Sunday, October 7, 2012

Blooming of Our Music: Chapter 4

CHAPTER FOUR


     BUSY ang JYM sa conference room ngayon kahit na araw ng sabado dahil pinag-uusapan na nila ang tungkol sa bubuuhin nilang bagong grupo. Nan doon din sina Yua at SeChang dahil kasama nga sila sa bubuuhing grupo.





     "Ang balak naming genre is Ballad. Like 2AM, but the President wants it to be unique."sabi ng team leader na si Ms. Cho.





     "Kailangan nating umisip ng isang concept na kakaiba pero mabilis maka-hooked ng mga listeners. Gusto kasi nila yung mga beat na tipong sasabay sa tibok ng puso nila."dagdag naman ng isang lalaki sa tabi ni Yua.





     "How about a ballad mixed with rap? Bibihira lang ang ganun. Nagawa na sya ng 2AM at kinagat naman sya ng mga tao. Maganda rin ang naging feedback after that album was released kahit na featured lang si ChanSung ng 2PM."suhestyon din ng isa pang babae na mukhang sinangayunan naman nilang lahat maging ni President Maeng na nakikinig lang sa usapan nila.





     "That's a good idea. Nagustuhan ko yan."wika ng President.





     "Okay, so that's our plan? We have Yua, SeChang. We need two more para ma-kompleto na yung apat na member."saad ni Ms. Cho.





     "Bakit di na lang tayo kumuha ng trainee sa ibang entertainment para hindi na tayo mag-held pa ng audition since dalawa na lang naman ang kulang?"





     "No, lets continue the Audition next month. We need new trainees. And by the way, yung kaibigan ko nga pala yung anak nya is a good singer. Tingin ko pwede natin syang kuhain."singit naman ni President Maeng ng maalala nya ang anak ng kaibigan nyang si Arnold.





     "Okay, so we just need a rapper."pag-tatapos ni Ms. Cho.





     "Ah President Maeng, pwede ba kong mag-suggest ng isa pang isasali sa grupo?"tanong ni SeChang, gustong gusto nya kasing makasama si Mino sa grupo kahit na hindi nya pa alam kung kumakanta ba ito o hindi.





     "Bakit? May io-offer ka ba sakin?"tanong ni President Maeng sa anak.





     "Meron po sana eh."napatingin naman si Yua sa kaniya.





     "Ganun ba? Sige, ipasa mo kay Ms. Cho ang record ng pag-kanata nya. Sila na bahalang mag-evaluate nun kung pwede ba sya o hindi."yun lang at tumayo na ang President.





     "Salamat!"masayang saad ni SeChang sa ama. 





     Natapos na ang meeting nila kaya naman nag-mamadaling umalis si SeChang dahil pupuntahan nya si Mino para maumpisahan na nilang mag-record ng kanta. Binati nya lang saglit si Yua saka umalis na papunta sa bahay ni Mino.






_______


     ANG ina ni JiSu na si Emillia ang nag-bukas ng pinto ng mag-door bell si SeChang. Nakangiti naman nyang sinalubong si Emillia.





     "Oh, Mr. Maeng! Anong ginagawa mo dito?"gulat pero nakangiting tanong ni Emillia.





     "Good Afternoon po. Nan dyan po ba si Mino? Best Friend ko po sya."diretsahang tanong ni SeChang.





     "Talaga ba? Totoo ba yang sinasabi mo?"halos hindi makapaniwala si Emillia sa narinig. May best friend si Mino? Kahit kailan kasi ay wala pa itong pinakikilalang kaibigan sa kanila. Kaya naman ganun na lang ang gulat ni Emillia sa narinig galing kay SeChang.





     "Totoo po yun. Best Friend po kami."





     "Ganun ba? Halika, pasok ka."excited na pinapasok ni Emillia si SeChang.





     "Sino ba yan? Oh! SeChang? Anong ginagawa mo dito? Inutusan ka ba ng papa mo?"saad ni Arnold ng makita si SeChang.





     "Hindi ano ka ba? Binibisita nya ang best friend nyang si Mino."si Emillia na ang nag-sabi nun kay Arnold. Gaya nya ay nagulat din ito.





     "Best Friend?"ulit pa ni Arnold.





     "Oo. Mr. Maeng, akyatin mo na lang si Mino sa kwarto nya. Naliligo kasi sya ngayon. Dun mo na lang sya hintayin. Nasa dulo ang kwarto nya. Sige, umkyat ka na. Best Friend mo naman sya."wika ni Emillia sa napakasayang boses nito.





     "Sige, salamat po."umakyat na sa taas si SeChang.





