Sunday, October 28, 2012

A Messy Lovelife: Chapter 2

☾н@ρ⊥εґ 2


"Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

"Ugh! anak, tumigil ka nga jan sa kakaiyak! hindi makatulog kapitbahay natin!!"

"Pero nayyyy!!! may nakalaman sa sekreto ko!! kelangan ko ng ibang trabaho pero...uwaaa! sila lang kasi ang tumanggap saakin eh! at tsaka kapag wala akong trabaho paano ang tuition fee ko?! paano kayo?! paanooooooooooooo?!"


"...."

"Nayyyyy"

"Ang O.A. mo naman anak, 'kala mo ikaw lang nagtatrabaho no! at tsaka nakakadiri yang mukha mo! may tumutulo pa na sipon jan sa ilong mo."


"Heh! uwaaaaa!!!!"


MY.LIFE.IS.OVER.

okay lang saakin kung ibang estudyante ang makakalaman sa sekreto ko kasi alam ko naman, ibubully lang niya ako...pero...peroo....of alllllllllll the people!!!! si Tyrone pa!!!!!! si Tyrone pa na devil (dahil....evil siya??? basta, I think he's a devil!) dahil sa manyak siya!! (Oo manyak siya, marami ngang rumors na meron siyang minamanyak eh! pati na rin teacher pinapatulan niyaa! yaks! nakakadiri ang mga teachers no!! mga pedophile, palibhasa mukhang pera kasi, kasi binabayaran sila para mamanyak!) dahil sa ayoko sakanya, dahil sa lalake siya! and I.HATE.BOYS. they are a pain in the ass..

Hayyyyyyy! hindi ko na alam ang gagawin kooooooooo! aha! drop nalang kaya ako? pero, hindi pwede kasi, sigurado ako wala atang college university na aaccept saakin, dito sa LUGAR namin....kasi maarte sila, gusto nila, lahat ng mga estudyante nila, ay mga walang modo, na nagmumula sa mala "prestigious" na school! hayyyyyy! kainiiiiiiis!

Mag-absent nalang kaya ako? nope, hindi pwede kasi sigurado ako!!! gagawa naman ng bagong album sina teacher Eminem, teacher Lil wayne at si ma'am Nicki Minaj!!!

Orrrrrrrrr.......

iuntog ko nalang kaya ulo ni Tyrone sa pader, not a bad idea....pero, gangster siya, baka ang ulo ko ang maiuntog.

Uwaaaaaa! wala ng ibang choice kundi.....kundi...................ang magpakamatayyy!

"Nayyyyyyyyyy!"

"Oh bakit? nakatapos ka na jan sa pagdadrama mo?"

"Naaaay, magpapakamatay ako.."

*boooooooogsh*

"Naay, ba't niyo ako sinampal?!!"

"Eh kasiiii, ang tanga tanga tanga tanga mo! ewan ko kung paano ka nakapass jan sa Prestigious ewan school na yan eh!"

"Pero..."

"Ang liit liit lang na bagay iniiyakan mo agad! anak, pwede ka namang pumunta sakanya at sabihin sakanya na wag niya ipagkalat...kung ayaw mo gawin yun, pwede namang ako ang magtrabaho eh."

"Pero, hindi pwede nay, may sakit ka."

"Porket may sakit, hindi pwede magtrabaho!?"

"Hihi! 'kaw naman nay oh!!!!"

"Oh! matulog ka na, 4 na ngayon eh."

"Eh? hi...hindi pwede, kelangan ko pang pumunta sa school, baka malate ako."

agad-agad ako pumunta sa kusina namin at ako'y nagluto ng aking breakfast....pancit canton!!!! yum...yum...yum!!!!

Nang makatapos akong kumain, agad ako naligo...at NAGTOOTHBRUSH ako ng ilang times, halos maubos na ang colgate namin...kasi, if one time, nagkita kami ni Tyrone...mabango ang hininga ko, wag niyong isipin na para kay Tyrone yang ginagawa ko, ginagawa ko 'to para maipamukha ko sakanya na mabango hininga ko! hmf!

