Thursday, September 27, 2012

You Got Me : Chapter One

CHAPTER ONE

BBF and DBF


            “Shen naman anak, hanggang kailan mo ba balak pagpakapagod jan sa trabaho mo? Tingnan mo nga yang itchura mo, ang payat mo na.” si Mama ko yan, she really wants to convince me na sumunod na sa kanila sa Japan. “We really miss you so much Shen, lagi kang hinahanap ng Kuya Kyohei.”


            Filipino-Japanese si Papa, si Mama naman Filipino-Korean kaya yung itchura ko, hindi ko maintindihan kung ano. Si Kuya Kyohei at Papa more on Japanese ang looks nila, si Mama Korean na Korean ang dating.



            “Sige na po Ma, I need to hang up because my next class will start in ten minutes. Please tell Kuya Kyohei and Papa that I also miss them so much. Bye Ma, love you!” at nag-out na ako sa skype.


            Hay, gusto ko silang makasama pero ayoko naman sa Japan, hindi ko gusto ang buhay don. Dito kahit na working student ako, nagagawa ko pa rin ang lahat ng gusto ko. Tama, isa akong working student kahit na sustentado naman ako nila Mama. Nandoon din kasi ang business ni Papa sa Japan kaya nag-decide sila na doon na lang tumira. Since mas matanda sa akin si Kuya, sya ang magma-manage ng company ni Papa sa future.


            “Demi, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo sa sarili mo? Binibigyan ka naman ng parents mo ng pang-gastos mo for your everyday living, pati pang tuition mo nagpapadala rin sila, but why you still want to be a working-student?” tanong ng bestfriend ko na si Milo.


            Milo knows almost everything about me and my family, grade school pa lang kasi kami magkakilala na kami. Katabi ko kasi sya kanina nun magka-usap kami ni Mama thru skype, kaya ayan na naman ang tanong nya.


            “Milo naman eh, eto na naman ba tayo. Alam mo naman ang dahilan kung bakit ko to ginagawa diba?” balik tanong ko naman sa kanya. Siguro mga fifty times na nya yang tinatanong sa akin, at ako naman si gaga fifty times na ring sumagot sa tanong nya. “Suportahan mo na lang ako friend, ok?”


            “Eh ano pa nga ba ang ginagawa ko sister, and even if I’m against it alam ko naman na hindi rin kita kayang pigilan.” Kaya naman mahal na mahal ko ang bestfriend ko na to, kahit na minsan patapon eh. “And friendliness, isama mo naman ako minsan sa work mo para naman maka-getsung ako ng jojowain.”


            “Ang haliparot mo talagang bakla ka, lalake na naman ang nasa isip mo! And hindi ka pwedeng sumama dahil magta-trabaho ako doon at hindi gigimik.”


            Tama, bakla nga ang malanding si Milo. Naku, maliban yata sa akin wala na syang ibang kaibigan na babae dahil puro kapwa bading na nya ang kaibigan nyo o kaya naman lalake. Minsan nga naisip ko na mag-hire ulit ng isang desperadang babae tapos ipapa-rape ko ang baklitang si Milo para naman maging lalake na. Sayang naman kasi eh, ang ganda ng lahi na pwede nyang ikalat.


            “Ano ka ba naman Demi-licious, sasabay lang naman ako papunta sa workplace mo, at kapag nandon na ako, hindi na natin know-sung ang each other. Feeling mo naman bruha guguluhin ko ang worklalu mo.”


            Pakalandi talagang bakla oh! “Bahala ka, basta pagdating mo don, wag mong magulo-gulo ang trabaho ko dahil talagang ipapa-rape na kita sa mga tomboy!” at nanlaki ang mata ng bakla, hahaha!!!


            “Ang yuckness mo naman sister, sa lalake mo na lang ako ipa-gang rape wala akong palag, wala kang maririnig na reklamo sa akin.”


