Wednesday, November 7, 2012

Friends Zone : Chapter 18

[Ever Ever After Part 2]


[Richelle’s POV]


“PAY” sabi ni Regine at inilapag ang tiles sa board.


Napangiti naman ako habang inililista ang score na nakuha niya.


“Hoy! Triple word yan ah!”


“Alam ko” sagot ko at inilayo ang isang piraso ng tiles sa iba ko pang tiles.


It was a fine Friday Afternoon at kasalukuyan kaming nakikitambay sa rooftop nila Earl. Ninoy Aquino’s Day kaya wala kaming pasok sa school.


Me and my friends Regine, Yesha, and Demi try to outdo each other…or rather try to out trick each other. Batid kong mauutak ang mga ito pero madaya naman ako. Kelan ba nanalo ang mautak sa madaya?


Yung mga boys naman eh naglalaro ng cards….or nagdadayaan sa cards..haha.


Ngiti-ngiting inilapag ko ang isang piraso ng tiles sa board ng scrabble.


“PAYS” sabi ko “Triple-double word!!! Hahaha!!! Ang galing ko talaga! Ako na ang panalo!!!” tuwang-tuwang sabi ko at pinag-aasar sila.


Agad namang nagsipag-angalan ang mga ito.


“Madaya ka Richelle! Double letter lang yan. Hindi mo na uulitin yung score na nakuha ni Regine kanina” reklamo agad ni Demi. Epal talaga.


“Pavertical lang kaya ang basa dyan” angal naman ni Regine


At syempre hindi naman ako magpapatalo sa kanila. Kailangan kong ipaglaban ang karapatan kong manalo sa scrabble! Kaya ang naging resulta eh labo-labo. Para kaming clash of the titans over the board of scrabble.


Huminto naman ang mga binata sa paglalaro at pinagtawanan kami.


“Ako ang scorer” prisinta ni Marky


“Ako referee” sagot naman ni Trace


“Ako naman ang watcher” ani naman ni Paul


“At ako ang escort!” nagmamalaking sagot ni Laxus.


Maang na napatingin kaming lahat sa kanya.


“Escort??? Aanhin naman namin ang escort?” mataray na tanong ko.


“Syempre para mainspired kayo lalo. Ako kaya ang pinakagwapo dito” pagyayabang pa nito.


“Lols! Si Gray kaya yun” binato pa ito ni Marky ng piraso ng potato chips


Agad naman iyong nasalo ni Laxus at isinubo.


“Lamang ka lang sakin tol ng isang paligo” sabi nito kay Gray


“Oo..isang paligo..isang drum ng paligo” pang-aasar ko sa kanya dahilan para magtawanan ang grupo.


Ang sama naman ng tingin sakin ni Laxus..hehe


“Kayo…nagdadayaan kayo palibhasa wala si Jhonah eh” nakasimangot na sabi ni Laxus. Hindi yata makaget-over sa pang-aasar ko..hehe


“Oo nga..kung nandito si Jhonah talo na kayong lahat” segunda ni Marky.


We already knew that Jhonah is the brainiest among us…with the exemption of Earl. Ito lang kasi ang nakakatapat kay Jhonah. Nung nagsabog ng talino at talent ang Diyos eh sinalo na ata lahat nun ni Jhonah. Kaso nung nagsabog ng pagiging babae..ayun tulog na tulog.


“Speaking of Jhonah..nasaan na nga ba Jeirick yung kapatid mo?” usisa ni Gray


Nagkibit-balikat naman si Jeirick.


“I don’t know. Maaga silang umalis ni mommy eh”


“Ganun ba? Hindi naman siya nagrereply sa text ko eh. Ayoko namang tawagan sayang ang load” sagot ni Regine.


Oh diba? Mana mana lang ang pagiging kuripot sa grupong ito.


Agad na tumayo si Demi sa pagkakasalampak sa sahig.


“Ayoko na.dinadaya lang tayo ni Richelle eh.” Nakasimangot na sabi nito at pinagpagan ang short shorts na suot. Naupo ito sa hita ni Jeirick. Niyakap naman ni Jeirick ang nobya.


