Tuesday, October 16, 2012

Witchcraft and Wizardry: Chapter 7

WITCHCRAFT AND WIZARDRY:
THE TREASURES OF 4 KINGDOM

CHAPTER SEVEN

A/N: 'to na yung UD ko .. dedicated kay Nicole .. hehe .. para sa inyong lahat .. tiis tiis muna kayo sa kwento lang .. wala pa yung mga pictures .. tapusin ko muna earth adventures nila bago yung mga pictures hu.?? Sana kahit wala pang mga pictures ee nai-imagine nyo parin sila kahit pano .. salamat sa mga nag-hintay at nag-abang .. sana magustuhan nyo .. LabyAh ALL ..


____



     DAHAN dahan kong dinilat mata ko. Madilim parin yung paligid. Inilibot ko yung paningin ko una kong nakita si Jeremy. Halata sa mukha nya yung pag-aalala.





     "Jeremy."tawag ko sa mahinang boses. Napansin kong nakahiga pala ako sa kaniya. Nan dun parin pala kami sa campsite.





     "Nag-kamalay na ang Satori!"napalingon ako sa kanan ko ng may marinig akong isang boses ng babae. Hindi ko sila gaanong makita kasi medyo malayo sila tapos madilim pa.





     "Okay ka lang ba Jay?"alalang tanong ni Jeremy. Pinilit kong bumangon sa pag-kakahiga at inaalala ko ang mga nang-yari. Napakunot ang nuo ko ng may lumapit na apat na unfamiliar na mukha sakin.





     Tulad ni  Sidh nakasuot din sila ng kapang itim pero shinny naman ang sa apat na 'to. Sa unang tingin pa lang ay makikita mo na agad na may kakaiba sa kanila. Kumikintab ang mga balat nila. Para silang may mga brilyante sa katawan.





     Nagsha-shine talaga sila sa ilalim ng sinag ng buwan. Hindi ko maiwasang humanga sa kanila. Parang ang sarap nilang ibenta. Para kasi silang diamond na tao. Nakakainggit yung beauty nila. Walang katulad. Para silang mga Gods and Goddess nung mga panahong nauuso pa yung Greek Mythology. Parang si Apollo at Aphrodite. Panaginip lang ba 'to??





     "Binibini, maayos na ba ang iyong pakiramdam?"tanong ng babae sakin. Nung ngumiti sya parang ngumiti na rin yung paligid ko. Bakit may mga taong nabubuhay gaya nila?





     "Napakaganda mo, higit sa inasahan ko binibini."sabi naman ng isang lalaki. Yung mata nya ang ganda, alam mo yung smiling eyes? Kahit di ka tumatawa nakangiti yung mata mo. Hindi ko alam kung pano i-explain pero nakaka-mesmerized talaga. Kaso ang lalalim nila mag-salita.





     "Ikinagagalak ka naming makilala Dakilang Satori. Kami ang apat na Keepers na pinakawalan mo mula sa Fravaer."singit naman nung isang lalaki na may katangkaran. Nakangiti rin sya sakin. Nilingon ko yung isa pa nilang kasama. Tahimik lang sya, tapos tipid lang na ngiti yung pinakita nya sakin. Sayang sya pa naman ang pinaka-gwapo sa dalawang lalaki.





     Nang tumayo ako, mabilis na umalalay sakin si Jeremy. Tiningnan ko sya para sana pasalamatan, pero hanggang ngayon kitang kita parin sa kaniya yung worries. Ang laki ng problema ng taong 'to. "Hoy! Okay ka lang ba? Mukhang ikaw ang nanga-ngailangan ng pahinga hindi ako eh."bulong ko kay Jeremy. Pero hindi nya ko sinagot. Ni hindi man lang nag-bago pag-mumukha nya. Napailing na lang tulyo ako sa kaniya.





     Lumapit samin si Doctor Park kasama nya si Sidh mga nakangiti sila sakin. "Jay, sila ang apat na druids na pinakawalan mo. Maraming salamat talaga sa tulong mo."





     "Ako si Esras. Ako ang Druid sa Kaharian ng Gorias."naunang nag-pakilala yung lalaking may smiling eyes. Hindi obvious na masayahin syang tao. Sa ngiti pa lang madadala ka na. Nag-vow pa sya sakin. Sumunod naman nag-pakilala yung babae.





