Tuesday, November 6, 2012

Friends Zone : Chapter 17

[Ever Ever After Part 1]

A/N : Please Read first!!!!


In case na maguluhan kayo ah…since sinabi ko nga na ihihiwalay ko ang bawat story ng bawat isa..may mga instances dito na sabay sabay sila nagaganap.. halimbawa. .yung POV ni Regine…kasabay ng POV ni Richelle…magulo ba? Ganito…habang nagaganap ang kwento ni Regine..nagaganap din ang kwento ni Richelle… syempre nasa ibang lugar sila…hehe..magulo pa din? Basta…yun na yun..hirap iexplain..pasensya na..


Start na ng buhay-pag-ibig ni Richelle ;)


Ano naman kayang pang-gugulo ang gagawin ko sa kanya?? Hmmm…



***

[Richelle’s POV]


“Nasaan na ba yung babaeng yun? Anong petsa na…ilang beses ko ng sinasabing ayoko ng pinaghihintay ako eh!”



Yamot na yamot na ako. Kanina pa ako nandito sa waiting shed kung saan usapan naming magkikita ni Jhonah. Kaso namumuti na ang mata ko pero wala pa din siya. Ni anino niya hindi ko man lang matanaw! Kahit kelan talaga hindi nun alam ang ibig sabihin ng punctuality!



“Iche!!!!”



“Peste ka dumating ka pa!”



“Aba??? Pasalamat ka nga at dumating pa ako eh” humihingal na sabi ni Jhonah



“Wow ha?? Thank you! Isang oras lang naman ako naghintay sayo!”



“OA mo ah! Forty five minutes lang kaya…advance yang relo mo ng fifteen minutes.”



“Talagang nangatwiran ka pa” hindi na nga yata talaga mawawalan ng katwiran itong babaeng ito.



“Syempre henyo ako eh…nasaan si Regine?”



“Hindi daw siya sasama”



“Attttttt baaakkkkkkeeeettttt?????”


Yung pagkakasabi niya ng at baket eh parang tunog bakla. Sira ulo talaga. Slang!


“Pwede wag sumigaw? Katabi mo lang ako oh”



“Bakit si Regine pwede hindi pumunta…bakit ako pinilit mo? Ang daya mo”



“Eh kung hindi kita pinilit eh di wala akong kasama…saka wag ka na ngang magreklamo late ka na nga eh”



“Ayoko naman talagang pumunta eh”



“sasagot ka pa eh..tara na”



Teka nga..saan nga ba kami pupunta nitong babaeng ito?



Ay oo nga pala…kagabi niyaya ko sila ni Regine na manood ng sine. Saka maglibot sa mall…kaso hindi daw pwede si Regine kasi aalis sila ng mommy niya kaya ayun etong madaldal at reklamadorang babaeng ito ang kasama ko…sa totoo lang mas gusto ko kasama si Regine kapag namamall kasi pareho kami ng mga hilig nun.eh itong si Jhonah tamad maglibot niyan eh…puro pa reklamo..hindi yata iyan mabubuhay kapag hindi nakapagreklamo eh…kaso wala akong choice kundi pagtyagaan siya kasi ayoko namang mag-isa..



“Nasaan yung kotse mo?” tanong ko sa kanya.



“Chuzy ka??? Magjeep nalang tayo..mahal ang gasolina…mahal ang VAT..at madaming batang nagugutom”



“Eh ano bang pakialam ko sa kanila..hindi naman sila mabubusog kapag nagjeep tayo ah at kapag nagtipid tayo ng gasolina..bakit?? iyon ba ang kinakain nila???”



“Tanga! Nakakain ba yun eh liquid yun?! Ipakain ko kaya sayo yun!”



“Tanga ka din..hindi ka ba nag-aral ng Science ah?? Anong liquid ka dyan…Gas yun! Kaya nga GASOLINA diba? Engot nito”



“Sige! Ako na bobo at tanga..ikaw na matalino…pero magjejeep tayo”



“Ano ba Jhonah! Nakaskirt ako oh…”



“Sino bang nagsabi sayong magskirt ka?”



