WITCHCRAFT AND WIZARDRY
THE TREASURES OF 4 KINGDOM
[Ring ng Cellphone ni Jaydee]
[click nyo lng yung video kung gusto nyo marinig ringtone ni Jay .. ^^]
-----eeeehhhhhhhh------*Hingal na hingal*
---Anong klaseng panaginip yun? Para akong lalagutan ng hininga. Parang hinihigop ang kaluluwa ko. May mga ganung klase pala ng panaginip. Para kasing totoo.
Pawis na pawis ako. Para akong tumakbo ng one hundred metre dash. Teka lang. Time out muna, kailangan ko ng tubig. Hay~sino ba 'tong tawag ng tawag? Anong oras na ba?
Eight thirty pa lang pala. Sino ba 'tong natawag?---Si mama? Maaga nanaman siguro silang umalis ni papa. Talaga naman!
Oh! Baka nagulat ka hu? Ngayon mo lang kasi nakita ang cellphone ko. May cellphone ako, black berry pa nga eh. Mga nang-galing lang sa twenty first century ang mga walang cellphone ngayon.
Ultimo taong grasa nga may cellphone na, ako pa kaya?! Gustong gusto ko nga yung ringtone ko eh. Opening Theme ng Korean Drama na White Christmas. Yung drama na tungkol sa serial killer na nang-hostage ng walong student dahil gusto nyang mag-experiment nung marinig nya yung tanong ng isang student kung ginagawa ba ang pagiging serial killer o likas na sya sa tao?
Sa tingin mo? Ginagawa ba o likas na? Kung ako ang tatanungin, tingin ko likas na sa tao ang may tinatagong kasamaan pero choice mo kung gusto mong mag-paka-beterano sa kasamaan. Pero kanya kanya naman ng opinyon ang mga tao---wala lang. Nasabi ko lang yung kwento. Astig kasi. Hindi lang kasi sa serial killer at sa experiment nya umiikot yung kwento. Ah basta! Kung interesado ka. Panuorin mo na lang. ^^
Teka, sagutin ko muna tawag ni mama. "Hello ma? Nasan nanaman ba kayo ni papa? Ang aga aga!"
"Nasa Pilipinas parin naman kami. Nan dito kami sa parlor ngayon ng papa mo. Kailangan naming mag-ayos, makikipag-kita kasi kami kay Mr. Chen."
"Eh bakit pa kayo tumawag?"
"Ito kasing papa mo naiwan ang reading glasses nya! Kailangan nya yun mamaya. Baka naman pwedeng maihatid mo yun ngayon? Yung dalawa na yung dalhin mo!"
Kaya naman. Maaga pa lang nasa parlor na sila. Mukhang sila pa yata ng bukas nun. Makikipag-kita nanaman sila sa masugid nilang customer na si Mr. Chen. Isa sa Mr. Chen sa bumibili ng mga pananim nila mama sa plantation at dinadala nya sa China. Mabait yung si Mr. Chen. May gwapo ngang anak yun na nire-reto sakin ni mama. Hindi ko nga lang masabi kay mama na ang Doctor nya ang gusto ko.
"Parati kasi kayong excited na makita yang si Mr. Chen. Yan tuloy may naiwan nanaman kayong gamit."parati kasi silang may naiiwang gamit kapag nakikipag-kita kay Mr. Chen. "Wala namang bago dyan kay Mr. Chen maliban na lang sa bunbunan nya na parang nababawasan ng sampung buhok sa tuwing makikita nyo sya."
"Naku! Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo!"
"Kung ila-laud speaker nyo yung cellphone nyo baka may makarinig dyan."sino namang makakarinig sakin dito? Eh kami lang naman ni Javin ang nan dito sa kwarto ko.
"Mana ka talaga sa ninuno mo! Bilisan mo na! Dun mo ka lang dumiretso sa Chinese Restaurant sa parati naming pinag-me-meeting-an."
"Okay. Bye."
Kung hindi si mama, si papa ang madalas na nag-sasabing mana ako sa ninuno ko. Sila lang ang bukod tanging mga magulang ang nag-sasabi ng ganun sa anak nila.
