Tuesday, October 16, 2012

The Brother Gods : Chapter 5

The Brother Gods
Chapter 5
Luke Levesher POV


Saang bwesit na lugar na kaya ako tumilapon? Mistula akong bulalakaw na bumagsak mula sa langit. Magkabali-bali pa ata ang buto ko. Kasalanan ni Andrew ang lahat ng ‘to. Dahil sa kanya napahamak ako. Humanda siya sa muling pagkikita namin dahil titiyakin kong kakainin niya ang scythe ni Ama na tinago niya para i-frame up ako. Alam niya naman na masamang magalit ang god of underworld.


Tumayo ako sa gitna ng apoy. Mabuti’t madilim at tulog na ang mga tao walang makakapuna sa akin. Tiyak na tatakbo sila kapag makita ang itsura at katawan kong walang saplot. Makahanap na nga ng matutuluyan,damit at pagkain. Ito na ang simula ng kalbaryo ko ang maging isang mortal. Ang bagay na sinusumpa kong di pwedeng mangyari. Ayokong masaktan,maghirap,magmahal,magutom,mapagod gaya ng isang tao. Ayoko non! Gusto ko maging diyos na walang iniisip kundi ang pagiging banal.


Ngayon na pinarusahan ako wala akong magagawa kundi harapin ang lahat ng to. Hahanapin ko ang scythe bahala maraming pagsubok diyan. Sisikapin kong mabalik sa akin ang kapangyarihan ko lalo na ang bident ko.
Humakbang ako palabas sa apoy subalit napahinto ako nang mapansin ang lalaking nakatulala at kanina pa yata umobserba sa akin.


“Nae caulis salmues.Jaer halandonae.(Sino kang bwesit ka! Anong kailangan mo?)”singhal ko. Nanginig siya.


“Sino ka? Demonyo ka ba?”halata sa boses niya na natatakot siya sa akin kaso medyo nabastusan ko sa inasal niya. He disgrace me. Ganyan ba mangtrato ang isang tao sa diyos nila.


“Talmunidos algeroe halmanea kun hanai nae.(Wala kang karapatan na tawagin akong ganyan)”nalimutan kong deutongue ang gamit ko kaya umasim sa takot ang mukha niya. Ang taas na ng cold temperature sa likod niya.
“Isang demonyo! Saklolo may demonyo!”sigaw niya pero di magawang tumakbo.



I smell some alcohol in his breath. Nalaala ko ang holy wine naming mga gods yong Berguina made from immortality water and undying glory potion of goddess of magic. Nagca-carve ako. Halatang gutom. Makipaglokohan muna ako sa lalaking to baka makombinsi kong maging slave ko siya.


“No mr Yousseff! Hindi ako demonyo kahit sa tingin mo’y mukhang demonyo. Ako’y maunawaing diyos ng underworld. Wag kang matakot sa akin.”sabi ko sa kanya sa malalim na tagalog. Saka nalaman ko ang pangalan niya dahil nakita ko sa identification card niya. Mukhang may kaya ang lalaking to ha.


“Paano mo nalaman ang pangalan ko?”umatras siya. “Mas lasing ka pa sa akin kahit di ka uminom or maybe feeble-minded ka.”


“Aba,nakita ko sa i.d. mo! Aba,di ako baliw. Sinasabi ko ang totoo. Isa akong diyos. Lahat ng hinihiling mo kaya kong tuparin kaya wag kang matakot sa akin.”


Inirapan niya ako. Mukhang di nga siya natakot pero sumigla ang mukha niya. Nagka-interest yata sa sinabi ko. Rason ko lang yon para gumana ang balak ko. Ang lalaking ito yata ang makakalulong sa akin.


“Talaga?”

“Oo kaya maaari ba akong makituloy sa bahay mo?”wais kong sambit.

“As in no limit ka magbigay.”

“Depende sa kakayahan ko. Trust me im the god of underworld.”taas noo kong salita.

