Sunday, October 28, 2012

Unbreakable Spell: Chapter 11


CHAPTER XI: Giant Tortoise

Nahihirapan akong makahinga at para akong nasa loob ng isang maliit na bagay na para akong niluluto. Nang hindi ko talaga makayanan ay dinilat ko ang mga mata ko. 

“Nasa’n ako?” Tiningnan ko ang kapaligiran. Teka, nandito ako sa kwarto ko ah. Kahit na maliit yung kwartong yun hindi ko makakalimutan ang lugar na ito. Ito yung silid ko noon ng kasama ko pa ang magulang ko. Noong hindi pa kami pumasok sa Pegasus Academy.
Nakapagtaka naman at nandito ako. Sa pagkaalala ko ay nasa dorm ako kasama si Farley at si Fameh at ginagawa ang contract ah nakalimutan ko na ang huling nangyari. Psh, Maliligo na nga ako amoy pawis pa naman ako at bakit ba ang init dito? -_- ayun! Hindi pala nakabukas yung bentana. Wala kasi kaming air conditioner. Mahirap lang kami po hindi mayaman.
At dahil nga maliit itong kwarto ko ay mainit talaga kaya parating nakabukas yung bentana. Pagkatapos kung maligo, magsipilyo at magbihis ay bumaba na ako.
“Ma!!!” tawag ko. Walang sumagot. Baka lumabas lang si mama kaya naman si papa naman ang tinawag ko. “PA!!” wala din. What the hell? Nilibot ko na ang bahay pero wala pa din sila. Saan na ba ang mga tao dito?
*SQUEEK*
Kinabahan ako don ah kasi naman yung maliit na gate namin ay bumakas eh dahil na siguro sa hangin. Nakalimutan ata nila na isara yun. Pero nagtataka talaga ako. Hindi naman kasi makakalimutin angmagulang ko eh.
“hmm saan kaya sila? Ang aga naman nilang mag-simba.” Pumunta ako sa likod baka nandoon sila pero wala talaga. Pero laking gulat ko talaga ng makita ko yung bodega namin ay sabog. Sirang-sira!
Hindi naman nasunog yun tapos pakalat kalat na yung mga kahoy na nawasak tapos may maraming dugo!
Wala naman patay na katawan at wala ang magulang ko pero sa daming dugo diyan hindi ko maiwasan na mag-alala baka isa sakanila ang sugatan! Ayoko sanang isipin pero baka kung anong na nangyari sa kanila... God! Please lang po sana walang nangyari sakanila! Ano ba ang nangyari dito? naguguluhan pa din ako. sinong gagawa sa amin ng ganito? Mabait ang magulang ko at ni minsan ay wala silang nakakaaway.
Kailangan ko silang hanapin. Baka may alam ang mga kapit bahay namin. Pumunta din ako sa mga kapitbahay pero wala din mga tao. Bakit walang mga tao dito? I scan the whole place. It was a desserted place. Shet hanggang ngayon ba ay nosebleed pa din ako sa english.
BOGGSHH!
Bigla akong natumba dahil bigla kasing lumindol. Pero bakit may tunog yun na parang malaking yapak?
BOOGSHH!!!
Tapos ilang minuto pa ay bumuka yung lupa at nahulog ako. Patuloy pa rin ako sa paghulog. Pero akala ko ay iyon na ang katapusan ko. nahulog nga ako pero parang nahulog lang ako sa hagdan.
“Aww...” hinihimas ko yung pwet na nasaktan at ulo.
Nandito ako sa damuhan. Puro green lang ang nakikita ko.
Bogsshhh!
Umuntol ako. What the heck??? Ano ba talaga yun. Lumingon ako sa pinanggalingan at nanigas ako sa kinauupuan ko. kay lapit na talaga sa akin ng paa ng isang—nagtaas ako ng tingin. Isang MALAKING PAGONG!!! 

“Gyaa!”
Tumayo ako tapos tumakbo palayo. Tapos humihingal na tiningnan sa malayo yung malaking pagong. Hindi kayo maniniwala sa nakikita ko dahil sa likod ng pagong ay may kagubatan tas malaking kastilyo na parang wala ng nakatira!
Yvonne’s POV


