Tuesday, October 16, 2012

Blooming of Our Music: Chapter 7



CHAPTER SEVEN


     MATAPOS pirmahan ni President Maeng ang kontrata para sa gagawing CF o Commercial Film ni Yua at HyeWon ay tumayo ito para kamayan si HyeWon.





     "Congrats nga pala sa CF na ginawa nyo para sa LG. Balita ko mas lalong tumaas daw ang sales nila."nilingon pa nya si Yua.





     "Thank You President Maeng. Marami kasing nag-mamahal kay Yua kaya naman marami ding tumatangkilik sa mga endorsements nya."puri naman ni HyeWon.





     "Sa tingin ko nakatulong din ang Chemistry nilang dalawa. Gustong gusto ng mga tao ang theme-up nila. Sa katunayan nga may ilang offers na ring gusto silang gawin lead sa drama."singit naman ni Ms. Cho.





     "Talaga?"saad ni President Maeng. Tumango tango sya at nilingon si Yua. "Sa tingin ko dapat mong pasalamatan si HyeWon dahil dun. By the way, Yua, sasamahan nga pala kayo ni Ms. Cho sa School mo."pag-iiba ni President Maeng sa usapan. 





     "Sa-sa School ko po?"kunot nuong tanong ni Yua.





     Tumango si President Maeng, "Gamit sa school ang ie-endors nyo diba? Kilala ko naman ang may-ari ng school nyo at pumayag naman syang doon gawin ang cf. Sige, pwede na kayong umalis ngayon."





     Bigla tuloy pumasok sa isip ni Yua si Nicole. Nanga-ngaba kasi sya na baka mag-selos ito kay HyeWon. Napabuntong hininga na lang tuloy sya.







________

      NAPAKUNOT ang nuo ni Mino ng maabutan nya ang mga nag-kukumpulang student sa lobby. Naisip nyang baka si Yua lang yun pero napahinto sya ng makita nyang may kasama pa pala itong isa. At babae.





     Napangisi si Mino at napabulong sa sarili. "Talagang dinala pa nya ang babaeng yan dito. Hindi na sya naawa sa girlfriend nya."napailing na lang si Mino saka umalis. 





     Sa canteen ay nasalubong nya si SeChang, may dala itong maliit na box. "Mino!"excited na tawag ni SeChang tapos ay madali itong lumapit at inabot ang box sa kaniya.





     Napakunot naman ang nuo ni Mino, "Ano yan?"saad nya.





     "Basta! Buksan mo na lang."todo ngiting giit ni SeChang sa box. Duda man si Mino ay kinuha nya ang box at binuksan ito. Lalong napakunot ang nuo nya ng makitang yun ang bagong unit ng LG na in-endorsed ni Yua. "Ano ba 'to?"





     "Regalo ko yan sayo kasi hindi ka tumangging maging isa sa member ng bagong grupo ng JYM at isa pa hindi ka nagalit sakin dahil ninakaw ko yung CD mo."paliwanag ni SeChang.





     "Dahil lang dun kaya mo ko binilihan nito?"parang ayaw maniwala ni Mino na may klase pala ng tao gaya ni SeChang na kapag natuwa ay ri-regaluhan ka ng mamahaling gamit. Napaisip tuloy sya ng masam dito. "Teka nga! Ikaw! Umamin ka nga sakin! Kaya ka ba ganito ka sakin dahil gusto mo ko?"prangkang saad nito sa kaniya.





     "A--ano?!"napalingon si SeChang sa paligid kinabahan sya dahil baka may makarinig at ipag-kalat nila ang maling hinala. "Sinabi ko na sayo! Mas gwapo pa ko sayo o kay JiSu o kahit kay Yua pa! Wala ng ga-gwapo pa sa tulad ko! Lalaki ako!"mariing sabi nito kay Mino. Natatawa lang si Mino sa kaniya.





     "Defensive ka masyado!"napailing sya saka nag-patiunang nag-lakad papasok sa loob ng canteen. Kumuha sya ng tray at plato saka nilagyan nya ito ng limang pirasong hiwa ng apple, tatlong piraso ng strawberries at limang piraso ng grapes. Kumuha din sya ng isang basong orange juice.





     Naupo si Mino malapit sa terrace ng canteen, nakasunod naman sa kaniya si SeChang at naupo rin ito sa harapan nya. Inilapag ni Mino ang cellphone na binigay ni SeChang sa lamesa. Susubo na sana ng apple si Mino pero napansin nyang walang pag-kaing kinuha si SeChang.





     "Hindi ka ba kakain?"tanong ni Mino dito. Ngumiti si SeChang bago nag-salita.





     "Sa totoo lang pag nakikita kita naalala ko yung nakakatanda kong kapatid"napansin ni Mino ang pag-babago ng mukha ni SeChang. "Katulad mo kasi sya. Madalas nya rin akong pagalitan gaya mo. Sya din ang taga-pag-tanggol ko pag may mga nang-bu-bully sakin noon."kwento nito.