Yung ibang magulang nga dyan ang madalas nilang sabihin sa anak nila 'mana ka talaga sa tatay mo' o kaya naman 'mana ka talaga sa nanay mo'. Pero yung nanay at tatay ko ang madalas na sinasabi 'mana ka sa ninuno mo'.
Minsan nga natatakot na ko eh. Pakiramdam ko kasi kami na lang ang natitirang pamilyang nabubuhay na galing sa 200AD at may edad na mas matanda pa yata sa ninuno mo. Ewan ko ba! Ang weird ng pamilya ko!
Makabangon na nga lang-----bigla ko nanamang naalala yung panaginip ko kani-kanina lang. Ang weird din nun. Para kasing totoo. Tapos may umextra pang magic magic! Pakiramdam ko para na kong kinukulam ng mga Wizard's Tale panatik dahil sa mga pang-lalait ko sa paborito nilang kwento.
*iling* Hay~mga kabataan talaga ngayon. Ang wi-wirdo na ng mga taste. Dati naman mga Gabby at Sharon, Nora at Pit ang sinusubaybayan nila. Ngayon Yanna at Brylle na. Tsk! Sa susunod na henerasyon kaya ano na susubaybayan ng mga kabataan?
Makaligo na nga lang. Yayayain ko nga pala ngayon sina Jeremy at Laurene na pumunta ng beach. Text ko ng muna sila. *Pindot sa cellphone*
"Mga wiztail. Pnta tau sa beach!
La magawa! Jeremy dalhin mo DLSR mo!
Kitakits!"
WIZTAIL?-----yan ang tawag ko sa mga taong adik sa libro ni Aegyodaydreamer. Kaya tail kasi wala silang ibang sinusundan kundi ang kwento ng Wizard's Tale. WIZTAIL.
Oh---bilis ng reply ni Laurence ah! Halatang wala syang ginagawa sa kanila.
"Kk, kita na lang tau sa bus sttion."
"Okay"reply ko. Mamaya pa si Jeremy mag-re-reply. Paimportante yun eh. Prom King nga daw kasi sya. Feel na feel nya, wiztail naman!
*Unat* Sarap talaga mag-unat! "Good Morning Javin! Action star ka talaga hu! Sa sahig kita pinatulog kagabi ngayon nan dyan ka na sa study table ko hu! Oh kainin mo 'tong cheese. Di mo inubos kagabi. Sayang 'to!"binigyan ko kasi sya ng cheese kagabi pero di nya naman inubos. Naumay siguro. "D'yan ka muna. Maliligo lang ako."
_______________
[After One Hour.
Ring ulit ang CP. Tawag galing kay Jeremy]
Ano problema ng mokong na 'to? Bakit natawag? "Oh bakit?"
"Anong okasyon? Bakit mo naisipang punta ng beach?"
"Bakit? Porque ba pupunta lang ng beach may okasyon na? Di ba pwedeng dahil trip ko lang?"
"Pwede din namang dahil gusto mo lang maligo."
"Yun naman pala eh! Tatanong ka pa! Iniistorbo mo ko eh!"
"Bakit? Nag-wi-withdraw ka nanaman?"
"Oo! Para may ipakain ako sayo!"natawa ang mokong.
"Kadiri ka! Bunganga mo naman! Balahura ka talagang babae ka! Mana ka sa ninuno mo!"
"Aba talaga naman-----ang aga aga nang-bi-bwisit ka---hoy! Hoy!"
Sira ulong yun! Pinatayan ako ng cellphone! Nakikigaya pa sa expression ng magulang ko! Humanda ka sakin mamaya Jeremy Williams! Naha-highblood ako ang aga aga! Makaalis na nga!
____________________
[At the Central Market]
Salamat naman dahil hindi siksikan sa subway. Maaga pa naman kasi. Teka, dala ko ba yung dalawang salamin ni papa? Okay, nasa bulsa sya ng favorite kong jacket na suot ko ngayon.
Bakit ko sya favorite? Yung wood nya kasi may tenga na tulad ng pusa. Ang KYUT. Kulay brown sya tapos ang lambot lambot nyang suotin. Bili sakin 'to ni mama nung nag-"honeymoon" sila ni papa sa Japan limang buwan na ang nakakalipas.
