Monday, October 22, 2012

Unbreakable Spell: Chapter 10

CHAPTER X: I The Master Of Disguise


Halos sumabog na yung utak ko sa nalaman. Hindi pala madaling makasali sa phantom black dahil nga nakita ko—sa aking mga mata kung pano nila in-examine at kailangan ipakita kung anong magic mo. Pano ba iyon? Alam ko na may magic ako pero hindi ko naman alam gamitin. PALPAK pa nga eh. TT__TT 

Akala ko pa naman madali pero hindi HINDI!!!!

Well, walang kaso kay Ianthe meron siyang magic at kahit pano ay nako-kontrol niya yun. Eh ako? Mukha akong katatawanan!!

At tsaka dagdagan mo pa na wala si Vester. Sa pagkakaalam ko ay sila yung dalawang member ng Phantom Black. 

Dalawang lalaki lang naman at mukhang =_= mga babaero tingnan mo kasi lahat ng mga babae na sumasali ay nag-fi-flirt.

Parang hindi ka ata komportable ah.

Pansin din pala ni Farley yun? tsk! Hindi na lang sana siya nagsalita nakakahiya naman yun `no kahit na sabihin na tatlo na lang kami doon. Kasali na yung babae na nasa una. By the way nandito ako sa huli.

Dinagukan ko uli siya sa ulo. 

“Tumahimik ka na nga!” :x opss napalakas ata ang pagkasabi ko dahil silang apat ay napatingin sa akin. Nag-peace sign naman ako then bumalik din sila sa kanilang usapan.

“GOOD AFTERNOON! SORRY KUNG LATE AKO!!!” Pumasok si Vester sa loob tapos nakangiti na kay lapad.

“>_> Sabihin mo ayaw mo lang talaga ng trabaho! Di ba sabi sa atin na tayong anim ay nandito pero anong ginawa mo hindi ka sumipot.” Yung lalaki na naka-green ang damit ang nagsalita.

“Oi wag mo akong ikompara sakanila ah! At least dumating ako, Genro.” Natatawang sabi niya.

“tsk! Since nandito ka naman ikaw na ang bahala at kami ni Jamil naman ay magpapahinga dito..”  Sabi na nagngangalan GENRO. “Uy siya na ang bahala diyan pahinga naman tayo.” Umupo sila doon sa bakanteng upuan.

“Yo! BABY STAR!!!”

=_= “Huwag mo akong matawag na baby star! Suntok gusto mo?”

>.> Oh Baby Star pala ang palayaw mo???

Nakatikim na naman si Farley ng suntok ko. “tse!!!”

“Ang weird mo ata ngayon ah.” Napapailing na sabi ni Vester. “Nakasuot ka pa din ng Uniform na panlalaki tsk! HI MISS BEAUTIFUL!!!” Binigyan pa niya ng simpatikong ngiti yung babae na parang kamatis na dahil pulang pula na ang mukha nito. “tatawagan ka na lang namin kapag tanggap ka na. J okay lang sayo???”

Tumango naman ang babae. Aba! Ano ito? job interview na nagpapalusot lang? akala mo ay tatawagan ka kung tanggap ka pero ang totoo niyan ay hindi! Tatawagan ka lang kapag walang choice sila!!!

“Umupo muna kayo.

“Wow! Ang tindi mo talaga bro!! hahaha! Matinik ka talaga sa chick! Kahit mga lalaki na mukhang babae pinapatulan mo!” Si jamil yun. 

-_- Never mind. Sanay na ako. Mukhang babae lang... wag na kayong magtaka dahil tanga sila. Di joke lang.

“(ĉ_ĉ) Bro! bulag ba kayo?” si Vester yun.

“Bakit?” Sabay na tanong nina Genro at Jamil.

“Kasi ang labo ng mga mata ninyo eh! Babae kaya iyan!”