Parang gustong tumirik ng mata ko sa uber!!!!! As in uber kasweetan ng dalawang magjowang ito. Tama bang sa harapan namin maglampungan? Hmfpt! Mahihiya ang asukal sa kanila eh.


Tumayo na din tuloy ako at baka madamay pa ako sa langgam na nakapalibot sa kanilang dalawa. Binitbit ko ang pitsel sa lamesa na wala ng laman.


“Kukuha lang ako ng inumin” sabi ko at hinila patayo si Regine. “Samahan mo ako”


“Bakit? Isang drum ba ang kukunin mo?” angal nito.


Saktan ko kaya itong babaeng ito at ng matauhan.


“Huwag ka ng maraming tanong. Sumama ka nalang” teka..parang tunog holdapper naman yata ako…di bale na nga … at hinila ko na siya pababa.


>_<


“kumusta ka naman?” agad na tanong ko kay Regine pagdating namin sa kusina at iniabot sa katulong yung pitsel. Akala niyo ako ang magtitimpla noh? Malakas lang ang loob ko pero ang totoo gusto ko lang talaga mapagsolo kami nitong si Regine.


“Okay naman. Para namang ang tagal nating di nagkita kung mangumusta ka” kunot-noong sagot ni Regine.


Pinandilatan ko siya ng mata.


Yung ganito ( O _ O )


“That’s not what I’m talking about! I’m referring to your lovelife. About you, Jeirick and Demi.”


Napabuntong-hininga ang bruha habang nilalaro laro ang buhok niya. Oh sige..ikaw na si Sisa..agawan mo na siya ng papel. Try mo na ding sumigaw at hanapin si Crispin.


“Ahh yun ba? Ok lang…tanggap ko na naman eh…tanggap ko na si Demi talaga ang mahal ni Jeirick…kahit na mas maganda at mas mabait ako kesa kay Demi.. sana lang maging happy sila.”


“Grabe mukha ngang okay ka na..kasing lakas na ng hangin ni Paul ang inilalabas mo eh.”


“Paul ka dyan!”


Asus!!! Kunwari padeny deny pa…if I know kinikilig naman siya. Hmfpt!


“Nakamove on ka na yata kay Jeirick eh”


“Hmmm..medyo” pakipot pang sabi.


“Asus! Medyo ka dyan..akala mo ba hindi ko alam na nagiging close na kayo ni Paul? NaPo-Paul ka na ba sa kanya??” pang-aasar ko pa sa kanya.


Agad namang namula ang pisngi ng loka…halatang halata eh.


Napansin ko na naging malapit sila after nung debut ni Regine..kung paano nangyari iyon eh hindi ko alam. Ang mahalaga okay sila.


“Uy!!! Nagbablush!!! Palibhasa totoo” tudyo ko at kiniliti pa siya sa bewang.


“Ano ba? Hindi pa kaya kami”


“Hindi pa??? so ibig sabihin malapit na…hay naku Regine…dyan naman nagsisimula ang lahat eh.” Sabi ko at nakapangalumbabang naupo sa silya. Tapos ng refill-an ni Ateng maid yung pitsel pero hindi pa ako tapos kausapin si Regine kaya mamaya na. “Nakakainggit naman kayo. Ako kaya kelan magkakalovelife? Kahit man lang sana likelife eh…kaso wala. Ikaw may Paul na…si Jeirick may Demi, maski si Jhonah na walang interes sa lalaki eh may lovelife.tapos ako wala” himutok ko na animo malaking problema ng bansa ang kinakaharap ko.


Problema naman talaga yun eh… problemang puso.


“Si Jhonah??? Sino naman ang lovelife nun?” nagtatakang tanong ni Regine.


Palibhasa may Paul kaya wala ng pakialam sa paligid eh.


“Sino pa eh di si Earl” naghahabang ngusong sagot ko.


“Si Earl??? Talaga? Sila na?”


“Hindi.. pero obvious naman na may Chemistry sa dalawa eh. May Physics pa at Biology. Pero ako ultimo General Science wala!” Atungal ko.