     "Ako naman si Morfesa, ako ang Druid sa Kaharian Falias."nag-vow din yung babae.





     "Kaharian naman ng Murias ang binabantayan ko. Ako si Semias."isa isa na silang nag-papakialala sakin. Nag-vow din sya. Ano bang meron sa vow at nauso sa kanila?





     And lastly yung lalaking may matipid na ngiti. "Ako si Uisias, ako ang Druid sa Kaharian ng Findias."matipid din yung pakilala nya sa sarili nya.





     Ang iksi lang naman ng mga pakilala nila sa mga sarili nila. Pero kahit maiksi wala akong maintindihan. Kakaiba yung mga pangalan nila. Ang daming kaharian! Mga ano ba sila dun? Hari at Reyna gaya ni Doctor Park? Kung ganun sila na ba yung nag-hahari sa mga dimensyon?





     Bakit parang nagiging kumplikado yung mga pang-yayari? Napalingon ako kay Doctor Park at may bigla akong naalala---si Kei!





     "Doctor Park! Si Kei! Nasan si Kei? Nakita ko sya bago ako mawalan ng malay kanina! Nasan sya?"hinanap ko si Kei naalala ko kasing nakita ko sya bago ako mahimatay.





     Naalala ko lahat, yung kulay ng buwan. Tama, orange parin sya hanggang ngayon. Tiningnan ko rin yung reflection nya sa tubig. Hindi rin nag-bago. Naalala ko rin kung pano umangat yung tubig sa paligid ko. At yung apat na falling star.  May mga stars na rin. Lahat ganun parin maliban sa Stone of Destiny na suot ko.





     Kanina kasi blue sya pero ngayon may halo na syang itim. Alam mo yung damit na nakupasan? Ganun na yung itsura nya. "Doctor Park! Anong nang-yari sa bato? Bakit ganito na yung kulay nya?"





     "Jay napapailalim sa Black Magic ang Stone of Destiny. Ikinalulungkot ko na hindi tayo nito matutulungan para mahanap si Kei. Hinaharangan kasi ng itim na mahika ang kapangyarihan ng bato kaya hindi magagamit ang iba sa kapangyarihan nito."explanation ni Doctor Park.





     Gusto kong matawa, isa nanamang ilusyon yung nakita ko kanina bago ako mahimatay? Kainis! Umasa pa naman ako na mahahanap namin si Kei pero sa huli hindi naman pala. Ano na ngayong gagawin namin? Saan namin hahanapin si Kei? Badtrip naman!





     "Sino ba may gawa nito? Si Lycus ba? Diba sabi mo Dark Prince sya? Sya ba?"pag-kasabi ko nun may parang echo na biglang humalakhak. Natakot tuloy ako. Ang angas ko pa kasi eh. Yan tuloy! Baka nagalit ko na yung Dark Prince!





     Nakita ko pinalibutan nila akong lahat. Parang gusto nila akong protektahan. Napalingon ako nung biglang hawakan ng mahigpit ni Jeremy yung kamay ko. Overload sa kawirduhan si Jeremy ngayon.





     Biglang humangin ng malakas. Palakas ng palakas na kasing lupet ni Hangging habaggat. Napansin ko naman sina Doctor Park at Sidh na parang may binubulong. Hindi ko marinig pero ang bilis nila mag-salita. Para silang ngumunguya ng chewing gum. Yung apat naman alertong alerto sa paligid na parang anytime may kung anong susugod sakin.





     Para akong lalagutan ng hininga ng isa isang silang nag-sitalsikan na parang mga puppet na inihagis. Takot na takot na ko, hindi ko na alam kung ano nang-yayari. Para kaming nag-sasagawa ng exorcism. Tapos ako yung sasapian ng thirteen na demonyo.





     Lahat na ng santo tinawag ko para iligtas ako. Tumalsik na yung apat na Druids, tumalsik na rin si Sidh. Si Doctor Park tuloy lang sa pag-bulong ng mga salita na hindi ko marinig. Parang sya yung pari na nag-papalayas sa demonyo. Pero malakas talaga yung hindi ko mawari kung sinong elemento.