“Waeh?” Hindi makapaniwalang si Jamil. Tumayo siya sa kinauupuan tapos ini-obserbahan ako. e-disect na ba nila ako? hindi ako palaka `no! “Tama nga ka bro! hahahah oy ikaw anong pangalan mo?”

“Wistar Titania Var Garnur.” +__+ sapakin ko kaya ito?

“ah.. eh anong power mo?”

“wala.” Sagot ko. Letse talagang lalaki ito!

“Di nga?” hindi makapaniwala.

“Hindi ako marunong.” -_- Shet naman. Si Farley the uso naman ay nagulat din sa sinabi ko.

(ĉ੠ĉ) Napanganga ito kaya naman si fameh ay tumalon at tinamaan yung baba para sumara.

What?! Hindi ka marunong gumamit ng magic?! Akala ko ba malakas ka?!

Ulit sinapak ko na siya. “Sinabi ko na malakas ako pero wala akong sinabi na magic! Ikaw na uso ka! Nakakainis ka na talaga ha?! Nakakainsulto ka na ha!!!”

Aray!!! Bakit ka ba nanuntok?! Tss... eh ito?! ipakita mo sakanila na nakakaintindi ka ng salita ko!! araayyyy~~~ ang tsake—oh lala! Bumalik na naman si miss beautiful!!! Bigla naman siyang tumakbo patungo kay Yvonne na nagtatago sa likod ng pinto. Bumalik siya. natawa ako sa reaction niya namilog yung mata niya tapos bigla na lang tumakbo palayo dito.

“Kyaa!!!” Hinabol parin siya ni Farley.

Hey!! Waitttttt!!!!! Bakit ka ba tumatakbo sa akin? Cute naman ako ah! 

“Genro! Mukha lang siya babae pero tingnan mo ang asal parang lalaki TIBO ata! Ayaw pa niyang ipakita sa atin.”

Tumayo si Genro.

Kung ganito lang naman ang mga member ng Phantom Black huwag na lang okay sana kung isa lang eh parang ang dami naman mga tao na parang may sira sa turnilyo huwag na lang `no!

“-_- Alam niyo pinagsisihan ko na nandito ako. I’m leaving ayoko na ba-backout na ako tara na nga Ianthe wag ka na din sasali diyan baka kung anong gagawin nila sa`yo.”
Tumawa lang si Ianthe.

“Hep hep! Hindi iyan pwede.” Pinigilan ako ni Genro. Tapos may may maliit na magic cirle na lumitaw sa sa ilalim ng kamay ko. Agad din naman niya ako binitiwan.

“Anong ginawa mo ha?”

“Simple lang.” Ngumiti siya tapos.. biglang nag-iba yung kanyang mukha. Ang kanyang buhok ay naging chest nut na color tas humaba. At ang damit niya pambabae!!! “Tingnan mo oh.” Tinuro niya ang kanyang mukha. What the—mukha ko yun ah! Ngee hindi ko nai-imagine noon na nakadamit na summer dress! Shit itong lalaki!!!

“Wow! Pre! Ang ganda naman pala niya kung ganyan ang damit niyang susuotin! Good job!!!” pumito pa si Vester! 

“Thank you, vester-sama!”  O_O nakakairita na ang lalaking ito ah! Na gaya pa niya ang boses ko ang kaibahan lang ay malandi yung boses. >_<


“Oo nga `no Wistar! Dapat ganyan ang dapat mong suotin! Mas bagay sa`yo ang mga damit na pambabae!!!” si ianthe yun.

“Tigilan mo na iyan.” Sabi ko kay Genro. Na nag-posing pa na parang model.

 Pinagdikit niya ang kanyang kamay tapos binigyan niya ako ng wink. “Cute na ba ako?”

“Okay.. that’s it!” Binigyan ko siya ng flying kick kaya naman natumba siya at ganun din ako kung anong naramdaman niya ay ganun din ang naramdaman ko.

“hahahah!!” Tumawa naman silang dalawa.

