WITCHCRAFT AND WIZARDRY
THE TREASURES OF 4 KINGDOM
CHAPTER THREE
[River Bank Academy
Corridor Monday Morning]
[click nyo lang yan para malaman nyo kung gano kagulo tuwing umaga sa Riverbank Academy]
Parang mga nakawala sa kudal 'tong mga estudyante. Harutan dito, harutan doon! May mga nag-i-ispadahan ng mop. May mga nag-susuntukan at nag-tatawana na kala mo lalabas na yung laman loob nila.
Nakapunta ka na ba sa Tondo? Natanong ko lang kasi walang pinag-kaiba ang school namin sa sitwasyon dun. Alam mo yung tipong may masasalubong kang kakilala na tumatakbo disoras ng gabi tapos pag tinanong mo "Pare! San punta mo? Ginabi ka na ng jogging ah!"
Sasagutin ka nya, "Hu? Hindi pare! May saksak ako eh!" Pakiramdam ko ganun ang mang-yayari sakin sa tuwing nag-lalakad ako sa corridor namin tuwing umaga.
"Pwede ba Laurence! Itigil mo na yang kakapatugtog mo ng 'mochi! mochi' na yan! Hindi mo naman maintindihan yan eh!"inis na saway ni Jeremy sa soundtrip ni Laurence. Pano naman kasi kanina pa nya pinapa-ulit ulit yung Korean song na wala naman kaming ibang maintindihan kundi MOCHI. Naurat na siguro si Jeremy, sinabayan pa na hindi yata maganda ang gising ng mokong. Kanina pa rin kasi sya naka-musangot.
"Walang basagan ng trip!."hindi umubra kay Laurence ang init ng ulo ni Jeremy. Wala syang pake basta nag-e-enjoy sya sa trip nya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote nya at naisipan nyang makinig ng Korean Music ngayon.
"San mo ba kasi narinig yan?"natatawa kong tanong kay Laurence.
"Sa kapit bahay namin! Nakakatawa kasi, hindi ko maintindihan. Wala lang cute lang dahil sa lyrics na 'MOCHI'."
[Ito yung paulit ulit na pinapakinggan ni Laurence .. click nyo lang yung video .. ^^ ]
Sira naman pala 'tong ulo nitong si Laurence eh! Yan ang tinatawag na lakas trip! High na high!
Umakbay ako sa kaniya ng may bigla akong maisip. *evil smile* "Gusto mo marinig sariling version ko nyan?"
"Bakit? Meron ka?"duda nyang tanong.
"Hindi ko naman itatanong sayo kung wala eh! Umayos ka nga! Meron ako, pero chorus lang. Pakinggan mo! Kakantahin ko sayo!"dahil kasi sa kakaulit ni Laurence ng kanta naka-buo ako ng sarili kong lyrics. *Ubo*
[At ito naman yung version ni Jaydee ng Love Dust .. ^^ Hindi maganda yung quality .. At wag na kayo mag-tanong kung kaninong boses yan .. hahaha .!!]
Hindi napigilang matawa ni Laurence, pati si Jeremy na kanina pa sambakol ang mukha ay natawa sa kanta ko. Wala lang bigla lang naman pumasok sa isip ko yun. Paborito kasi namin ni Laurence yung Mochi lalo na yung Peanut Butter flavor.
"Talino mo!"payakap akong inakbayan ni Laurence.
"Daming alam!"napailing naman si Jeremy sakin. Yan naman ang gusto ko sa kanilang dalawa, yung pinupuri nila ako.
Napalingon ako ng biglang tinulak ni Kei palayo palayo si Laurence at umakbay sya sakin. "Sira ulo!"sigaw ni Laurence kay Kei pero deadma lang si Kei sa kaniya.
"Nabalitaan nyo na ba? May pinatay daw na tatlong student sa kabilang school."sabi ni Kei.
"Yan talaga ang dahilan kaya ka pumasok ngayon? Ang ibalita samin ang tsimis sa kabilang school?"inis nanamang sabi ni Jeremy.
"Music at P.E natin ngayon kaya ako pumasok! At isa pa---"tumingin pa sya sakin habang sinasabi nya ang hindi nya masabi. Kaurat yung mukha ni Kei! Sarap sungalngalin!
Gulat ka ba? Ngayon mo lang kasi nakita si Kei eh. Music at P.E lang ang pinapasukang subject nyan. Sya si Keiigo Tezuka, ang kakaibang Class President sa buong mundo.
