Sunday, October 7, 2012

Blooming of Our Music: Chapter 5

CHAPTER FIVE


     INILAPAG ni Mino ang isang bouquet ng flower sa tapat ng nitso ng ina nya. Noong bata kasi sya, sa tuwing nalulungkot at pakiramdam nya ay sobrang down sya ang mama lang nya ang nilalapitan nya. Tapos nun ay muli na syang nabubuhayan ng loob kapag nag-bibigay sya ng mga advice ng ina nya.





     Kahit pa ngayong wala na ang mama nya ay ito parin ang nilalapitan nya sa tuwing may mabigat syang dinadala sa dibdib o kaya naman ay may bumabagabag sa kaniya.





     Bumuntong hininga sya bago nag-salita. "Mama, hindi ko na alam kung anong gagawin ko."wika nya. "Hindi ko sya kayang patawarin pero tama si JiSu. Kailangan ko na bumitaw sa nakaraan. Gusto kong mag-move on na pero hindi ko alam kung pano."napangiti sya sa sarili. Dahil inamin nyang hindi nya alam ang gagawin kaya sya hindi maka-move on. 





     "Kung nabubuhay ka lang sana hindi ako naguguluhan ngayon. Mama, sabihin mo sakin kung anong dapat kong gawin."kinakausap nya ang nitso kahit na walang sumasagot dito. Pero alam nyang naririnig sya ng kanyang ina saan man ito naroon.









_______


     PAALIS na sana ng bahay si Mino ng mapahinto sya sa nakitang Flash News na pinanonood ng kasamabay nila.





     Si Yua ang nasa news, may bago nanaman kasi itong endorsement and this time ay kasama nito ang sikat na sikat ngayong Actress na si Jin HyeWon. Mag-kasama sila para sa bagong cellphone unit na inilabas ng LG.





     "Maraming naka-pansin ng team up nyong dalawa. Tumaas ang sales ng LG dahil sa inyo. Marami ding nag-sabi na bagay kayo. Ano sa tingin mo Yua?"tanong ng reporter.





     Nakangiting sumagot si Yua. "Mabait si HyeWon. Mag-kaibigan kaming dalawa."usual na sagot ng isang showbis na tao.





     "Tama si Yua. Mag-kaibigan lang kaming dalawa. Natutuwa naman ako dahil tumaas ang sales ng LG. Dahil trusted quality rin naman ang mga cellphones nila kaya tinatangkiling ng mga tao."dugtong pa ni HyeWon.





     "Napapabalita na may bagong grupong bubuuhin ang JYM. Totoo ba yun?"





     "Ah--Oo totoo yun. Kaya sana suportahan nyo ang bagong grupo ng JYM."saad ni Yua pero hindi pa nya sinabi na isa sya sa member ng grupong iyon dahil yun ang bilin sa kaniya ng President.





     "Totoo rin ba ang napapabalitang may girlfriend ka?"biglang tanong ng isa pang reporter.





     Napahalukipkip si Mino. Curious sya kung aaminin ba ni Yua ang totoo o hindi. Segundo bago nakasagot si Yua, "Ah--Hindi. Hindi totoo yan. Single ako ngayon."pag-sisinungaling nito. Napailing na lang at napangisi si Mino.





     "Duwag!"sabay alis. Hindi na nya tinapos pa ang intyerview ni Yua. Ayaw na nyang pakinggan ang susnod pang kaduwagan na sasabihin nito.





     TINATAMAD pumasok si Mino sa unang subject nila kaya naman naisipan nya na lang muna mag-palipas ng oras sa soccer field. Sakto walang tao sa field dahil wala ang mga player. Kasalukuyan silang lumalaban sa ibang school ngayon. Nahiga si Mino sa bleacher at wala pang ilang minuto ay nakatulog na sya.









_______


     ALAM ni Nicole na kailangan talagang mag-sinungaling ni Yua sa interview dahil tago naman talaga ang relasyon nila. Pero hindi parin nya maiwasang masaktan sa tuwing maririnig nya mismo sa bibig ni Yua na wala itong girlfriend.





     Pakiramdam nya tuloy ay naiitsapwera sya sa buhay ni Yua pag ganun ang naririnig nya. Para bang wala syang karapatan dito. Dahil tuloy sa interview na napanood nya kanina ay nawalan sya ng ganang pumasok.