“Hindi kita magets. Ang gulo mo”


“Tangalin mo kasi yang agiw sa utak mo”


“Yabang nito”


Agad akong humarap kay Regine at hinawakan siya sa balikat.


“You have to help me” seryosong sabi ko.


Halata namang nagulat si Regine “help you on what?”


“Operation lovelife”


“Whhhhaaattt???” bulalas ni Regine “Are you into drugs or something?”


“No I’m not! I’m just desperate having a lovelife!!! Kaya Regine…you need to help me pleeeaaasssseeeee!!!!” pagmamakaawa ko pa. kasing haba nga yata ng San Juanico Bridge yung “Please” ko eh.


Napabuntong-hininga si Regine tanda ng pagsuko.


“Okay. What do you want me to do?”


“Find me a boyfriend!”


“Duh? As if ganun kadali?! Kung makapagsabi ka parang bibili lang ako ng suka sa tindahan ah… kung ako nga walang mahanap na boyfie ihahanap pa kita” nakataas ang kilay na sabi ni Regine.


Bruhang ito sinisira ang pangarap ko palbhasa masaya siya.


“You don’t have to find a boyfie because you already have Paul. Kaya ako ang ihanap mo”


“Hindi ba pwedeng magkaroon ng choices?”


“Hinde! Wag kang epal. May Paul ka na maghahanap ka pa ng iba. Okay na si Paul”


“Okay fine…so why don’t we start with our boys?” suggestion ni Regine.


“Hmmm.. it’s okay. Atleast kilala ko na sila. Pero sino naman dun?”


“Out of the list na si Jeirick kasi may jowa na siya pero kung gusto mong mag ala Anne Curtis or Bea Alonzo or Andy Eigenman eh bahala ka ”


“ Sira ulo ka…wala akong pangarap maging mistress noh! Out na din si Paul kasi sayo na siya.” Kinurot naman ako ni Regine. Ang arte…hehe “i-out mo na din si Earl kasi ibibigay ko na siya kay Jhonah” naks! Parang pag-aari ko lang si Earl ah..hehe


Tumango si Regine.


“So the only persons left are Marky, Trace, Gray and Laxus”


“Ayoko kay Gray…hindi ko feel ang masyadong gwapo..maraming kaagaw…si Laxus naman maaga akong matutuyuan ng dugo. Maya’t maya tumitingin sa ibang babae”


“Talagang may comment ka na ah…so it’s just a battle between Marky and Trace”


“Hmmm.okay si Marky…okay din naman si Trace”


Nag-isip kami ni Regine (kunwari meron kami nun..hehe) pero bago pa kami makapagsalita ulit ay biglaw lumitaw si Trace sa kusina.


“Ang tagal niyo kaya bumaba na ako. Baka nadaganan na kayo ng juice eh” nakangiting biro ni Trace.


Nagkatinginan kaming dalawa ni Regine at sabay na napangiti. Mukhang pareho kami ng naiisip.


***


[Trace POV]


“Haayyy! Nakakabagot!” sabi ko at pasalampak na naupo sa bench.


Nasa gymnasium kaming dalawa ni Marky at naglalaro ng basketball.


“ Bakit nga pala dalawa lang tayo ngayon?” takang tanong ni Marky habang nagdidribble ng bola. Shoot ito sa ring ng basket.


“Hindi ko din alam eh”


“ahhh excuse me” sabay pa kaming napatingin sa pinto ng gym.


“Oh Yesha ikaw pala” bati ko sa kanya “ bakit?”


“Tuloy ka Yesha” yaya ni Marky


“Bahay mo ‘tol?” natatawang sabi ko naman.


Lumapit samin si Yesha.


“itatanong ko lang sana kung nakita niyo ba si Demi?”


Muling ipinagpatuloy ni Marky ang paglalaro habang nagsasalita “Huwag mo ng masyadong pinag-iintindi yung pinsan mo Yesha..malaki na yun. Baka kasama lang ni Jeirick yun”


“Oo nga…istorbo ka lang dun” sabi ko naman.


“sana nga…oh Trace bakit ganyan ka makatingin?” naiilang na tanong ni Yesha dahil titig na titig siguro ako sa kanya.


