NAKAPUNTA ka na ba sa Tondo? Nakapag-lakad ka na ba sa kahit anong streets doon? Natanong ko lang kasi walang pinagkaiba ang hallway ng school namin sa sitwasyon doon. Alam mo iyong tipong may masasalubong kang kakilala na tumatakbo disoras ng gabi tapos pag tinanong mo ‘Pare! S’an punta mo? Ginabi ka na yata jogging ah!’ tapos sasagutin ka niya, ‘Hu? Hindi pare! May saksak ako eh!’. Pakiramdam ko ganoon ang mangyayari sa akin sa tuwing maglalakad ako sa hallway namin.
Parang kasing mga nakawala sa kudal 'tong mga estudyante. Harutan dito, harutan doon! May mga nag-i-ispadahan ng mop. May mga nagsusuntukan na akala mo sana boxing ring lang. Mga nagtatawanan na kala mo lalabas na ang lalamunan nila. Ganito ang sitwasyon sa Riverbank Academy tuwing umaga, break time at uwian. Mapapailing ka na lang talaga sa tuwing dadaan ka.
"Wazzup Jaydee Ryan Maundrell!?"
Four Years. Four Years nang ganyan lagi ang bati sa akin ni Nen Ail Emperium tuwing umaga. At sa loob ng apat na taon namin sa high school dito sa River Bank Academy, sa isa sa pinaka-maliit na baranggay sa lungsod ng Banguio, kahit kailan hindi pa ‘yan pumapalya sa ganyang klaseng greetings n’ya sa akin tuwing umaga! Muntungek nga eh!
Nang maupo si Nen sa upuan niyang nasa harapan ko ay nagsimula nang kiligin ang mga kababaihan sa loob ng mumunti naming classroom. Isa si Nen sa tatlong Campus Heartthrob ng River Bank Academy. Gwapo naman talaga ‘yang si Nen. Pero hirap siyang lapitan ng mga kababaihan dahil madalas seryoso ang awra niya. Iyong tipong nakaka-intimidate talaga kung hindi mo siya talagang kilala.
"Nen! Pare!" Heto na! Dumating na si boy aksyon na kung magkwento talaga namang napaka-lupit! Mapapahanga ka talaga!
"Zup Jay!" Bati niya sa akin bago s’ya nagsimulang magkwento kay Nen. Tinanguan ko lang siya.
"Pare! Nabasa mo na ba ‘yong Wizard's Tale 2?! ‘Langya pare! Ang epic ng first chapter! Pare! Lupet!" Naupo siya sa lamesa ni Nen, ni hindi man lang siya nag-aksaya ng panahong ilagay ang bag sa upuan niya kahit na dumaan na siya doon. "Hayup talaga sa mga banat ‘yong Author! Ang galing sobra!"
Maaksyon ang galawan ng mokong! Wapakels kahit nalalag pa ang bag niya sa sahig. Ayos talaga kung maka-kwento si Raigin De Vien! Boy Aksyon talaga ang mga banat. Sa tuwing silang dalawa ang nagku-kwentuhan tungkol sa paborito nilang Wizard's Tale hindi mo sila maaawat! Talagang action kung action! Nabibigyang buhay ang mga characters sa libro AegyoDayDreamer. Silang dalawa lang rin ang nagkakaintindihan pagdating sa mga ganiyang genre. Hindi kasi ako fan ng mga magical or fantasy stories. Kaya hindi ako maka-relate.
Naudlot ang maaksyong kwentuhan ng dalawa nang mag-ring ang bell. Saka lang naupo si Raigin sa upuan niyang nasa unahan ni Nen. Four years nang ganun ang usual seats naming tatlo. Silang dalawa ang ang maituturing kong kaibigan sa loob at labas ng school. Ako lang ang nag-iisang babae sa aming tatlo. Ewan ko ba, parang kuntento na ako sa kanilang tatlo.
Pare-pareho lang kami ng edad, seventeen. Kung may matanda man, wala ng iba kundi si Mr. Thomson. Ang teacher namin ngayong umaga. Ewan ko ba kung anong meron sa school na 'to at hindi niya magawang mag-retired, kahit mismong principal na namin ang nag-sasabing mag-retired na siya.
Feeling ko nga matanda pa sya sa History na tinuturo n’ya. Kabisado na nga niya ang History ng buong mundo dahil sa tuwing magtuturo siya ay wala siyang ibang dalang gamit malibana sa sarili niya. Ganoon pa man, si Mr. Thompson ang isa sa pinakamabait at magaling naming teacher.
NATAPOS ang buong maghapon na klaseng tila ba pagod na pagod kami. Ngayon kasing nalalapit nanaman ang exam ay halos loaded kami sa mga activities. Bukod pa doon ito rin ang panahon kung saan naghahabol ang mga teachers na matapos ang lessons nila. Ewan ko ba kung bakit hilig maghabol kung kelan kailangan nang mag-relax ng mga estudyante para makapaghanda. Mapapailing ka na lang talaga.