     Napaiyak na ko sa takot. Si Jeremy na lang yung natitirang kasama ko dahil tumalsik na rin si Doctor Park. Gusto nilang lumapit samin ni Jeremy pero hindi nila magawa. Humawak na rin ako sa ni Jeremy kasi baga tumalsik din sya tapos maiwan ako dun. Pihado lagot na ko nito. Nakita ko may kinuha si Jeremy na stick sa likuran ng pantalon nya. Hindi ko alam kung ano yun pero nung bunutin nya yun bigla syang umikot sa harapan ko at may sinigaw syang kakaibang salita.





     "Retaxamus Lacertus!"





     Tapos nun may kumislap na parang kuryenteng kulay blue dun sa stick na hawak ni Jeremy na naka-point dun sa harapan namin. Nagulat ako kasi may biglang lumitaw sa harapan namin na hindi ko alam kung ano kasi nasisilaw ako sa kislap ng ilaw na lumabas din dun sa hawak nyang stick. Kulay pink yung kanya. Hindi ko maaninag yung mukha nya pero alam ko lalaki sya. 





     Para akong nanunood ng duel. Duel ng dalawang Wizard. Nang-hihina na si Jeremy habang walang effort namang lumalapit samin yung lalaki na hindi ko parin maaninag yung mukha.





     "Jeremy!"umiiyak kong tawag sa kaniya. Nakikipag-laban sya ng lakas dun sa isa. Hanggang sa unti unti na syang napapaupo. Ilang pulgada na lang malapit na samin yung lalaki.





     Sa mga oras na yun unti unti ko nang naaninag yung mukha nya. Naka-suot din sya ng kapang itim. Balot na balot sya ng kapa. Hanggang balikat yung buhok nya na parang medyo kulot. Maitim yung ilalim ng mata nya na parang may eyeliner. Pati yung labi nya maitim. Nakangisi sya, tuwang tuwa sya na natatalo na nya si Jeremy.





     Hindi na ko nakagalaw nung makita kong nasa harapan ko na sya. Mental block na ko. Hindi ako makapaniwala na totoo lahat ng nang-yayari. Ngumiti sakin yung lalaki na parang ngiting aso.





     "Nais ko nang tapusin ang buhay ng iyong tagapag-ligtas."sabi nya sakin. Tapos nun, isang iglap tinapos nya nga ang buhay ni Jeremy nung tamaan nya ng kuryente yung puso si Jeremy.





     Wala akong reaction. Tumulo na lang yung luha ko ng maramdaman kong bumitaw sakin si Jeremy dahil bumagsak na sya sa lapag. Hindi ko sya tinitingnan kasi natatakot ako sa kung ano mang makikita ko. Hindi ko na alam. Dito na rin ba matatapos ang buhay ko?





     Tumawa ulit ung lalaki, pero nung hahawakan nya sana yung Stone of Destiny nagulat ako nung bigla syang sumigaw tapos mapaluhod sya. Nakita ko parang nasusunog ang kamay nya.





     "Ahh!!"paulit ulit syang sumisigaw ng ganun. Tumingin sya sakin na may galit na mukha. "Hindi pa tayo tapos! Babalik ako para kuhain ang batong iyan sayo!"bigla syang nag-lahong parang bula pag-sabi nya nun.





     Bigla akong nang-hina, napaupo na lang ako sa harapan ni Jeremy habang tuloy lang sa pag-tulo yung luha ko. Hinawakan ko yung kamay ni Jeremy, wala na talaga syang buhay.





     Napayuko na lang ako sa dibdib nya at napahagulgol. Kasalanan ko lahat. Sana nakinig na lang ako kay Kei, sa kaniya nung una pa lang. Ngayon dalawang kaibigan ko ang nawala na. Kasalanan ko ang lahat! Anong gagawin ko?













     "Jeremy!"umiiyak kong tawag kahit alam kong hindi na nya ko maririnig pa.









. . . to be continued



3 comments:

  1. WAaaAaahh aTey pLeaS waG mOng paTaYin c jEreMy,,, gRabe nKkkaBa uNg naNgyaRi,,, aNg ePAL naMn nuN kasi eH,,, hWaHuhU,,,

    aT aTey saLaMat naspECiaL mentiOn nNmaN aq duN sa tAas,,, kHit wLaNg piCtures oKaY LNg aTe,,,

    ReplyDelete
  2. jěŗëmý iş ønē őf mý fâvòriťę chàråcţeŗ pä nmân.. Šña maŗęvīvė sïa.. Ü

    ReplyDelete
  3. Kala ko si Jeremy yung kapartner nya o-0

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^