At itong maliit na wallet na kulay violet binili din nila dun. Favorite ko rin 'to kasi hindi ako nawawalan ng pera dito. Pag yung wallet ko kasing isa na binili ko lang sa bangketa ang gamit ko, yung mga tag-wa-one hundred lang. Madalas akong mawalan ng pera dun eh. Ewan ko ba kung saan napupunta. Kinakain yata ng wallet ko. Kaya ito na ginamit ko simula ng ibigay sakin ni mama. Convenient pa kasi kasyang kasya sya sa bulsa.
-----Umagang umaga busy si Aling Tin ah. Dami nyang customers. Si Doctor Park kaya? Mukhang wala syang masyadong pasyente. Parang gusto ko syang puntahan. Kaya lang ano naman idadahilan ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na gusto ko lang syang makita kaya pumunta ako dun.
-----Ah! Alam ko na! *Evil Smile* Dalawa naman 'tong reading glasses ni papa. Baka pwedeng sirain ko yung isa. Ipapaayos ko naman kay Doctor Park eh. Tanggalin ko lang yung isang salamin. Isa lang naman. Maayos naman 'to ni Doctor Park-----Ayan! Okay na!
Kunyari inutusan ako ni papa na ipaayos 'to sa kaniya. He-he-he-. At least may paraan na para makita ko sya! Talino ko talaga! Mana nga talaga ako sa ninuno ko! Doctor Park! I'm coming!!!
*Tawid sa kabilang kanto* Wait lang. Kalma. Mag-sasalamin muna ako. Buti na lang nag-lugay ako nang buhok ngayon! Shet! Ang ganda ko talaga! Okay! Ready na ko!
*Pumasok na sa loob ng clinic si Jaydee* "Good Morning!"masayang bati ko.
"Oh! Ms. Maundrell ikaw pala? Mag-papa-check up ka ba?"secretary ni Doctor Park na si Ate Mitch ang unang bumati sakin. Mukhang nasa loob pa ng check-up room ni Doctor Park.
"Ah-ipapa-check-"para akong nakarinig ng magandang musika ng makita kung lumabas si Doctor Park sa check-up room.
Ang gwapo nya!!! Pag ako ang pasyente? Okay lang kahit isang taon akong nasa hospital basta sya ang doctor!
"Oh Jay! Ikaw pala? Mag-papatingin ka ba?"oo mag-papatingin ako. Baliw na yata ako sayo Doctor Park. At bakit pag sya ang tumatawag sakin ng Jay pakiramdam ko babaeng babae ako?
"Ipapaayos ko lang sana 'tong reading glasses ni papa. Nasira kasi."sabi ko sa napaka-sweet na tono ng boses. At-at-at ngumti sya-*die* Nakakapatay ang ngiti nyang yun!
"Sa optician mo dapat dalhin yan hindi sakin. ENT Doctor ako, hindi Optician."
Parang biglang nasira yung cassette tape ng sabihin yun ni Doctor Park. So, ano ibigsabihin nun? Tini-turn down mo ko?
"Pero susubukan kong ayusin. Pwede ko bang makita?"hay~akala ko naman busted na ko eh.
"Salamat. Ito."ito ang puso ko. Tanggapin mo na please?
"Hmm. . ."ang sarap nyang panoorin. Ang ganda pala ng mata nya sa malapitan? Pointed nose pala talaga sya. Ang kinis kinis ng mukha nya. Makinis pa sa mukha ko. Para syang hindi lalaki dahil sa kakinisan nya. Ang pula pula pa ng labi nya! Shet! Yummy! "Oh heto. Natanggal lang naman pala ang pinaka-salamin nya."tama ka. Sinadya ko talaga yan para makita ka. "Okay na."okay na okay talaga Doctor Park dahil nakita kita ng close up.
"Salamat Doctor Park."tantalizing eyes pa ko nyan.
"No problem."ngumiti sya at---nahdkandjshunagcsgahsdb---hinawakan nya buhok ko sa bunbunan! Alam mo yung mga aso kapag-hinihimas sila ng amo nila sa ulo kasi naku-cute-an sila sa alaga nila? Siguro, na-cute-an sakin si Doctor Park? Grabe naman! Feeling ko tuloy namumula na ko! Kainis!
