Sunday, October 21, 2012

Back Off She's Mine!: Chapter 3




Mhikaila's POV





Mahigpit na niyakap niya ako at ako naman ay napatulala sa kawalan... ano 'raw? Wifey?



“Te-teka nga lang!”Hinawakan ko yung balikat niya at nilayo ang sarili.“Wifey? Hoy! Wag mo akong pagkamalan na asawa mo! Baliw!”



“Ako baliw?” Bumalik uli ang panlilisik sa mata niya... tapos hinigit niya ang braso ko.



“^_____^v hehehe... joke lang yung baliw... pero pano mo ba ako naging wifey, ha? Hindi nga kita kilala eh.”



Okay balik normal uli siya.



=.= kailangan ko ng makatakas dito kung hindi baka dedz na ako dito.



Mhikaila isip! Isip!



Pero isa lang ang nakatatak sa utak ko... tumakbo na lang?



“Hala! Ano yun?!” Turo ko sa likod niya.. nang lumingon siya ay tumakbo na ako palayo...



“Hey wife! Wait up!”



Hinabol niya ako... tumigil muna ako sat as tiningnan ang stop light... Buti na lang green yun..



Lingon uli sa likod at tumatakbo na siya palapit sa akin... kaya naman ay sumampa ako sa babaw ng sasakyan... tapos ay tumalon... takbo!!!!!!



Tumakbo ako... pumasok sa mall tas pumunta sa CR...



Phew... halos mapugto na ang hininga ko... L waaa...



Pumasok ako sa cubicle... 30 minutes din ako nandun... hindi muna ako aalis doon ng ilang oras....



“Ano ba miss!? Ang tagal mo naman sa loob! Lumabas ka na nga!”



O___O galit na ata ang babaeng yun... daling-dali ako lumabas doon... “Sorry po!”



“Tsk!”



>.< Eh! Kung hindi lang sana ako sinundan na baliw na lalaking 'yun hindi sana mangyayari ito sa akin. Malas ko naman eh! Nang makalabas na ako sa CR ay naglakad ako... patungo sa exit... kaso nakita ko siya doon kaya tago ako sa pillar...



“Aish... San na kaya yun?” sabi niya... Narinig ko na tumunog ata yung phone niya... “Hello? Tsk! Ngayon na? Im alright... yeah right! Oo na!”



Sumilip ako...



*O* sayang gwapo talaga niya kaso... >.> BALIW ATA.



Nakita ko na may nahulog sa bulsa niya.... nang makaalis siya ay pinulot ko iyon... O_____o ID niya yun... di ko nga lang maintindihan dahil nga... >.> Hangul ang language niyon at isang korean 'ata yung lalaki...



Pero yung name ay naka roman kaya binasa ko... yun...



Clark Carl Valdes



Tapos yung picture niya na seryoso.



[Later...]



Nang makarating na ako sa bahay ay diritso ako tumihaya sa sofa... Aishh.. pagod na ako.. sa kakatakbo kanina.



“Oh anak bakit late ka umuwi?”



Umayos akong umupo at... napakamot..



“Eh ma.. meron po kasing baliw na lalaki eh.... akalain mo na hinahanap ako tas bigla niya akong niyakap at sinabing AT LAS I FOUND YOU WIFEY!!”



“Asus! Wag niyong paniwalaan 'yan gawa-gawa lang iyan ng CHANAK na 'yan para hindi siya mapagalitan...” si Kuya Eric 'yun na kadadating lang din..



“TOTOO ANG SINABI KO!”



“Lokohin mo ang lilong mo! Hahhaha...” diritso siyang pumunta sa kitchen...



Umupo sa tabi ko si Mom. “Gwapo ba?”



*O* buti pa si mama naniniwala sa akin... hehhe hindi naman ako nag-sisinungaling sakanya.