Nang marating namin ang Central Market ay agad naming tinungo ang burger shop na paburito naming kainan tuwing uwian. Ang Tin’s burger.
"Woooo! Aling Tin!" Sabay na tawag ni Raigin at Nen sa tindera at may-ari na si Aling Tin na kasing thin ng walis ting-ting.
"Kayo nanaman?" Bitter? Hindi halatang ayaw niya kaming makita ngayon. Mukhang nagsasawa na siya sa pagmumukha naming tatlo.
"O-order kami!!" Deadma lang ang boys! At talagang kina-career nila ang pagkakasabay nilang magsalit. "Alam mo na ‘yan!" Sabay parin sila. Napailing na lang ako at tinalikuran sila para maupo doon sa paboritng pwesto namin. Sa harapan ng glass wall kung saan tanaw sa opposite side ang clinic ng crush kong doktor na si Doctor Le Roux. "Tatlong Double Cheese Burger with Large Fries and Large Coke!” At ginawa nila ang traditional formation nila. Inangat nila ang mga kamay nila at pinagdikit sa isa't isa para makagawa ng malaking puso. Finishing touch ang pamatay nilang kindat.
At matapos nga ang halos trenta minutos naming paghihintay ay nakuha rin namin ang order. Sa gitna ng pagkain namin ay bigla akong natigilan ng makitang palabas ng kaniyang clinic ang lalaking pangarap ko sa buhay ko. Kumabog ang dibdib ko at napakapit kay Nen.
Hay~tumingin nanaman siya sakin. Parang biglang naging ulap ang paligid ko. Para akong lumilipad sa langit. Hugis puso ang mga ulap, at may mga anghel na kumakanta habang kaharap ko ang gwapong gwapo, napaka-perpektong obra maestra na si Kaimin Le Roux. Ang gwapo nya talaga.
"Balita ko may girlfriend na daw ‘yan."
Parang akong nakarinig ng radyong kinain ang film ng tape nang magsalita si Nen. Parang biglang naging madilim ang background ko habang nakaupo ako sa sulok at may caption na ‘single forever’.
"Talaga? Pano mo nalaman?" Ayaw ko na ngang malaman, nagtanong pa itong si Raigin.
"Nakita daw ng mga classmate nating babae na may kasama siyang babae.
Tiningnan ko sila ng masama para lang patahimikin sila pero baliwala lang sa kanila. Sa tagal ba naming magkakasama naging manhind na kami sa nararamdaman ng isa't isa? Kasi ni hindi nila naisip na nasasaktan ako sa usapan nila. Alam naman nilang simula pa noong first year kami si Doctor Le Roux na talaga ang crush ko. Kaya nga lagi kami dito sa Burger Shop ni Aling Tin dahil kay Doctor Le Roux. Crush na crush ko talaga siya. Ang gwapo nya kasi at ang bait! General Doctor siya. Nakilala ko siya noong dalhin kay papa. Noong nilagnat ako kay Doctor Le Roux niya ako dinala, at simula noon ay naging crush ko na siya.
"Wag ka na umasa! May girlfriend na pala ‘yan si Doctor Le Roux eh!" Tingnan mo itong si Raigin, kung makapang-asar wagas.
"Manahimik ka na lang kung ayaw mong mapalitan ng dugo ‘yang ketchup sa burger mo!" Banta ko sa kaniya, pero sa halip na matakot ay dinilaan niya lang ang ketchup ng burger niya. Napakabalahura talaga! Natatawa at naiiling na lang si Nen. Masaya siya dahil naka-quota nanaman siya ng pangbi-bwisit sa akin! Very Good! May araw ka rin!
MAGTATAKIP silim na ng makarating ako sa bahay. Sinabihan ko na rin si mama na hindi na ako kakain ng dinner kaya expected ko nang nasa living room na sila at nagpapahinga sa mga oras na ito.
“Naan dito na ako!” Tawag ko sa mga taong nasa sabahay ng pumasok ako sa pintuan naming pinaka-antik pa yata sa lahat ng antik dahil sa nagagawa nitong ingay sa tuwing bubuksan o isasara. Pakiramdam ko para akong pumapasok sa isang Hunted House dahil sa tunog na ginagawa ng turnilyo nitong dry pa yata sa tuyong isda. Parang pag naririnig ko ito at nakatalikod ako sa pinto ay may pumappasok na mamamatay tao at tatagain na alng ako sa likuran. Ewan ko ba sa mga magulang ko. Hindi naman kami naghihirap pero hindi nila magawang papalitan ang turnilyo ng pinto namin.