Tama, Class President sya sa klase namin. Pero hindi sya yung karaniwang President na nakikita o napapanood mo. Wala syang salamin at hindi sya nerdy kung pumorma. Fashionista sya at isa sya sa kina-kikiligan ng mga babae dito. Hindi lang naman si Jeremy ang gwapo sa school.
Kung ang Class President parating present, si Kei dalawang subject lang ang pinapasukan. Present lang yan sa ibang subject kapag may exams. At mag-tataka ka kasi lagi syang pasado sa lahat. Sya ang laging highest score, sumunod si Jeremy, Laurence, at syempre ako. Sya pa ang laging nauunang matapos sa pag-sagot ng exam. Ewan ko ba kung anong klaseng utak meron 'tong si Kei.
"Anong tsimis? Yun ba yung pinatay na tatlong student sa kabilang school?"sabay sabay kaming napatingin ng biglang sumingit si Jin.
Papasok na kami sa Music Room nun. Classmate namin ang bully na si Jin sa Music at P.E kaya kasama namin sya ngayon. Hindi halata pero close din namin 'tong si Jin.
Naupo kami sa gilid ng Piano habang patuloy kami sa kwentuhan tungkol nga dun sa tatlong student na pinatay sa Maria Theresa Assoncion Meranda Academy o mas tinatawag nilang kabilang school dahil sa haba ng pangalan.
Umupo si Jin at Jeremy sa upuan ng Piano habang si Kei naman ay naupo sa lamesa ng inuupuan ko katabi si Laurence.
"Ano daw kinamatay nila?"tanong ni Laurence.
"Wala daw nakakaalam. Basta nakita na lang sila ng mga pulis sa gubat malapit lang din dito. Mga wala na daw buhay."clueless na sagot ni Kei.
"Sabi pa daw mga dilat mata nila nung makta sila."dugtong pa ni Jin.
"Dilat mata? Bakit dilat mata nila? Sinakal?"kunot nuong tanong ni Jeremy.
"Pina-Autopsy daw nila pero wala naman silang nakitang bruises. Wala ding nakitang incisions o kahit anong saksak. Sabi nga ng Foreinsics wala daw ginamit na weapon ang killer sa pag-patay eh."nag-palipat lipat ang tingin ni Jin saming apat.
"Ano kaya yun? Pano sila namatay kung walang weapon na ginamit?"parang ayaw na maniwala ni Laurence sa kwento ni Jin. Hindi naman kasi kapani-paniwala. Pano ka papatay kung hindi mo hahawakan ang biktima mo??
"Baka nalason?"hula naman ni Jeremy.
"Negative nga din daw!"giit ni Jin.
"Pano namatay yung tatlong estudyante? Tiningnan lang sila ng killer?"tumingin ng masama sakin si Kei sabay sabing, "mamatay ka sa tingin ko!"di ko mapigilang matawa sa ginawa nya. Mukha kasing utaw! Pati sila Jin at Laurence ay natawa maliban kay Jeremy na inis lang syang tiningnan.
"Hinidi!Baka nasobrahan sila sa kiliti ng killer. Yun yung gamit nyang weapon pang patay"sakay naman ni Jin sa biro ni Kei.
"Parang mga sira."sabi ko na lang sa kanila. Naudlot ang usapan namin ng dumating na ang Music Teacher namin. Nag-sibalikan na kani sa mga pwesto namin. Bago naupo si Kei ay binati nya muna ang teacher namin tapos nag-sisunuran naman kami sa kanya.
_______________________
[P.E: Tennis Court]
Hanggang sa P.E ay kami paring lima ang mag-kakasama. Ganito kami kapag Music at P.E parang ayaw na naming mag-hiwalay sa isa't isa. Kung natanong mo kung gano na kami katagal na ganito. Pareho lang din naman kung gaano na kami katagal sa high school.
"Doubles, kami ni Jin, kayo ni Laurence."hamon ni Kei sa seryoso nyang mukha. Mag-kakampi si Jeremy at Laurence habang si Kei at Jin naman sa kabilang team.
"Okay!"seryoso ding sagot ni Jeremy. Itong dalawa akala mo laging nakikipag-kompetensya sa isa't isa. Lagi na lang kasi silang ganyan tuwing P.E namin. Laging seryoso sa hamon. Ewan ko sa kanila. At dahil nakatunganga lang ako, ako ang ginawa nilang umpire.
