Monday, December 24, 2012

Back Off She's Mine!: Final

Back Off She's Mine!
FINAL CHAPTER
“yesh! Ang ganda ng water park! Yehhee!” sigaw ko!

Sigaw ko.


“Pshh... ang ingay mo.” Saway sa akin ni Clark. sumama si Clark dahil daw baka raw agawin daw ako ng kung sinong lalaki pero darn. Grabe sobrang tuwa ko talaga :) pero mas maganda sana kung nandito si Dacey pero... Hindi siya sumama. Too bad. Alam ko naman kung bakit eh. Kasi alam ko na yung nararamdaman niya para kay Clark. yeah nagkausap na kami before. Walang flashback. 

Sabi niya na hindi naman daw niya aagawin si Clark at wala din siyang planong ipagtapat yun ngunit hindi ko talaga maiwasan na malungot kasi naman baka dahil dito ay hindi na kami maging friends waahh! >_< Hindi ko naman kasalanan na main-love sa akin si Clark di ba? O love ba talaga? darn naman eh bakit naman kasi LIKE alam ba niya na madaming LIKE. Kagaya ng LIKE ang personality, face at etc. Grrr! Kapag itong lalaking ito hindi mag-ayos sa pagtatapat sa akin kakaratehin ko talaga siya!

Pero anyways bumalik tayo sa usapan tungkol kay Dacey.  Iyon na nga simula nong nagkausap na kami ay iniiwasan na din niya ako este kami pala.

“>____O ako maingay? Hindi lang iyan ang maririnig mo sa akin kapag mag-slide tayong lahat diyan!” turo ko sa pinakamalaki at mahabang Slides. Malaking pool! Wohoo! Narinig ko pa ang tili ng babae

Sooo exciting talaga!!!

“=_= Psh.”

“Ahahahha! Halika na nga kayo. Excited na ako na mag-swimming!” Psh kainis talaga ang kapatid ko'no? kung hindi lang talaga may utang ako sakanya hindi ko talaga isasali dito. TT^TT

“saan ba tayo magpalit ng damit?” tanong ko kay Suzy.

“Ah nandon lang oh.” Turo niya. Kaya naman pumunta kami doon para magbihis ng bathing suit.  ;) siyempre naka-one piece lang ako 'no. Baka kasi ma-expose ang imaginary bilbil ko. hahahhaa!

Pag-pasok namin sa cubicle ay nag-usap kami ni Suzy.

“Mhikaila.” Tawag niya sa akin. Nasa kabilang cubicle siya.

“Hmm?”

“Nothing.”

>_O anong problema niya? -_- tatawag sa akin then sasabihin lang na wala. Hay! Pagkatapos sa pagbihis ay lumabas na kami. Umuna na si Suzy na lumabas ako naman ay nagpaiwan. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. I look plain dito!!! dahil siguro sa suot ko na one piece tsk tsk tsk... paglabas ko ay akala ko na si Suzy at iba pa ang naghihintay sa akin pero mali ako. Kasi ang naghintay sa akin ay si Freezia. Ang makulit na batang babae -_-

“Anong ginagawa mo dito?” I ask.

“=_= I should be the one who ask that question. Dummy.”

>.> Inis naman ako sa babaeng ito eh. Sapak  gusto niya?

“Grr... Paki mo? Kung pwede lang ha? wag na wag kang e-stalk sa'kin. Wag ka din gumawa ng gulo.”

“Duh. Huwag mo akong ikompara sa ibang tao na naghahanap ng away. :P Kagaya ng lalaking kasama mo. he sure know how to find a trouble.” Sabi niya then lumingon siya sa direksiyon kong saan si Clark. >.> waah! Nakikipag-away? Nakita ko pang nakipagsuntukan siya doon sa tatlong lalaki. Siyempre ang nanalo ay siya. ^______^v cool!

Pero teka! O_______O away?! Bakit?!?!?!

“Kung iniisip mo kung bakit ang sagot lang iyan ay yung tatlong lalaki ay sila yung nasa bar noon. Dummy.”

>_____> She’s getting on my nerves!

Ngumiti pa siya habang nakatingin kay Clark. O___O wah! Anong ibig sabihin ng ngiting iyan! Oi oi bata you are tooooooooooo YOUNG to fall in love with him!

“He’s PERFECT.” Perfect? For what?

“oi oi! Kung ano man ang plano mo itigil mo ha?! ”

Tinaasan lang niya ako ng kilay. “Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo pero isa lang ang sasabihin ko sa'yo isa kang BALIW. >.> makaalis na nga.” Meron tumawag sakanya. Mukhang magulang ata niya. Ohh family bonding... Alam kaya ng parents niya? Siguro o hindi.