[Biglang Ring ng CP.
Tawag galing sa mama nya.]
*Mabilis na hinatak ni Jaydee ang CP nya sa bulsa* Naku! Si mama! Baka kanina pa sila sa restaurant! Lagot na!
"Wag ka na mag-bayad. Hindi naman check up yung ginawa ko."biglang sabi ni Doctor Park. Natuwa naman ako. At least hindi ko na kailangang gumasto para sa kasinungalingang ginawa ko.
"Salamat ulit. Sige. Mauna na ako."ayaw ko man mag-paalam agad pero hinihintay na ko nila mama eh. Hay~ "Ma!"sagot ko sa tawag ng makalabas ako ng clinic.
"Nasaan ka na ba? Parating na si Mr. Chen!"
"Ito nga papunta na."lumandi pa kasi ang anak nyo. Sorry naman.
"Okay! Bilisan mo!"excited naman 'tong si mama. Ito na nga eh natakbo na ko. Ayan, natataw ko na ang restaurant-----sa wakas nan dito na ko! Nasan ba sila?
"Jay!"tawag ni mama. Lumapit ako sa kanila.
"Baaa~kuntodo make-up at hairstyle ang parents ko ah! Hanep hairstyle mo pa ah! Kung maka-outfit kayo! kpop? Super Junior? Girls Generation? Gee gee gee gee baby baby gee gee gee."
"Hay ano ka ba! Manahimik ka nga dyan! Nakakahiya ka!"nahihiyang saway ni mama. Nahiya sya sa sayaw at kanta ko pero hindi sya nahiya sa style nya. Talaga 'tong si mama!
"Ano anak? Gwapo na ba ang papa mo? Kamukha ko na ba yung chubby sa super junior? Sino nga yun?"bwahaha! Updated pala 'tong si papa eh! Pati member ng Super Junior kilala!
"ShinDong yata yun pa?"ShinDong nga ba? ShinDong diba? O si KangIn?
"Yung magaling sa variety shows! Nanunood kami ng mama mo ng mga shows nun eh!"Kpop fanatic pala 'tong mga magulang ko eh! LORD! Ano na bang nang-yayari sa mundo???
"Ah~Si Shindong yun pa."nakanood din kasi ako ng mga shows ni ShinDong. Hehe. Idol ko kaya yun! Pero di ako kpop fanatic hu! Curious lang ako kung bakit marami naa-adik sa kpop. Yun pala nakakatuwa rin kasi silang panoorin at tsaka ang pleasant nila sa camera.
"Tama na nga yan! Tinitingnan na tayo ng mga tao. Saan ba ang lakad mo ngayon Jay?"pag-iiba ni mama sa usapan. Dun ko lang naalala na mag-kikita pala kami nila Jeremy at Laurence ngayon.
"Oo nga pala! Mag-kikita kami nila Jeremy at Laurence ngayon. Pupunta kami sa beach."paalam ko sa kanila.
"Ganun ba? Sige. Mag-ingat kayo dun hu?"sabi ni mama.
"Ika-musta mo na lang kami ng mama mo sa kanila. Sabihin mo bisitahin naman nila kami bago man lang kami pumunta ng Dubai."sabi naman ni papa.
"Okay ma, pa. Alis na ko!"kumaway ako sa kanila saka lumabas na ng restaurant para puntahan sina Jeremy at Laurence sa bus station. Mukhang kanina pa sila nan dun.
[Bus Station
10:45AM]
Naabutan kong nag-tatawanan sila Jeremy at Laurence habang nakaupo sa waiting shed ng bus station. Pareho silang may dalang bag pack samantalang ako, sarili ko lang ang dala ko.
"Oh! Jay! Ikaw pala! What brings you here?"pang-urat na tanong ni Jeremy. Urat ko lang din syang nginitian.
"Tagal mo! Ikaw nag-invite ikaw pa late!"dumagdag pa 'tong si Laurence!