“Kabaliwan,niloloko mo ko. Umalis ka vagabond!”lumapit siya sa akin at tinulak ang braso ko. Naalala ko ang pagtulak ni Andrew sa akin kaya nagalit ako. Gusto ko siyang ipalamun sa alagad ko!    


“I’m not lying! I’m the god of Underworld! Your god! God of the dead!”sigaw ko.


Napalid yata ang itsura niya.


“Sige! Maniniwala na ako sa kalohan mo basta tutulongan mo ako ngayon.”


Kumibot ang labi ko.


“Literally,hubo’t hubad ako. Kailangan ko muna ang damit."reaction ko bago umuo sa sinabi niya.

"fine."tipid niyang sagot."Sumama ka sa akin."

Nagpatiuna siyang naglakad papasok sa bahay kung saan ako banda nahulog kanina.Mukhang mayaman ang taong to di ako mahihirap sa daily needs nila kung sakaling maloko ko siya. Sa palagay ko high school pa lamang ang batang 'to. Mga kienze anyos pa lamang.Masyadong spoiled bratt ang dating. di naman sobrang matinag sa babae. Okay,dahil sa will power ko nagkaroon ako ng kaunting kaalaman sa taong to. Mabuti may natira pa sa akin kahit papaano. Kaso hate ko maging teenager. ang pangit ko lang.


"Ito."tinapon niya sa akin ang underwear,t-shirt at pants.

Dali-dali ko yong sinuot.Tumungo siya sa kusina at may kinuhang pagkain.Wew,timing gutom ako, Kamiss tuloy ng lamburgini. Favorite din un ng mortal enemy ko.

"Delesiocio!"bulalas ko nang inagaw mula sa kanya ang pinggan.

"Teka!"pigil niya sana pero tuluyan ko nang nilamon ang pagkaing di ko alam ang pangalan.

"Di sayo ang pizza pie na iyan!Err!"he hissed."Saka di ka pa pumapayag na tulungan ako! di ka pa allowed na makihamak dito!"

"Mr.Yousseff! di mo yata narinig ang sinabi ko kanina! Tutulungan kita sa problema mo! ano ba yon ha?"sabi ko kahit puno ang bibig ko.

Napasalpok niya ang kilay.

"Simple lang,tulungan mo akong makipagbalikan sa ex-girlfriend ko."

"Anong 'ex-girlfriend'?"

"Mahihina din pala kayong mga diyos."bulong niya.

"Hoy! Kahit ibulong mo pa yan! maririnig ko pa rin iyan! Wag mo akong insultuhin ng patago! Mabuti pa paharap para malaman ko!"

"Sorry na! ANG EX-GIRLFRIEND ay nobya,kasintahan,lover..Inchendes?"

"Ah yon pala! Okay deal! gusto ko simulan na natin ngayon?"

"Aba hinay-hinay lang. Kakaiba ang babaing iyon. Basta simula sa gabing ito,dito ka na titira hanggang matapos ang pagtulong  mo sa akin."sabi niya saka paused."Teka,bakit ka nabasak mula sa langit? Pumunta ka ba dito para makipaggulo or~"

"Pinarusahan ako kasama ng kapatid ko."

"Ah,bakit anong kasalanan niyo."

"pssh..makinig ka sa story ko."ayon nga kinwento ko lahat na nangyari sa deo paradisum pati ang pagaaway namin ni andrew pati ang kasunduan namin kay Amang Krios. Ang lalaking to inaasume na myth ang sinasabi ko. Nag eenjoy pa yata. Kaasar ha!

"Wag mong iasume na kwento-kwento ko lang ang lahat ng to! Kaya sa sinabi kong yon may kapalit ang pagtulong ko sayo!"

"Ano ba iyon?"

"Hanapin mo ang scythe para sa akin?"

"What?" lumaki ang mga mata niya.

"O papaano,matutulog na ako ha!'"tumayo ako at tinalikuran siya. Maghahanap tayo ng malambot na kama. Masakit kaya yong pagbagsak ko kanina.

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^