Thursday, September 27, 2012

You Got Me : Prologue

You Got Me

Prologue



            “Ikaw si Demi Shen Jung Shizuka diba, sumama ka sa akin!”


            Hello, bakit naman ako sasama sa kanya eh hindi naman ako pick-up girl! Saka kahit naging pick-up girl ako na sobrang gipit ay hindi ko pa rin gugustuhin na sumama sa tao na to. HE’S NOT MY TYPE!



          “At bakit naman ako sasama sayo, I don’t even know who the hell you are!” mataray kong sabi sa kanya. Bwisit sya, ang ganda-ganda na ng paglalakad ko dito sa tabing kalsada pauwi tapos bigla syang sisingit! “Umalis ka nga jan sa daraanan ko!”


            Pero pinaglihi yata ang isang to sa isang mime na saksakan ng kulit, na hindi titigil hanggang hindi mo binibigyan ng barya. “Sige naman na Miss, sumama ka na sa akin. Kapag hindi kita nadala sa kanya masisira ang buhay ko!” nadala sa kanya? So ibig sabihin may nag-utos sa isang to!


            “Kung sino man ang nag-utos sayo, at kung sisirain man nya ang buhay mo ay wala akong pakelam. Pano kung buhay ko naman ang masira kapag sumama ako sayo para dalhin jan sa may sapak mong amo?!”


            “Miss kapag hindi ka sumama sa akin hindi mo magugustuhan ang susunod kong gagawin!” pananakot nya sa akin.


             Ako naman ay natakot dun sa sinabi nya. Paano na lang kung sapilitan nya akong hilahin papunta sa boss nya, masisira ang poise ko! “Boy ewan, kung ikaw ba ang nasa lugar ko sasama ka sa isang tao na hindi mo naman kilala tapos pinipilit ka na dalhin sa isang hindi mo na naman kilala? Hindi naman diba, kaya parang awa mo na, hayaan mo na akong umuwi sa bahay ko para makapag-pahinga!” pagod na ako sa magdamag kong maghahalo ng alak tapos ganito pa ang magiging eksena ng buhay ko ngayon na pauwi na ako!


            Naglakad na ako palayo sa lalake na yon na mukang wala na yatang magandang kinabukasan ang naghihintay. Alam kong hindi maganda na wala akong malasakit sa future nya, pero maiintindihan naman ako ni Papa Jesus kung mas uunahin ko yung sarili ko kesa sa kanya diba? Isisimba ko na lang to sa Sunday at ihihingi ng tawad.


            “Joaquin Miguel naman, wag mo naman akong pahirapan ng ganito oh!” biglang salita nung lalake na humarang sa akin at ngayon ay sinusundan ako kung san man ako pumunta. “Kailan mo pa nagustuhan ang mga ganitong klaseng babae, wala man lang to sa kalingkingan ni Pia.” Tama bang maliitin ang kagandahan na taglay ko? “Oo na, sige na! Wag kang mag-alala, madadala ko sya jan.”


            Naku po, mukang kailangan ko na yatang magmadali para lang makalayo sa lalake na to. Mukang hindi talaga sya titigil hanggang hindi nya ako nadadala sa boss nya na si Joaquin Miguel! Kaya naman mas binilisan ko pa ang lakad ko without looking back to where he is.


            “Sorry Shen pero kailangan talaga kitang madala sa kanya sa ayaw mo man o sa gusto!” biglang sabi nya at binuhat nya ako na parang sako ng bigas dahilan para mapasigaw ako! “Wag kayong makikialam, pinasusundo lang sya sa akin ng asawa nya!” asawa? Kailan pa ako nagkaron ng asawa?


            “Tulungan nyo po ako, wala pa po akong asawa! Maniwala kayo sa akin, nagsasabi ako ng totoo. Tingnan nyo oh, wala akong wedding ring na suot!” at ipinakita ko pa talaga yung kamay ko dun sa mga tao na nasa lansangan pa kahit na gabi na. “Tulungan nyo ako!”


          “Malamang na hindi mo talaga isusuot yung wedding ring ninyo ni Miguel kasi nga galit ka sa kanya! Maniwala kayo, asawa sya ng pinsan ko!”


            Uwaaaaaahhhh!!! Wala na, sira na talaga ang future ko neto! Walang tumulong sa akin! Nandito na ako ngayon sa loob ng kotse nitong lalake na to, at hindi naman ako makalaton kasi naka-automatic yung pintuan nya, pati yung control ng bintana nasa side din nya!


            Ilang minuto pa pumasok na kami sa tingin ko ay isang exclusive subdivision at huminto sa tapat ng isang malaking bahay. Naisip ko tuloy bigla, sana yung mag-ari nung bahay sya na lang talaga ang asawa ko para naman hindi ko na kailangang magpuyat para lang ma-enjoy ang paghahalo ng alak!


            “Let’s go, wag mong isipin ang tumakbo palayo dito dahil isang tawag ko lang sa gate mahuhuli ka rin nila agad!” at sino namang may sabi na tatakas ako, pagkatapos nya akong kaladkarin papunta dito dapat lang siguro na ihatid nila ako pauwi…iyon ay kung may balak pa silang pauwiin ako ng buhay. “Come on!”


            Namangha naman ako sa ganda at laki nung bahay, sana dito na lang talaga ako nakatira. Hanggang ngayon hindi ko maisip kung may asawa na nga ba talaga ako o kaya naman kung meron akong kaibigan na nagti-trip lang sa akin na ganitong kayaman, pero wala talaga akong maisip eh.


            “Hoy Joaquin Miguel, nandito yung babae na pinapahanap mo sa akin!” sigaw naman nitong katabi kong tukmol. “Mauna na ako!” at humakbang na sya palabas ng mansion.


            Teka lang, bakit kailangan pa nya akong iwan sa lalake na may pangalan na Joaquin Miguel eh hindi ko rin naman to kilala. Hindi kaya nagkakamali lang yung lalake na yon na ako talaga ang pinapahanap ng boss nya?



            “It’s so nice to see you again, Ms. Demi Shen Shizuka!” ako nga talaga ang kailangan nya, alam nya ang buong pangalan ko eh. “Kamusta ka na?”


            “Ikaw???!!!” oh no, katapusan ko na yata talaga!




A/N: Bigla ko na namang naisipan na gumawa ng isa na namang problema,wala kasi akong masyadong problema dito sa office kaya naman eto at gumawa ako, hahaha!!! This story is for my baby gelay na si Demi! Hello Demi! Pasensya na at hindi ko na matutupad yung una kong promise sayo, pero eto naman yung suhol ko sayo para naman patuloy mo pa ring basahin yung mga ginagawa kong kalokohan. Hahaha!!!  



4 comments:

  1. ito na yun!!! grabe!!! i soooo love it!!! thank you talaga ate!

    from the beginning until the end, tawa lang ako ng tawa!! halos mabaliw na ako!! hahaha boy ewan! u made me laugh!

    ang haba ng prologue! ang saya! pramis! nakakaloka ung character ko rito!.. this is so unexpected..

    ReplyDelete
  2. naks! may bagong story si Richelle!!!! hahaha.. nice one!!!

    ReplyDelete
  3. i LiKe it,,, maY baGo n nMaN akOng aAbAbgan n sTory mu qUeEn riCheLLe,,,

    ReplyDelete
  4. ang cute ng story :))) hihihih ngayon lang ako nakapagbasa ng mga story ulit :) nice :)))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^