[After the Game]
Natalo sina Laurence at Jeremy sa score na 6-4. Wala talagang makakatalo kay Kei sa Tennis. Magaling din naman si Jin pero dahil yun sa galing din sa assist si Kei. Pero hindi ko naman sinabing bano si Jin.
"Kainis!"narinig kong bulong ni Jeremy ng dumaan sya sa harapan ko. Urat siguro sya dahil hindi sya manalo nalo kay Kei.
"Uy! Narinig ko sa classmate natin na may magaling daw na mang-huhula sa Underground Market! Punta tayo!"bulong ni Kei samin ng makalapit sya.
Underground Market-----? Tinawag syang Undergound Market dahil nasa underground talaga sya ng Central Market. Sabi nila para din daw syang China Town. Hindi pa kasi ako nakapunta dun. Naririnig ko lang sya. Pero sabi daw nila maganda dun.
"Guys! Guys! Lapit muna kayo dito."tawag ng coach naming si Coach Henry. "Good News! Dahil malapit na ang Sem Break nag-paalam ako sa Principal kung pwede tayong mag-camping."biglang na-excite ang lahat ng announcement ni coach. "At alam nyo ba kung anong sinabi?"pa-suspence pa 'tong si coach. "Pinayagan tayo!"
"Ayos!"sigaw ni Kei. Nag-tatalunan naman sina Jeremy at Laurence sa tuwa habang napapasuntok pa si Jin sa hangin. Syempre nakikisiya din ako sa kanila.
Excited din kaya ako! First time ko kasing ma-e-experience yung camping! Yun yung pupunta kayo sa bundok diba? Tapos matutulog kayo sa tent, tapos gagawa kayo ng bonfire diba? Hindi ako makapaniwalang mag-ka-camping ako! Napapanood ko lang kasi yun nung bata ako. Pero ngayon gagawin ko na sya! Excited na ko!
[Central Market
After School]
Nasa Central Market na kami papuntang Underground Market para hanapin ang sinasabi ni Kei na narinig daw nyang magaling na mang-huhula.
"Grabe! Excited na ko sa camping natin!"
"Obvious nga sayo Jin eh!"natatawa kong sabi sa kaniya
"Pwede bang kumain na lang tayo? Ano ba kasing gagawin natin dun?"reklamo ni Laurence.
"Mag-papahula tayo malamang! Mga tanong mo pang-bobo!"inambahan pa nya si Laurence.
"Grabe ka naman! Kung makapang-lait ka kala mo ako na lang natitirang tao sa mundo eh!"inambahan din nya si Kei. Ganyan talaga sila mag-asaran tagos hanggang bungo. Kung hindi matibay buto mo unang banat pa lang ni Kei susuko ka na.
[Underground Market]
Ganito pala dito sa Underground Market? Pakiramdam ko para akong nasa ibang mundo. Ang liwanag ng lugar, mas maliwanag pa yata sa sikat ng araw sa labas. Sobrang dami kasing ilaw sa mataas na kisame, hindi mo nga aakalain na ganun pala kakalim ang underground ng Central Market. Tapos may effect pa na kala mo umuulan ng snow. Ang galing nga eh. Pano kaya nila nagagawa yun? Lahat kami hindi naiwasang humanga sa ganda ng lugar. Para talaga kaming nasa ibang mundo.
Tapos yung mga tao pa kala mo galing din sa sinaunang sibilisasyon. Kasi yung mga style nila masyadong classy. May mga nakasuot ng damit gaya sa sinaunang damit ng mga Bansa sa Europe. May iba naman kala mo rug na yung damit nila. Kung nakanood ka ng Robinhood pansinin mo yung damit nila dun. Parang ganun yung mga damit ng iba dito. Napaisip nga ako eh. Bakit wala naman akong nakikitang ganitong tao sa pagala gala sa Central Market? Dito ko lang talaga sila nakita sa Underground Market. Bakit kaya?
At ang pinaka-kahanga-hanga talaga sa lahat! Yung mga tindahan gawa sa tent! Lupet! Ngayon lang talaga ako nakakita ng ganito sa tana ng buhay ko! Nakaka-bilib! Ang saya saya pa ng mga tao dito. Lahat sila nakangiti samin. Alam mo yung parang hindi sila makapaniwalang may mga taong nang-galing sa Future na bumisita sa lugar nila.
"Napansin ko kanina pa tayo tinitingnan ng mga tao."pabulong na sabi samin ni Laurence.
"Ngayon lang kasi sila nakakita ng gwapo."pag-yayabang ni Jeremy sa sarili. Alam mo naman. Prom King nga sya eh.