     Bago makarating sa kwarto ni Mino ay nadaanan nya muna ang kwarto ni JiSu na medyo nakaawang ng kaunti ang pinto. Dinig na dinig ni SeChang ang pag-kanta ni JiSu sa loob. Napakaganda at buong buo talaga ang boses nito. Marahang sinilip ni SeChang ang punong puno ng emosyon habang nakanta na si JiSu.





     "Hindi talaga nag-kamali ng pag-pili si papa sa kaniya."bulong ni SeChang sa sarili saka lumakad na papuntang kwarto ni Mino. "Mino?"tawag nya ng buksan nya ang loob ng kwarto ni Mino. "Hu? Walang tao? Nasan ba sya?"pumasok sya sa loob.





     Inilibot nya ang paningin niya sa paligid ng kwarto, hindi nya maiwasang humanga dahil sa sobrang linis ng loob. Lahat nakaayos maging ang cover ng kama. Wala kang malalanghap na alikabok, napakabango pa doon. At napaka-aliwalas ng paligid dahil sa may kalakihang bintana sa tapat ng kama ni Mino.





     "Wow! Ang linis ng kwarto nya. Hindi mo iisipin na ganitong klaseng tao pala sya! Grabe!"nakuha ang atensyon ni SeChang ng isang banner na nakadikit sa pader sa harapan ng study table ni Mino. "A person doesn't have limitations if he believes he can do anything."malakas na basa nya. "Aba, yan ba ang motto nya? Kaya naman pala kung umasta sya wala syang inuurungan."naiiling nyang saad.





     Naupo sya sa upuan ng study table ni Mino, nang makita nya ang isang mini cassette ay agad nyang pinindot ang play button. "Ano kayang music pinakikinggan ni Mino?"sumandal sya sa upuan at saka tahimik na pinakinggan ang music. Rap ng isang lalaki ang narinig nya. Napakunot ang nuo nya dahil sa familiar na boses ng nagra-rap.





     Napaangat sya sa pag-kakasandal sa upuan at bahagyang lumapit sa cassette para mas marinig nya ang boses. "Teka---si Mino ba 'tong nagra-rap?"pinakinggan nyang mabuti ang boses. "Si Mino nga! Akalain mong marunong pala sya mag-rap? At ang galing!"napaisip saglit si SeChang. Bumalik sa alala nya ang napag-usapan kanina sa conference nila tungkol sa bagong grupo.





     Nabanggit doon na rapper na lang ang kailangan nila. Bigla tuloy sya nag-karoon ng idea.






______


     NAKATAPIS lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ni Mino ng lumabas sya sa banyon ni JiSu. Mas gusto kasi ni Mino na maligo sa banyon ni JiSu dahil may bathtub. Yung bangyo nya kasi ay shower lang ang mayroon. 





     Umaalingaw-ngaw sa loob ng kwarto ang boses ni JiSu dahil  nagpa-practice ito para sa audition. Ang buong akala kasi nito ay mag-au-audition pa ito pero wala itong kaalam alam na scouted na pala ito.





     Tuloy tuloy lang sa lakad si Mino habang pinupunasan nito ng towel ang buhok. Palabas na sana sya ng kwarto ng huminto sa pag-kanta si JiSu at tinawag sya.





     "Mino!"lumingon naman si Mino habang nag-pupunas parin ng buhok nya. "Sigurado ka bang hindi ka talaga sasali sa audition? Diba bata pa lang pangarap mo nang maging sikat at magaling na rapper? Bakit ngayon biglang ayaw mo na?"tanong ni JiSu.





     "Sinabi ko na diba? Ayaw ko mag-audition. Bata pa ko nun at wala pa sa katinuan kaya ko nasasabi ang mga ganung bagay."paliwanag naman ni Mino pero alam ni JiSu na hindi naman talaga iyon ang nasa isip ni Mino.





     "Kalimutan mo na ang nakaraan. Ang gusto ng mama mo ay maging masaya ka ulit sa buhay mo. Seven years ng nakatanim dyan sa puso mo ang sakit at galit. Buti ba sana kung naibebenta at mapagkakakitaan yang nakatanim dyan sa puso mo. Pero hindi eh. Wala namang mabuting naidudulot yan."makabuluhang saad ni JiSu.





     "Wag mo na nga lang ako pakelaman!"inis nitong wika. Nasaktan kasi ang pride nito sa sinabi ni JiSu.





     "May pakelam ako kasi pinsan kita at para na ring kapatid ko. Nasasaktan din ako sa araw araw na nakikita kitang pilit na tinatago ang puot dyan sa puso mo."





     "Ang drama mo!"