Kibit balikat na lang na umalis ako doon at nilapitan sila Suzy, Kuya Eric at -_- ang basagulerong si CLARK.

+__+ “Ano yung nakita ko kanina? Bakit nakikipagbasag ulo ka na naman?”

“tsk. I am just helping HER.” Turo niya kay Suzy. “Binabastos eh alangan naman hindi tulungan tsk tsk.”

Ahhh ganun pala! Wew! Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko yung malagkit na tingin ni Freezia =____= bakit ganun siya? bakit parang may naramdaman akong masama?

Ah! Mhikaila! Ialis mo muna iyan sa isipan nandito ka para mag-enjoy!!! Tama!

“hali na nga kayo.” Sabi ni Kuya eric.

“Okay!”

Kaming lahat ay nag-swimming. Woo! The best ang araw na'to. Ang tanging ginawa ko lang ay walang sawang paglangoy. Naglaro ng =__= err... I forgot kung anong pangalan ng larong ito pero dapat may partner ka tas yung isang partner mo ay nakaupo sa balikat mo tas tatangkain na kuning ang bandana sa ulo. Eh wala kasing ribbon o anong gamit eh kaya yun na lang ang ginamit namin.

TT_____TT dapat masaya ako ngayon ngunit hindi eh. In-expect ko na ang partner ko ay si Clark pero si KUYA ERIC KO LANG! WTF? Nang matapos na ang laro ay panalo sila ni Suzy.

“Kailangan gawin niyo talaga ang ipag-uutos namin ah.” Nag-smile pa si Clark sa akin tapos nag-wink pa.  Kung sino kasi ang manalo ay kailangan maging slave ngayon lang araw na 'to 'no.

“>___> Ang daya naman.” Si Kuya iyan.

“Oi kuya ng kaibigan ko halika na dito may ipag-uutos ako sa'yo.” Si Suzy iyon.

“Ano naman ang ipag-uutos mo?”

“Librehen mo ako ng ice cream nakakaabala ka sa kanila eh.”

“Psh. Kapatid ko naman siya eh anong masama kung mang-abala? Hindi naman sila nag-dedate eh.” sabi ni kuya habang naglalakad palayo sa amin ni Clark.

“Sa wakas at tayo na lang ang nandito.”

“Eh ano naman? Hindi naman sila sa malayo tsaka bakit ba ang saya mo ata.”

“^_________^ eh kasi pwede kitang utusan kahit anong gusto ko ngayon araw hahaha!”

“Ah talaga lang ha? =___= oh sige sabihin mo na kung anong iuutos mo.” He grab my hand at hinila ako papunta sa taas para mag waterslides.

=O__O= okay... kanina umaga excited akong mag-waterslides subali’t hindi ko talaga in-expect na napakalaki nito napansin ko na 'to pagdating namin kaya nga imbes na magslides dito ay naglulunoy na lang ako sa tubig. ToT

Iisipin ko palang ay parang waahh! Ayoko isipin!

“Huwag mong sabihin na takot ka?”

“>.> pshh...” wala akong masabi.

“Bwahahahaha! Halika na nga! tsaka wala naman masama mangyayari sa'yo eh. tsaka kung meron poprotektahan kita.”

 He hold my hands firmly. Pinisil pa niya. Ewan ko pero dahil sa sinabi niya ay nabuhayan ako ng lakas na loob. Yeah I know na para akong bata pero takot ako eh. First time sa ganitong slides. Ngumiti ako sakanya. XD gosh kilig talaga ako sa sinabi niya!!!!

Kaya naman sabay kami. Niyakap niya ako. wahhhhhh! I’m gonna die!! Hindi dahil sa slide kundi dahil sa kilig to the MAX!!!!!!!!!!!

Pagkatapos niyon ay nagpahinga kami. Umupo sa bench. Nagpaalam sa akin si Clark na bibili lang siya ng maiinom. Pero ilang minuto pa angnakalipas ay wala pa din siya. sabi niya kanina ay hindi siya magtatagal. =______= kainis naman. Nakakainip na talaga. Bakit ba ang tagal niya? Tumayo ako sa bench then pinuntahan ang store kung saan siya bibili. Nakita ko siya doon lalapitan ko na sana siya ngunit nakita ko ang bibwit ! kasama niya si Clark. Bakit? Bakit ang saya pa nilang mag-usap??? Akala ko ba ay... akala ko ba ay... >_____< tama nga ang hinala ko! psh! Kahit na bata pa iyan ay nilalandi niya si Clark.

