Sabihin mo Mino, bakit galit na galit ka kay Yua?"baling ng Team Leader kay Mino pero hindi sumagot si Mino, sa halip ay umismid lang ito. "Di bale na lang. Yan na ang final decision. JiSu and SeChang, Yua and Mino. Manager Jung kayo nang bahala. Kung sumuway sila sa house rules ikaw ng bahalang gumawa ng parusa sa kanila."tumango ang managaer, sinulyapan pa muna saglit ni Ms. Kang ang dalawa bago tuluyang umalis. Naiwang inis naman sina Mino at Yua.









     WALANG imik ang dalawa habang papasok sila sa kwarto nila. Nauuna si Mino kasunod si Yua. Ilalapag pa sana ni Yua ang mga gamit nya sa ibabang kama ng double deck pero nauna nang humiga si Mino. Napatitig na lang sa kaniya si Yua ng masama sabay padabog na inilapag ang gamit nito sa ibabaw ng double deck. 




     Padabog ding umakyat si Yua dahilan para maalog ang kama at mag-laglagan ang mga alikabok kay Mino. Dahil dun ay napuwing si Mino ay inis syang napatayo.




     "Ano bang ginagawa mo!"malakas nyang sigaw habang nakapikit ang mga mata nya. Ngisi lang ang sinagot sa kaniya ni Yua. "Sira ulo ka!"susugurin na sana nya ito pero mabilis namang rumispunde sina JiSu at SeChang ng marinig pa lang nilang sumigaw si Mino. Maging ang Manager nila ay napasugod na rin doon.




     "Ano ba! Unang araw pa lang ganyan na kayo?"saad ni JiSu.




     "Bawal ang away. Isa yan sa house rules na dapat nyong sundin. At kung sino mang lumabag paparusahan agad."simpleng saad ng Manager nila. "Mino at Yua, pag-katapos nyo mag-bihis, lumabas kayo at walisan nyo yung harapan ng JYM."sabay silang napatingin sa manager.




     "Nag-bibiro ka ba?"natatawang tanong ni Yua.




     "Sige, mag-mop ka na lang ng buong building ng JYM kung ayaw mong mag-walis sa harapan ng JYM. Mamili ka lang."yun lang at umalis na si Manager Jung. Nag-katinginan na lang sina JiSu at SeChang. Di nila akalain na ganun pala kalupit ang manager na na-assigned sa kanila.









     WALANG pansinan ang dalawa habang pareho silang busy sa pag-wawalis sa harapan ng JYM. Tanghanghali na pero nan dun parin sila nag-wawalis kahit na wala na namang kalat. Bilin kasi ni Manager Jung na hindi wag silang titigil hanggat hindi nito sinasabi.




     "Yua?"sabay na napalingon sina Mino at Yua ng may tumawag kay Yua.




     "HyeWon!"gulat na saad ni Yua sabay bitaw nito sa walis ting ting na hawak. Takang lumapit naman si HyeWon sa kanila.




     "Anong ginagawa nyo dito? Bakit may hawak kayong walis? At bakit kasama mo sya?"kunot nuong tanong nito sa dalawa. Hindi agad nakasagot si Yua.




     "Hu--? Ah---."




     "Okay, tapos na ang punishment nyo. Pwede na kayong mag-pahinga."biglang singit naman ni Manager Kang sa likuran.




     "Punishment?"natatawa namang ulit ni HyeWon.




     "Miss HyeWon, napadaan kayo? Ako nga pala ang Manager na na-assign sa kanila."pakilala ni Manager Kang.




     "So, you mean to say na sila ang bagong grupo na binuo ni President Maeng?"excited na tanong ni HyeWon.




     "Opo, sila nga po."




     "Really? I'm so excited to hear them."wika nya habang nakatingin kay Mino. Pero snob lang ang binalik sa kaniya nito. Natawa na lang tuloy si HyeWon.




     "Ano nga palang ginagawa mo dito HyeWon?"pag-iiba ni Yua sa usapan.




     "Ah! I have a lunch date with Mr. Cho. May mga pag-uusapan lang kami."sagot nya.









     LUNCH DATE? Date? Umugong ang salita na yun sa tenga ni Mino, at bigla syang natauhan ng maalala nyang niyaya nya palang mag-date si Nicole ngayon pero dahil nga ngayong araw pala sila lilipat sa dorm nila hindi na siya nakapasok pa sa school. Nakalimutan din nyang sabihan ito na hindi na tuloy ang balak nila ngayon dahil wala din syang panahon.




     Nang ipakita kasi ang schedule nila ngayon ay talagang gabi lang ang pahinga nila. Napasapo sya sa ulo at madali nyang dinukot ang cellphone sa bulsa. Hindi na nya pinansin pa ang nag-uusap na sina Yua at HyeWon. Nya ang mga ito habang dina-dial nya ang number ni Nicole.









     Hindi naman maiwasang humanga ni HyeWon sa ka-cool-an na ipinapakita ni Mino sa tuwing mag-kikita sila. Habang tumatagal ay mas nagiging interesado si HyeWon sa pag-katao ni Mino.









. . . to be continued









1 comment:

  1. NaMiss q tO,,, nakLimutAn ni miNo uNg daTe nMin,,, hmP!!!! taPos c hyEwon,,, eeEessh!!! iOki skNya,,, skEn LNg c miNi,,, magsaMa n ngA cLa ni yuA,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^