     Gusto nya munang mapag-isa. Habag nag-lalakad sya ay nasa isip nya kung gaano ka-close sina Yua at HyeWon. Nag-se-selos sya kahit na alam nyang mahal sya ni Yua. Bigla tuloy syang natakot na baka bigla na lang mawala si Yua sa kaniya.





     Napahinto na lang sya ng biglang pumatak ang mga luha nya. Parang bigla syang nawala sa sarili. Nakatulala lang sya, ni hindi na nga nya alam kung paano sya nakapunta sa soccer field.





     Basta ang alam lang nya ngayon ay may nakaharang na bleacher sa harapan nya kaya sya huminto. Panay lang ang tulo ng mga luha nya. Hindi man lang sya nag-abalang punasan ito. Napa-atras na lang sya ng may biglang tumayo sa harapan nyang isang galit na mukha.





     "Mi-Mino!"gulat nyang sabi.





     "Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita na may taong nakahiga dito?"galit na saad ni Mino habang pinupunasan nito ang mga labi. Napatakan kasi ng mga luha ni Nicole ang labi nya. "Ganyan ba paraan mo para mang-akit ng mga lalaki? Ang patakan ang mga labi nila ng luha mo?"namumula na ito sa galit. Hindi naman alam ni Nicole ang sasabihin nya. Pinapanood nya lang ang bawat reaksyon ni Mino. "Bwisit!"bulyaw nito habang dumuduradura pa. Hanggang ngayon kasi ay nalalasahan parin nya ang maalat na luha ni Nicole.





     Nagulat si Nicole sa sigaw na yun kaya naman lalo lang syang napaiyak. At ngayon nga ay humahagugol na sya. Imbes na maawa ay lalao pang na-inis sa kaniya si Mino.





     "Bakit ba parati ka na lang ngumangawa sa tuwing nakarahap ka sakin?! Nakakainis!!"kulang na lang ay sumabog sa galit si Mino.





     Gusto nyang layasan si Nicole pero hindi nya magawa. Nakatitig lang sya dito na may nakamusangot na mukha. Humahagulgol parin sa pag-iyak si Nicole. Inis na lang na napakamot sa ulo si Mino.





     "Pwede ba manahimik ka na! Hindi na nakakatuwa! Isa! Pag bilang ko ng tatlo pag di ka tumahimik malalagot ka sakin! Isa!"nang-gigigil na ito sa bawat salitang sinasabi nito. Halatang nag-pipigil ito sa galit. Hindi parin tumigil sa pag-iyak si Nicole. "Dalawa! Dalawa na 'to! Pag pangatlo humanda ka talaga!"banta ni Mino. Sa halip na manahimik ay lalo pang lumakas ang iyak ni Nicole. "Aba! Talaga naman! Naiinis na ko! Naiinis na talaga ako!"





     Hindi na tinuloy ni Mino ang bilang nya dahil baliwala din naman. Padabog na lang syang tumayo sa bleacher at akmang aalis na pero nang lingunin nya si Nicole ay bigla syang nakaramdam ng konsensya.





     Parang bata syang nagwawala dahil hindi nya akalaing makakaramdam sya ng konsensya sa isang tao. Bully sya at marami na syang taong nabugbog pero ni minsan ay hindi sya nakaramdam ng konsensya sa mga ito. Pero bakit kay Nicole? Halos hindi nya magawang iwan ito.





     "Bwisit naman oh! Bakit ba ko nako-konsensya sayo!?"para itong maiiyak ng sabihin iyon. "Tumahimik ka na nga!"pakiusap nito pero ayaw talaga tumahimik ni Nicole. Nakapa ni Mino ang panyo sa bulsa nya na kinuha nya noong araw na umiyak din si Nicole sa harap nya.





     Kinuha nya iyon sa bulsa at inilahad kay Nicole. "Punasan mo nga yang mukha mo! Nang-gigitata ka na eh!"utos ni Mino pero gaya ng dati hindi tinanggap ni Nicole ang panyo. "Ano ba? Naliliitan ka ba sa panyo? Oh! Punasan mo na yang sipon mo! Bumabaha na sa mukha mo eh!"giit ni Mino sa panyo pero nag-mamatigas talaga si Nicole. Ayaw nyang tanggapin ang panyo. Tiningnan pa nya ng masama si Mino.





