Thursday, September 6, 2012

When I Get Hurt : Chapter Three

When I Get Hurt : Chapter Three
Chapter Three : *O* Hottie Transferee. My... Oh my...


(Eunicca Afenido's POV)



"Mga luuukaaa!! May Hottie Guy akong nakita sa Cafeteria!!"



"Talaga? Dali-dali puntahan natin!"




"Waaa~ Papalapit pala siya ditoo~ Kyaaa~ sis anghel!"




"Shocks! Papalapit siya sakin!!"




"Sakin siya papalapit, tanga!"




"Para walang away papalapit siya sakin!"




Aish! Ang ingay naman talaga ng mga ka-schoolmate ko. Kitang may nakatungo dito eh.



Nasa isang lamesa kasi ako na semento mismo ang bubong, nakatungo lang ako. Inaantok kasi ako.




"Haay. Ganito pala trabaho mo rito 'no? Imbis nag-aaral natutulog. Haay. Buhay nga naman." Nanlaki mata ko saka ko inangat ulo ko.




"Ikaw na naman?! Anong ginagawa mo ditoo?!" Gulat na gulat kong tanong.




Bat siya nandito?




"Magkakilala sila?"





"Tss. Inagaw niya na nga si Ace sa'tin pati ba naman yang Hottie Transferee na yan?"




"Grabe lang siya kumerengkeng ha? Asar!!"





"Landii!! Lahat ata ng lalaki papatulan niyan eh!"



Kainis lang ah? Hindi ba nila laam yung salitang bulong?!




"HAHA!! Ang cute mo talaga mag-react!" Tapos pinisil niya dalawa kong pisngi.




Binigyan ko siya ng death glare.




"Panira ka ng araw! Inaantok na nga ako kukulitin mo pa ko! Alis!" Pagtataboy ko sa kanya.




"Ganyan mo ba tratuhin ang isang Hottie Transferee dito? Wala man lang bang Welcome Kiss dyan?" Tanong niya.




Kiss? Ayoko kaya! Asa siya!




"Ayoko nga! Kadiri ka! Di kita Jowa para halikan kita 'no! Belat!" Sagot ko sa kanya.




"Jowa-jowa. Nakuu!! Landi lang! Nag-break lang sila ni Ace para na siyang Whore."





"Correction! Whore kaya siya! Balita ko sa bagong Girlfriend ni Ace nagalaw na daw yan eh. Maraming beses na daw sabi daw sa kanya ni Ace."



Timpi pa Eunicca. Timpi pa. Onti na lang.




"'Te pakitapon nga 'to dyan. Ayoko na nito eh."




*SPLAASSHH!!*



Sh...t!!



"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!"





Biglang tumayo si Brent at lumapit sa mga babae sa likod namin.





"Ano bang problema niyo kay Nicca? Naiinggit ba kayo dahil siya lang kinakausap ko? At least siya mabuti kalooban niya. Eh kayo?" Seryosong sambit ni Brent.




Tumayo yung isang babae.



"Excuse me Mr. Hottie Guy. Di mo ata kilala yang ipinagtatanggol mo?"




"Baka kayo ang hindi nakakakilala sa kanya?" Pabalik niyang tanong sa babae.




Ayun! Nga-nga!




Hinawakan ni Brent yung kamay ko. "Tara na nga. Ang sama ng Atmosphere dito eh." Sabi ni Brent habang nakatingin dun sa limang babae.




This... This Hottie Transferee... My... Oh my...



2 comments:

  1. ang hottie nmn tlga ng transferee n yan! picture p lng ulam n! ahhhahahhaha!

    ReplyDelete
  2. ay grabe!! nahulog ata yung ano ko sa kanya!! yummylicious!! hahah.. kinilig ako sa kanila!! dnt mind yung mga tsismosang bruhilda na yan,inggit lang sila!..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^