            “Sabi mo yan ha, baka mamaya magreklamo ka agad kapag nalaman mo na kamuka nila Vice Ganda, Chockoleit, Pooh, at Diego ang mangre-rape sayo!”


            “I wanna faint Demi-licious, how come you can think of that oh-so gross idea?! Hindi ba pwedeng look-a-like na lang nila Xian Lim, Alden Richards, Coco Martin, at Richard Gutierrez ang i-hired mong mangmomolescha sa akin?” demanding pa talaga ang bakla, sabunutan ko to eh!






            “Maraming thank you very much Demi-licious, I’ll go ahead bilang mukang maraming pwedeng gawin victim sa bar na ito!” at nag-flying kiss pa talaga ang bakla bago ako talikuran. “Bye Demi!!!”


            Hay nako, isang nakakapagod na gabi na naman for sure ang nag-aabang sa akin. Masaya naman ako sa ginagawa ko, pero syempre minsan nakakapagod na rin. Malaki ang natatanggap kong tips, at isa yon sa dahilan kung bakit hindi ko maiwan ang trabaho ko, through those tips nabibili ko yung mga gusto ko without asking my parents na padalan ako ng pera.


            “Hi Shen, are you ready to rock?” tanong sa akin ni Kuya Brandy.


            Si Kuya Brandy ay isa ring bartender dito sa Wild Ones kagaya ko. Tinuruan din nya ako ng iba nyang moves kaya naman marami rin ang natutuwa sa akin. Mula nung tinuruan nya ako nung ibang mixes, dumama na rin yung umo-order sa akin kaya naman lumaki yung mga tip na nauuwi ko.


            “Yeah, I’m on fire already Kuya Brandy!” pangalan pa lang alam na kung saan talaga sya belong. “Let’s go!”




            “Demi-licious, your so galing talaga when it comes to bartending, palong-palo ang performance! May competition ba dito teh?” ang pagkalandi-landing tanong sa akin ni Milo ng lumapit sya sa counter ko. “Sis, masyado naman suplado ang mga Adonis dito, wala man lang pumansin sa alindog ko todo-effort pa naman ako!”


            Minsan nagtataka talaga ako kung paano ko nakasundo ang malanding baklita na si Milo eh, to think that I do hate sobrang lalandi na bakla. Maybe one of the best reason kung bakit ko natagalan ang baklita na to is because she’s so honest to me, and ganon din naman ako sa kanya.

           
            “Alam mo kasi Emilio Alejandro---“ hindi pa tapos yung sasabihin ko umaapela na agad ang bakla.


            “Sister kung ayaw mong mawalan ng buhay ngayon din, never ever say that name again!”


            Ayaw nya kasi na tinatawag sya sa tunay nyang pangalan, Emilio Alejandro Perez Punongbayan ang tunay at buo nyang pangalan, hahaha! “Ok fine! As I was saying Milo, ang mga lalake kasi na nagpupunta dito ang hanap ay mga TUNAY na babae, yung may bumps in front and back. Eh hello Milo, wala ka kahit na anong bumps sa katawan.” Mahabang sabi ko sa kanya habang hinahanda ang order ng isa kong regular customer.


            “Kamusta ka naman na Shen, kamustang kita tonight?” tanong ni Patrick na regular na umo-order sa akin ng mojito. “Is he or she your friend?” tanong ulit nya ng makita si Milo.


            “Here’s your mojito Pat. Yeah, HE is my friend Milo. Milo, he is Patrick.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. “Enjoy your Mojito Sir!” at naglakad na palayo ng bar si Pat. At syempre pa ang malanding si Milo nagtanong agad-agad.


            “Demi-licious sisteret, who’s that fafables? May ka-eklavu na ba yun? Baka naman pwede mong itakbo ang puso ko palapit sa puso nya.” hay ang landi talaga ng BBF ko, as in BAKLITANG BESTFRIEND FOREVER! “Demi-licious Shen-elin, i-marathon mo ang ang puso ko papunta sa heartlalu nya!”