"Pakelam ba nila sa gwapo mong mukha? Sa panahon ngayon ang mas pinipili na ng tao yung mga Class President kesa sa Prom King."mag-papatalo ba naman si Kei sa kaniya? Syempre hindi, ma-pride din kaya yan gaya ni Jeremy.
"Hanapin mo na lang kung ano yung hinahanap mo!"inis na sabi ni Jeremy. Nginiwian lang sya ni Kei at nag-patiunang lumakad. Hinahanap na kasi nila yung narinig ni Kei na magaling nga daw na mang-huhula dito. Ewan ko kung totoo, baka nagoyo lang si Kei kasi alam ng lahat na madali syang mapaniwala. Yun ang disadvantage ni Kei.
"Jay!!!"nagulat ako sa tawag ni Laurence sakin. "Mochi!!!"parang nanggaling sya sa depression at biglang nakakita ng bagong pag-asa sa ng dahil sa Mochi. "Bumili na kayo ng masarap na Mochi, sarap ng Mochi..."kinanta pa talaga nya ang ginawa kong theme song para sa Mochi.
Natatawa na lang ako sa kaniya. Masaya ako ngayon dahil bukod sa makakakain ako ng Mochi ay nakapunta pa ako sa ganito kagandang.
____________________
Bigla na lang hinawakan ng mahigpit ng matandang babae ang kamay ko ng mag-baya ako para sa mga binili naming Mochi ni Laurence. "Masaya akong makita kayo ulit."sabi pa nya.
Ngumiti lang ako ng pilit habang inuulit ko sa isip yung mga sinabi nya. "Salamat po."sagot ko. Napakunot ang nuo ko ng ma-realized ko na parang may mali yata sa sentence ng matanda? 'Ulit?' nag-kita na ba kami noon? Wala akong matandaan. Buti pa sya natatandaan nya samantalang ako hindi. Partida matanda pa sya sakin. Tsk! Yaan mo na nga.
Napa-atras ako ng may bumangga sakin galing sa likuran. Nilingon ko sya at nag-sorry ako. Ngumiti lang sakin yung babae. Kaurat nga eh. Alam mo yung ngiti na mapapaisip ka kung bakit sya ganun? Tapos nakatitig lang sya sakin, yung tipo ng titig na parang binabasa nya yung nasa kaibuturan ng utak mo. Ikaw naman kating kati kang malaman kung ano ba yung iniisip nya sayo. Ka-badtrip kaya yung ganun! Tatalikod na nga sana ako papunta kay Laurence ng bigla syang nga-salita.
"Nag-desisyon na ang kapalaran."napalingon tuloy ulit ako sa kaniya.
"Hu?"nangulubot nuo ko eh.
"Nag-umpisa na silang mang-gulo."sino nang-gugulo??
"A-ano po?"nauutal na tuloy ako. Bigla akong kinabahan. Baka kasi mamaya sunod nyang sabihin na 'mamamatay ka ngayon mismo sa harapan ko'.
"May mga mawawala."sabi ko na nga ba eh! LORD! Hindi pa nga nagiging kami ni Doctor Park kukunin nyo na ako? Wag muna! Virgin pa ko eh!-----Teka--'mga'? Ibig sabihin hindi lang ako ang mamamatay? Hindi kaya---nilingon ko ang mga kasama ko. Masaya silang nagku-kwentuhan habang ako dito binabagabag ng mga pinag-sasabi nitong babaeng 'to.
Hindi naman sya mukhang baliw kasi maayos yung pananamit nya. Old school nga lang. Naka-tshirt syang puti at mahabang palda na halos paa na lang nya ang nakikita. Nakasuot sya ng Juda's shoes. Alam mo yun? Yung sandals na pinapaikot ikot pa sa paa yung tali. Maganda naman sya, straight hair nga eh. Blond pa. Susyal!
"At may mga darating---kapag napasaiyo na ang susi na mag-bubukas sa kawalan."kawalan?? Nosebleed ako. "Sila ang mag-sisilbing proteksyon habang pinag-daraanan mo ang mga pagsubok na mag-dadala sayo sa katotohanan."
Ano? Di ko gets te! May sinasabi ka ba? "Sige ate! Salamat sa hula!"sabi ko na lang sa kaniya habang paalis. Pero ayaw pa nyang tumahimik. Nag-sasalita parin sya.