"Bakit kasi ang aga nyo pumunta? Kayo may kasalanan!"sisi ko sa kanila. Sila naman kasi talaga may kasalanan. Wala naman akong sinabing agahan nila. Wala nga kong sinabing oras eh. Ang sabi ko lang punta kami sa beach wala namang sinabi dun na agahan nila. May mga saltek talaga!
"Tara na nga! Libre ko na kayo pamasahe."umakbay si Jeremy samin ni Laurence at inakay nya kami papuntang bus.
"Yabang! Private School! One hundred baon!"natawa ko sa pang-bara ni Laurence.
Private School? One Hundrer baon?-----gets mo? Yun ang pang-asar kapag bigla naging galante ang kaibigan o kasama mo. Kapag bigla na lang syang nang-libre kahit na hindi mo naman sinabing mang-libre sya. Mentality na kasi ng tao na kapag sa Private School ka nag-aaral mayaman ka. Malaki baon mo. Galante ka. Kuha mo na? ^^ Yan ang mga pauso ni Laurence!
____________________
Walang humpay ang kwentuhan ng dalawa habang na-byahe kami papuntang beach. As usual, wala silang ibang topic kundi Wizard's Tale.
Bigla ko nanaman tuloy naalala yung napana-ginipan ko kaninang umaga. Hinahabol daw ako ng parang gothic na babae na may malaking ribbon sa ulo. Ewan ko kung ano yun. Basta para syang tao na ipo-ipo. Astig nga eh! Hinahabol daw ako nun! Nung naabutan nya daw ako bigla nyang hinigop kaluluwa ko.
Ang wirdo nga kasi ramdam ko yung sakit. Parang binabanat yung balat ko. Try mo ipitin yung balat mo ng ipitan ng sampayan tapos dahan dahan mong tanggalin. Ganun sya kasakit. Ramdam na ramdam ko kaya! Kala mo parang totoo sya! Kala ko nga mamamatay na ko eh!
Buti na lang may dumating na lalaki. Pero di ko nakita mukha nya kasi madilim. Nag-karambola sila nung gothic girl. Ang lakas nga nung gothic girl eh! Taray nga! Di nalalaglag yung malaking ribbon nya sa ulo kahit anong yugyug nya! Tapos parang kinalmot yata nya yung lalaki kaya nasugatan sa braso.
Babalikan pa sana ako ng gothic girl kaso may biglang umilaw na parang kuryente yatang pink dun sa hawak na wand yata yun ng lalaki, ewan kung ano yun? Hanggang sa nagising na ko! Kala ko nga di na ko magigisng eh! Pero nagising parin naman ako. Wirdo lang ng panaginip na yun. Nakakapanaginip din kaya yung iba ng ganun? Yung tipong parang totoo pero hindi.
_____________________
[At The Beach]
Parang mga presong nakawala sa kulungan sina Jeremy at Laurence ng makarating kami sa beach. Kanya kanya silang tapon ng mga bag nila at paunahan pang nag-hubad ng mga T-Shirt nila. Hindi na sila nga-palit pa ng short dahil atat na atat na silang lumangoy sa dagat.
"Mga baliw talaga."bulong ko sa sarili ko habang isa isa kong pinupulot ang mga gamit nila. Nang maipon ko sa ay itinabi ko sya sakin at binuksan ko ang bag ni Jeremy para kunin ang DLSR nya. Favorite ko talaga yung DLSR ni Jeremy kasi puro mukha lang naming tatlo ang nan dun majority ng mukha sakin. Ang gaganda nga ng kuha ni Jeremy sakin eh!
Kinuhaan ko sila ng pictures. Enjoy na enjoy talaga sila sa pag-langoy sa dagat. Nag-hahabulan pa sila na kala mo lovers lang. Hay~ito talagang dalawa na 'to.
Masaya ako dahil naging kaibigan ko sila kahit na minsan para silang sira-ulo. Minsan may mga pag-kakataon na hindi kami nag-kakaintindihang tatlo kaya nag-aaway kami. Minsan naman naso-sobrahan kami sa saya. Pero aminin ko man o hindi sila na ang pinaka-the best na kaibigan, kabarkada para sakin.
_______________________
Maya maya pa ay natapos na sila sa pag-langoy. Kanya kanya na silang punas sa mga sarili nila. Habang nag-pupunas si Jeremy ay napatitig ako katawan nya. May muscle din pala 'tong si Jeremy gaya ni Laurence.