“Eh kasi akala ko dadalhin mo yung kotse mo”



“Madaming namamatay sa maling akala”



“Magtaxi na nga lang tayo…kuripot talaga itong babaeng ito”



“Hindi ako kuripot..praktikal lang ako..at ikaw..saka ka na magreklamo dyan kung ikaw ang nagtatrabaho para sa sarili mo..umaasa ka pa din sa parents mo kaya magtipid ka”



Hay naku! Hindi pa man kami nakakaalis eh nabwisit na ang araw ko. Pumara na agad ako ng taxi bago pa ako maunahan nitong babaeng ito na  magpara ng jeep. Sa totoo lang never pa akong sumakay ng jeep or bus…ayoko kasi ng siksikan eh…maarte na kung maarte..pero afford ko naman ang magtaxi. Ayaw pa kasi akong bilhan ng kotse nila daddy eh..asar lang…tapos pahirapan pa bago ako pahiramin ng kotse. Kainis.



“Ano bang panonoorin natin?” tanong ni Jhonah ng makarating kami sa SM Mall of Asia.



“Snow white and the huntsman”



“Ano ka bata???”



“Sira! Hindi pambata yun noh! Si Bella ang bida dun saka si Thor”



“Nagjoin force na ba ang Twilight at Thor? Ano ng nangyare kay Edward?” napunta na din ba sila sa outer space? Eh si Thor? Mga bampira na ba ang kalaban niya ngayon? Paano na si Loki? Sino na ang aawayin niya?” dire-diretsong tanong ni Jhonah.



“Ikaw talaga kahit kelan engot ka”



“Ikaw na matalino! Sorry ha??? Bumili ka na ng tiket! Saktan kita dyan”



Pagpunta namin sa cinema, 2 hours pa ang hintayin namin bago ang kasunod na show kaya bumili nalang muna kami ng tiket at naglibot nalang muna.



“Richelle bibilhin mo ba yang damit na yan? Kung bibilhin mo bilhin mo na..kanina mo pa hawak eh” yamot na sabi ni Jhonah.



“Eh namimili pa ako eh.wag ka ngang magulo.” Ipinakita ko sa kanya ang dalawang damit na hawak ko. “Ano mas maganda dito?”



“Damit ba yan??? Hindi ba yan swimsuit?” turo nito sa hawak ko na tube “at eto??? Ano pang itatago mo dito?” sabi naman nito sa halter v-neck na pinili ko.



“Ikaw kahit kelan talaga wala kang alam sa fashion”



Biglang may pumasok sa isip ko ng pagmasdan ko si Jhonah.



Loose t-shirt, Maong pants at rubber shoes na naman ang suot niya.



“Hoy! Nga pala naalala ko..may utang ka pa sa akin na cap diba? Yung tinapon mo nung nag EK tayo” (A/N : Read Chapter 8)


“Hindi mo pa nakalimutan yun?”


“Hindi..sabi mo dalawa bibilhin mo…bilhan mo ako”


“Oo nga…sa isang kundisyon”


“Bakit may kundisyon pa kapal ng mukha nito”


“wag ka ngang epal dyan.” Namili ako ng damit na sa tingin ko ay pwede.


“Isukat mo” sabi ko at inabot sa kanya ang damit na napili ko.


“Ano? Hindi ba ako magkapulmunya dito?”


“Arte mo ah..nagdress ka nga nung birthday ni Regine eh”


“Birthday yun..bakit? birthday mo din ba?”


“Hindi..regalo ko sayo yan”


“Birthday ko ba?”


“Jhonah sisipain na kita isukat mo na yan”


Kaloka itong babaeng ito.


Nagrereklamo na pumasok siya sa loob ng fitting room…..kaso 10 minutes na ang nalipas di pa din siya nalabas.


“Hoy! Natulog ka na dyan?” kinatok ko na siya sa labas ng fitting room.


“Richelle bakit ganito?”