"Ikaw ang napili ng tandhana. Ikaw ang nakatakdang mag-ligtas ng mundong matagal na panaho nang pinag-haharian ng kasamaan! Ikaw na lang ang pag-asa nila Jaydee!"
Napahinto ako at napalingon ulit sa kaniya ng bigla kong marinig na tinawag nya ang pangalan ko. Pano nya naman nalaman kung sino ako? Sino ba ang babaeng 'to? Napapaisip tuloy ako. Tinitingnan ko lang sya habang sya ganun din sya sakin. Nag-titigan nanaman kami hangang sa nawala ang atensyon ko ng biglang lumapit sakin si Jeremy at inakbayan ako.
"Nakita na namin yung mang-huhula! Tara punta tayo!"yaya nya. Hindi kaya ito yung mang-huhulang sinasabi nila?
Tumango na lang ako kay Jeremy. Para kasing bigla akong nawala sa mood dahil sa mga sinabi ng babae. Nilingon ko sya ulit pero wala na sya dun. Sino nga kaya talaga sya?
____________________
Lahat kami ay tahimik habang pinakikinggan namin ang sinasabi ng mang-huhula kay Kei. "Gusto mo na sya pero itinatanggi mo parin sa sarili mo."
Nag-tawanan tuloy sina Jin at Laurence. Mukhang may pang-asar nanaman sila kay Kei na siguradong ikatataob niya. "Whoa! Sino naman po ba yung gusto nya?"tanong ni Laurence.
"Baka yung cheerleader natin sa school? Alam ko matagal ng pantsya ni Kei yun eh!"natatawa namang sabi ni Jin.
"Si Rhian? Oo! Tama! Sinusundan pa nga nya yun eh!"yan na. Nag-umpisa na silang asarin si Kei.
"Mga sira ulo!"pinag-babatukan nya na lang ang dalawa. Natatawa ako kasi first time kong makitang namumula si Kei. Napalingon ako kay Jeremy, nakabusangot nanaman sya. Ano kaya problema ng taong 'to? Bahala sya sa buhay nya!
"Matagal mo na syang nakakasama. At ang initial ng pangalang nya ay---"
"Hindi! Hindi! Hindi yan totoo! Ayaw kong marinig yan!"pigil ni Kei sa mang-huhula. Papahula sya tapos sa huli di rin sya maniniwala.
"Hay! Ano ba yan! Bakit ayaw mo marinig? Natatakot ka kasi kilala namin yun no?"sumilay ang pang-asar na ngiti sa mukha ni Jin.
"Sabihin nyo na po kung sino!"pilit ni Laurence.
"Hindi! Wag!"pigil naman ni Kei. Para syang sira. Gusto ko rin naman malaman kung sino ba yung malas na babaeng nagugustuhan nya. Tinakpan ko ang bibigya para manahimik sya.
"Sabihin nyo na po kung sino!"pilit ko rin sa mang-huhula. Pero nakangiti lang syang nakatingin saming dalawa ni Kei. Umiiling pa si Kei habang mahigpit ko syang niyayakap para di sya maka-palag. Sa huli hindi rin sinabi ng mang-huhula kung sino. Badtrip!
"Sa kaniya nyo na lang itanong."nakangiti paring sabi ng mang-huhula. Binitawan ko na lang si Kei.
"Wag mo kong hawakan!"tinapik pa nya ang kamay kong nakahawak sa braso nya. Taray hu? May ganun ganun pa sya? Tingin nya sakin parang may nakakahawang sakit. Batukan ko kaya sya?
____________________
Hanggang sa pag-uwi namin si Kei at ang secret love nya ang topic ng grupo. Kung sino sino na ang hinulaan naming babae pero wala ni isa dun ang inamin ni Kei. Lahat kami nag-huhulaan maliban kay Jeremy na as usual wala parin sa mood.
Napahinto ako sa pag-lalakad ng mapalingon ako sa clinic ni Doctor Park. Pamilyar kasi sakin yung babaeng lumabas. Parang sya yung-----sya yung kaninang babae sa Underground Market! Pero anong ginagawa nya sa clinic ni Doctor Park? Hindi kaya-----sya yung sinasabi ni Jeremy noon na girlfriend ni Doctor Park?
Hindi! Hindi! "Imposible!"sambit ko na ikinagulat nilang apat. Sabay pa silang napalingon sakin. Kwestyonable lang akong napatingin sa kanila. "Bakit?"inosente kong tanong.
"Feeling mo naman ang ganda mo!"biglang sigaw sakin ni Kei sabay walked out. Natawa naman si Jeremy.
