Sunday, October 21, 2012

When I Get Hurt : Chapter Ten

When I Get Hurt : Chapter Ten

Chapter Ten : Binabawi ko na siya sayo


(Eunicca Afenido's POV)




"Tara nicca, may surprise pala ako sayo." Tapos hinila niya ko papuntang carpark.





"Ay teka. Punta muna akong Powder Room." Pigil ko.




Tumakbo agad ako papasok ng campus saka pumasok sa pinaka-malapit na CR.





Umihi lang ako saka pinuntahan agad si Ace. Mainipin yun kaya di pwedeng pagintayin.





Pagbalik ko....





"Ano ready ka na sa surprise ko?" Nakangiti niyang tanong.





Tumango lang ako. Pumasok kami sa sasakyan niya saka siya nagmaneho.





Pagdating namin sa... 'La Vuenda Condominium'






"Uh... A-anong gagawin natin dito... Ace?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.





"Magsho-shower lang ako saglit tapos pupunta tayo sa pinahanda kong surprise." Sagot niya.





"Ah..." Maikli kong sagot.





~~~





Pagpasok namin sa Condo Unit niya... Umupo ako sa sofa niya. Binuksan niya yung TV niya saka siya pumunta sa kusina. Ewan. Baka uminom ng tubig.





"Aaaay! Maliligo lang ako saglit, hon." Saka niya inilapag ang Phone at Wallet niya sa lamesita sa tabi ng sofa na inuupuan ko.





Pumasok na siya sa kwarto niya. Ako naman nanonood lang. Biglang may nagvibrate. Paglingon ko sa may lamesita... Umiilaw yung phone ni Ace. Ayaw ko mang galawin pero may nagtulak sakin na galawin ko yun. Kinuha ko yung phone saka ko tinignan kung sino.





~~~


'Boss. Nakidnap na namin yung pinapakidnap niyo. Nagawa na rin namin yung inuutos niyo. Kayo na boss ang bahala rito.'



From: Bernard




~~~




Bernard? Sino yun? Wala naman siyang barkada na Bernard ang pangalan ah?






Narinig kong bumukas yung pinto dun sa loob ng kwarto. Inexit ko agad tapos nilapag ulit sa lamesita yung phone. Bigla siyang lumabas sa kwarto. Tsk.






Nakatwalya lang yung pang-ibaba niya tapos wala pa siyang damit na pang-itaas. Ano ba 'to!!






"Ho-hoy! Ace magdamit ka nga don!" Sambit ko habang nakatakip ang mga mata ko gamit ang kamay ko.






"Haha! Ikaw talaga, hon. Makikita mo rin naman 'to balang araw eh!" Sagot niya sakin.






"Ba-basta! Magpalit ka don!" Sigaw ko.






"Ayoko nga." Sagot niya. "Wag ka na lang tumingin dito. Pagtitimpla lang kita ng kape." Dagdag niya.






(Third Person's POV)




Nakdnap nga nila si Brent pero makaraan lang ang limang minuto, nakatakas agad ito pero iniwanan muna sila nito ng sakit sa katawan.






Galit na galit si Brent. Pakiramdam niya gusto niyang durugin ng parang pamintang durog si Ace. Narinig niya kasi sa mga dumukot sa kanya na may balak raw si Ace na gahasain si Eunicca.






Nagmaneho agad siya ng mabilis. Mahal niya si nicca at ayaw niyang masaktan ito. Ayaw niyang basta manakaw ang pinaka-iingatan ng taong mahal niya.





[Disclaimer: Please be informed that, this scene is only for openminded person. If you're not an openminded person, please don't read the next scene. It might affect your precious mind. ]





(Eunicca Afenido's POV)




"Alam mo, wag mo nang intindihin yung nagtext na yun sakin. Ganun talaga yun si Bernard. Baka na-wrong send lang sa Boss niya. Halika natimpla ko na yung kape mo." Saad niya after niya maka-bawi sa pagkaka-stiff ng katawan niya.





Giniya niya ko papunta sa kusina saka kami uminom ng kape.





Teka. Ano bang kape 'to? Ang pait ng lasa. Tapos... Nakaka... Amats.





Nagulat na lang ako nung hinahalikan na ako ni Ace. Bigla niya kong binuhat at ikinapit ang dalawa kong binti sa bewang niya. Hanggang sa dinala niya na ko sa kwarto niya at inihiga sa kama. Lumayo siya bigla. Ahsh...t! Nahihilo ako! Umiikot ang paningin ko. Siguro nga medyo may Amats na ko pero alam ko nasa katinuan pa rin ako.




Pagbalik ni Ace naka-boxers na siya. Bigla siyang pumaibabaw sakin at hinalikan ako ng hinalikan sa labi -- I think... he's kissing me torridly. Biglang bumaba ang halik niya sa leeg ko.






(Brent Alcantara's POV)





*BOOOOG!*





Dalidali akong pumasok sa loob ng Condo Unit ng Ace na yon. Hayop siya!





Binuksan ko agad ang pinto ng kwarto na hindi pala naka-lock ang doorknob. Lalo akong nagalit ng makita kong tumutulo ang mga luha ni Nicca habang hinahalikan ni Ang ang dibdib ni Nicca. Medyo naka-bukas na ang blouse ni Nicca. Mga three buttons ang naka-unbutton habang hinahalikan ni Ace ang colar bone ni Nicca.






Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Hinablot ko agad ang buhok ni Ace saka ko siya sinakal.





"Anong balak mong gawin? HA?! Sabi mo mahal mo si Nicca! Eh ano 'to?! Mahal mo siya o gusto mo lang nakawin ang pinaka-iingatan niya?!! Eh gago ka pala talaga eh!!" Sigaw ko sa kanya.






Galit na galit na ko. Pinagsusuntok ko siya sa mukha at katawan.






Binitawan ko na si Ace at binalingan si Nicca. Hinubad ko yung White shirt ko saka ko siya sinuotan ng shirt ko. Bangag na ata siya eh. Binuhat ko na siya palabas ng kwarto. Kinuha ko saglit yung mga gamit niya saka ko na siya inakay papunta sa sasakyan ko.




Binabawi ko na siya sayo, Ace Avelino.








2 comments:

  1. omYgad aCe bKit mu giNawa yaN kaY nicCa,,, raPisT ka daPat saU pinuputuLaN eE,,, daPat LnG tLgaNg bawiiN na ni bReNt c niCca,,,

    ReplyDelete
  2. Hindi tunay na lalaki si Ace
    Isa siyang rapist..
    Mabuti pa si Brent, hindi sasaktan at gagawan ng masama si Eunice.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^