            Batuhin ko kaya sya ng bote ng Sangria baka sakaling tigilan nya ako sa kakakulit tungkol sa Patrick na yon! “Tigil-tigilan mo ako Em—Milo kung ayaw mong ihampas ko yang fezlack mo dito sa bar counter ha! Mawawalan ako ng regular customer kapag ibinenta ko sya sayo!” seryoso kong sabi sa kanya kahit na natatawa ako sa reaksyon ng pagmumuka nya.


            “I hate you Demi the little devil from ten feet off the ground! I hated you so, so much!!! How could you do this so heart breaking things to me? I will curse you Deminyita!!!”


            Hay nako, ang BBF ko nangarap na naman na sya si Nora Aunor kung umarte, ang sarap lang nyang sampalin na tipong ako naman si Vilma Santos! “Hey Patrick!” at bigla naman umayos ng upo ang bakla sabay pahid nung luha ng kagagahan nya! Oo, may luha talaga ang bruha, anlandi lang talaga. “Another one?”


            “Piñacolada for your funny friend, jot that on my bill! I think your friend needs that.” Then naglakad na naman sya palayo sa aming dalawa.


            Laugh trip ang pagmumuka ni Milo, kahit na madilim at ang likot nung ilaw kitang-kita ko yung pamumula ng muka nya dahil sa kahihiyan! Ahahahahaha!!!


            “Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na nasa sexy back ko lang si Fafa Pat ko? It’s so dyahe tuloy, its so nakakahiya! Please open the door of heaven para naman hindi na muna nya ako makita!”


            “So you’re Shen that my friend used to tell me na magaling mag-mix ng mojito.” Sino naman to, epal lang? Pero eto namang si Milo akala mo nakakita ng bagong pag-asa dahil sa lalake na lumapit sa akin. “Let’s see if you’re mojito is great, one mojito please, Ms. Shen!”


            “Right away sir!” at agad naman akong gumawa ng mojito para sa lalake na nilunok yata yung vacuum cleaner nila dahil sa sobrang hangin ng arrive nya. Eto namang si Milo titig na titig sa maangas na lalake na yon, mamaya sapakin na lang sya nun bigla eh. “Here’s your mojito Sir!”


            Pagkakuha nya nung order nya ay umalis na rin naman sya, salamat naman! Pero ang bruhildang si Milo eh nakasunod pa rin ang tingin sa lalake na kasapi ng pamilya mahangin. Hay nako Demi, wag mo na lang intindihin ang katulad nya para naman hindi masira ang maganda mong gabi.


            “Demi-licious baby, wag mo na palang i-marathon ang heartlalu ko kay fafable Patrick, sa kanya na lang pala! Anong name-sung nya Demi-licious?” hay, ang mga baklita nga naman, nakakita lang ng bago nakalimutan na yung nauna. “Wag mo namang ipakita sa akin ang sexy back mo dahil meron din ako nyan, anong name-sung nya my baby gelay?”


            “Ang landi mo talaga Milo, hindi ko kilala ang isang iyon at wala akong balak na kilalanin sya kahit pa maging regular customer ko sya. Hello, hindi mo man lang ba naramdaman ang lakas ng hangin na dala nya nung lumapit sya dito?!”


            “Hindi ko yun naramdaman baby gelay, pero nakita ko ang maganda nyang eyes, ang oh-so kissable lips nya, ang nose-lalu nya na parang inukit ng magaling na sculptor, yung shining-shimmering thirty two teeth nya, at ang nakaka-laglag panty na amoy ng after-shave and perfume nya.” sagot ni Milo sa akin na parang nananaginip.


            “Excuse you Milo, wala kang panty dahil hindi ka tunay na kalahi ni Eba kaya hindi totoo yung sinasabi mo na makalaglag panty ang mahangin na yon!”