“Hindi mo ba alam kapag nakopya ka niya kung ano ang maramdaman niyang sakit ay ganun din ang maramdaman mo.” explain sa akin ni Vester. Kaya ganun. “One of his specialty—master of disguise yun ang tawag nila sakanya.”



“Sakit mo namang manipa!”

“kasalanan mo iyan! Kung hindi ka nanggagaya ng mukha at katawan ay hindi yan mangayayari sa`yo!” tinulungan ako ni Ianthe na tumayo.

Ang bilis palang tumakbo ng babaeng yun? ~~~♥ Wist—WISTAR!! DALAWA SILA!!! ISANG CUTE NA WISTAR AT ISANG TIBO!!!

“Sapak gusto mo matikman uli?” inambaan ko si Farley ng kamao.

Siyempre hindi. 

“Oh. Kaya mo palang makaintindi ng salita nila?”

O_O siguro ay nakuha din niya yung specialty ko. Oh specialty ko ba yun na nakakaintindi.
Tumayo naman si Genro at bumalik na sakanyang totoong kaanyuan. 

“Uy! Nice iyan! Pwede na kaya yun? sabi naman ni Mr. Knightwalker na maghanap tayo ng unique na power daw! XD eh siya na lang!!!” tinutukoy niya ang principal namin.

Ang dami pa nilang pinag-usapan at napakabilis ng pangyayari dahil lang doon ay pinili nila ako? as in? for real? Natutuwa ako doon no sino naman hindi? Baka ito na ang pagkakataon na may tuturo sa akin ng magic kahit na sabihin ang mga guro ay tinuturuan nila ako at si HACKETTE din. *O* member din kaya siya sa Phantom Black nakakahinayang nga lang at wala siya dito. Pero pano na yung kaibigan ko? 

“Wow! Ang saya naman! Member ka na ng Phantom Black!!!!” si Ianthe yun. “Masaya ako para sa`yo!!!” nakangiting sabi niya. Pagkatapos naman niyang sabihin yun ay biglang dumilim ang kapaligiran. “Kyaah! Ang dilim!!” ngayon ko lang nakita na natakot si Ianthe sa dilim ah.

“Cool! Nandito siya?” huwag niyo akong tanungin dahil hindi ko kabisado ang boses nila. Pero sinong tinutukoy nilang ‘nandito na sya?’

Pero agad din naman nagliwanag at nakita ko na lang na isang lalaki na naka-itim ang damit. Slightly long wavy hair siya. sobang make up. alam niyo yun? itim na lipstick tapos yung eyeshadow ay itim at yung mukha pati katawan siguro ay napakaputi!—make up din iyon o sadya lang pinanganak siyang maputi na parang white lady—este man pala. 

“Oh RV!!!!!! HIMALA AT UMALIS KA SA LUNGGA MO! ANONG SADYA MO DITO?” 

“-_- Shut up and don’t call me again RV coz that’s not my name, asshole. I came here because iam against with your decision.”

“>.> Ang alin, Raulin?” SI Vester yun.

“Hindi tama na ganun na lang ang pagpili mo ng dahil lamang nakakaintindi siya ng salita ng isang uso. Isa siyang pabigat lalo na ang babaeng ito.” turo niya kay Ianthe. “They are too weak and most of all they cannot handle all the mission na ibibigay sa atin ni Mr. Knightwalker.”

Ouch naman.
Sino ba ang lalaking ito?

“Uuwi na ako!” tatakbo sana si Ianthe kaso nga lang  hindi ito makatakbo nang tumingin ako sa baba ay anino na kamay na nakahawak sa anino ni Ianthe.

“Hindi ko pa sinabi na makakaalis ka, babae.”

===


Nandito ako sa silid at nakatunganga. 

(O_O;) Ang bilis talaga na nangyayari. Akala ko na ako lang ang makakasali pero kasama si Ianthe din pero ang problema pero ang problema ko ay kailangan ay may nakabantay sa amin para obserbahan kami kung mag-iimprove ba kami. OO hindi pa kami official member yet. Gusto niyo makita ang nangyari kanina? Okay tingnan niyo at bibigyan daw kami ng pagsubok.