Ngayon ko lang kasi napansin. Ngayon lang naman kasi sila nag-hubad sa harapan ko. Hindi naman yung hubad talaga! Ikaw hu! Baka kung ano naiisip mo! Topless lang naman! Teka ma-picturan nga. *click!* Habang tinitingnan ko yung picture napansin ko yung sugat ni Jeremy sa braso. Bigla ko tuloy naalala yung lalaki sa panaginip ko. Napabuntong hininga na lang ako. Binabagabag kasi ako ng panaginip kong yun.
Nagulat si Jeremy ng picture-an ko sya. Napatingin sya sakin na may nang-hihinalang mukha.
"Bakit mo ko kinukuhaan? Naga-gwapuhan ka sakin no?"ngumiti pa sya. Alam mo yung ngiting aso? Kaurat!
"Feeling mo? Gwapo ka?"
"Oo! Prom King 'to!"pag-yayabang nya sa title nya for four years. In-snub ko lang sya. "Ah! Alam ko na! Nagagandahan ka sa macho kong katawan!"sabay tawa ng malakas.
"Macho? San banda?"kapal talaga! Pinapakita pa nya muscle nya sa braso. "Mukha mo!"
"Gwapo."tawa ulit sya. Nakakarinid yung tawa nya! Ang sarap lamutakin ng bibig!
"Mga tae! Nakita nyo ba wallet ko?"biglang singit ni Laurence habang nag-hahalungkat sa bulsa ng pantalon nya.
"Lost and Found ba ko?"pilosopo talaga 'tong si Jeremy.
"Gamit mo samin mo itatanong."ako rin pala.
"Alam ko nan dito lang sa bulsa ko yun eh."halatang worried na si Laurence.
"Wala akong ginalaw sa gamit nyo ha! DLSR lang ni Jeremy kinuha ko sa bag nya!"depensa ko sa sarili ko. Mahirap na no. Ako lang mag-isa ang naiwan sa gamit nila. Posibleng ako ang pag-bintangan. Pero alam kong hindi ganun si Laurence. Kilala nya ko at alam nyang hindi ko magagawa yun.
"San ka kumuha ng pamasahe mo kanina?"seryoso na si Jeremy. Basta mga ganitong emergency, matino na kausap yan.
"Hinanda ko na talaga kanina yun. Sakto pamasahe ko na yun papuntang Central Market."sagot ni Laurence.
"Yaan mo na. Baka naiwan mo lang sa bahay nyo. Pahiramin na lang kita ng pera."yabang! Private School! One Hundred baon! "Oh---Wallet ko?"naku! Patay tayo dyan! Pati wallet ni Jeremy nawawala. "Nan dito lang sa bulsa ng bag ko yun eh!"sa bag pa nilagay! Binuksan ko pa naman yung bag nya para kuni 'tong DLSR!
"Wala akong kinuhang iba hu! Itong DLSR lang talaga!"depensa ko ulit. Kasi naman eh! Sana naligo na lang din ako para hindi ako ang prime suspect ngayon!
"Ano pinang-bayad mo sa pamasahe natin kanina?"kunot nuong tanong ni Laurence.
"Natira lang yun sa pera ko kahapon. Kainis naman!"napakamot sya sa ulo nya.
"Yabang mo pa kanina hu! Pumapraybet skul ka kasi eh! Fifty pesos lang naman pala baon mo!"oras na para ako naman ang tumawa ng malakas. "HAHAHA!!!"tiningnan nya lang ako ng masama. Kawawa naman 'tong dalawa. Mga mukha ng walang pag-asa. Enjoy pa kayo kakalangoy nyo hu!
"Libre ko na kayo. Private School ako eh!"tawa ulit ng malakas. "HAHAHA!!!"
"Pautangin mo na rin kami."request ni Jeremy.
"Sus! Utang? Mag-kano ba? Kahit---"teka! Bakit wala akong makapang wallet??*Blank Face*
"Oh bakit?"bilis talaga pumick-up nitong si Jeremy pag alam nyang laglag ako. Ayan nabuhayan nanaman sya ng loob. Unti unti nanamang sumusilay ang mala-asong ngiti nya. "HAHAHA!!! Yabang mo pa hu! Eh wala ka rin namang pera! Mukha mo!"