“Buksan mo nga itong pinto at ng malait na kita”


Binuksan naman ni Jhonah ang pinto at pumasok ako sa loob. Pagpasok ko eh nakita ko si Jhonah na nahihiyang nakatingin sa salamin.


Uy! Nagbablush ang lola mo!


“Kita yung cleavage ko” reklamo ni Jhonah.


“Biruin mo yun??? May cleavage ka pala???” natatawang asar ko sa kanya.


“ayoko nito” akmang huhubarin ni Jhonah yung V-neck- halter na napili ko para sa kanya. ..kapareho siya ng napili ko iba nga lang ng design at kulay.


“Ano ba maganda nga eh..bagay sayo”


“Ayoko nito..kita mo nga…labas na dibdib ko..tapos kita pa strap ng bra ko”


“Okay lang yan..maganda naman yung bra mo”


“Sira ka ba? Ang bra itinatago iyan..hindi ipinapakita kaya nga underwear eh”


‘Depende naman yun…ayan na isuot mo..tapon mo na yung tshirt mo”


“Hoy! Mahal ng bili ko dun ah”


“Whatever..ayan na isuot mo” sabi ko at hinila na siya palabas ng fitting room.


“Ayoko nga” at nagpipilit talaga itong babaeng ito.


Mistula kaming naghihilahang dalawa.


“Umayos ka! Kapag hindi mo sinuot yan hindi ko bibilhin yung hinihingi mong stuff toy ni Detective Conan.”


May nadaanan kasi kaming Comic Alley kanina kung saan nagbebenta ng mga anime paraphernalia…hehe


“Ang daya mo”


“Mabait pa ako noh?! Ang madaya yung mga nakaupo sa gobyerno”


At dahil alam kong isip-bata at uto-uto iyang si Jhonah…ayun sinunod niya ang gusto ko…isinuot niya yung pinili kong damit para sa kanya…mabuti na nga lang at fit yung pants niya.


“Hoy Iche..daan muna tayong Comic Alley..baka abutin na naman ng dekada yung stuff toy ko”


“Oo na…masyado itong sigurista”


“Bilisan mo na..kapag may nakakita sakin na ganito suot ko nakakahiya”


“Sino namang makakakilala sayo dito eh ang layo ng MOA sa atin”


Pumunta nga kaming Comic Alley ni Jhonah.


“Hime-chan anong ginagawa mo dito?”


“Trace! Ikaw pala…bakit nandito ka?”


“May bibilhin ako..ikaw?”


“Sinamahan ko si….teka…asan na nga ba yung babaeng iyon?”


Tignan mo yung si Jhonah bigla nalang nawala. Tsk! Paghahanapin pa ako eh.


“Trace tara na wala pa daw silang stock eh”


“Earl?”


“Richelle”


“Magkasama kayo?”


“Oo..ikaw sino bang kasama mo dito?”


“Si ano….”


Sa dami naman ng pwedeng makakita sa amin ni Jhonah bakit itong dalawang ito pa? Naku! Kawawang Jhonah.


“Iche eto na…bayaran mo na” animo magic na bigla nalang sumulpot sa tabi ko si Jhonah.


“Jhonah??”


“Senpai??”


Sabay na sabi pa nila Trace at Earl.


Halleerrr? Obvious bang gulat na gulat sila?


“Sino kayo? Hindi ko kayo kilala..tara na Richelle bayaran mo na ito” at hinila na ako sa kamay ni Jhonah. Naku! Panigurado hiyang-hiya na itong babaeng ito.


“Wait….ikaw ba yan? Bakit ganyan ang suot mo?” pangungulit ni Trace.


Talagang sinusundan nila kaming dalawa.


“Hindi ako ito..imagination niyo lang ako”


Sa wakas nakarating na din kami sa cashier.


“Miss magkano?” tanong ko sa cashier.


“650 pesos Ma’am pero dahil nakapromo yan 630 nalang po”


Akmang maglalabas na ako ng pera sa wallet ng may mag-abot na ng bayad sa cashier.