Meron na naman akong POV. Ganyan siguro ako kaganda. Pero anyway, let me introuce myself to you again. Ako si Yvonne Quiana Strahovski. Isang akong cognite. If you still don’t know about what’s cognite is kindly read the info sa taas. I don’t need to explain about my physical appearance coz there’s only two word that can describe about and that is BEAUTIFUL and SEXY.
Puyat ako ngayon at naiinis sa pedo bear na yun! kung hindi dahil sakanya eh nakasali sana ako! I am so upset dahil pagbalik ko kasi uli doon ay sirado na meron na daw silang napili. Pangarap ko ng makasali doon sa organization hindi dahil sa mga gwapong lalaki pero dahil may gusto akong alamin. Nabalitaan ko kasi na iyong nakita ko noon ay hinahanap ang peontar. Thanks to my beloved flower ay nalaman ko kung anong pakay niyon at hindi ako mapakali sa isang sulok na walang ginagawa. Pero ang malaking katanungan ko ay ano ang peontar? Baka meron kasagutan ang phantom black kapag nakasali ako baka malalaman ko ang  mga activities nila at mga impormasiyon.
“Shet! Hindi ko talaga mapapatawad ang PEDO BEAR na yun! walanghiya! Dinilaan pa ako! eww kadiri!! Argh!!” Naglalakad ako sa corridor nadaanan ko yung silid ni Wistar. Kahit ayaw ko pero oo iisang building lang ng dorm kami.
Maingay ata sa loob. At may ilaw effects na lumusot sa maliit na butas. Err... sorry hindi ko talaga alam ang tawag eh. Dahil sa curiosity ko ay pinihit ko pabukas yung pinto hindi kasi yun naka-lock eh. Sumilip lang naman ako.
What the hell? Wala pa silang kontrata ng kanyang familiar niya at teka don’t tell iyang pedo bear na iyan ay familiar niya? Sabagay wala naman kaso yun basta isabay lang niya sila. Pero ang galing din ng pedo bear na iyan, ha. He can give a temporary enhancing magic. Pero siyempre para sa mga weak lang yun `no.
Habang nanood sakanila ay tinitigan ko yung pedo bear. I smell fishy about him. Dahil siguro kumakain siya ng hilaw na fish? Teka lang ha gusto ko  lang linawin hindi ko po naintindihan ang sinasabi niya pero akala ko ha. Kahit na napakahina itong si Wistar meron din pala itong alam. Kagaya ng pakikipag-usap sa pedo bear hindi lang sa usong iyan pati na yang pinky ball na iyan na naging parang mukhang maliit na pusa na ewan. Pero parang magkamukha sila ng familiar ko kaso nga lang puti yung sa akin hindi pink. Brr.. bakit ba pink? Sumasakit yung mata ko sa pink pwedeng green na lang?
Pagkatapos iyon ay aalis na sana ako kaso nga lang biglang natumba si Wistar. Kahit hindi ko siya like na maging friends siyempre mag-aalala ka ano. Pero anong gagawin ko? papasok? Eh baka rape-in ako ng pedo bear na iyan eh. >.<
Baka nawalan lang ng malay iyan kaya naman tumakbo na ako paalis.
Wistar POV

Tinitigan ko lang yung kastilyo at mula doon sa bentana ay parang meron akong nakitang isang babae na mahaba ang buhok tapos nakaputi pa! yikes! >.> multo? Pagkatapos niyon ay bigla na naman ako nilamon ng lupa! Shit hindi ako makahinga masikip please lang kung natutulog lang ako pakigising lang please!!!
Pakawalan mo ako.
Pakawalan mo ako.
Pakawalan mo ako.
“BWAAHH!” Napabalikwas ako. Humihingal pa rin. Panaginip ba yun? Pero bakit parang totoo yung nangyari? Sino yung babae sa panaginip ko  >_< brrr.. multo siguro dahil sa pagiging palpak ko.
nandito na ako sa kwarto ko. Whoa! Nandito na uli ako sa kwarto ko at nandon sa sahig si Fameh na natutulog at teka bakit ang sakit ng paa ko para—what the heck?  Ginawang unan ang paa ko! kaya naman sinapak ko si Farley na natutulog.
“Arayyyy!!!!!”
“Umalis ka sa higaan ko! Bakit ka ba natutulog dito? doon ka sa baba!” Bumaba naman siya.
“>O< Bakit ba ang sama mo?!”
“Nga pala matanong ko lang anong nangyari sa akin kagabi?”
(Ĉ . ĉ) “Nawalan ka ng malay.” Sagot niya.
“Bakit?” Nakapagtataka naman `no dahil healthy naman akong tao at first time na nawalan ako ng malay ha?
“-_- Hindi ako doctor kaya hindi ko alam at hindi ka naman namin dinala sa nurse office o sinugod sa ospital.”
Tingnan mo. Iyan ba ang tinatawag na mag-aassist sa akin? Walang kwenta!
“Alam ko ang iniisip mo.”
“Che!” Tinapunan ko siya ng unan. Tumayo na ako at kumuha ng mga damit sa cabinet at pumunta sa CR. Doing my daily ritual. -_- hindi po magic kundi maligo, sipilyo, bihis. Paglabas ko naabutan ko na kinakagat ni Fameh si Farley.
Shet bakit ba gusto ko gawan ng rhyme yun?
“Oh nakabihis ka ata san ang punta mo?”
“>.> Uuwi.”
“Saan?”
“Sa mga magulang ko. Bibisitahin ko sana sila.”
“Sama ako!!!”
“Che! Hindi pwede! Anong sasabihin ng mga tao sa labas kapag nakita ka nila? Bantayin mo na lang si Fameh dito.”
Wala din naman siyang magawa dahil ako naman ang masusunod. Kaya paglabas ko ay lakad takbo ang ginawa ko. Pero malapit na sana ako ng may humawak sa likod ng kwelyo ko.
“At san ka naman pupunta?”
Hindi ako nagkakamali si Vester yun. nakakunot ang noo ko. Himala at hindi kasama yung MOMO the MOO fairy. Joke lang.
“>_> pakialam mo ba? tsaka Sunday kaya ngayon kaya bibisitahin ko ang magulang ko.”
“really? Lalabas ka dito?”
“Alangan naman hindi.”
“Kung ganun sasama ako sa`yo.”
“Bakit?”
“Mamanhikan sana ako. J ngumiti siya ng kay simpatiko. Nilapit pa niya ang mukha niya tapos tinaas baba yung kilay.