Umalis na ako sa bahay at nagBIKE papunta sa school, yep it's mine! and it's a joke, hiniram ko lang 'to para maipamukha ko sa mga teachers ko na, hindi nalalate dahil nagpupuyat akooo!

At as usual, may mga fangirls na hinihintay ang kanilang mga idooool!!!

Pero, mas madami ngayon ang mga fangirls ah...

at, tamang tama na naghihintay sila, hihihi! now I can enter school with peace and harmony at sa oras na nakapasok na ako sa school, nasa hell na ako.

at syempre, pumasok na ako sa school, lahat ng mga babae nakatingin saakin, at agad nagbulungan, dahil sa bike ko, na lumang luma na raw, pang90's na daw, tss! so what?! pake ko! insultuhin niyo na ang bike ko, tingnan natin dahil sa oras na yumaman ako, ipapamukha ko sa inyong lahat ang aking bike na super gandaaa! yung nagiging motor, kotse, tangke!!!

"KYAAAAAAAAAAAA! TYROOOOONE!"

"WAAAAAAAA! NANDITO ANG CRUEL SLAYERS! ANG HAWWWWT NILA, NAKAKAHULOG NG PANTYYY!"

"NAKAKAHULOG NG NAPKIN!"


EWWWWWWW?!!!!

nakakadiri ang nagsabi nun, nakakahulog ng napkin, seriously?!!!!!! SERIOUSLY?!!!! hindi siya nahihiyang sabihin yun?! ugh! makaalis na nga dito, baka mahawaan pa ako ng kaderderness pa nila, buti pa mga basurero, kahit ang baho nila, still, may dignidad sila, eh yung babae na yun, eww! yucks!

"Ms. Nickiss! pwede paorder ng kiss?"

No! no, it can't be....

Sana hindi si Tyronee!

Napatigil ako maglakad and I was there standing, walang magawa, naninigas, ewan ko bakit,pinapawisan ako ng malagkit kasi, baka may pinagsabihan siya.

I closed my eyes, then open it for awhile tas Vwala! siya ang nauna kong nakita.

o___o

"Sa dissmisal pupunta ako sa cafe, libre ah....at tsaka ientertain mo ako."

Gaaaaaaaaaaaaaaah! asdfghjkl!!!!!!!!! nakakainis siyaaaaaa! nakakagigil!!!!!!! nakakagigil, suntukin yang gwapo niyang mukha! wait! hindi siya gwapoooooo! mas gwapo pa ang Homo Erectus keysa sakanya.

"Mag-usap tayo."

"Wow, pag-uusapan natin kung paano mo ako i-entertain?"

"Just!!!"

Hinatak ko siya, siyempre kasama ang bike ko, sa likod ng building....at tiningnan ko ang paligid kung baka may tao dito, aside from us.

"Please Tyrone, wag mong ikalat ang sekreto ko, parang awa mo naaaa!"

"Huh? bakit ko naman ipagkakalat yun?"

"Eh kasi, kapag ipagkakalat mo....*sigh*okay lang saakin na mabully dito, pero....pati ba naman sa cafe, mabubully ako.......gusto ko ng katahimikan."

"Hinding hindi ko yun ipagkakalat."

"Eh? ba....bakit?"

"Eh kasi......gusto ko na masolo kita." sabay tingin niya saakin, at binigyan niya ako ng isang ngisi, na lalong...........nagpapamukhang manyak sakanya. Akala niyo...lalong nagpapagwapo ang sinasabi ko no! pwes, hindi no! hindi ako nagagwapuhan sa manyak na katulad niya.

Pati ba naman ang mahirap na katulad ko ay pinapatulan niya? unbelibebel!

"Wateber! mauna na nga sa classroom!" 

"Wait, bakit ang mga mata mo.....kagagaling lang sa iyak?"

"So?"

"Ang shiny eh, nakakaturn on."

asdfghjkl

qwertyuiop

zxcvbnm

"YOU! YOU! MANIAC!"

"Hahahahaha!"

umalis na ako sa likod ng building at ipinark ang bike ko at pumunta na sa room, at thank god!!! hindi ako makakarinig ng bagong album!!!! pero, ang exchange...ang pagbulungan ng mga classmates mo...