     "Mino, kalimutan mo na ang nakaraan at mag-simula ka ulit. Sigurado akong yun ang gusto ni tita Rizza sayo. Naniniwala akong hindi dahil sa ama mo kaya pinangarap mong maging magaling na rapper. Kundi dahil bago ka pa man ipanganak, yun na talaga ang nakatadhana sayo."hindi na nakapag-salita si Mino sa mga sinabi ni JiSu. Ayaw man nyang tanggapin pero tama si JiSu.





     Seven years na nyang ikinulong ang sarili nya sa nakaraan. Ni hindi na nya nabibigyan ng chance ang sarili nya na makita ang ibang posibilidad ng buhay. Ikinulong nya na lang ang sarili nya sa shell. Galit na galit sya sa mundo na nagiging dahilan kung bakit sya nabubulagan ngayon sa mga bagay na gusto nya talagang gawin.





     "A person doesn't have limitations if he believes he can do anything. Yan ang motto mo dahil naniniwala kang kaya mo gawin lahat. Nalala mo pa ba kung pano mo nabuo ang motto na yan? Bago mamatay ang mama mo nangako ka sa kaniya na tutuparin mo lahat ng ipinangarap nya sayo. Naalala mo pa ba yung mga pangarap sayo ng mama mo?"tanong ni JiSu. Hindi naman sumagot si Mino sa halip ay inalala ito ang mga sinabi sa kaniya ng mama nya noong bago ito mamatay.





     "Gusto nyang maging matagumpay ka sa mga bagay na gusto mong gawin."wika ni JiSu, bumuntong hininga pa ito. "Mino alam kong masakit para sayo ang nang-yari sa mama at papa mo. Lalo pa at ang papa mo ang naging role model mo noon. Alam ko rin kung gano mo kinamumuhian ang papa mo ngayon. Pero Mino, sana gawin mo na lang 'to para sa mama mo. Kahit hindi na para sa papa mo. Pag-isipan mo sana ng mabuti yung mga sinabi ko sayo."





     Tumatak nga sa isipan ni Mino ang bawat sinabi ni JiSu. Bumalik sa alaala nya ang lahat ng pangarap na matagal din nyang ibinaon. Inaamin nya may punto si JiSu sa bawat sinabi nito kanina.






______


     MABILIS na inipit ni SeChang ang CD sa pants nya at tinabunan iyon ng suot nyang damit ng may marinig syang nag-bukas ng pinto. Kasabay ng pag-harap nya ay ang pag-kagulat ni Mino. Napayakap ito sa sarili ng makitang may tao sa loob ng kwarto nito.





     "Ano bang ginagawa mo dito?!"pasigaw na tanong ni Mino.





     Natataranta naman sumagot si SeChang, "Hu--ah--wala! Binisita lang kita. Sige alis na ko! Bye!"nag-mamadali itong lumabas ng kwarto ni Mino at patakbong bumama. Inis lang syang sinundan ng tingin ni Mino.





     "Sira ulo! Papatayin pa ko sa gulat!"bulong na lang ni Mino sa sarili.






_______


     PINAG-MAMASDAN ni SeChang ang bawat reaction ng mukha ni Ms. Cho habang pinakikinggan nito ang rap ni Mino. Mukhang nagugustuhan naman nito kaya naman natutuwa doon si SeChang. 





     Nang matapos sa pakikinig ay agad nyang tinanong si Ms. Cho. "Ano Ms. Cho? Magaling ba sya? Pasado ba sya sayo?"excited na syang malaman ang sagot ni Ms. Cho dahil sigurado syang pasado si Mino.





     "Hmm... Magaling sya, ibang klase ang style nya sa pag-rap. Pupuntahan ko mamaya si President Maeng para ipaalam sa kaniya na may kumpleto na ang grupo ninyo."masayang wika nito.





     Napasuntok naman sa hangin si SeChang. Talagang masaya sya dahil natupad ang hiling nyang makasama si Mino sa isang grupo. Ang problema na lang ngayon ay kung paano ipapaliwanag ni SeChang ang tungkol sa bagay na 'to.





     Pano nya sasabihin kay Mino na official member na ito ng bagong grupo ng JYM at mag-de-debut soon.







. . . to be continued




2 comments:

  1. kYa nMaN paLa gaNun c miNo,,, maY paSt at piNagdAdaaNan LNg,,, pErO siA nA aNg mGgiNg raPpEr ng gRouP niLa,,, saLaMat s aGkapKeaLamEro ni sEcHang at madiDiskUbre n tLGa c miNo,, LOL,,,

    ReplyDelete
  2. yes, mgging part n tlga ng group nla c mino, mgling pla mag-rapper ee..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^