Saturday, October 13, 2012

When I Get Hurt : Chapter Eight

When I Get Hurt : Chapter Eight

Chapter Eight : Undefined Feelings


(Eunicca Afenido's POV)


Days have passed. Stick to the plan pa rin kami ni Brent. Naririnig ko nga sa mga schoolmates ko lasing daw na pumapasok yun si Ace eh.





"Punta lang akong school garden, Brent." Paalam ko at tinapik ang balikat niya bago tuluyang umalis.



Pagpunta ko sa garden nakita ko agad siya. Nung magtama ang mga mata namin dali-dali siyang lumapit6 sa akin. Pulang-pula ang mga mata niya. Ang bigote niya rin tumutubo na. Gulong-gulo ang humaba na niyang buhok at higit sa lahat... Amoy alak siya.




Niyakap niya ako, mabilis rin siyang kumalas sa yakap at lumuhod.




"Mahal kita Eunice. Mahal na mahal kita. Please come back to me." Umiiyak niyang pagmamakaawa sa akin.




Hinawakan ko ang kamay niya at pinatayo siya. "Lasing ka lang Ace. Umuwi ka muna at magpahinga." Nasambit ko na lang.




"Eunice! Eunice lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako! Eunice nagsisisi na ako! Nagsisisi ako kasi iniwan kita para kay Sheena! Eunice ginawa ko yun kasi sabi ni Sheena may sakit siya sa puso! Kababata ko siya kaya ayaw kong makita siyang naghihirap sa sakit! Eunice sorry. Sorry kasi mas pinili kong saktan ka. Ngayong sinasaktan mo ko at nalaman ko sa doktor na wala pala talagang sakit si Sheena nasaktan ako. Bumalik sa akin lahat ng ginawa ko sayo. Please come back to me." Umiiyak niyang sabi.




Naaawa ako sa kanya pero hindi ako umiiyak. Eto na yung pinaka-iintay ko. Yung magmakaawa siya sakin na bumalik ako sa kanya. Pero bakit parang di ako masaya?




"Please, Eunicca... Please come back to me." Pagmamakaawa niya pa.



"Nicca!" Napalingon agad ako sa tumawag sa akin. Si Brent.




Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. May parang kuryente na dumaloy sa ugat ko pero masarap sa pakiramdam.



"Tara. Hatid na kita sa inyo." Tapos hinila na agad ako ni Brent palabas ng Campus.



Pagkarating namin sa bahay nag-usap muna kami sa Veranda ko sa kwarto.




"... Ang tanong... Ready ka na bang bigyan ulit siya ng chance?" Tanong ni Brent sakin.



Ang hot niyang tignan sa pwesto niya. Haaay.





"Hindi ko alam... Siguro? Ewan ko! Gulong-gulo ako." Sagot ko...



"Isang salita lang ang makakapagbuo ng desisyon mo." Sambit niya habang nakatingin sa mga bituin.



Oo, bituin. Gabi na kasi ngayon.




"Ano naman yun?" Tanong ko at lumingon sa kanya.




"Ang salitang 'MAHAL'." Sagot niya.



"Hindi ka mapapaisip kung hindi mo talaga mahal ang isang tao. Tandaan mo yan Nicca." Dagdag niya.




MAHAL... Mahal ko pa nga ba siya?




"Pero depende yan... Pwede ring naawa ka sa kanya kaya napapaisip ka." Sabay tingin niya sakin.




Naawa?


Naaawa nga lang ba talaga ako? O mahal ko pa rin siya? O baka naaawa na nga lang talaga ako.




"Wala naman sigurong masama kung balikan ko siya... diba?" Tanong ko habang nakatingin ako sa mga mata niya.



Ang ganda ng mga mata niya. Dark brown yung kulay. Medyo mahaba ang mga pilik niya sa mata. Bagay din sa kanya ang buhok niyang pang KPOP. Bagay na bagay sa kanya ang white skintone niya.




Mas sinabi siya pero di ko narinig.




"Ano?" Tanong ko.




"Wala. Sabi ko pag-isipan mo muna mabuti." Tapos pumasok siya sa kwarto ko kaya sumunod ako.




Binuhat niya yung bag niya saka tumingin sakin. Nagsmile siya. "Alis na ko Nicca." Tapos humalik siya sa pisngi ko saka naglakad. Bago siya lumabas sa kwarto ko tinaas niya yung right hand niya na parang nagpa-promise.



Nang tuluyan na siyang maglaho, hinawakan ko ang left cheek ko na hinalikan niya. Bat ganun? Parang kinikilig ako?




Kusang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo papunta sa may Veranda. Nakita ko siyang papalabas na ng gate namin. 




"I love you Brent!" Nagulat ako sa sigaw ko kaya tumakbo ako papasok ng kwarto ko at nagtago.




Sana di niya ko nakita... Sana... Sana talaga.





(Brent Alcantara's POV)




"Wala naman sigurong masama kung balikan ko siya... diba?" Tanong niya habang nakatingin sakin.



Ano ba namang titig yan oh! Do ko tuloy alam kung anong isasagot ko para di niya mahuli feelings ko para sa kanya.




"Pano naman ako? Iiwan mo ko?" Tanong ko.




"Ano?" Tanong niya sakin. Sa tingin ko di niya narinig.





"Wala. Sabi ko pag-isipan mo muna mabuti." Sagot ko saka pumasok sa kwarto niya.




Yes! Buti di niya narinig!



Kinuha ko na yung bag ko saka ko siya tinignan at nginitian. "Alis na ko Nicca." Saka ko siya hinalikan sa pisngi at dali-daling naglakad. Itinaas ko ang right hand ko sign ng 'Bye'.




Bumaba na ako. Actually nakasalubong ko pa nga sila ate Euline at kuya ko eh.



"Ate alis na ko. :) Kuya limitations mo ah?" Saka na ako lumabas ng bahay nila.




Nung nasa gate na ako biglang sumigaw si Nicca.



"I love you Brent!"



Teka? Gising naman ako diba? Tss. Baka illusion ko lang yun.



Lumingon ako sa may Veranda  niya pero walang tao.




Tss. Illusion mo Brent! Kelalaking tao Assuming.





1 comment:

  1. aY nKu LNg s mGa nGaNap n eKseNa,,, uNa hindi naRiniG ni niCca uNg sEnti mOde ni bReNt,,, tAPos naG iLUvU nmN c niCca, aKLa nMn ni bReNt iMginatiOn nLNg,,, aY aNOng paTutUnghAn niOng dLwA,,, hwAhehE,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^