FLASHBACK

“HINDI KO PA SINABI NA MAKAKAALIS KA, BABAE.”

“TT_TT Let me go na.. ayokong sumali na.”

Ano ba ang nangyayari kay Ianthe? Bakit parang takot ata siya sa lalaking iyan?

“Oh-oh hindi ata kayo makakawala diyan, baby star.” 

“AY KABAYONG BUTIKI!!” napatalon ako sa gulat kasi naman biglang na lang nasa likod ko si Vester.

“>.> matatakutin ka pala baby star.” Napasimangot ako. Bakit ba baby star? 

“huwag mo nga akong ma baby star diyan!”

“you know what? I really like you...”he likes me? =_= eww ha?  “You are so funny!! Sarap mong pikunin! Hahhaa!”

Ah iyon naman pala ang ibig niyang sabihin. Akala ko pa naman kung ano. 

“Shut up.” pero ang daldal talaga niya. Aalis na din sana ako. Ano pa? eh ayaw naman ng isa eh di huwag hindi naman ako gaanong ka-deperada.

Pero pinigilan ako ni Vester. “Alam mo kung ako pa sa`yo manatili ka na lang. Kung ayaw mo makakita ng demonyo.”

Parang nanayo yung balahibo ko. Demonyo? Sinulyapan ko siya at yung lalaking kadadating lang. Oo nga meron ngang demonyo sila na yun. --___-- silang apat.

“Vester, I can’t believe you called yourself a President! Hindi ka marunong pumili ng nakarapatdapat.” Seyosong sabi ni raulin ata ang pangalan.

>.> tingnan mo ang lalaking ito o tumawa lang siya.

“Wala naman masama hindi ba?” he chuckle. Naglakad na siya palapit sa lalaking nagngangalan Raulin. Kung ikokompara ko silang dalawa ay mas mukhang malakas yung si Raulin kesa kay Vester. Sorry sa mga fan pero nagsasabi ako ng totoo.

“parang gusto mo talaga siyang masali dito sa organization ah.”

“^_^ wala naman masama hindi ba?” ewan ko lang ha kung anong nangyari pero nawala iyong gatla sa mukha ni Raulin tapos tiningnan si Ianthe. 

“Fine. Pero kailangan isali niyo iyang babae na iyan.” Tinuro niya si Ianthe.

“A-ako?”

“Oo bakit aangal ka?”

“H-hindi.”

“Sus. Gusto mo lang ata mapalapit sakanya, raulin eh. Good at okay na sayo.” Pina-pat pa ni Vester yung likod ni Raulin. 

O_O bakit parang... nag-iba ata? Ayaw niya sa amin pero nung lumpait si Vester ay parang >_> sumang-ayon na lang siya sa decision. Bahala na nga.

“Pero bibigyan pa din natin sila ng pagsubok. Kahit na sumang ayon ako ay hindi ibig sabihin na okay na sa akin ang lahat. Kailangan na ma-improve iyan.”

END OF FLASHBACK

Yohoo!!! Gising!!! Wistar! Come back to earth na!!!!!


“Ano ba naman farley! Tigilan mo na nga iyang ginagawa mo!” ginulo kasi nya yung buhok ko eh.

Eh magsisimula na ang Ritual! `no! tingnan mo yung magic circle oh.

Nang magbaba ako ng tingin ay umiilaw yung na kulay green.

Dahil hindi mo naman kabisado ang magic ay >.>i-assist na lang kita. `yung kwentas niya ay umilaw tapos may lumabas na parang alikabok doon tapos pumunta yun sa akin at pinapalibutan ako. Kung nagtatanong kayo kung saan si Ianthe ay bumalik na siya sa kanyang silid.

“ano ito?”

Psh. Nagbibigay iyan sa`yo ng kapangyarihan pero wag kang feeling na habang buhay iyan dahil sampung minuto lang iyan pwede mo magamit.
 