     "Kulang pa yan para sa nag-babaha kong sipon!"sarkastikong saad nito.





     Hindi mamakapaniwala si Mino sa sinabi nya. "Ang arte mo! Prinsesa ka ba?"





     Muli nyang tiningnan ng masama ni Nicole. "Oo! Prinsesa ako! Ikaw naman isa kang alipin!"parang bata nitong patol sa asar ni Mino.





     "Isip bata!"sabi ni Mino.





     "Ano? Sino kayang mas isip bata sati---"natigilan si Nicole ng mapansin nyang hinubad ni Mino ang coat ng uniform nya. "Anong ginagawa mo?"natatarantang tanong ni Nicole pero hindi sya sinasagot ni Mino. Patuloy lang ito sa pag-huhubad.




     Sunod nitong hinubad ang puting uniform polo. Ngayon ay wala na itong suot na pang-itaas. Napaiwas ng tingin si Nicole kasi nakahubad na si Mino. "Si-sira ba ulo mo? Bakit ka nag-hubad? Mamaya may makakita say---"natigilan sya ng hatakin sya ni Mino palapit.





     Hinawakan ni Mino ang mukha nya at pinihit ito paharap. Parang bigla syang nalagutan ng hininga sa ginawa ni Mino. Lalo na ng simulan ni Mino na punasan ang basang basa sa luhang mukha niya. Hindi sya naka-react. Ni hindi nga sya humihinga eh. Nakakunot lang ang mukha nya habang nakatitig sa mga mata ni Mino na hindi nya mabasa kung anong sinasabi.





     "Naliliitan ka parin sa uniform ko? Hindi ko na matiis yung sipon mo sa mukha kaya ako na nag-punas."saad ni Mino matapos nyang punasan si Nicole sa mukha gamit ang uniform nya.





     Shocked parin si Nicole kaya hindi ito makapag-salita. Nakatingin lang sya kay Mino. Nakita nyang pinag-pag ni Mino ang uniform nito saka muling isinuot. Matapos ibutones ay ipinatong na nito ang coat nito saka isinuksuk ang mga kamay sa bulsa ng pants nito.





     "Sa susunod wag ka nang iiyak sa harapan ko. Dahil nakakadiri ka panoorin eh."nang-insulto pa ito bago umalis.





     Naiwang tulala si Nicole. Pabagsak itong naupos sa bleacher na hinihigaan ni Mino kanina. Hindi sya makapaniwala na kayang gawin ni Mino ang mga ganung bagay. First time kasi maranasan ni Nicole na punasan ang mga luha nya maging ang sipon nya ng isang lalaki gamit ang sarili nitong damit.





     Tapos ni hindi man lang ito nag-alangan na isuot muli ang damit na yun kahit na basang basa na ng luha at sipon ni Nicole. Sino ba namang lalaki ang gagawa nun? Ni si Yua nga hindi nya maisip na gagawin ang bagay na yun. Para kay Nicole napaka-manly ng ganung tao. Bigla tuloy nawala ang inis nya kay Mino at napalitan ito ng pag-hanga.





     Malayo pala ang totoong Mino sa nakikita nya. Nag-kamali sya~








. . . to be continued




6 comments:

  1. aNg saKit tLga nuN,,, kaSi seCret reLationShip,,, nApaaGree aq kEi miNo n tLgaNg dUwag si yUa kaSi kUbg tLgaNg LuV nia aKo, oKaY LnG sKaNya na UmaMin at taNggaPin aNg kHit n aNong coNseqUence,,, PerO PaRt ksi uN ng jOb nia,,,

    BuTi aNjaN n maPaNgasaR na si miNo,,, kaHit Lgi nAngaaSar kaKakiLig paRin,,,

    ReplyDelete
  2. haLa tO bE cOntiNued p pLa,,, cAnt wait s kaSunod,,,

    ReplyDelete
  3. ang sweet nmn pla ni mino ehh... cno nga po pla xah jan sa apat n llki??

    ReplyDelete
    Replies
    1. xa ung nasa kaliwang dulo na tabi ni Yua .. from left to right .. Mino <3, Yua, JiSu, SeChang ..

      Delete
  4. Replies
    1. ako din kinikilig sa ginawa ko .. haha!!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^