>///> Sinuntok ko siya. “Pungyang! Huwag kang magbiro ng ganyan dahil madaling maniwala yung magulang ko tsaka hindi ikaw ang gusto ko makasama habang buhay `no!”

Tumawa na lang siya. “Sus! Alam ko naman na may pagnanasa ka sa akin eh.”
“In your face!” ang landi talaga ng lalaking ito! Tumalikod na ako pero pinigilan pa din ako.
“Hindi ka pwedeng umalis ngayon.”
“Bakit ba?!”
“Kasi po ay may pinapagawa si Mr. Knightwalker sa atin.”
>_> “Pwede bukas na lang yun? Kailangan ko talagang bisitahin ang magulang ko.”
Napataas yung kanyang kilay at nag-iisip. Tss...
“Hindi ba talaga mapagpaliban iyan?”
“Oo, two weeks ko ng hindi nakikita sila at nami-miss ko na sila. Kung ikaw kaya sa kalagayan ko hindi mo kaya mami-miss yung magulang mo.” Tsaka nag-aalala ako baka kasi na >.< may masama talagang nangyari eh. Hindi din ako mapakali dito.
Pagkasabi ko niyon ay biglang nagbago yung expression niya.
Tapos tumalikod na ito at hindi man lang siyang nagpaalam sa akin. Bakit? May masama ba akong sinabi? Napakamot na lumabas at pumunta sa bahay ng magulang ko.
Nasa harap na ako ng bahay. Hmm.. mukhang wala naman. Paranoid lang siguro ako. Binuksan ko yung gate para supresahin sila mama at papa.





KNOCK! KNOCK!
Bumukas yung pintuan. Si mama yung bumukas ng pintuan at nagulat ata siya ng makita ako.
“Hi ma!” Niyakap ko siya.
“oh nak bakit umuwi ka dito?” tanong ng mama ko. Pumasok ako tapos umupo sa sofa.
“wala lang po. Na-miss ko na kasi kayo hehehe!”
“Hindi ka na sana nag-abala anak. May balak kami ng ama mo na bisitahin kayo. Meron sana kaming sasabihin eh.”
Wala ata si papa ngayon.. baka nagta-trabaho.
“Ano po yun?”
“na-promote kasi ang papa mo tinatrabahuan niya.”
Napangiti ako. “Talaga po?”
“Pero dahil din doon ay kailangan namin pumunta ng ama mo sa davao nandon na kasi ang trabaho niya.”
D: “waa bakit naman po? Ang layo niyon ah. Pano na kami?” In-explain naman niya pero malungkot ako dahil mas malayo yung pupuntahan nila eh kung meron lang akong teleportation ay baka walang problema eh. Bakit biglaan naman? Sasabihin ko na lang daw kay Scarlet dahil bukas na daw yung punta nila sa Davao. Dahil din doon ay sinulit ko na yung mga oras na natitira.
Marami pa kaming pinag-uusapan hanggang sa masagi sa isipan ko yung panaginip ko.
“Ah nga po pala mama. May tanong lang ako.”
“Ano yun?”
“Meron po bang possibilidad na may malaking pagong tapos sa likod niya ay isang kastilyo?”
Nagulat siya sa tanong ko. pero sinagot naman niya yun. “O-oo naman nak.”
“Talaga? saan ko makikita iyon at anong tawag?”
“Redux Tortoise ang tawag do’n nak teka bakit mo ba naitanong?”
“nanaginip kasi ako na malapit lang ako sakanya eh.”
So totoo pala yung ganun hayop?

3 comments:

  1. MAmaNhiKan aGad hiNdi ba pwEdeNg manLigaw ka muNa,,, naTawa aq a kniKiLig duN,,,

    naTawa diN aq kaY yVonnE,,, aNg artE LnG ha,,, pErO kUn sa baGay tAma nMan siA na maGandA at seXy,,, kiM taE heE,,,, peRo mAs cuTe si faMeh,,, cyA ang piNakacutE sa LhAt khiT kuLay piNk pa xAh,,,

    ReplyDelete
  2. ang ganda talaga ng edit!! and mei something2 fishy talaga kei polar bear??haha.. sabunutan ko tong si yvonne eh.. grabe ate!!! ang taba ng utak mo!! ang dami talagang nangyayari sa story..

    ReplyDelete
  3. kakabitin....huhu sana complete na agad agd...hehehe

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^