“Earl?”


“Kay Jhonah yan diba?”


Napatingin ako kay Jhonah kung saan kausap na ngayon ni Trace.


“Yup”


“Ako na magbabayad”


Matapos makuha ang sukli eh si Earl na din ang nagdala nung stuff toy.


“Naku..magstart na pala” sabi ko ng mapatingin sa relo ko.


“Magstart ang alin?” tanong ni Trace


“yung movie..tara na Jho”


Akmang aalis na kami ni Jhonah ng pigilan siya ni Earl.


“May bayad iyang stuff toy mo” sabi nito kay Jhonah


“Anong bayad ka dyan?”


“Ako nagbayad niyan”


“Anong ikaw? Si Richelle kaya”


“Itanong mo pa kay Richelle”


Tumingin naman sakin si Jhonah.


“Anong sinasabi nitong lalaking ito?”


“Sya nagbigay ng bayad dun sa cashier”


“Bakkkkeeettt???”


Again..another baklang “Baket”


“Sige na Richelle..si Trace nalang ang isama mo manood…maniningil muna ako ng utang”


“Wait lang---“ pigil ko sa kanila. Ayoko namang basta nalang iwan si Jhonah noh!


“Tara na Hime-chan..hayaan mo na yan si Senpai kay Earl” sabi ni Trace at hinila na ako paalis.


“Hoy Richelle! Wag mo akong iwan” akmang susunod sa akin si Jhonah pero di binitawan ni Earl ang kamay niya.


Hayyy!!! Ano kayang mangyayari???



***


“Oh? Anong tinatawa-tawa mo dyan?” tanong ko kay Trace


“Wala naman…so okay lang ba sayo Hime-chan na ako ang kadate mo?”


“Hime ka ng hime dyan…diba sinabi ko sayong Richelle ang pangalan ko?”


“Mas gusto ko ang Hime”


“Eh bakit hindi ka magpabinyag ulit at palitan mo ang pangalan mo diba?”


“Hmmm sige pag-iisipan ko yun”


“Ewan ko sayo..tara na nga bili na tayo ng food at magstart na yung movie..wala na akong choice hinila na ni Earl si Jhonah eh”


“Grabe ka naman..nakakasakit ka ng damdamin..parang ayaw mo akong makasama niyan”


“Hindi naman sa ayaw..kaso nag-aalala ako para kay Jhonah”


“Wag kang mag-alala dun..kaya na ni Earl yun” sabi ni Trace at inakbayan ako.


“So talagang may akbay pa?”


“Eto naman walang kasweet-sweet sa katawan”


“Bakit? Boyfriend ba kita?”


“Hindi…pero kung gusto mo akong ituring na boyfriend..okay lang sakin”


Manghang napatingin ako kay Trace.


“Okay ka lang ba? Hindi ka naman ba nilalagnat?...Parang ako yung giniginaw sayo eh”


“Giniginaw ka? Wala akong jacket eh..yakapin nalang kita”


“Adik ka Trace?”


Pagkaabot ng ticket namin sa incharge sa entrance ay pumasok na kaming dalawa ni Trace sa sinehan.


“Hime dahan-dahan ka..madilim” paalala ni Trace sakin.


Come to think…first time kong manood ng sine na lalaki ang kasama ko at dalawa lang kami. Kasi madalas kapag nanonood ako ng sine sina Regine at Jhonah ang kasama ko..kung may kasama man akong lalaki..grupo kami.


Napatingin ako sa kamay kong hawak ni Trace. Inaalalayan niya kasi ako para hindi ako madapa dahil madilim ang paligid.


First time ko din na hawakan ng lalaki ang kamay ko…ganito pala ang feeling.


“Eto..dito tayo..ingat ka Hime”


“Thanks”


Hindi pa naman nagstart yung movie. Pareho kaming tahimik lang ni Trace. Maya-maya ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.


1 message received

Bruha ka bakit mo ako iniwan?!

Sender:
-Buttercup


“Sino yan?” tanong ni Trace at sinilip ang cellphone ko. Tsismoso much!