            Bakit kaya ang mga bakla hindi nila masyadong napapansin kapag mayabang ang isang lalake once na makita agad nila ang katawan at yung nag-gagandahang muka ng mga lalake?


            “Hay nako Demi-licious babe, try mo na kayang mag-suot ng contact lens para naman ma-appreciate mo ang gandang tanawin na hatid ng mga kalalakihan para sa ating mga kababaihan.” Ang ilusyunada lang talaga ng BBF ko, kung maka-ATIN akala mo tunay talagang babae eh. “Look my gelay Demi, friendster pala ni yummy fafable Patrick ang wafung iyon. I-marathon mo na ulit ang puso ko kay fafa Pat para ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapalapit ang beauty ko sa alindog ni fafa wafu.”


            Wala na yata talagang pag-asa maging lalake ang baklang to. Kung ipa-rape ko kaya sya kila Sam Pinto, Anne Curtis, Angel Locsin at Solenn, magiging lalake pa kaya sya?


            “Shen, take your break now, ako na muna ang bahala dito sa station mo.” Biglang sulpot ni Kuya Brandy sa harap ng bar station ko. “Isama mo na rin yang kaibigan mo, mukang gutom na rin sya eh.”


            Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa sinabi na yon ni Kuya Brandy, pero hindi ko magawa kasi baka mag-walout ang bakla at kung saan pa magpunta, kawawa naman yung makakasalubong nya. Isipin nyo na lang kung paano nalukot ang muka ni BBF ko dahil sa sinabi ni kuya Brandy na muka na rin syang gutom.


            “Excuse me, slim talaga ako at iyon ay hindi dahil sa gutom ako! Antipatiko ka!” inirapan nito si Kuya Brandy at hinila ako papunta sa kung saan.


            “Hindi jan ang daan papunta ng pantry station ng bar!” sigaw naman ni Kuya kay baklitang Milo. Doon oh!” at itinuro nito kung saan ang papunta ng pantry.





            “Bilisan mo naman kayang maglakad Milo, baka seven na ng umaga wala pa rin tayo sa bahay ko!”


            Ang baklita kasi hindi na makalakad dahil masakit na daw ang foot-laks nya dahil sa elevator shoes na suot nya mula pa kanina. Balak ko sanang ihampas sa noo nya yung sapatos nya, kaya lang naawa naman ako kasi hindi na nga sya makalakad.


            “Deminyita, you’re so mean talaga. Don’t worry my gelay dahil mga six thirty nasa bahay mo na tayo, so you still have half a century para matulog at mag-restlalu.”


            Pahinga bang matatawag yon, kalahating oras?! Sasapakin ko na talaga ‘tong bakla na to eh!!! “Iwanan kaya kita, tapos may biglang susulpot na mga sunog-baga na tambay na mukang hindi gagawa ng tama sa likod mo at bigla ka na lang gahasain?” natakot naman ang bruha kaya mejo bumilis yung lakad nya, at mejo lumaki na rin yung mga hakbang nya.


            “Oh come on Deminyita my friendlalu, don’t leave me here.” Maka-deminyita naman oh. “I know-sung that you can’t afford to lose me!”


            Medyo malapit lang naman yung bahay ko sa bar, kaya naman nilalakad ko lang talaga sya kesehodang late na. Feeling ko kasi mas safe ako kapag naglakad ako kesa sa mag-jip or taxi.


            “Hey my new favorite mojito mixer, need a ride?”


            Mokong sya, bakit ako makikisabay sa kanya eh hindi ko nga sya kilala eh, and he really look so mayabang kaya AYOKO sa kanya. Ang baklitang si Milo naman lumabas ang thirty three teeth dahil nakita na naman nya si Mr. Wafu nya, at nagtatanong pa if we need a ride.


            “Thanks but no thanks; we don’t need a ride, we rather walk.” Mataray ko namang sagot sa kanya at nagsimula na ulit akong maglakad. Pero ang kerengkeng na si Milo hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya. “Em—mi---…”


            “Ay Shen-lalu, am gonna kill you! Don’t say bad words!!!”