"Kaya nga hate ko mga mahihirap eh..."

"Ang paplastic nila kasi eh..."

"Nag-aact silang mga pathetic para lang makakuha ng pera..."

"Oo nga, nag-aact lang silang pathetic para maka-attract ng mga lalake."

"Nakakainis siyaaa!"

Tss! magbulungan sila jan! I don't care, tawagin na nila akong mukhang pera o ano!!! wala namang katotohanan jan eh! wait....did I heard someone saying na nagaact akong pathetic para makakuha ng mga lalake?! WATDAHELLISSHETOKINGABOUT?!!!! wow, naging instant malandi na ako....tss! kelan pa ako naging malandi, eh ayaw ko sa mga lalake eh!!!!

Hayyy, don't mind them, Nicole, sadyang mga inggitera sila kasi, ako ang 2nd honor....yep! 2nd honor akooo! hihiihi! ewan ko nga kung paano ako naging 2nd honor eh hindi naman ako nag-aaral ng mabuti....baka, malaki lang ang IQ ko. Bleh! :P

Magbasa nalang kaya ako ng comics, para naman medyo naman ako maging happy.

"I heard that her parents are drug pushers!!"

"May nagsabi saakin na yung nanay niya ay isang prosti!"

"Ewww! nakakadiri ang mga mahihirap!!!"


THEY.JUST.REACHED.THEIR.LIMITS.

Nakakainis silaaaaaaaa! grabe sila manghusga! 'kala nila ang perpekto nilaaaaaaaa! sila ang mga taong magandang suntukin sa mukha, kurotin ang mga singit nila, paluin ng walis tambo ng isang milyong beses!!!!!!!

Grrrrrrr! okay lang saakin, na AKO ang insultuhin nila, na AKO ang ijudge nila, pero kapag ang pamilya ko ang ijudge nila! F**** them!!! gaaaah! napapamura akooooo!

Gusto niyo talaga ako iprovoke, o sige, pinagbibigyan ko kayo!

"Miss, may sinasabi ka?"

"Oh! if it isn't Nicole, the poor girl."

"Hahahaha! wag ka nga jan mag-english, ang pangit ng accent mo eh! Feeling Amerikana, eh mas maganda pang mag-english ang mga tambay jan sa kanto keysa sa'yo."

"What?!"

"At ikaw namang babae ka, bumalik ka sa plastic surgeon mo! nadislocate kasi yang ilong mo!"

"Huh?! don't you dare talk to us like that!! hindi mo alam kung anung magagawa namin sa pamilya mo!"

"Wow, you want war?! sige! pinagbibigyan ko kayo!!!"

"Ang pangit naman ng ugali mo, manang mana sa nanay mo! hahahahaahaha!"

"Ahahahahaha!"

YOU.JUST.ME.ANGRY.TO.THE.CORE.

o sige, makikipagrambulan ako sa inyo! tingnan natin kung sino ang mananalo!!!! tandaan niyo kaya kong pumatay!! at hindi ako nagdadalawang isip na patayin ang mga magulang niyo!

Magsasalita sana ako, pero may nauna saakin.

"Hoy! tumigil nga kayo jan sa panghuhusga niyo!!! Akala niyo kung sino kayo!!! Akala niyo kilala niyo talaga si Nicole at ang pamilya niya!!!! mag-aral nga kayo jan!!! wala kayong magawa kundi ang manghusga, nasasayang tuloy pera ng mga magulang niyo!!! at saka wala rin kayong magawa kundi ang lumandi jan sa paligid!!!"

"Sorry po Senorita Sam."

at kinuha nila ang libro nila sa Science at sila'y nag-aral! Hmf! mga loser!!! tiningnan ko ang babae na nagtanggol saakin mula sa mga tsismosa kong classmates.

Ang....ang ganda niyaaaa!! ang haba ng legs niya, ang tangkad niya, ang sexy niya, ang haba ng buhok niya at ang soft at smooth! para siyang......para siyang........anghel.