Ano bang nang-yayari? "Ano problema nun?"
"Binasted mo kasi sya."natatawang sabi ni Jin.
"Hu?"anong busted? Bakit nang-ligaw ba sya? Ano pinag-sasabi ng mga 'to?
"Tinatanong ka kasi kung pag nang-ligaw sayo si Kei sasagutin mo. Sagot mo imposible."paliwanag ni Laurence.
"Ah~ yun pala? Sensya, hindi ko narinig eh" Tama lang naman sagot ko. Kung si Doctor Park ang mang-ligaw pwede pa. Pero mga tipo ni Kei?-----Mag-ma-madre na lang ako.
"Tara! Umuwi na lang tayo!"masayang sabi ni Jeremy at inakabayan nya ko.
____________________
[Jaydee's House
9pm]
*Bangon sa kama* Hay! Hindi ako makatulog! Naiisip ko parin kasi yung mga sinabi ng babae kanina sa Underground Market. Hindi ko kasi maintindihan yung mga sinasabi nya. Ayaw ko naman maniwala kaya lang baka kasi mamaya totoo nga yun tapos ang ibig nya palang sabihin dun eh yung mga magulang ko. Eh diba paalis nga sila mama papuntang Dubai?
"Hay! Javin! Anong gagain ko?"napapakamot na lang ako sa ulo eh! Makatulog na nga lang.
[Camping Day, 2PM]
Ready na ang lahat! Excited na ako!
"Anak! Ready na ba mga gamit mo? Yung mga pag-kain mo nan dyan na ba lahat?"tanong ni mama ng pumasok sya sa kwarto ko.
"Opo ma. Okay na."
"Yung tent mo anak okay na ba?"
"Yes! Okay na lahat!"
"Okay! Tara na. Nag-hihintay na ang papa mo sa ibaba."
"Okay. Bye Javin! See you after two days!"hinalikan ko ang mahal kong alaga at sumunod na kay mama sa ibaba.
____________________
Ilang minuto lang ay nalarating na kami sa school. Sina Jeremy, Laurence, Jin at Kei agad ang nakita ko ng bumaba kami ni mama ng sasakyan.
"Tita!"masayang bati ni Jeremy sa mama ko. Lalapit na sana sya nang unahan sya ni Kei.
"Tita! Kamusta na po kayo?! Naku! Na-miss ko po kayo!"hanep ah! Kung maka-kamusta 'tong si Kei kala mo sampung taon silang hindi nag-kita ni mama.
"Aba! Keiigo! Ang gwapo mo parin talaga ah!"puri naman ni mama.
"Umalis ka nga!"biglang tulak ni Jeremy kay Kei at sya naman ang nangamusta sa mama ko. With matching hug pa! "Tita! Ang ganda ganda nyo naman po ngayon! Pabata po kayo ng pabata!"isa pa 'tong si Jeremy. Kung makabati kala mo huling araw na nya sa mundo. Fan yata nila mama at papa ang dalawang 'to kasi ganun din sila kung bumati kay papa eh. Hay~
[On the way to Campsite]
On the way na kami sa camp site! Ang saya saya! Hindi na talaga ako maka-pag-hitay! Mukha ngang ganun din ang nararamdaman ng mga classmates ko kasi ang gugulo nila eh. Kala mo mga bulate na sinabuyan ng asin. Dito na lang muna ako sa likuran. Medyo tahimik kasi.
"Jay! Tikman mo 'to! Gawa yan ni mama."inabot ni Jeremy sakin yung isang square na maliit na baunan. Pag-bukas ko may nakalagay na chocolate cake na hugis puso. Tiningnan ko sya. Wala lang napatingin lang ako sa kanya tapos bigla syang nag-explain. "Favorite shape kasi ni mama heart kaya lahat ng gawa nyang cake hugis shape."sabi nya tapos ngumit sya na parang nine-nerbyos. Ano ba nang-yayari sa taong 'to?
"Talaga? Ngayon ko lang nalaman. Sana heart shape na lang binigay kong cake sa kaniya nung birthday nya." Ngayon ko lang talaga nalaman kung hindi pa sinabi ng mokong na 'to. Yaan mo na. At least alam ko na next time.
"Tabi nga!"tulak ni Kei kay Jeremy at naupo sya sa tabi ko. Kinuha nya ang hawak kong maliit na baunan sabay nginiwian nya si Jeremy. "Heartshape pala hu!"kinamay nya yung chocolate cake na nasa baunan at kinain. Balahura talaga! Sarap na sarap sya sa pag-kain kahit nag-kalat na sa kamay nya yung chocolate.