“*_* wow! I love it!! Pwede pasubok?” parang meron naman akong naramdaman na kakaiba sa katawan ko hehhee

>_> Naku naman bakit ba binigay ako ni Oracula sa isang babae na weak!!!! Hindi pwede! Hala simulan mo na! pasok ka sa circle tapos kami din.

Tingnan mo ang usong ito? Naglalakad na gamit lang ang dalawang paa niya tapos bitbit niya si Fameh na bola pa din. Pansin ko lang na hindi na siya bumalik sa dati niyang anyo. Why kaya? 

Sundin mo lahat ng sasabihin ko.

“Opo.” Para sa isang uso ang daming niyang alam. Wonder if he had a former master or something. “-_- pero may isang tanong lang ako. bakit napakahaba naman ng process bakit sa iba madali lang?”

Dahil naman po >_> wala kang alam sa magic kaya ganyan. Ito lang ang pinaka-simpleng ritual `no.

“Ahh...”

Ang dami pang ginagawa at proceso at ano pang spell na binibigkas. Pero habang ginagawa na namin iyon ay parang may naramdaman naman ako na kakaiba.

“Con~tract~~~♥” Si Fameh yun. Na biglang lumiwanag siya tapos parang naging bubble siya at sa loob niya may isang maliit na bagay na parang bumuo. Tinubuan ng apat ng paa tapos ulo... ewan basta ganun ang nakikita ko. at nakita ko na ang totoong anyo niya kaya di na ako nag-react. Glitters came out from the circle tapos pumunta sa noo ni Fameh at naging isang itim na parang korona sa noo. >.> pusa. Pink na pusa yun lang ang ma-describe ko pero ang kaibahan lang wala siyang tenga na gaya sa pusa. Narinig ko namay bumukas na drawer at sa pagkabigla ko ay yung hikaw na binigay sa akin ni selene ay nagliwanag. Kumikinang yun.

Ang hikaw!

Bigla na lang lumiwanag yun ng nakakasilaw. Pagkatpos niyon ay nasa kaliwang tenga na ni Farley yun. 

At ang pinakahuling bagay blood compact.

Bigla na lang nasugatan kami tapos tumulo yung dugo. Grabe talaga oh. Bumuo yung nd isang bato. Mamahaling bato ang isa ay naging singsing. Pagkatapos niyon ay nawala na yung liwanag ng circle. Tapos na ba? 

“tapos na!! ♥”

O_O what the--! Nakakapagsalita siya ng hindi nabubulol si fameh! Meron pa sana akong gustong sasabihin kaso nga lang bigla na lang ako nanlamig at pinagpapawisan at parang may naririnig na nakakangelong tunog pero kahit na narinig ko yun parang may naririnig akong maliit na boses.

*CREEKKK*

Pero wala akong maintindihan dahil nga mas malakas yung creek eh.




5 comments:

  1. AY naKo aNg taWa ko kiNa faRLey at wisTar eH,,, aNg kuLet Lng niLa,,, peO nuNg inaAsaR niLaNg tiBo si wiSTaR graBe Lng tLga,,,

    ReplyDelete
  2. wahhhh!!!!
    getting interesting!!!
    keep up the good story!!!

    ReplyDelete
  3. wahhhhhh!!!!
    getting interesting!!
    keep up the good story

    ReplyDelete
  4. grabe ate!!! ang galing nyo po talagang mag-edit.. nakakalula lageh..

    super tawa much ako sa scene nila genro!! ang ganda pala nya pag nakadamit pambabae.. aminin,laglag puso ung mga boys dun.. hahaha.. i so like vester na talaga!!!! ibigay nyo po sya sa akin.. hahaha..

    and more update po kela raulin and ianthe!! so kilig!!!

    ReplyDelete
  5. nkktawa cla genro!!!!! ahhahahahhahahahah!!! at cute cute lng tlga ni fameh!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^