“Tae ka talaga Clark!” I murmured. Dahil sa inis ko talaga ay umalis na ako doon. Nagbihis then nagpaalam na kena Suzy at kay Kuya na uuwi na ako dahil masama ang pakiramdam ko.

=____= “sighhh.......” ang laki talaga ng problema ko talaga. Nandito na naman ako sa Park. Kahit gabi na ay nandito ako. Puro mga magkasintahan na lang ang nandito. Naglalandi. What? totoo naman eh. Naghahalikan diyan,dito, doon at saan pa.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay kahit tawag ni Clark ay hindi ko sinasagot.

“Nandito ka lang pala!” nag-angat ako ng ulo para makita ko kung sino yun. Si Clark pala yun. pawis na pawis at humihingal pa.

“Bakit nandito ka?”

“Obvious ba? Eh di hinahanap ka! bakit ba umalis ka na lang bigla ha na hindi nagpapaalam?”

“kailangan ba talaga?”

“YES! MERON! HINDI MO MAN LANG SINASAGOT ANG MGA TAWAG KO!”

Psh... SIGURO kailangan ko na lang e-sekreto ang nakita ko. tumawa ako ng malakas.

“Hahahaa!”

“Anong nakakatawa ha?”

“^______^ ganun  ka ba talaga ka nag-alala sa akin? Hahahhaa! Don’t worry clark okay naman ako at kaya di kita nasasagot ay dahil hindi ko dala ang cellphone ko tsaka hindi ba sinabi nina kuya at suzy na masama ang pakiramdam ko kanina?”

Nawala na yng mga gatla sa noo niya.

“kahit na. dapat nagpaalam ka pa din. Pwede naman kita ihatid ah.”

Umupo siya sa tabi ko.

“Hehehehe! SORRY!!!”

“Ano pa nga ba ang magagawa ko? ginawa mo na eh. tsk ah nga pala may isang babae doon sa water park.” Panimula niya.

Babae? Argh! Baka naman interesado siya sakanya? Kasi naman napansin ko na hindi naman siya nagku-kwento tungkol sa isang babae!

Agh! Kailangan maging tahimik at kalma ka lang, Mhikaila. Calm calm!!

“ahh yung babae na kasama mo na nakasalamin na cute?” aish! Bakit ba hindi mo kayang pigilan mong magsalita Mhikaila!!!!

“Uh. How did you know?”

“haa? Ah yun ba? nakita kasi kita na kausap siya.”

Hindi ako tumingin sakanya.

“ano naman sakanya?”

Narinig ko siyang tumawa. “Nagseselos ka ba? dahil sa tono kasi ng pananalita mo ay para kang nagseselos.”

“Hindi ah.” Tanggi ko.

“Sus kung sasagutin mo naman ako ay saiyo –iyo mo na talaga ako. :”)”

“So ibig sabihin niyan! Hindi ka 100% na totoo sa akin? Meron kang pinopormahan, ha?!”

“Oi oi... 100% akong totoo sa'yo 'no. hahanapin ba kita at bumalik dito sa pilipinas kung hindi totoo ang naramdaman ko sa'yo. So nagseselos ka talaga?” para siyang bata na gustong gusto malaman ang sagot ko. loko 'to ah.

“Eh kung sabihin ko na OO!!! Pasalamat ka nga mahal kita eh.

Ako naman ang natigilan. Waahh! Me and my big mouth!!! Kailan ka ba talaga mag-shu-shut up MHIKAILA?? >.> pero hinina ko naman yung last na sinabi ko di ba?

O______O ß-- ganito ang hitsura niya. Hindi siya kumukurap.

“tama ba ang narinig ko?”

“Ang alin?” uh-oh sana po hindi niya narinig yun! hindi niya narinig!!! Puhlease!!!  

Hindi ako tumitingin sakanya. Hinawakan niya yung chin ko then tinaas niya kaya yung mata namin... >///< omo! Letse kang puso ka! baka marinig niya na nag-iingay ka!

“Yung huling sinabi mo.”

“yung ‘kung sabihin ko na OO’?” Pagmamaangan ko.

He grin. “Yung pinaka huli.” Then he wrap his arms to my waist. Hinila niya ako palapit sakanya. Wah!

Omo! Ang lapit ng face niya!

Ako naman titig sakanya. Waahhh!

“ii-iy-iyon lang ang s-sinabi ko wala ng iba pa.”

“Sigurado ka?” paninigurado niya. “kapag hindi ka magsasabi sa akin ng totoo hahalikan kita sa lahat ng taong 'to!” sinulyapan ko ang palagid. Woo! May nakatingin nga! dahil nga gabi na ay hindi ko makita yung mga face nila. Ang layo kasi eh.