     "Yun naman pala eh. Nan dyan naman pala kuya mo para ipag-tanggol ka eh. Bakit hindi sya ang tawagin mo pag binu-bully ka?"wika naman ni Mino matapos nyang lunukin ang kinakain nya.





     Nguniti ulit si SeChang pero this time ay may halo na itong lungkot. "Kung pwede lang sana kaso matagal na syang wala. Dahil sa sakit kaya maaga syang namatay. Nakakalungkot nga eh. Sya pa naman ang best buddy ko nun."saad nito. Muntik namang mabulunan si Mino sa kwento nyang yun.





     "So--sorry."wika nito.





     "Okay lang yun. Kaya ngayon wag mo na ko pag-hinalaan na bakla dahil lalaki naman talaga ako!"muling iniba ni SeChang ang expression ng mukha nya. Kung kanina ay malungkot ito ngayon ay brighter nanaman ito.





     Dahil sa sinabing yun ni SeChang ay naintindihan na ito ni Mino. Parang bigla tuloy gumaan ang pakiramdam nya dito ngayon. At parang unti unti na mas gusto pa nyang mapalapit dito. Kahit na mas matanda si SeChang sa kanya gusto nya parin itong ituring na nakababatang kapatid. Ngayon ay malaya na syang nakikipag-tawan dito.





     Sa gitna ng tawanan nilang dalawa ay may lumapit na isang babae. Napabuntong hininga si Mino ng makilala kung sino iyon. Iyon kasi ang babae na nag-tapat sa kaniya nung isang araw. Hindi talaga ito sumusuko kahit na paulit ulit na syang tinanggihan ni Mino.





     "Mino. Gustong gusto talaga kita. Kaya sana tanggapin mo na ko."saad ng naiiyak na babae.





     "Hindi ka ba nag-sasawa? Hindi pa ba sapat sayo yung mga sinabi ko nung nakaraan?"wika ni Mino sa mahinang boses na tipong sila lamang nila SeChang at nang babae ang nakakarinig. Halata na sa mukha ni Mino ang inis pero pilit nyang kino-kontrol ang sarili.





     "Bakit? Bakit hindi mo ba ko kayang mahalin?"ngayon ay umiiyka na ang babae. Wala na itong pakialam kahit na may mga tao pang nakakakita sa kanya. Nagulat namang pareho at nataranta sina SeChang at Mino.





     Nahihiya nag-palinga linga si Mino sa paligid dahil pinag-titinginan na sila ng mga tao habang hindi naman alma ni SeChang kung anong gagawin para pigilan sa pag-iyak ang babae. "Wag kang umiyak dito. Please."pag-mamakaawa ni SeChang.





     "Sagutin mo ko! Bakit hindi mo ko kayang mahalin?"ulit nga babae. Hindi naman mahagilap ni Mino ang isasagot sa kaniya.





     Ngunit natigilan si Mino ng makita nyang papasok ng canteen si Nicole. Mabilis tuloy syang nakaisip ng dahilan. "Dahil may girlfriend na ko."saad ni Mino. Nagulat ang babae maging si SeChang sa balitang yun. Tumayo si Mino saka tinawag si Nicole. "Hoy! Girlfriend! Nan dito ako!"kumaway pa ito.





     Napalingon tuloy sa likuran si Nicole akala nya si  guro ay ibang tao ang tinutukoy ni Mino. Pero nabigla din sya ng bigla syang lapitan nito at akbayan. "Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay! Hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil wala ka sa tabi ko girlfriend."sabi ni Mino na akala mo ay totoo.





     Naguguluhan naman si Nicole sa nang-yayari. Nagugulat sya sa mga sinasabi ni Mino. "A--ano bang pinag-sasabi mo?"kunot nuong tanong ni Nicole sa kaniya. Pero hindi sya sinagot ni Mino sa halip ay lumapit sila sa babae.





     "Sya ang girlfriend ko. Sana naman maintindihan mo na hindi ko sya kayang lokohin kaya hindi ko matanggap tanggap ang pag-ibig mo."punong puno ng emosyon ang mukha nito habang sinasabi ang dahilan na iyon. Lalo namang hindi nakapag-salita si Nicole sa mga narinig. 





     Feeling nya kasi parang totoo lahat ng sinasabi ni Mino kahit na alam nya kung para saan ang palabas na yun. Hindi parin maiwasang kumabog ng dibdib nya kahit na kasinungalingan lang  iyon. May pakiramdam sa kaniya na parang masaya sya, na parang gusto nyang sabihin sa sarili nya na 'ganito pala ang feeling kapag ina-announce ng boyfriend mo na ikaw ang girlfriend nya. Ni minsan kasi ay hind pa naranasan ni Nicole ang ganun.