Hoy! Baka naman isipin niyo agad na may gusto ako kay Yesha ah..hindi yun ganun.


“Yesha marunong kang manghula diba?” tanong ko.


Tama po mga kaibigan. ..iyon ang gusto kong itanong sa kanya kaya ko siya tinititigan.


Huminto si Marky sa paglalaro at tumingin samin.


“Talaga Yesha? Marunong kang manghula?” interesadong tanong ni Marky.


Kiming tumango naman si Yesha.


“Medyo”


“Eh mangulam marunong ka? Witch ka siguro noh!” pang-aasar sa kanya ni Marky


“Hulaan mo nga ako” sabi ko sa kanya. Inignore ko nalang yung sinabi ni Marky “ Gusto kong malaman kung sino ang future girlfriend ko”


“Ako din. Sinong destiny ko.” Singit naman ni Marky.


“Sige..pero di ako masyadong magaling ah” pagpayag ni Yesha.


“Okay lang yun” sabay pang sabi namin ni Marky


Naupo si Yesha sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko upang tignan ang mga palad.ko. nakiusyoso naman si Marky samin.


Sinimulang basahin ni Yesha ang palad ko…although hindi ko maintindihan kung paano niya iyon ginagawa samantalang puro linya lang naman ang nakikita ko.


“isang taong malapit sayo ang kukuha ng interes mo.” Sabi ni Yesha at tinitigan ako. “actually, nakuha na nga niya ang interes mo eh”


“Malapit sakin?”  nagtatakang tanong ko.


Sino naman kayang malapit sa akin yun?


“Malay mo nandyan lang siya sa tabi-tabi… ilingon mo lang ang paningin mo” nakangiting sabi ni Yesha


“Lumingon sa tabi-tabi” sabi ko at tumingin-tingin sa paligid ko. “Wala naman---“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pagtingin ko sa pinto ng gym ay may natanaw ako….at kumuha ng interes ko.


Agad kong dinampot ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng gym.  Hindi ko na pinansin ang pagtawag sakin ni Marky o ang nang-aasar na ngiti ni Yesha.


* * *


6 comments:

  1. LaxuS kELan pa naGkaescOrt s LarOng yAn,,, pAusO tLga,,, kKtawA,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..next tym pag naglaro kayo ng scrabble..kumuha din kayo ng escort.haha..pauso lang hehe..

      Delete
  2. this UD made my day!! ang saya-sya talaga pagmgkasama ang mgbabarkada.. kaso wala si ate..

    shemay lang!!! anebeyen!!! super kilig ako dun sa super ikling scene namin ni jeirick mylabs ko.. kakabitin!! hahah.. sa sobrang tili ko,napagalitan ako ng wala sa oras.. baka daw may sumigaw na ng "sunog" because of me.. hahaha!!!

    tama!!! hndi ka lng matutuyuan ng dugo kei laxus,mauubos na ang dugo mo sa konsumisyon.. hahah.. kwawa nman ang walang lovelife.. sabaw lang.. haha,operation love pala hah.. we'll see about that.. akitin na si trace!!!

    saan na ung scene nila earl and jhonah nung last?? i thought nag date rin ung dalawa eh.. heheh

    naku yesha, ala madam auring ka pala.. hndi mo naman sinabi.. pinsan bah talaga kita?haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku demi-chan..mabuti nalang at pinaalala mo na nagdate nga pala kami ni "Earl my loves" ko..haha...gagawan ko ng story pa pala yun..domo arigato..haha..

      badtrip lang di ako makapag update kasi dami istorbo sa opiz eh haha...basta try ko makapagupdate na..

      if my story made your day...your comment naman made me smile :) saya tuloy ng araw ko..haha

      thank you demi-chan..namiss kita.<3

      Delete
    2. dou itashimashite.. :))

      good thing i remembered it.. pati nga yung past namin ni jeirick mylabs ko.. hndi na i-reveal.. itinago na kei mang doro.. hahaha..

      na miss din po kita ate!!! dats why late na po ako nkapag comment.. nung kelan lang po kasi ako nkabalik sa cyberworld.. haha!!

      Delete
  3. So cute ni Richelle. Ang kulit niya.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^