"Ako na ang magsosorry para sa mga mapanghusga nating classmates."

"Wa...wag ka na magsorry! hehehe....salamat pala sa pagtanggol mo saakin."

"You're welcome, I'm Samantha Aguilera, Sam for short."

"Aaah, sigurado ako, kilala mo na ako kasi, sikat ako dito eh....sikat ako sa pagiging bullying victim."

"Hehe!"

Bell rings...

Lahat kami nagsiupuan at nagsimula na ang discussion, skip natin ah, baka manosebleed kayo sa tinuturo ni Sir Eminem LOL!!!!

Recess...

Nandito ako ngayon sa rooftop, kumakain, ayoko na kumain sa canteen eh! you know, lesson learned!!! anung lesson ang natutunan ko? siyempre!!! nakakadapa kapag kumakain ka sa canteen. =___= 

"Tama ang hinihinala ko."

"Huh? Ke....Kenneth."

"Dito ka na kumakain?"

"Yep! eh kasi, alam mo naman, lahat ng mga demonyo, nag-aassemble sa canteen."

"Wow, bitter?"

"Totoo naman ah!! pati ba naman pamilya ko, huhusgahan nila, akala nila kilala talaga nila ang pamilya ko! hmf!" sabay kain ko ng malaking amount ng kanin, meron pa ngang nahuhulog na kanin habang ngumunguya nguya ako eh! wala talaga akong manners kung kumain.

"Hahaha, nakakatuwa ka Nicole, ang cute mo." sabay pisil niya sa pisngi ko.

"Alam ko no! matagal na akong tinatawagan na cute!"

at kumain na rin si Kenneth. Siyempre, nakuwentuhan kami....at meron akong nalaman tungkol sakanya...............wala rin siyang manners kung kumain, hehe, akala ko lahat ng ga mayayaman may "gracefulness" kapag kakain sila, yun pala hindi, hindi pala lahat.

at tsaka, hindi siya katulad ng mga mayayaman jan na mga walang respeto saaming mga mahihirap or commoner (other term na tawag nila saakin) na mga racist!!! at tsaka, he reminded me of someone...

he reminded me of Samantha...

pareho kasi silang nakakatuwa, at pareho nila akong tinatrato na parang kaibigan, pero sa tingin ko, kaibigan na nila ako....sana....

"Nicole, kanina pa kita....."

hindi natapos ni Sam ang sasabihin niya nang nagkita sila ni Kenneth...nang nagkita sila, parang may kakaiba sakanila....parang matagal na nilang kakilala ang isa't isa.

"Ni...Nicole, kasama mo siya?"

"Hmm? Oo, bakit? magkakilala na kayo?"

"Wa....wala, si...sige, ma...mauna na ako, ka...kakatapos ko lang kumain eh! ba...babye!!!"

at agad siya umalis sa rooftop. parang...parang, may tinatakasan siya, parang natatakot siya. Tiningnan ko si Kenneth...at mukha siyang malungkot, ngayon ko lang siyang nakitang malungkot.....at.....at......nakakalungkot rin.

"Ke...Kenneth?"

"Uhm, Nicole, kaclose mo si Sam?"

"Yep!! I consider her as my friend!!"

"Aaaaaahhhh...."

at ipinagpatuloy namin kainin ang mga baon namin. Yep, nagbaon ako, kasi, mas malaki pa ang baon ko kaysa sa racist na cafeteria lady na yun!

"I love Sam."

"Eh?!"

"So...sorry! nasabi ko sa iyo, hindi ko talaga mapigilan eh!"

"Oh, okay lang yun! hindi naman ako tsismosa para ipagkalat yun."

"Salamat."

"Salamat kasi, sinabi mo saakin ang...ang sekreto mo, it made me, feel like a friend."

"Aaahh....."

"Kaya, sabihin mo saakin kung anung gusto mong sabihin!"

