Sunday, October 7, 2012

Blooming of Our Music: Chapter 3

CHAPTER THREE


     PLANO sanang kausapin ni Yua si Mino ngayon pero hindi ito pumasok sa klase. Nang tanungin nya naman si SeChang ay hindi naman nito alam kung nasaan si  Mino.





     Pareho na silang kinakabahan ni Nicole. Natatakot kasi sila na baka ipag-kalat ni Mino ang kung ano mang nakita nya sa rooftop kanina. Hindi maganda iyon para kay Yua lalo pa at muli syang mag-de-debut. Paano ngayon nila aayusin ang gulo?





     KINABUKASAN, on the way to school na si Yua ng biglang madaanan ng kotse nya ang nag-lalakad na si Mino sa daan. Mabilis nyang pinahinto ang sasakyan. Kinuha nya ang shade at sumbrero, sinuot nya ito bago bumaba ng sasakyan.






_______


     KUMUHA ng barya si Mino sa bulsa tapos ay inihagis nya ito sa lata ng bulag na pulube. Nang marinig ng bulag na tumunog ang lata ay agad itong nag-pasalamat. Tinanguan lang sya ni Mino.





     Aalis na sana si Mino nang may biglang tumawag sa likuran nya.  "Song Mino!"agad na napalingon si Mino. Napakunot sya ng nuo ng hindi nya mamukhaan kung sino ang taong iyon. Lumapit ito sa kanya at bumulong.





     "Si Yua 'to."





     Umasim ang mukha ni Mino sa narinig. "Anong kailangan mo?"inis nitong tanong. Hindi sumagot si Yua, instead ay may inabot itong puting sobre. Tiningnan lang ni Mino ang sobre, "Ano yan?"maangas nitong tanong.





     "Tanggapin mo na 'to. Pera ang laman nito. Kung ano man yung mga nakita mo sa rooftop kalimutan mo na lang yun."





     Napangisi si Mino. Halatang nainsulto ito sa ginawa ni Yua at the same time ay dismayado din ito. "Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Hindi lahat ng problema, pera ang sulosyon. At hindi sa lahat ng panahon makapangyarihan ang pera."kinuha ni Mino ang sobre at walang ano ano ay inihagis niya ito sa kandungan ng bulag na pulube.





     Nang maramdaman ng pulube na may bumagsak sa kandungan nya ay agad nya itong kinapa at inamoy amoy, "Salamat! Salamat!"saad ng pulube ng malaman nyang pera pala ang laman nun.





     "Wala akong pakelam kung ano man ang ginagawa nyo sa rooftop kahapon. At kung pwede lang imbes na ipang-suhol, ibigay mo na lang sa mas nanga-ngailangan yang pera mo."in-snob ni Mino si Yua saka tinalikuran ito. Nainsulto at napikon din si Yua sa mga sinabi ni Mino maging sa ginawa nito. Gusto pa sanang bawiin ni Yua ang pera sa pulube pero nasa bag na nito ang sobre.






_______


     PAREHONG halos hindi makatingin sina Yua at Nicole kay Mino ng pumasok ito sa classroom. Dire-diretso lang ito, ni hindi man lang ito naiilang sa nang-yari. At hindi man lang ito nag-aaksaya ng panahon na lingunin ang dalawa.





     Bago pa man sya makaupo ay sinalubong na sya ni SeChang. "Mino! Best friend! Marunong ka bang kumanta? May audition sa JYM! Mag-audition ka! gusto kita makasama sa isang group!"para itong batang sumusunod kay Mino hanggang sa makaupo.





     Hinubad ni Mino ang bag nya at padabog na inilapag sa lamesa nya. Nakayuko lang si Nicole ng sulyapan nya. Ganun din si Yua. "Hoy! Maeng SeChang!"tawag nya sa kaharap na si SeChang. "Prohibited ba sa JYM ang pakikipag-relasyon ng mga artist nila?"





     Galit na napalingon si Yua kay Mino, imbes na mainis ay ikinatuwa pa ito ni Mino dahil sa ganung paraan lang ay naaasar nya si Yua. Nangi-nginig naman si Nicole dahil sa tense.





     "Sabi ni papa hindi naman. Kaya pwedeng pwede kang mag-karoon ng girl friend sa kahit sino pang female group!"pilit ni SeChang kay Mino pero wala syang kaalam alam na may pinariringgan pala ito kaya ito nag-tanong tungkol sa dating rule. "Ito yung form! Pirmahan mo na tapos bigay mo sakin mamaya."inabot ni SeChang ang form kay Mino tapos ay bumalik na ito sa pwesto nito.





     Wala sa isip naman yung tinanggap ni Mino dahil ang atensyon nito ay nakay Yua na ngayon ay nakikipag-titigan sa kaniya. Walang tingin tingin na inilagay lang ni Mino ang form sa bag nito. Matapos titigan si Yua ay kay Nicole naman nabaling ang tingin nya. Napansin nyang nangi-nginig parin ito, natawa tuloy sya.