Kahit kabang kaba ako ay sasabihin ko na sakanya. >__< wala naman kasi akong takas eh!

Mahal kita.”

“Ano???” ay bingi din siya 'no?

“Mah-hal kita.”

Shet! Hindi kere ng powers ko!!!!!!

“Kapag hindi ka magsalita ng malakas hahalikan na talaga kita eh sa harap nila.”

Dahil tumaas yung boses niya ay napalakas ang sabi ko. “I LOVE YOU!!!”

“ANO?!”

“Hoy! Bingi! Kung hindi mo narinig yun hindi ko na uu—“ Pero bigla na lamang niya akong hinalikan. Nanlaban ako ngunit habang tumatagal ay tumugon na ako sa mga halik niya. Shet! Nakakaaddict ang halik niya! Waahh!

>3<

“Pfft!” bigla siyang humiwalay sa akin. “bwahahahhaha!!!!”

TT____TT “hoy! Anong nakakatawa!!!???” dinagukan ko siya sa ulo.

“hahahhaha!!!!” tawa parin siya ng tawa!

Baka! Baka! Baka naman pinaglalaruan lang niya ako!!!

“AYOKO NA! AALIS NA AKO! HUWAG KA NG MAGPAPAKITA SA AKIN! BUMALIK KA NA DIN SA KOREA!!!”

Magwa-walk out na sana ako ngunit pinigilan niya ako at hinila sakanya at niyakap ng mahigpit.

“Aalis ka na hindi mo maririnig ang sagot ko?”

“Bakit nanliligaw ba ako sa'yo? Putik ka! ahas ka! bitiwan mo ako!”

Nagpumilit akong makawala sa mga yakap niya.

“Hahaha! Funny! Hindi ko talaga in-expect na mag-co-confess ka sa akin ng ganyan. Wala kasi akong masabi kaya dinaan ko nalang sa tawa. Sorry.”

“pakialam ko? bitiwan mo nga ako!” nang binitiwan niya ako ay naglakad na ako palayo sa kanya subalit hindi niya ako hinyaan na makaalis. Sumunod din siya!

“Oi! Oi! Oi!”

“Hindi oi ang pangalan ko ulol!”

“~________^ bakit ba galit ka?”

“heh!”

“Okay fine para hindi ka na magtampo. I LOVE YOU TOO!!!”

“I love you I love you daw?! Che!” I stop. Ako naman ang nabingi sa sinabi niya.

Humarap ako sakanya. “What?”

“psh. MAS BINGI KA PALA SA AKIN EH! I SAID I LOVE YOU TOO!” sigaw niya kaya naman yung ibang mga lovers don ay napalingon sa direksyon namin.

“>///< waah kahiya!”

“ay may nahihiya ka pang nalalaman? Sigaw na sigaw kaya tayo dito kanina pa!”

“p-pero yung sinabi mo sa akin totoo ba talaga yun?”

“OO! bakit ba hindi ka naniniwala? Tsaka di ba sinabi ko sa'yo noon pa na gusto kita?”

<//< “aba malay ko. Sabi mo LIKE eh.”

“Haayy! Like I said before. Hindi ako naghahabol sa babae ang babae ang naghahabol sa akin. Okay, sasabihin ko sa'yo ang totoo. Gusto talaga kita noon pa bata pa tayo pero hindi yun katindi na kagaya ngayon. Na-realize ko lang ng isang araw na mahal pala kita. Totoo ang naramdaman ko. “

“Ah talaga? eh bakit mo tinataboy yung mga nanliligaw sa akin? O yung lumalapit sa akin?”

“Ah iyon? =___= ayokong may umaaligid na lalaki sa'yo at totoo yun pshh. Hindi lang naman dahil sa sumpaan natin eh.”

Tumawa ako. “Sumpaan? Ikaw lang kaya ang gumagawa niyon.”

“Ha? naalala mo na?”

“yep. You force me to play with as a bride at ikaw yung groom iyak na iyak pa nga ako niyon eh.”

Lumapit siya sa akin then hinapit niya ako palapit sa kanya. “=_= ganun ba?”

Insensitive talaga niya!

“OO, NAPAKAKULIT MO! EWAN KO NGA KUNG MERON KA TALAGANG GUSTO SA AKIN NUNG BATA PA TAYO EH. PARATI MO KASI AKO BINUBULLY EH.”

 TTOTT just remembering the past makes me want to cry lol!

“=__= huh? Anong binubully? Wala akong matandaan. Ang naalala ko lang yung tears of joy mo dahil sa ginagawa ko.”