"Okay............Mahal ko si Sam, simula pa nung bata pa kami, actually, magkababata kami ni Sam, close na close kami nun, pero.....nasira iyon dahil sa isang bagay....nasira iyon nang nalaman namin na arranged marriage kami ni Sam...nalaman namin yun ng mga 15 pa kami."

kawawa naman ni Kenneth, kung ako si Nicole, siyempre, okay lang saakin, kasi, mabait si Kenneth.....pero, hindi ko siya mahal guys ah! at tsaka ayoko sa mga lalake, maliban kay Kenneth, kasi kaibigan ko siya at dahil na rin sa hindi siya katulad sa mga lalake jan sa kanto.

"Sam begged me to break the arranged marriage, pero, ayoko eh, eh kasi mahal ko siya, at dahil doon, naipagtapat ko sakanya na mahal ko siya, at....nawala ang pagkakaibigan naming dalawa na parang bula!"

"Ang bopols mo!!" sabay hampas ko sakanya sa braso.

"Aray! Nicole!"

"Hayyy, ang bopols mooo! dapat nagtapat ka sakanya sa tamang oras! timing men!! timing! sa timing ka nagkamali!"

"Alam ko."

"Pero, mareresolba yang problema niyong dalawa kasi, walang problema sa mundo na hindi mareresolba, trust me."

"Salamat Nicole."

"Nikkiss, ang itawag mo saakin."

"Bakit?"

"Yun ang itinatawag saakin ng mga katropa ko eh!!"

"Sure, NIKKISS."

at nagkuwentuhan namin kami ulit, kwento here, kwento there! nakakaenjoy no! nakakaenjoy talagang magkaroon ng kaibigan.....sana hindimawala si Kenneth sa buhay ko, kasi siya lang ang kaunaunahan kong kaibigan.

"Nikkiss.....pwede favor?"

"Hmm? ano?"

"Kaibigan mo si Sam diba?"

"Oo, bakit?"

"Pwede mo ba akong ilakad sakanya?"

"Bakit?"

"Gusto ko maresolba ang problema saaming dalawa, gusto kong ibalik ang pagkakaibigan namin.....at sa tamang oras......magtatapat ako ulit sakanya."

"Sure!"

"Salamat talaga Nikkiss!"

"You're welcome!"

gagawin ko ang lahat para mapasaya ang aking FIRST friend dito sa JPHA....at tsaka, sana hindi magalit saakin si Sam......gagawin ko lang naman 'to para atleast makatulong ako magresolba sa problema nilang dalawa ni Kenneth.

dissmisal...

PRAISE.THE.LORD.

now, I'm out of that hell!!! hayyyyyyy! buti, malaki pa yung time na natitira bago magstart ang duty ko kaya, mamamasyal muna ako sa park, yipieeee!

LALALALALALALALALALALALALALALALALALALALALALALALA~~~~~~~~~~

"Nicole."

"Sa...Sam"

"Pauwi ka na ba sa inyo?"

"Hindi, mag-eenjoy muna ako dito sa park."

"Buti, sabay nalang tayo mamasyal."

"Suuuuuure!"

umupo kaming dalawa sa swing at nagswing kami habang nagkukuwentuhan....no wonder, nagustuhan talaga siya ni Kenneth....eh kasi, ang bubbly, ang ganda niya, ang bait niya...eh sa tingin ko nga, lahat ng mga lalake magkakagusto sakanya eh, pati na rin ako!!! pero de joke lang!!!

"Nicole, kaibigan mo ba si Kenneth?"

"YEP! siya yung FIRST friend ko!"

"Eh ako? hindi ako first?" sabay pout niya, hihihi! ang cuuuute niya!!!

"First ka rin no! pwede namang magkaroon ng dalawang FIRST na kaibigan eh!"

"Hihihi!"

"Nicole.....pwede favor?"

"Bakit?"

"Pwedeng....ilayo mo ako kay Kenneth?"

"Ba...bakit naman?"

"Eh kasi.........ewan ko eh! ayaw ko sakanya, hindi ko siya mahal, pero still, he's chasing me! ayoko na masaktan siya, that's why I'm running away from him! at tsaka....at tsaka, may mahal akong iba.....please Nicole, ilayo mo ako sakanya."