“ahhh si Jhonah”


“Bakit buttercup?”



“Kasi powerpuff girls kami eh..si Regine si Bubbles, ako si Blossom…baduy noh?”


“Hindi ah..astig nga eh…sige ako naman si Mojo-jojo..haha”


Biglang namatay na lahat ng ilaw sa loob ng sinehan..magstart na yung movie.


“Nilalamig ka pa ba? Open pa yung offer ko” nakangiting sabi sakin ni Trace


“Offer?”


“Yung sinabi ko kanina”


Inisip ko naman kung anong offer ang sinasabi ni Trace.


“Giniginaw ka? Wala akong jacket eh..yakapin nalang kita”


“Sira ka talaga..manood ka na nga lang dyan.” Sabi ko at ipinokus na ang paningin sa malaking screen.


Pigil na pigil kong ngumiti dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit parang…..kinikilig ako.


***

8 comments:

  1. eh ang cheesiness nitong dlwang to eh!!!! ahhhahahahah! i luv u trace!!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku bhebhe..lagot ka kay gwing gwing...hahaha..

      >ikaw yung may hawak na camera dun sa picture *yung character mo pala* hehe..lapit ka na lumabas sa lungga mo hehe...

      Delete
  2. ~angel is luv~

    ang cute!! bagay n bagay ang powerpuff girls sa tatlong yun!
    ang galing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. waaahhhh!!! thank you poh :)*kilig kilig*

      Delete
  3. whahahahaha!!!! alam na alam nyo talagang dalawa ni Regine kung pano ako papasayahin at papatawanin after kong umiyak...ahihihi...kaya mahal na mahal ko kayong dalawa eh...


    kinikilig naman ako dito... pero parang nikakabahan din ako dahil sigurado ako na napaka-complicated na naman ng lovelife ko dito... syempre pa sa ganyan mahusay ang bruhang author nitong story na to..ang manggulo...hahaha...


    more updates please... i want to be very very much happy... kung pwede lang sana everyday may update para everyday masaya din ako....(ang demanding ko lang diba...)


    aymishu pressy and bratty...

    ReplyDelete
    Replies
    1. alabyu too gwing gwing!!! bukas may update ulit ako..haha....oh di ba? pinaghirapan ko pang iedit yang picture niyo..tama..sa lagay na yan eh pinaghirapan ko na yan..haha..pasensya wala akong talent sa art eh..

      at tama ka jan gwing..complicated talaga ang lovelife mo dito...nagtaka ka pa ako ang author eh..hahaha.. "it's complicated" nga ang buhay ko diba? haha...pero dont worry and dont cry baby...haha...akong bahala sa lovelife mo..kahit dito man lang makabawe ako sa utang ko kay "west" mo..haha...

      wag ka na malungkot..bawal ang panget..haha...

      Delete
  4. nak,yari tayo jan.. henyo kharap mo ate richelle,ganyan talaga,tanggapin na lang.. haha.. sasama na nga lang,ang dami pang satsat.. hndi nman obvious na hndi nya hilig ang mgshopping?haha.. dapt jan kei ate jho eh,TOTAL MAKOVER!! thumbs up if guys agree w/ me! :D

    humagalpak talaga ako sa tawa about sa twilight and thor.. and also sa tube and halter dress.. hahaha.. makapanglait lang eh noh??

    loading lang ate?? "hime" means "princess".. ur his princess daw!! shaks!! ang cute ng endearment niya for you!! and what a gentleman huh!! soo sweet!! dali! offer accepted nah!!! sayang yan!!

    ano kaya ang nangyari sa kabilang partner??

    ReplyDelete
    Replies
    1. super nakakatuwa talaga ang comment mo..detalyadong detalyado ah..napapangiti tuloy akong mag-isa dito na parang baliw..haha..

      ako din nung ginagawa ko yang update na yan natatawa din ako eh..haha..

      sige sige wait mo yung story nila Earl at Jhonah..gyera yun..haha

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^