"Anak!! Welcome home!!" Sigaw ni mama. Napansin kong hindi na straight ang buhok niya. Para na itong pancit cantoon noodles dahil sa maliliit na kulot nito. Buti na lang brown ang kulay, naloko na kung kulay dilaw pa. Maaga pa lang suot na niya ang pink pajama niyang may naka-sulat na ‘I love my husband’ sa harapan. Mukhang nasa gitna si mama ng beauty rest dahil may hawak pa siyang pickles sa kamay. Kay mama ko namana ang kutis na parang singkamas. Ang pinagkaiba nga lang, mamula-mula ang kay mama habang sa akin naman parang white blood cells na lang ang dumadaloy sa katawan.
"Na-miss ka namin Jay anak!!!" Ganoon rin si papa. Pareho rin ang pajama na suot niya. kulay blue nga lang ito at ‘I love my wife’ ang nakasulat. Mayroong headband si papa na gawa sa tela at hawak nito ang remote ng T.V. Ngayon kasi ang laro ng paborito niyang team sa PBA. Mas matangkad si mama sa kaniya, at mukhang sa kaniya ko namana ang pagiging maliit ko. Half Chinese, half Filipino si papa na inampon ng isang Australian. Nakilala niya si mama sa isang hospital noong nagta-trabaho ito doon. Nang magpakasal sila ay naisipan nilang bumili ng lupa sa probinsiya ni mama sa Negros Occidental hanggang sa lumawak ito at naging plantation.
"Anak!" Muling sigaw ni mama. Sanay na ako, mataas talaga ang energy ng mga magulang ko.
"Ma!" Sambit ko.
"Mag-ha-honeymoon kami ng papa mo sa Dubai!" Napangiwi ako at napakunot ang noo.
"Honeymoon nanaman? Buwan buwan na lang honeymoon? Halos nalibot niyo na buong mundo sa honeymoon niyong ‘yan ah. Dubai? Bakit doon? Ano gagawin n’yo doon?”
Sila ang mag-asawang kung umasta kala mo laging bagong kasal. Ang tawag nila sa gala nila ay honeymoon kahit na eighteen years na silang kasal. Okay lang naman sa akin. Wala rin naman silang paggagastusan ng pera nila. Saka matanda na sila. Dapat mag-enjoy talaga sila sa buhay nila. Stable naman ang plantation. May mga tao namang mapag-kakatiwalaang namamahala doon habang hindi ko pa kayang i-take over. Naks! Tagapag-mana? Eh, wala rin naman silang ibang pagbibigyan noon kundi ako lang. Only child lang ako. Hindi na nakapagbuntis pa ulit si mama dahil humina ang kapit sa matres niya. Naka-ilang subok sila pero sa huli sumuko rin. Thankful naman daw sila pero pangarap kasi ni papa na magkaroon ng anak na lalaki.
Kaya nga noong ipinanganak ako, madalas panglalaki ang binibiling damit sa akin ni papa. Siya rin ang nagpangalan sa akin. Ayos lang naman. Naiintindihan ko naman si papa, pero noong nakita niyang lumalaki na ako at nag-iiba na rin ang taste ko. Hinayaan niya na akong magdesisyon sa style na gusto ko.
Sobrang blessed ako sa pamilya ko. Kahit sa kabilang buhay, hiling ko na sila pa rin ang maging magulang ko.
na alala ko ang the covenant..doon sa picture ng proffesor..hehehe
ReplyDeletetaWaNg-tAwa aq s uNAng cHaPter pA,,, uNg Mga pnagGagawa niNa bOy aksYon at jereMy dAhiL s pagKahuMaLing niLa s wizArd's taLe,,, kaHit mGa LaLAKi tLga naiNLuV kei yAna,,,, aTe aNg gaLing gaLing ng 1st cHapter meJo speEchLess p rin peRo acTuaLLy naExciTe LNg aq basAhin n agD ang neXt cHaPter,,, gUstO q LAnG cOmmNt muNa dtO dAhiL naTuwa tLAGa ako,,,,
ReplyDeleteAt aTe buSug n bUsOg aq s picTures,,, aNg gAnda gAnda tALGa,,,
ang ganda!!! pramis!.. ang cute ni jeremy! pero grabe! laglag puso nman si park!!!
ReplyDeletesame here!! in denial din ung parents ko nung bata pa ko.. gawin ba nman akong lalaki?? hahah.. gosh..
ang cute ni javin!!! i really love bunny!!!.. ay teka,daga nga pala sya noh??hehe.. sensyaness nman..
nde n aq nagttka kun ma-adik cna jeremy sa wizard's tale ni ate aegyo. ahhhahahha! bka nde lang si yana ang crush nla, pati ung mismong author. dba? diba? hahhhhhahahhahah!!!
ReplyDeleteMaganda shaaaaa!!
ReplyDelete