"Sira-ulo---"mukhang na-high blood na si Jeremy sa ginawa ni Kei. Ikaw ba naman balahurain yung pinag-hirapan ng magulang mo hindi ka ba maha-high bloob? Kung ako yun baka nasungalngal ko pa si Kei.
[At the Camp Site]
[7:09 PM]
Ang layo naman pala ng camp site namin. Ginabi na kasi kami eh. Pero okay lang. Ang importante nakarating kami ng safe. Lets go! Gawa na tayo ng bonfire at tent!
Oh-----Totoo ba 'tong nakikita ko? Baka ilusyon lang. *Kusot sa mata* Si Doctor Park ba talaga yung nakikita ko?
"Bakit ba nan dito si Doctor Park?"inis na tanong ni Kei sa sarili ng dumaan sya sa gilid ko.
"Kainis! Bakit ba nan dito yang Doktor na yan!?"narinig ko ring bulong ni Jeremy.
Ibig sabihin-----totoong si Doctor Park nga ang nakikita ko! Hindi ako makapaniwala! Makakasama namin si Doctor Park sa dalawang araw na camping namin! Ang swerte ko naman talaga! Salamat LORD!!!
____________________
Abot hanggang tenga ang ngiti ko ngayon. Kaharap ko kasi si Doctor Park. Sya daw ang magiging docktor namin incase na mag-ka-emergency. Nag-volunteer lang daw sya. Oh diba? Ang bait nya no? Wala na kong pakialam sa iba pang sinasabi ni coach. Ang importante sakin ngayon ay ang titigan si Doctor Park.
"Tigilan mo nga yang kakatitig mo kay Doctor Park! Baka malusaw na yan mamaya."sabi sakin ni Kei ng sikuhin nya ko. Nilingon ko sya ng masama. Epal masyado! Sinisira momentum ko!
"Wag ka ngang ume-epal! Sa gusto kong titigan si Doctor Park eh!"
"Ano bang nagustuhan mo diyan? Hindi naman gwapo yan! Gwapo pa ko dyan eh!"
"Kapal ng mukha mo! Walang wala ka kumpara sa kaniya no!"
"Bunganga mo! Feeling mo naman magugustuhan ka nya? May girlfriend na naman yan eh!"
Aba! Talagang nakikipag-matigasan 'tong si Kei ah! Napipikon na ko! "Wag ka nga makelam! Ang asikasuhin mo na lang kung paano ka aamin dun sa babaeng sinabi ng mang-huhula sayo!"badtrip ka! Oh ano? Kundi nanahimik ka! Kainis! Makaalis na nga lang!
"Hoy! Jay! San ka pupunta?"tatawag tawag ka pa sakin.
"Sa lugar na malayo sayo!"naiinis ako! Nasira tuloy mood ko! Gusto ko ng hangin baka kasi kung saan pa mapunta yung inis ko kay Kei! Nakikialam kasi! Masyado pang feeling! Bakit ba may mga taong gaya ni Keiigo Tezuka?! Grr! Nang-gigigil talaga ako!
___________________
Ano ba yan! Lakad kasi ako ng lakad! Yan tuloy hindi ko na alam kung nasaan ako! Kasi naman si Kei eh! Nasan na ba ako? Hindi ko na makita yung camp site! Nasaan na ba ako?
LORD, tulungan nyo naman po ako. Diyos ko sana naman hinahanap na ko ng mga kasamahan ko no?! Mag-iisang oras na kaya akong nawawala imposibleng hindi pa nila ako hanapin! Kasalanan 'to lahat ni Kei eh! Kainis!
"Doctor Park! Tulungan mo ko! Doctor Park!"as if naman naririnig nya ko! Pero sana naman naririnig nya ko! Nakakatakot na kaya! Kanina pa ko pinaninindigan ng balahibo dito. Kahit naman kasi maliwanag yung sinag ng buwan madilim parin no! Pakiramdam ko may kung anong nilalang ang nakatingin sakin! Wala pang signal dito! Hay!
Kung sumigaw kaya ako? Baka sakaling marinig nila ko. Try ko nga. "Doctor Park!!! Keiigo!!! Jeremy!!! Laurence!!! Jin!!! Tulungan nyo ko!!! Parang awa nyo na!!! Waaaahh~"utang na loob! Hanapin nyo ko! Nandito lang ako!-----"Ano yun?"may nag-go-glow dun oh! Ano yun? Teka, lapitan ko nga-----bato?