Bwisit! Kung kelang okay na saka pa minalas! Ngayon lang nang-yaring nawalan ako ng pera sa wallet na yun! At worst kasama pang nawala pati wallet! Saan ko ba nuhulog yun? Sa restaurant? Saan? Nandun pa naman yung pang-bili ko ng cheese ni Javin!
Hindi! Ilang beses ko kasi kinuha yung salamin ni papa sa bulsa ko! Pusible kayang nahulog yun ng di ko napapansin? Pero saan? Sa tapat ng Burger Shop ni Aling Tin? Sa clinic ni Doctor Park? Hay! Kainis! Ang bilis ng karma dahil sa pag-sira ko sa salamin ni papa!
"Pano tayo uuwi nyan? Wala tayong mga pera!"parang maiiyak na si Laurence.
"Alay lakad."nakangiti pang sabi ni Jeremy. Problemado na nga kami masaya pa sya.
"Alam ko na! FTI na lang tayo!"brilliant idea Laurence! Genius ka talaga!
"Ang galing mo talaga!"niyakap pa sya ng mga braso ni Jeremy sa leeg.
FTI?-----Hindi yan yung lugar sa Taguig hu! FTI means Free Travel Insentive. Para lang yan sa mga taong wala talagang pamasahe. At gumagana lang yan sa Bus at Jeep. Pano yan ma-avail? Simple lang. Sundin mo lang ang guidelines.
GUIDELINES: Kung bus man o Jeep ang sasakyan mo piliin mo yung marami kang pasaherong kasabay paakyat. Kung sa bus ka, maupo ka sa bandang gitna. Dahil pag nassa gitna ka yun ang madalas na isipin ng mga kundoktor na bayad na. Kung jeep naman ang sasakyan mo pag-pasok pa lang maupo ka na agad sa bungad o kahit sa gitna. Basta hindi ka lang mapapansin ng driver. Deadma ka lang hanggang sa makababa ka. Dun mo lang maa-avail ang FTI.
Kung sa Bus naman, may tatlong paraan yan. Una, kumuha ka ng ticket na nakaipit sa upuan ng bus habang malayo pa ang kundoktor. Para pag dumating sya sa tapat mo may maipapakita kang katibayan na bayad ka na.
Pangalawa, mag-tulogtulugan ka. Dahil dyan mahihiyan yung kunduktor na gisingin ka. Lalampasan ka nya hanggang sa makalimutan ka nya at makalimutan mo sya. Libre ka na!
At pangatlo, medyo risky 'to kasi wala kang gagawin kundi ang deadmahin lang ang kundoktor. Kung maiksi kunsensya mo, hindi mo ma-avail ang FTI. Pero kung marunong ka mag-matigasan Libre ka na!
Simple lang diba? Kaya kung wala ka talagang pamasahe. Pwede mo ma-avail ang FTI. Lifetime naman yan eh. Hindi limited. ^^
____________________
Salamat sa FTI at nakarating kami sa Central Market. Salamat din dahil si Aling Tin pala ang naka-pulot ng wallet ko ng mahulog sa harapan ng Burger Shop nya. Hay! Kahit punong puno ng ka-wirduhan ang buong mag-hapon ko ay happy pa rin naman! Lalo na kapag tatapusin namin ang araw na kumakain ng Duble Cheese Burger with Large Fries and Large Coke! *Ting!*
. . . to be continued
wizTaiL pALa twAg saAmin,,, aHaHa,,, paNiguRado magiGing wiZtAiL k rIn tuLad nLa jEreMy LaLo p at kUng mKkaRanaS k na rin maGical eVents,,, cOmmnt LaNg mUna,, nxT cHapter n aGd,,,,,,,
ReplyDeletemei appearnce din c shindong at kangin d2.... i luv it!
ReplyDeletelakas ng tawa ko sa chapter na to.. nice!
ReplyDeleteFTI lels xDD
ReplyDeleteayos yung FTI ah!! Hahaha!:)))
ReplyDelete