WAT.DA.PAK.

paano?!!!!!!!!! ewan ko kung bakit, pero....kusa nalang akong um-oo. hayyyyyy, wat a big problem!!!! lord naman oh, nagkaroon na akong mga kaibigan pero...hayyy! may problema sa kanilang dalawa! hayyyyyy! paano ko 'to masosolve.

laterrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr..........

kakatapos ko lang mag-duty.....napagalitan tuloy ako ni manager, eh kasi, I'm slacking off daw, eh kasi naman po! may pinagdadaaanan ko! friendship problems okay?! hayyy, ewan ko kung paano ko magawa mga pabor nila saakin.

yung isa gusto niya na ilakad ko siya, yung isa gusto niya na ilayo ko siya....like, WATDAPAK men?! hayyy! it's so confusing, I don't know what to do!!!


at tsaka, hindi lang friendship problems ah....annoyed problems rin! eh kasi, alam niyo na! nandoon si Tyrone, iniinis ako! ewan ko! presence palang niya nakakainis eh! kaya hindi ako makatrabaho ng mabuti eh! kung napatalsik ako! papatayin ko talaga ang buong angkan niya, wala akong pakielam kung gaano sila kayaman.

"Yo!" sabay akbay ni Tyrone sa balikat ko, at sabay kaming naglalakad.

"Hayyyy! hindi ko alam kung anung gagawin ko!"

"Bakit?"

"Eh kasi, yung isa kong kaibigan gusto niya na ilakad ko siya sa isa kong kaibigan, and then yung isa kong kaibigan gusto niya na ilayo ko siya sakanya, uwaaaa! paano ko yun magawa at the same time?!!!!!! mas mahirap pa problema nila keysa sa physics eh!"

"Wow, hirap nun ah, pero, alam mo kung anung solusyon jan?"

"Ano?"

"Ede wag mo gawin ang gusto nila!! the end!"

"Che!!!"

wait............................

agad ako kumawala sa pagkaka-akbay saakin ni Tyrone. "Hoy!!! bakit ka umakbay saakin?!"

"Eh bakit mo ako hinayaan?"

"O...oo nga no! bakit kita hinayaan?"

"Eh kasi...............nagustuhan mo."

asdfghjkl

zxcvbnm

qwertyuiop

"Ikaw Tyrone ah, hindi ka nakakatulong!!!"

"Oh come on, wag ka indenial, sabihin mo na kasi na nagustuhan mo ang pagkakaakbay ko sa iyo!"

"Gaaaaaaah!"

at nauna na akong maglakad keysa sakanya, pero, sinusundan parin niya ako! nakakainis talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!! ilang times ko siyang pinagtatabuyan pero, para siyang magnet, parating nakadikit saakin! nakakairita!

at siyempre, kasama ko siyang umuwi sa bahay....sana hindi kami nakita ni nay, kasi maiisip niya na magsyota kami....eh, ayaw niya na magkaroon ako ng boyfriend.

"Heh! bye! sana kidnapin ka ng mga kidnapper jan sa kanto!"

"Good night rin at sana....mapanaginipan mo ako."

asdfghjkl

zxcvbnm

I HATE YOUUUUUUUUUUU!

agad ako pumasok sa bahay at natulog agad, gusto ko talagang matulog dahil sa stressful day ngayon, nagkakawrinkles tuloy ako!!!

che! bye na!!!

kidnapin niyo si Tyrone kung makadaan siya dyan ah! irape niyo na rin!!!



3 comments:

  1. NaLoLoka aq sa LoVe probLems niLa perO nakaKainLuV Lng mSyadO c tyrOne,,, kaSo nkkdiRi uNg mgA faNgirLs niA,,, yUck pati naPkiN?,,, hwaHAhA,,,

    feELing q piNkakawaWa dtO ay si keNnetH dHiL mhAL niA si saM at ayAw niA iBreAK uNg arRange marRiagE nLa,,, sNa mAtaUhaN n c sAm,,,

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    ang cute!!!

    ReplyDelete
  3. Ang cute ng story na ito. But may naalala lang ako dito, parang Diary ng Panget tong story na ito! But babasahinko ito.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^