Galing naman! Nag-go-glow yung bato! Kulay blue pa! Amazing! Bato sya na may maliit na butas sa gilid. Hindi naman kalakihan yung 'GLOWING BATO'. Actually pwede syang maging pendant. Ah---sandali! Palitan ko na lang yung pendant ng kwintas na suot ko.
*After one minute* Ayan! Ang ganda! Nag-go-glow sya! Kinikilig ako sa ganda nya-----
____________________
Napaupo ako sa lapag, hindi ako makapag-salita. Ayaw kong maniwala na totoo ang nasa harapan ko. Sya---sya yung Gothic Girl na nasa panaginip ko noon. Pero---hindi 'to totoo! Hindi! Panaginip lang 'to! Nananaginip lang ako! Hindi!
Dahan dahan syang lumalapit sakin. Gusto kong tumayo pero hindi ako makagalaw! Takot na takot ako sa kaniya pero hindi ko maalis yung paningin ko sa kaniya. Habang lumalapit sya lalong lumilinaw ang mukha nya. Tao lang sya pero bakit takot na takot ako? Bakit? Dahil ba alam kong-----hihigupin nya ang kaluluwa ko?
Walang kurap, ilang segundo lang nasa harapan ko na ang mukha nya. Ganun kabilis, parang kidlat. Ganun kabilis syang nakalapit sakin. Walang ekspresyon ang mukha nya pero nababasa ko sa mga mata nya na gustong gusto nya ko---hindi gustong gusto nyang higupin ang kaluluwa ko at pag-pipira-pirasuhin nya?
Nang bigla syang huminga ng malalim at binuka nya ang bibig nya dun na nag-umpisa ang kalbaryo ko. Ganitong ganito ang sakit na naramdaman ko nun ng mapanaginipan ko ang pang-yayaring 'to. Parang pinupunit ng dahan dahan ang katawan ko. Gusto kong sumigaw pero---hindi ko kaya. Masyadong masakit ang ginagawa sakin ng halimaw na'to. Alam ko umiiyak na ko pero hindi ko maramdaman ang luha ko. Unti unti nang pumipikit ang mata ko-----ito na ba ang katapusan ko?
"Jaydee!!"boses yun ni Kei. Kei---tulungan mo ko---
Nasilaw ako ng may biglang kumislap na kulay pink-----si Kei ba yun? Sya ba ang naaninag kong nakikipag-laban sa halimaw? Gusto kong iangat ang kamay ko pero wala na akong maramdaman. Naaninag kong may lumapit sakin pero hindi ko alam kung si Kei---aninag kong nag-sasalita sya pero hindi ko na marinig.
Nabitawan nya ako ng bigla syang hablutin ng babae, nasilaw ulit ako ng may dalawang mag-kasunod uling ilaw na kulay pink ang kumislap---gusto kong dumilat---pero hindi ko na kaya---tapos nun ay bumalik sakin ang lalaki---alam ko binuhat nya ko---medyo nakita ko ang mukha nya ng tumapat sa liwanag-----hindi sya si Kei-----
Sino sya?-----
. . . to be continued
binisita ka....
ReplyDeletesalamat po sa pag-bisita ..
DeleteaNg cUte nG bOseS ni jaYdee,,, ahAha,, peRo wLaNg tTaLo duN sa buMiLi na kaYo nG mOchi saRap ng mOchi,,,, hWaHehE,,,
ReplyDeleteI caN aLso fEeL na sObRanG LaPit na ng maGicaL sCenEs,,,,,
gosh!!!!!! c kei ang cute din! jampacked ng hot guys ang story n 2. i luv it!!
ReplyDeleteäNg cùte dûn sa rïvérbâńk acädemý, bůkød sa mğulö at rīőt, anğ damênģ gwàpô.año n manğyaýárï käý jayděe, mãdisčovëŕ nâ nïã ańg pøweřś.
ReplyDeletewaaaaah! ncmulan n pla ito. at ang hba ng ud na nbsa q!!! d best k tlga ate eun! mahal n mhal mu kming mga readers mu!!!
ReplyDeletexempre nmn po .. kau reason kng bakit nag-susulat prin ako .. ^^
Deleteai!! mei HD si kei sa kanya!! laging epal eh.. hahah.. sira tuloy si jeremy.. hahaha..
ReplyDelete