            Ahihihi!!! I really know how to piss him off, and I really love it. Tara na kung ayaw mong ipagsigawan ko ang full name mo!” at tinalikuran ko na naman sya at nagkalad.


            “But my very beautiful DBF, hindi ka man lang ba maaawa sa maganda mong BBF? Look at my foot-lalus, tadtad na ng paltos dahil sa killer elevator shoes na ‘to na hiniram ko lang sa malanding si Milka, hindi ka ba talaga napi-pity my DBF?”


            Wanna know what DBF means, and kung bakit iyon ang tawag nya sa akin? Here’s the story. DBF means DEMONYITANG BESTFRIEND FOREVER, and kaya nya ako tinawag na dimonyita ay dahil nung nasa high school pa lang kami ay lagi akong nangongontrata ng mga babae sa school na kulitin syang makipag-date. Pero one time yung naka-usap ko eh type pala talaga si bakla, kaya ayun ng masolo ang bakla eh bigla na lang hinalikan si Milo. Ang bakla patakbong lumapit sa akin at sinabunutan ako habang kunwari ay umiiyak sya, minolestya daw sya ni Luisa (yun yung girl na may gusto sa kanya).


          “Tigil-tigilan mo ako Milo baka bigla kong maisipan na ipahanap si Luisa para ipa-molestya ka ulet!” biro ko lang naman yon pero bigla naman na parang natakot ang BBF ko. “Sige na, sumakay ka na jan at bukas din ay hahanap ako ng magaling na detective.”


            “Hindi ka man lang ba maaawa sa kasama mo, Ms. Shen?” ang epal lang talaga ng lalake na to oh. “Tingnan mo nga sya, mukang hindi na nya kayang maglakad.” At ang bakla naman todo-emote akala mo hindi ko nahahahalata. “Sumabay na kayo sa akin, it’s late already.”


            Lumapit naman sa akin si Milo sabay sabi ng “Please my Demi-licious!!! Hindi ko na talaga keri pa ang mag-lakad, hindi mo naman kasi sinabi na naglalakad ka lang pauwi eh.” So kasalanan ko pa pala ngayon ha.


            Pero bilang DBF nya ako, hindi talaga ako sasakay sa kotse nung ungas na lalake na yon!!! Joke lang naman, for the sake of my BBF papayag na ako.


            “Oo na, sige na! Matahimik ka lang BBF, kundi ko pa alam na pagpapantasyahan mo yan ng pasimple.”


            Niyakap naman ako ng baklita at hinila na ako palapit sa kotse ni Mahangin Man. “Pumayag na ang friendlalu ko, gorabelles na us Mr. Wafu.” Haaay, ang landi talaga.


            “So, where should I drive you home?”


            Si Milo sa front seat pa talaga umupo at iniwan ako dito sa likod, sasabunutan ko to mamaya pagdating sa bahay. Pwede namang tabi na lang kami sa likod sa harap pa talaga pumwesto.


            “Sa bahay tayo nila Shen my friend, liko ka jan then yung kulay blue na bahay na three storey hindi nya bahay yon, yung katabi non ang bahay nya.”


            Ahahahaha!!! Patawa talaga si Milo eh, pero sa kapitbahay ko talaga ang blue na bahay na yon dahil kulay green yung bahay ko. Green yung pinagamit kong paint para malamig sa mata, nakaka-tanggal ng stress. Pero kung kasing gulo at kasing landi ni Milo at ng sang-kabadingan nyang mga kaibigan ang laging nasa bahay mo eh useless din ang green paint mo sa bahay.


            “Matagal na ba kayong mag-kaibigan, since when?”


            “Naku papa, matagal na kaming mag-kaibigan nyang si Shen bata pa lang kami. Kayo ni Patrick, matagal na rin ba kayong friends?” tanong naman ni Milo kay Mahangin Man.