“Malamang na hindi mommy hahaha..” Singit ni Honey. O___o kailan pa siya diyan? Bakit hindi ko napansin? May pagka-sudako



Tsk! Bakit ba ako na lang ang iniinis nila? Aishh... mahirap na talaga kapag maganda ^____^



“Honey! Tapos ka na ba sa assignment mo?”



Napakamot naman ang 8 years na bata.



“Nga pala Mhikaila. Tumawag ang tita mo at she ask me if you are free this coming Saturday.”



“Parati naman akong free hahhaha bakit mommy?”



“May photo shoot kayo eh...”



“Yes!” Excited na ako at tuluyan na nawala sa isipan yung lalaki na baliw.



Clark's POV


“Ano ba kasi ang gusto mo, Grandma?” pinatong ko ang paa ko sa mesa.. hinapas ang paa ko sa tungkod niya.



“Alisin mo ang paa mo sa mesa... aish.. Clark! Ano itong nababalitaan ko na naglayas ka? Akala ko ba magbabakasiyon ka lang dito?”



I smirk. “Grandma, you already know that I really don’t like to live in korea kayo lang naman ni mama ang nagpumilit na doon ako tumira eh.”



By the way, I’m Clark Carl Valdes, 16 years of age and a half Korean and Filipino... Korean ang mama ko at Filipino si papa...na nasa kabilang buhay na si papa.. kaya sina mama at lola na ang nagpapaaral sa akin kahit hindi na nila kailangan magtrabaho.. mayaman naman kami...  limpak-limpak may na pera na nasa banko.



“Sigh... what am I going to do with you, Clark? balita ko na sumisiga-siga ka sa school mo at hindi ka din pumapasok sa school.Kung pumasok naman ay may sinasaktan ka daw na mga studyante.”



-_____- Nakarating din pala sakanya yun? aishh... “Grandma, mas gusto ko kasi mag-aral dito ayoko doon sa korea.”



“Bakit ba gustong gusto mo dito sa pilipinas? Aish.”



“.......... Wala lang. gusto ko ng new environment. So payagan niyo na lang ako na dito ako mag-aral.”



“at dito ka naman mag-hahasik ng kadiliman?”



>.> Hindi ko alam kung joke bay un o hindi.... Seryoso kasi ang hitsura niya. Napailing na lang ako at tumayo na heto na naman kasi eh... iuungkat na naman yun.



“Hindi pa ako tapos bata ka! Umupo ka uli! Kung gusto mo sa'yo ko ipapamana ang kompanya kailangan respetuhin mo ako kaya bumalik ka sa kinauupuan mo.”



Aish... Gusto ko ng matulog pagod ako... sa kakahabol kay Mhikaila... (_ _”) seriously. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya yun...  Umupo uli ako... Shit! Iyon pa ang pinagbabanta niya sa akin? Aishh... ayoko na kung sino-sino niya ipamana yun lalo na sa mga pinsan ko.. na mukhang pera ang habol at baka sila pa ang dahilan na pagkalugi ng kompanya...



“papayagan kitang mag-aral dito... pero sa isang condition.”



Nakakunot ang noo na tiningnan siya.



“Condition?”



“Oo, promise me na hindi ka na maglalakwatsa sa school at kukuha ng magandang grades.”



“iyon lang? Fine, I’ll get higher grades. Anything else? I need to go to my room and take a nap.”



Diritso na umakyat at pumasok sa silid ko. Wala pa rin pinagbago ganun pa din. Nandun pa din sa aquarium na walang tubig ang paborito kong ahas. Pinaghandaan ko na talaga bumalik dito,  nakapag-enroll na ako sa skwelahan.... ^___^ excited na ako hahahaa

2 comments:

  1. nakakatakot nman ung mei nghahabol sa iyo na stranger. hahah..

    ang siga rin ng lola nya eh..

    ReplyDelete
  2. kUng kaTuLad ni cLaRk keRiLu Lng saKen mGing wiFey niA,,, hwAHehE,,, moRe pa aTey,,, biTin pO,,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^