     Si Yua kasi ang kauna-unahang boyfriend nya. Kababata nya ito kaya namang noon pa lang ay mag-kasama na sila. Matagal na ring tago ang relasyon nila ni Yua. Ilang beses na ngang sinubukang bumitaw ni Nicole kaso itong si Yua ang may ayaw. Inaamin ni Nicole napapagod na rin sya sa tagong relasyon pero wala syang magagawa. Mahal din naman kasi nya si Yua.










     "Ms. Cho! Anong ginawa nyo dito?"napalingon pareho sina Mino at Nicole ng may tawagin si SeChang. Nag-kagulo ang lahat dahil kasam ni Ms. Cho ang actress na si HyeWon at Yua.





     Nagulat si Nicole dahil hanggang sa mga oras na yun ay naka-akbay parin sa kaniya si Mino. Gusto sanang kumawala ni Nicole pero mas lalong hinigpitan ni Mino ang pag-kakaakbay. "Ano ba!"naiiyak na bulong ni Nicole. Hindi talaga sya binitawan ni Mino.





     Sa loob loob ni Yua ay gusto na nyang sugurin si Mino pero nag-pipigil lang sya. Wala syang ibang magawa kundi ang titigan ito ng masama dahil inaakbayan nito ang girlfriend nya.





     "SeChang. Inililibot ko kasi sila dito. Dahil dito gagawin ang CF nila. Sino sila? Mga kaibigan mo ba?"wika ni Ms. Cho ng lumapit ito sa kanila. Lumapit din sina Yua at HyeWon. Ngayon ay ilang pulgada na lang ang mga lapit nila sa isa't isa.





     Nilingon muna ni SeChang ang paligid bago bumulong kay Ms. Cho. "Sya si Mino. Yung gusto mong kunin na rapper ng grupo."bulong nito na silang dalawa lang ang nakakarinig. Mas lalong napangiti si Ms. Cho.





     "Really? Nice to meet you Mino. Ako ang team leader ng YGM."kinamayan nya si Mino at tinanggap naman yun ni Mino. "Sino sya? Girlfriend mo ba sya?"baling ni Ms. Cho kay Nicole. Hindi naman makatingin ng diresto si Nicole kay Yua.





     Nilingon muna ni Mino si Nicole bago ito sumagot. "Oo. Girlfriend ko sya."pag-kasabi niyon ay tiningnan ni Mino si Yua na para bang gusto nitong sabihin sa kaniya na 'ito ang ginagawa ng tunay na lalaki'. Nakita naman sa mukha ni Yua ang insulto dahil sa ginawang iyon ni Mino.





     Naputol ang tensyon sa pagitan nilang tatlo ng may sumigaw na fans. "HyeWon! Yua! Bagay talaga kayong dalawa!"napalingon tuloy sila sa fans na yun.





     "Ganun ba? Salamat!"yumakap sa mga braso ni Yua si HyeWon. Sa puntong yun ay napansin na ni Mino na tutulo na ang mga luha ni Nicole kaya naman bigla nya itong niyakap at nag-kunyaring naiinggit sya sa sweetness nila Yua at HyeWon. Pero ang totoo ay gusto lang nyang itago ang pag-iyak ni Nicole sa harapan nila.





     "Naku! Girlfriend! Nakakainggit naman sila! Sana ganun din tayo! Hay! Tara na nga! Sumasakit lang puso ko sa inggit eh!"binangga pa nya si Yua ng dumaan silang dalawa. Saka lang bumitaw sa pag-kakayakap si Mino ng makalabas na sila sa canteen.





      Alam nyang grabe na ang iyak nito dahil ramdam nya ang bawat luhang pumapatak sa damit nya. Hindi nya maiwasang maawa kay Nicole dahil nakikita nya dito ang kalagayan ng kaniyang mama noon.





     Kitang kita ni Mino kung paano nasasaktan ang mama nya noon. Hindi hindi iyon nalalayo kay Nicole ngayon kaya naman alam ni Mino kung gaano kasakit para dito ang nararanasan. Galit na galit talaga si Mino sa mga taong gaya ni Yua.





     Kung wala lang sana silang koneksyong dalawa ay matagal na nyang pinaulanan ng suntok at sipa si Yua. Yun din ang isang bagay na hanggang ngayon ay hindi matanggap ni Mino at sa tuwing maiisip nya yun ay talaga namang nang-gagalaiti sya sa galit. Pero wala naman syang magawa. Hindi na rin naman nya mababago pa ang katotohanang iyon~














. . . to be continued

3 comments:

  1. CGe Lng yUa,,, kUng mEi hYeWOn ka aNjaN c miNo q,,, hwAhEHe,,, peRi huRt pa riN aq kEi yUa,,, guStO q tLga dLawaNg LLke eH maLAndi Lng,,, yUhuhU,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwd bng akin na lng si mino .?? haha .!!! gagawin ko ngang kontrabida sarili ko di2 .. hihi .. kunyari ako si hyewon .. hahaha .!!!




      luv yah nicole ..!!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^