            “Stop!!!” bigla ko naman singit, kasi naman muntik na kaming lumampas sa bahay ko. “We’re here already Milo, say goodbye to your new-found friend.” Sabi ko kay Milo. “Thank you sir for the free ride.” At bumaba na ako ng sasakyan nya.


            “Ang D mo talaga Demi-licious, patuluyin muna natin si papa sa bahay mo para makapag-coffee.”


            “Can I?” pa-cute na tanong ni Mahangin Man.




7 comments:

  1. gosh! laugh trip talaga toh!!! sobra!! kinakabag na ko..

    ang gulo ng lahi ko.. iba-iba.. haha.. gwapo siguro ung kuya ko!

    akala ko talaga lalaki si milo!! malanding baklita pala!! shockabelles! hahah,tawa much sa kanya!! ang dami kong natutunan na new gay words.. ibigay na sa kanya ang trophy ng kalandian!!

    ang daming nicknames! Shen,Demi-licious,Shen-elin,at ang mas matindi Deminyita at Demi the little devil from ten ft off d ground!! haha! masasabunutan ko ang bruhang to eh..

    at sino nman tong ek-ek mahangin man chorva na ito??

    BBF and DBF! and cute!!!

    ReplyDelete
  2. espren, naghahanap ka ng desperada para rapin si milo? hand's up ako jan!!! ahahaha!!! wag na yung luisa!!!

    natawa ako dun sa deminyita~ ang kyut! hwahahahahahahahaha!!!

    ReplyDelete
  3. cUte,,, sObrAng taWa aKo ng taWa s baKLitaNg c emiLio,, haHa, ay miLo pLa,,, haHaHa,,, naALaLa ko c bYron sa kANya,,, hindi kYa maGfRiendsHip din cLa,,, hAHa,,,,, niCe 1st cHapter,,, saNa nMn maMbitiN ng OA s taGal c quEen riCheLLe,,, pLease??

    ReplyDelete
  4. Sobrang natutuwa naman ako at nagustuhan nyo ang Prologue at chapter one ng new story ko.. Hahahaha!!!

    Post ko sana kagabi yung next chapter, kaya lang sobrang sama talaga ng pakiramdam ko kaya di ko nagawa... Don't worry, i'll try to post two chapters tomorrow.

    Demi- super saya ko kasi nagustuhan mo yung mga nangyayare, hehe. Yung mga pang-baklang words jan, tamang imbento ko lang ang mga iyan! Hahaha!!!

    Espren- gusto mo ba si Milo? Parang nakaka-amoy na naman ako dito ng special participation, hahahaha...

    Anon (Nicole kung di ako nagkakamali) - hahaha.. Pasensya na talaga at SOBRANG natatagalan ang posting ng mga UD's ko, kasi naman madalas wala ng sustansya utak ko pagdating sa bahay...hehehe... Pasensya na talaga, pero salamat din dahil kahit na dekada ang binibilang mo bago ko ma-update ang mga stories ko eh inaabangan mo pa rin, hahaha..tatsss ako dun, pramis!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oPo aq pO un,,, wAahh naALaLa mo pa aKo atE,,, waiT q TLga upDate mO,,, LHat ng sTories nio diTo LLo na uNg sAu Lagi kOng chiNichEck kUng mEi nEw upDate,,,,

      Delete
    2. Ayyiieeee... Kinilig ako bigla dun, hahaha...

      Salamat sa pag-suporta sa mga stories ko, kahit minsan milenyo pa ang pinaghihintay mo, hahaha... Kapag hindi na sumakit ulo ko mamaya, try ko talaga mag-post. Hiya ako eh, tagal ko kasing nawawala tapos pag lumitaw isa lang napo-post ko..hehe, hiya ako sa espren ko..hihi..

      Delete
  5. Two Thumbs up for this story :)) suppper aliw :)) hahahahaha nice nice :))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^