Saturday, November 10, 2012

Back Off She's Mine!: Chapter 10

Back Off She's Mine!
Roland’s POV


~.^ may POV ako? tsk! Sa totoo lang wala akong interesado na magkaroon ng POV pero dahil nga meron wala na ako magagawa... at nga pala yung usapan namin ni Clark ay e-sekreto niyo ha? Parte na ng nakaraan ko na 'yun.... tsaka bata pa kaya ako...




Kasalukuyan na naka-upo ako dito sa bench at nagpapahangin... nagtataka siguro kayo 'no kung bakit gusto ko na hindi maalala ni Mhikaila yun 'no? dahil lang naman... ako naman ang saksi kung pano niya binu-bully ni Clark siya at tsaka kaya nga din hindi ako nakipag-lapit sa kanya dahil din don... ah... didn’t expect na hahanapin niya si Mhikaila at ang lakas naman ng loob niya na magpakita at ngayon inaangkin niya na sakanya si Mhiakila...


Bastard!


“Mukhang nag-iisa ka ata dito ah.”


Nag-angat ako ng ulo at nakita si Helena...


“Anong ginagawa mo dito?”


Ngumiti sya.. “kagaya mo nagpapahangin tsaka lunch break naman ah. Oi gusto mo sumabay sa akin na mag-lunch? Libre ko ^____^”


“>.> may pera naman ako para bumili 'no.. I don’t need your money.”


“okay... tara na!”


Hindi naman masama na sumama sa kanya dahil childhood friend kami kahit ganyan iyan hindi naman siya masama na gaya ng iniisip mo... >.> suplada siguro OO at maypagka-flirt kapag kung sino matipuhan niya ay nilalandi niya so far isa pa lang ng naging boyfriend niyan... XD


Pagdating namin sa Canteen ay nakita namin ni Helena si Clark at si Mhikaila...  O_____O


“oh. Mukhang ata na magkasundo sila >.> 'no ba iyan.”


Mhikaila’s POV


J sisimulan ko na 'yung plano ko hehehe.. at since niyaya naman niya ako ay hindi ako tatangi doesn’t mean na sumama ako sakanya ay pinatawad ko siya sa ginawa niya nung bata pa kami... I know na parang childish naman ito pero duh! Kayo kaya sa kinatatayuan ko! Hmp!


>.> “Pumili ka na ng makakain mo... libre ko...” He said...


Lihim na napangisi...


“Oo ba... >.> kaso nga lang in-imbita ko ang kaibigan ko kaya e-libre mo din sila...”


Namataan ko sina Helena at Roland... kumaway ako sakanila... “At oo nga pala isali mo na din sila ha? OI SUMABAY NA KAYO SA AMIN.”


^__^ anong plano ko? eh uubusin ko ang pera niya hahha! Tingnan natin kung meron pang matitira sa pera mo! kaso nga lang di ako pinansin ni Helena L pakialam ko ba sakanya si Roland naman ay nagpaumanhin na lang at hindi rin tinanggap -____- doon sila sa malayo mesa at di malapit...


“Nandito na ba sila? Ang tagal naman ng kaibigan mo.” naiinip na sabi niya.


Oo nga ang tagal naman nila what take them so long?


Bigla na lang tumunog yung cellphone ko... Si Dacey ang nakarihestro na pangalan doon.


“Hello, Dacey? Bakit ang tagal niyo ang lapit lang naman ng Canteen ah...”


“Mhikaila, sorry ha? Di kami makapunta diyan ni Suzy dahil may gagawin kasi kami eh... importante lang talaga... kaya di kami makasali sa inyo... kayo na lang, bye... enjoy your lunch date hahaha”


Pinatay ko na ang cellphone.. naku naman masisira yung plano ko...  >:( pero hindi pa din ako susuko!


“Hindi sila darating...”


“Well, that’s good -_- ayoko ng istorbo date naman natin ito eh ano ba kasi nasa isip mo at in-imbita mo sila...”


“Date? Ngee! Dito mo ako papakainin? Eww mo ha!”


“Eh saan ba ang gusto mo?” – Clark.


“Eh di dalhin mo ako sa isang matinong restaurant..”


“Ano?”


“O ano? Wala kang pera?” I smirk.


Tinaasan niya ako ng kilay... >.> ang cute naman niya. XD Ay! Tange! Tigilan mo na iyan mhikaila!!!


