Thursday, November 8, 2012

Masyadong Masyado : Chapter 9

CHAPTER IX ---Richelle’s POV


Dito? Anong meron dito? Puro mga nakatakip lang ng tela ang nakikita ko dito. Adik yata tong si Matthew eh. Ano naman gagawin namin dito?


Richelle: sigurado ka? Dito? Ano bang meron dito?


Matthew: easy. Isa-isa lang ang tanong. You’ll found out later. See this? (sabay turo sa isang bagay na natatabingan ng tela.)


Richelle: xempre. Hindi naman ako bulag no. (ang pilosopo ko talaga)


Matthew: nandito yung surprise ko para sayo.


Ah… Nanjan pala. Patingin nga. At hinila ko yung tela na nakatabing sa sinasabi nyang surprise nya para sa akin. At…


Richelle:  anu naman yan? Sino ba yan?


Matthew: ako.


Richelle: eh ano naman ang gagawin ko jan sa picture mo na may kasama kang babae? Nang-iinis ka ba? Sino ba yan?


Matthew: ang ganda nung kasama kong babae noh.


Richelle: yeah! She’s beautiful. Pero mas maganda pa rin ako sa kanya. Hahaha.


Matthew: you wanna know who is she?


Richelle: hindi na, mas maganda naman ako compare sa kanya eh. At saka hindi ko sya type. Hindi naman ako apo ni Don Tiburcio no.


Laugh trip ako sa dahilan. Ayoko ngang makita yung babae na kasama nya sa picture, baka mamaya kung ano pa magawa ko sa kanya. Hahaha.


Matthew: you already know her.


Richelle: whatever. Hinila mo ba ako dito para lang ipakita sakin yang malaking picture nyo na yan? Yan na ba yung surprise mo? Sinasayang mo lang ang oras ko eh. Bahala ka na nga jan. (walk-out na ako. Pakelam ko ba kung sino yung kasama nya. Maganda talaga yung babae. As in babae talaga sya, hindi katulad ko, alanganin tingnan. At NAGSESELOS AKO…)


Matthew: hay nako. Grabe ka talagang babae ka. Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit kita nagustuhan eh. Para kang lalake kung kumilos at magsalita, saksakan ka pa ng pilosopo. Tapos ang lakas ng topak mo.


Richelle: whatever. Jan ka na nga.


Matthew: no. dito ka lang. hindi pa ako tapos.


Richelle: chansing ka na naman. Kanina sa kamay lang, ngayon sa bewang na. masasaktan ka na talaga sakin. Bitiwan mo nga ako.


Matthew: I’ll let you go. Just promise me na patatapusin mo muna ako. Ok?


Richelle: (bibitawan mo na ako? Ayoko! Ok nga tong ganito eh, ang close natin. Hahaha. ) howkey.


Matthew: I just want you to know na iyan yung picture na ipanglalaban namin bukas.


Richelle: so? Pagkatapos nyo kaming pagurin sa kaka-pose at yung muntik na akong maloka kasi wala akong maka-usap hindi naman pala kami yung model nyo. I think this is non-sense.


Matthew: diba sabi ko patapusin mo muna ako. Isang hirit mo pa, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.


Ano yun? Hahalikan mo ako? Magsalita ka na at ng maka-hirit na ako. Hahaha.


Richelle: ok..fine..go!


Matthew: hindi mo ba talaga nakikilala yang kasama ko sa picture?


Richelle: sa tingin mo ba kung kakilala ko yan, itatanong ko sayo?


Matthew: hindi mo talaga nakikilala?


Richelle: ang kulet! Paulet-ulet. Hindi nga diba. Kung sino man sya, eh di sya na yan.


Matthew: ikaw kaya yan. Hindi mo ba natatandaan yung gown na suot mo nung last shooting day natin? That’s you.


Richelle: huweh? Di nga. Ang ganda kaya nyang babae na yan.


Matthew: ikaw nga kasi yan. Bakit ba kasi…


Richelle: sabihin na nating ako nga yan, eh bakit iyan ang ipanlalaban nyo?


Matthew: iyan kasi yung pinili nung adviser namin. It speaks a lot of meaning, expression and emotion daw.


Ako ba talaga yung babae na yun? Ang ganda ko naman jan. akalain mo yun, may tinatago pala akong ganda. Hahaha.


Richelle: matthew, pwedeng humingi ng favor?


Matthew: sure! Ano ba yun?


Richelle: pwede bang makahingi ng copy ng picture na yan?


Matthew: oo ba. Para araw-araw mo na din makita ang kagwapuhan ko.


Richelle: tapos na ba ako? Epal ka eh. Hahalikan kita jan eh.


Matthew: kiss na! bilis. Hahaha.


Richelle: yung copy na ibibigay mo sa akin, yung hindi kita kasama. Hahahaha…


Matthew: kiss muna. Ang hirap kayang i-edit nyan.


Richelle: kiss ba ang gusto mo?


Matthew: oo.


Kiss lang pala eh. Kung gusto mo ng kiss eh di i-kiss. Madali naman akong kausap eh. Pero sa chicks lang talaga dapat. Eh ang masyado syang mainipin, bigla syang lumingon, ayan tuloy, sa lips ko sya nahalikan. Jahe naman.


Richelle: bakit lumingon ka? Dapat sa chicks lang yun eh. Naman toh eh.


Matthew: eh hindi mo naman sinabi sa akin na wag akong lumingon eh. Ulitin na lang natin. Promise, hindi na ako lilingon.