TTOTT waaaaaah! Tears of joy daw?! Sabihin niyo?! Tears of joy ba talaga yun? eh takot nga ako noon eh. But who cares? ;) hindi ko talaga in-expect na main-love sa lalaking ito. 

“Nevermind.”

“sooo......” niyakap niya ako. grinning. “tayo na?”

“Ay hindi! Hindi ! kaya nga ako pumayag na magpahalik sa'yo eh!” ;P ayokong may umagaw sa lalaking bully na 'to eh.

“tapos na ba kayong dalawa diyan?” familiar ang boses na yun.

Napalingon kami. Dahil sa tulong ng ilaw ng poste ay nakita namin siya nakatayo at nakahalukipkip.

“oi! Freezia!!!”

“=_= close kayo?” tanong ko kay Clark.

“Well, hindi pa dahil kanina ko palang siya nakakilala at uh yung kanina sasabihin ko sa'yo na inalok niya akong sumali sa gang niya isali na din kita daw.”

O___O WTF?! “you!” dinuro ko siya. “Hindi ka ba talaga titigil? Kahit ba naman si Clark?! isasali mo sa laro mo?”

Umismid siya. kaya pala lumapit siya kay clark ay dahil! DAHIL gusto niya ako mapasali sa gang niya talaga!

“Hindi ako naglalaro. Seryoso ako. tsk ang plano ko sana ay ikaw lang pero dahil nga mukhang siya ang makakakumbinsi sa'yo ay isasali ko siya at tsaka qualify naman siya sa hinahanap ko. =___= inaakala mo ba na aagawin ko siya? please lang ha? hindi ako naniniwala sa love na iyan o kung totoo man iyan wala akong pakialam diyan. Clark. wala ng bawian ha? sasali ka at isama mo ba din siya.”

“Yep.”

“Akala ko pa naman hindi ka sumusunod sa utos ng iba. Pero nagkamali ako.” sabi ko sakanya.

Tumawa siya. “Sorry. Ang totoo niyan ay gustong gusto ko talaga sumali sa gang nila sabi kasi nila magiging reyna daw siya ng mga gangster eh mukhang seryoso kaya naman tutulungan ko siya. :P mabait naman siyang bata ahahhaha!”

“Eh?! sumali ka talaga?!”

“OO tsaka I already promise to her kaya sumali ka na din tsaka kasama mo naman ako eh.”

=____= “anong magagawa ko? sige na nga.”

“Yes!” napasuntok siya sa hangin. “Girlfriend na din kita!”

“Ingay mo.”

“Wala ng aagaw sa'yo.”

“opo.” WALA NAMAN NANG-AAGAW SA AKIN AH?
 Oh who cares? as long nakasama ko siya okay lang sa akin. basta hindi siya mambabae dahil ako talaga magsasabi ng Back off he's mine!!! bwahahahah! :)
I really love this guy. sana si Dacey makakahanap siya ng lalaking mamahalin siya at siya din. >O<
*****
Author's Note that you must READ!!
Heto na po ang ending! sana magustuhan ninyo po ito kahit na short story lang ito. :) But anyways, siguro nagtataka kayo kung bakit familiar sa inyo si Freezia `no? well, well ito po ang sabihin ko sa inyo siya po ay si Freezia sa Miss Computer Freak Meets Mr. Gangster (Click na lang para basahin) siya po ay isang supporting character doon kaya familiar sa inyo. XD pero meron po siyang sariling story pero di ko po mae-post dito. SORRY! Pero sa mga interesado ay heto po ang LINK click niyo na lang ha? Freezia's Biggest Secret! sa mga interesado lang ha? fan niyo na din ako doon kung gusto niyo.
ABANGAN NA RIN NINYO ANG CHAPTER ONE NG FATE DIARY (baka nandon din si Presea at Freezia hahaha!

BAKA may book 2 ito kaya hintayin niyo na lang. :)









3 comments:

  1. Ang tagal kong naghihintay na mag-end ito para masimulan ko nang basahin at hindi mabitin! thanks for this christmas gift!

    ReplyDelete
  2. wAaah finALe n!!!! coMmeNt muNa,,,, eXcited n aq,,,,

    ReplyDelete
  3. wow!!!!! ayan bti nde n nagpakipot p si Mhikaila.... eh kasi nmn e, mhal n nga sya nung tao ayw png sbhin rin ang nararamdaman... anyway, ms. author, ang ganda po ng story nyoooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! the best po ung mga words na " pasalamat ka nga mahal kita" napaka gandang ulit ulitin sa mind... lalo na kpag may nameet na rn akong guy in the right time... GO MS. AUTHOR!!!!!!!!!!!!!





    -CASSANDRA16^_^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^