“you know, I could buy anything I want.” Pagmamalaki niya.


“Eh ganun naman pala eh!”


“>.> We only got 1 hour lunch break, dear.”


O////O dear? >///<


Naramdaman ko na lang na uminit yung magkabilang pisngi ko. at tama naman siya kung lalabas pa kami sa campus ay baka ma-late kami...


“Unless, gusto mo mag-cutting classes tayo ^______^ walang kaso sa akin.” He grin.


“heh! Wag mo ako ikompara sa'yo 'no! eh di sige! Eh de dito na lang hmp!”


“Okay... anong gusto mo?”


“Ikaw na ang bahala...” kainis naman o! plan A FAILED... -____- kainis naman kasi sila Dacey eh! Natigilan ako... teka...


“you know, I could buy anything I want.”


Ay anak ng tokwa!!! Nakalimutan ko na mayaman pala siya shit! Useless din pala kapag yun ang plano ko...


Nangmakarating na siya ay inilapag na yung tray... tahimik lang ang ako at hindi umimik... tsaka bakit ko naman kakausapin siya???


“Malakas ka palang kumain :”>”


Nag-pout ako.. “Bakit may problema ka?”


“Tataba ka niyan.”


“Eh di mas mabuti para di mo ako guguluhin.”


“Walang kaso sa'yo na tumaba ka? Di ba babae ka?”


“Ay hindi bakla ako!” sarkastiko na sabi ko sakanya.


“pero sa tingin ko CUTE ka pa din kapag tumaba ka... para wala na rin magka-interest na lalaki sa'yo.”


“Ah ganun?”


“OO para wala na akong problema sa lalaki :”>”


Is he nuts? Lahat ng mga lalaki mas gugustihin ang sexy at payat na babae di ba??? HINDI BA?!?! eh bakit itong lalaking ito ay walang kaso na tumaba ako???? baliw ba ito? pero in fairness sa lalaking ito... swerte siguro ng babaeng makakasama niya sa buhay.. sukat as isipan yun ay tila ako bigla nawalan ng gana... ewan ko ba...


Argh!!! Nang sinulyapan ko siya ay nakatitig lang siya..


>.> ------- O///o


Habang nakangiti...


“A-ano?”


“hmm? Ah wala sige pagpatuloy mo lang iyan.”


“Bahala ka...”


Pinagpatuloy ko na nga...


Dacey’s POV


*O* hahahah nakakatawa naman ang dalawang 'iyon..! buti nalang at pumayag ako sa usapan namin ni Clark na hindi kami sasama sakanila! XD sa totoo lang kinausap kasi kami ni Clark kanina na ilibre lang daw niya kami kapag hindi kami sasabay sa kanila mag-LUNCH o di ba? hahha =___= swerte naman ni Mhikaila... may lalaking sweet kahit na sabihin na masungit siya sa ibang tao...  pero mabait ata siya sa mga kaibigan ni Mhikaila...


Hapon na at mag-isa lang ako na umuwi... pagdating ko ay ang malakas na ingay ang sumalubong sa akin... na umiiyak... si mama? Bakit?


So you know... hindi kami mayaman... mukha lang ako mayaman dahil feeling ako tsaka >.< may part time job naman ako kaya meron ako sa mga tela para gumawa ng damit para pang-cosplay ko... sumasali din ako sa mga contest at siyempre panalo ako! hahaha XD pero for now kailangan ko alamin kung bakit umiiyak si mama...


Pumasok ako... at lumapit kay mama..


“Ma bakit po?”


“Iniwan na niya tayo!”


Nanigas ang buong katawan ko...


“S-sino po?” sana naman hindi si papa..!


“Ang walanghiyang ama mo! iniwan niya tayo para tumakas sa utang niya sa shark loan! Ano na ang gagawin ko???”


Hindi ako makapaniwala... si papa? Hindi maari yun mahal kami ni papa kahit na sabihin na sugarol siya ay hindi niya magagawa na 'iwan niya kami... kinuyom ko ang kamao ko..


“H-hindi ko din po alam ma...”


1 comment:

  1. ang sweet!!! kinilig talaga ako sa lucnh date nila!!! hahah.. he's so clever..

    baka sila roland and helena rin ang mgkatuluyan sa huli.. heheh,feel ko lang..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^