     "May multo ka bang nakikita? Nangi-nginig ka kasi eh."tumawa ulit ito na may pang-aasar. Ngayon ay si Nicole naman ang tumingin ng masama sa kaniya. 





     Nang-gigilid ang mga luha nito. Kinuha ni Mino ang iPod sa bulsa ng bag nya at inilagay sa tenga ang headset. Nang makita nyang tumulo na ang mga luha nito ay kinuha nya ang panyo sa ibabaw ng lamesa ni Nicole at inilahad ito dito. Ngumiti pa sya na parang balewala lang sa kanya ang pag-luha ni Nicole.





     Iniiwas ni Nicole ang mukha nya dito pero hindi nya tinanggap ang panyong ibinigay ni Mino. Mga kamay nya ang pinampunas nya sa luha nya. Nag-kibit balikat si Mino, at sa halip na ibalik ang panyo ay ibinulsa nya na lang ito.






_______


     BREAK TIME na pero mas piniling mapag-isa ni Nicole. Hanggang ngayon kasi nasa isip parin nya ang ginawang pananakot ni Mino kanina sa klase.





     Alam nyang bastos ang lalaking yun pero hindi nya akalaing mas masahol pa pala doon ang ugali nito. "Ang sama sama nyang tao!"bulong nya sa sarili habang nag-lalakad sya sa hallway pabalik na sa classroom.





     Napahinto sya at napatago sa gilig ng pader, paliko na sana sya  sa left side ng makita nya si Mino na may kausap na isang babae sa kabilang likuan, kung hindi sya nag-kakamali ay third year ang babae dahil sa kulay ng neck tie nito. Maingat nyang sinilip ang mga ito. Rinig din nya ang mga boses dahil ilang milya lang naman ang layo nila sa kaniya.





     "Para sayo 'to. Imported chocolates 'to. Binili ko pa para lang talaga sayo."inabot ng babae kay Mino ang isang brown na maliit na box at may ribbon pang color red sa ibabaw.





     Inalis ni Mino ang isang kamay nyang nakasuksuk sa bulsa ng pants nya para abutin ang box ng chocolate na ibinigay ng babae. Abot hanggang tenga naman ang ngiti ng babae.





     "Mino, mahal kita simula pa noon."pag-amin ng babae sa kinikilig na boses. Napasapo naman sa bibig si Nicole.





     "Ano bang nakita nya sa lalaking yan? Ang sama sama naman ng ugali nyan!"bulong ni Nicole sa sarili habang pinanonood nya ang reaction ng mukha ni Mino. "Wala man lang syang karea-reaction! Ni mag thank you nga hindi nya kayang sabihin."protesta nya sa sarili. Parang gusto na nyang sumugod doon at batukan ang babae para matauhan ito na maling lalaki ang nagustuhan nito.





     "Hindi ako nae-empress sa mga regalong panagkaka-gastusan ng mahal. Gusto ko ng mga regalo na pinag-hihirapan at pinag-pupuyatang gawin, dahil yun ang mas karapat dapat na ingatan at pahalagahan. Hindi rin ako mahilig sa matamis, lalo na sa chocolates. Pink ang favorite color ko hindi brown or red."hindi mo mabasa kung galit ba o hindi si Mino dahil sa poker face nitong expression.





     Bahagya naman natawa si Nicole ng marinig nya ang favorite color ni Mino. "Pink? Bakla yata sya eh. Siguro may gusto sya kay Yua kaya ganun na lang ang reaction nya ng malaman nyang kami."natatawa parin nyang bulong.





     Ang kanina namang masayang mukha ng babae ay unti unting napapalitan ng lungkot at ngayon nga ay nang-gigilid na ang mga luha nito, sa kabila nun ay hindi parin tumigil sa pag-sasalita si Mino. "At higit sa lahat, ayaw kong marinig na sabihin sa isang babae ang salitang 'Mahal kita' dahil ako ang unang mag-sasabi nun. Yun ay kung...... mahal kita. Kaya lang...... hindi kita mahal eh. Pasensya na."saad ni Mino in his arrogant voice.





     "Hay! Grabe! Ang sama sama talaga ng ugali nya! Pwede nya namang sabihin yun in a nice way! Bakit ganun pa? Ang sama sama talaga!"pigil ang galit na bulong ni Nicole. Gusto na nyang sampalin si Mino.





     Hindi na napigilan ng babae ang pag-iyak kaya naman hinablot nito ang box ng chocolate kay Mino at kusang umalis sa harapan nya. Walang ka-react react lang syang sinundan ng tingin ni Mino saka lumakad na rin sa direksyon ni Nicole.





     "Naku po! Anong gagawin ko? Lagot na!"hindi na sya nakatakbo dahil sa taranta kaya naman tumalikod na lang sya para hindi mahalat ni Mino.





     Dire-diretso lang si Mino, ngunit ng makalampas ito ay bigla itong napahinto ng may mapansin. Nilingon nya ang nakatalikod na babae. Kinilala nya ito at ng malaman kung sino ito ay napailing sya.