Richelle: ulitin mo muka mo. (nakaka-dalawa na sya ha. Abuso.)


Matthew: ok. Madali naman akong kausap eh.


Hala! At inulit nga. Pero hindi katulad nung kanina. Mas matagal kasi yung ngayon. “Ui Richelle, ano bang ginagawa mo? Bakit ayaw mo syang pigilan? Hindi mo naman sya BF diba?” epal talaga tong kunsensya ko eh. Bakit ko naman pipigilan eh kinikilig na nga ako. Gusto ko na ngang himatayin sa kilig eh.


Matthew: thank you for that wonderful kiss.


Richelle: bakit mo ginawa yun? BF na ba kita? (hindi ako galit nung tinanong ko sya ha. Nalilito kasi ang lola nyo. Masyadong mabilis ang pangyayare.)


Matthew: simply because I want you to feel how much I love you. Mahal na kita Richelle. Kung sasagutin mo na ako ngayon, boyfriend mo na ako.


Richelle: asa ka naman. Ligawan mo muna ako. Gusto ko ng chocolates. With ‘S’ ha. And please, ayoko ng flowers. Cakes, chocolates, pastas and pizzas will do. Hahaha.


Matthew: pwede naman na sagutin mo na ako tapos saka kita liligawan. Kahit araw-araw pa.


Richelle: ayoko ng ganon. Kung ayaw mo nung gusto ko, you better quit now.


Matthew: pasalamat ka mahal kita. (at kumis na naman ang loko. Nakakadami na talaga sya sa akin ha. Tapos ako hindi pa nakaka-isa sa kanya.)


Richelle: hoy Mr. Matthew Montenegro, abuso ka na. nakakadami ka na ah.


Matthew: future Mrs. Matthew Montenegro masanay ka na, ganyan akong magmahal eh.


Richelle: whatever. Tara na nga. Nagkakalokohan na tayo dito eh.


Matthew: sure wifey. (smack na naman?)


Richelle: wifey ka jan. ang panget ha. Hahaha.


Matthew: panget ka jan. baka ikaw panget.


Richelle: ah ganon? (sabay smack din sa kanya. Akala mo ikaw lang ha. Hahaha. Hindi ako papatalo sayo.) pangit pala ako eh, bakit gustong-gusto mo ako? Tapos panay kiss ka pa jan.


Matthew: tara na nga. Baka mahalikan pa kita lalo eh. Hahaha. (so kailangan na akbayan ako?)


Richelle: hoy, yang kamay mo, alisin mo sa balikat ko. (inalis nga nya sa balikat ko, bumaba naman sa baewang ko. Jusmio! Talaga naman o!) anu ba yan. Alisin mo yang kamay ko sa bewang ko. Pag hindi mo tinanggal yan sasapakin na talaga kita.


Matthew: nakapa-bayolente mo talagang babae ka. (sabay kiss sa pisngi ko at kagat)


Richelle: bayolente pala ako, pero gusto mo ako. Mahal mo ako. Mas baliw ka pa pala sa akin eh.


Matthew: alam ko naman na baliw ako, pero hindi ko inakala na magiging ganitong klase akong baliw. Isipin mo, sa dami ng babae dito sa University, napadpad ako sa school mo at nakilala ko ang isang baliw na nilalang na masunget, makulet, burara, pilosopo at isip bata na katulad mo. Tapos nagkagusto pa ako sayo at minahal pa kita. Pero proud naman ako na ikaw ang gusto ko at mahal ko. Nag-iisa ka lang sa mundo eh.


Richelle: ahhh… ang sweet naman. Tara nga dito. (at nilapit ko yung muka nya sa muka ko sabay halik at kagat sa lower lips nya.)


Matthew: aray! Grabe ka naman maka-kagat. Akala ko matatanggal na labi ko sayu eh. Pero thank you. I love you.


Richelle: I love you too! (bawal na ang pakipot sa panahon ngayon. Lalo na kung isang Matthew Montenegro ang nagkakandarapa sayo.)

4 comments:

  1. hndi ka ate inatake ng katamaran noh??? out of nowhere, na UD mo tong story.. hehehe..

    tapos ko na po ung book 1 nito sa PF!! yay!.. matagal na nga po un eh.. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hihihi... May sikreto ako kaya nakapag-post ako..bwahahaha...

      Actually, hindi pa rin sinisipag ang utak ko na mag-isip ng mga kabaliwan para sa mga stories ko dahil ngayon pa lang sya ulit nakakabawi sa mga nutrisyon na nawala sa kanya nitong mga nakaraang linggo...mhehehe..

      Pero wag ka/kayo mag-alala dahil sinusubukan ko na ulit magsulat kahit pa may iln pa ring problema...

      Basta, bahala na si Bro...hihi...

      Delete
  2. hALa nGuLat nMaN aq nsA oNhoLd pa tO nuNg LaSt tiMe,,, s wkAs oNgOinG uLit,,, hwaHehe,,, pEiO dHiL jAn kLaNgan kOng cMuLan uLit aNg pagBabaSa nitO pRa maRefreSh aBg utAk kO,,,


    SnA po aTe magtULuy tuLoy na aNg updAte,,, kHit oNce eVery wEek LaNg atE pLeAse,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehehe... Dont worry nicky-nicky (nagpangalan na naman ako, hahaha..) sisikapin ko na makapag-update ng mejo madalas, pero di ko pa yata ang once a week...hehehe... But dont cha worry, i'll try my very deep best...hihi..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^