     "Gawain mo bang makinig sa usapan ng iba?"halata ang inis sa boses nito. Pankunyari pa si Nicole na wala syang naririnig, nakikipag-matigasan pa sya dito pero sa huli ay sumuko rin sya.





     "Hindi no! Pabalik na ko sa room! Nag-kataon lang na nan dyan kayo!."dahilan nito na sya naman totoo.





     "Nasa left side ang room natin wala sa right side! Baka naman mag-co-confess ka rin kaya ka nan dyan?"sumilay ang malisyosong tingin sa mukha ni Mino.





     Agad naman tumanggi si Nicole. "Hindi no! Hindi ako papatol sa bakla!"yun na lang ang nasabi ni Nicole dahil sa pag-kataranta.





     Mas lalong naningkit ang mata ni Mino sa narinig, "Ano? Anong sabi mo?"nangu-ngulubot nanaman ang nuo nito sa galit.





     "Ba-ba-ba-bakla ka!"sigaw ni Nicole mismo sa mukha ni Mino na talaga naman hindi nito nagustuhan.





     "Bakla pala hu!"mabilis na lumapit si Mino kay Nicole at mabilis ding napaatras si Nicole. Napasandal ito sa pader. Iniharang ni Mino ang mga kamay nya sa mag-kabilang gilid ni Nicole kaya ngayon ay nakakulong na ito sa mga braso niya.





     "A-ano-Hoy-Min-Hoy-A-"hindi na alam ni Nicole ang sasabihin nya dahil centimeter na lang ang layo nila sa isa't isa. Rinig na rinig na nya ang bawat pag-hinga ni Mino. Halos hindi na nga sya makahinga dahil kinukuha na ni Mino ang bawat hangin na hihingahin nya. Amoy na amoy na nya ang pabango nito. Maliwanag na maliwanag sa kanya ang bawat detalye ng mukha nito.





     Wala itong double eyelid, in short singkit ito. Ang tangos tangos ng ilong nito. Napaka-kinis ng mukha nito at napaka-pula ng manipis nitong labi. Kissable lips ika nga.





     Parang tumigil ang pag-tibok ng puso nya at kusa na lang syang napapikit ng mariin ng makita nyang biglang inilapit ni Mino ang mukha nito sa mukha nya. Para syang biglang nabingi at nawalan ng pakiramdam. Napahawak sya ng mariin sa mag-kabilang dulo ng palda nya at itinikom nya ang bibig nya.





     Ilang segundo syang nakiramdam, ilang segundo nyang hinintay ang pag-dampi ng mga labi ni Mino sa labi nya pero unti unti syang napadilat ng wala namang dumadampi. Sa pag-dilat nya nga ay bumulaga sa mukha nya ang nakangising mukha rin ni Mino. Pero isang galaw lang ay talagang mag-didikit na ang labi nila sa sobrang lapit.





     Hindi agad naka-react si Nicole. Panay lang ang kurap ng mga mata nya habang nakatitig sa mga mata ni Mino. "Akala ko ba hindi ka pumapatol sa bakla? Sa itsura mong yan parang gusto mo talagang halikan kita."biglang natauhan si Nicole sa sinabing yun ni Mino kaya naman tinulak nya ito palayo.





     "Ang kapal ng mukha mo! Akala mo kung sino ka!"sigaw nito saka nahihiyang nilayasan ni Nicole si Mino.





     Hindi naman maiwasang matawa ni Mino sa nakita nyang expression ng mukha ni Nicole ng gawin nya yun. Napailing na lang sya ulit saka sumunod na dito pabalik sa room nila.






_______


     HABANG nag-lalakad si Nicole pabalik sa room ay nasa isip parin nya ang nang-yari kanina. Napakamot na lang sya sa ulo dahil sa inis. "Hay! Bakit ba dismayado ako?"bulong nya sa sarili.





     Papasok na sana sya sa loob ng room ng bigla nya ulit maala ang mukha ni Mino. Lahat ng detalye hanggang ngayon ay nasa isip nya parin lalo na ang mapula nitong labi. Kasabay ng pag-alala nyang yun ay ang mabilis na pag-tibok ng puso nya. Napasapo tuloy sya sa dibdib nya.





     Natauhan lang sya ng may bumangga sa likuran nya. Kamuntik na tuloy syang sumubsob sa board nila dahil sa walang pakundangang pag-pasok ni Mino sa loob.





     "Bastos talaga!"saad nya habang nakatingin ng masama kay Mino.





     Gusto man syang ipag-tanggol ni Yua pero hindi pwede. Ang magagawa na lang ngayon ni Yua ay ang titigan si Nicole.








. . . to be continued

1 comment:

  1. gRaBe miNo uR dRiviNg mE cRazY,,, LEssOn LeaRned,,, waG maNgaasAr sa mGa gwaPong LLki n baKLa cLa daHiL iBaNg kLase siLng maNtriP,,, waaAahh kniKiLig aq kei miNo baBy paNo n aNg yUa deAr q,,, hwaHaha,,, maGkaiba tLga cLa ng pEtnaMe,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^