[AN: Hello...if you like this story please VOTE and COMMENT naman dun sa WATTPAD. Wala kasing masyadong comments and votes dun eh. Huhu.Just click here Tnx]
[AN Again: This is my first fan fiction story na siguradong walang masyadong makakarelate dahil alam kong hindi nyo kilala si Aliff Aziz. Siguro merong iba na nakakilala sa kanya but I guess mostly, unfamiliar talaga ang pangalan nya. But still, I hope you’ll support this ^_^]
*DAY 1*
“This is so freakin’ amazing couz!!!” I exclaimed. Grabe hindi talaga ako makapaniwala na nandito at nakatapak na ako sa Singapore!
Sinama kasi ako ng pinsan ko na si Ate Emgee dito dahil magkikita raw sila ng Malaysian boyfriend nya na si Kuya Marco at dito mag-celebrate ng first anniversary nila. Ang sweet ano? Saka bonggacious talaga. Palibhasa kasi engineer yung si Kuya Marco kaya rich.
“Sabi ko sayo couz…Hindi ka talaga magsisisi dahil super nice ng country na ‘to!” Sabi nya habang kinuha yung maleta nya sa likuran ng taxi. Second timer na kasi si Ate Emgee dito at kabisado na rin nya ang buong Singapore.
“Let’s go!” Aya niya saka hinila yung malaki nyang maleta. Yung mga gamit ko kasi nandun na rin sa loob, ayaw nya kasing magdala pa ako ng bag kaya pinagkasya nalang nya sa iisang maleta ang mga gamit namin. Sa bagay saglit lang naman din kami dito at uuwi rin kami kaagad. Nakakainis nga eh, parang pinalanghap lang sakin ang simoy ng hangin ng bansang ito tapos babalik na naman sa Manila.
Papasok na kami sa Outram Park Hotel. Dito kami nag-check in for 1 day and 2 nights including na ngayong gabi at bukas ng gabi. Ang taas ng building na ‘to at ang ganda ng desenyo. Para syang hindi tinapos na circle shape dahil hindi magkadugtong ang bawat dulo. Siguro mga 6-7 meters ang distansya.
Sabi rin ni Ate Emgee aabot raw hanggang 40 floors ang building na ‘to.
“Saang floor tayo couz?” Tanong ko habang naghihintay kami sa pagbukas ng elevator.
“18th.” Maikli nyang sagot.
I giggled. Excited much lang naman ako the kaya itong mga ngiti ko ay tila aabot na sa teynga dahil sa sobrang wide! >______< LOL!
“Itikom mo kaya yang bibig mo dyan couz. Mukha ka na tuloy AA dyan eh!” She chuckled.
“Grabe ka naman kung makapanglait sakin couz. At least magandang AA naman ako noh!” Tumawa ako. Totoo naman eh. LOL!
[AN: AA means Abnormal na Aning-aning, hahah. Akin2x nalang yan...]
Bumukas na ang elevator at una akong pumasok. Ganito ako ka excited. Wahahah!
Sa 18th floor.
“Andito na tayo couz.” Tapos binuksan na nung lalaking hotel guide ang pinto. Oo nga pala, sya din ang nagbuhat ng maleta namin at kasama din namin sya sa elevator. Muntik ko na syang nakalimutan dahil sa sobrang excitement. Hihih!
“Enjoy your stay here ma’am.” Sabi nung lalaki saka umalis na.
“HUWAAAAAW!!! Ang huge!” Napalakas ang boses ko. Ang laki ng room. Pang-rich talaga! Syempre si Kuya Marco ang magbabayad ng fee namin dito kaya bongga din kung makapili ng hotel itong pinsan ko.
Pagkapasok ko sa loob, agad akong nagtungo sa may bintana. WOW!!! Nganga! Wala talaga akong masabi sa sobrang ganda ng view! Sarap manatili dito habambuhay!
So mula dito sa 18th floor ay natatanaw ko ang park sa ibaba. Nagkainteres ako sa colorful landscape nila at parang fountain yata yun.
“Ahmm couz…pwedeng bumama ako saglit? Punta lang akong park. Swear babalik ako agad.” Humarap ako kay Ate Emgee saka nag-pout. “Please?” Then I crossed my fingers and blinked my eyes thrice, para cute ang effect. LOL!
“Sige.” Sabi nya. “Pero balik ka kaagad at baka ma-kidnap ka pa dun. Dalhin mo rin pala itong susi para may proof na dito ka talaga nag-check in. Maliban kasi sa log-in/log-out method nila sa front desk, istrikto din yung guard nila.”
“Ok.” Saka nag-'yes!' na ako at nagmadaling lumabas.
Sa sobrang excited~
“Ouch!” Hinawakan ko ang noo ko. May nabunggo kasi akong isang lalaki. Ang tangkad nya kaya sa kanang balikat nya tumama ang noo ko.
“I’m sorry!” Yumuko ko. Nakakahiya ang katangahan ko. Aisshhh!
Nagpatuloy lang sya sa paglalakad na para bang walang narinig. Ang yabang eh noh? Ganun pala ugali ng mga tao dito? Pshh!
Oh nevermind!
Nandito na ako sa park. Ang ganda!!! Malamig dito dahil maraming puno at halaman. Kakaiba naman ang mga bulaklak nila dito. Makukulay at mukhang exotic. Hindi ko kasi ito makikita sa Pilipinas eh.
Pagkatapos umupo ako sa may bench na nakarap sa fountain. Sobrang relaxing ang feeling.
“Haayyyyyy…” Huminga ako. I felt so comfortable talaga. Sobra akong namangha sa ganda ng landscape nila. Sana dito nalang kami tumira noh? Nakaka-stress sa Manila eh.
“Hey you!” Bigla akong napalingon sa boses na yun na parang ako ang tinatawag.
“Huh?” Tumayo ako. Kumunot ang noo saka itinaas maya-maya ang kanang kilay. Isang gwapong nilalang! Oh my…ako ba talaga tinatawag nya?
Itinuro ko ang sarili ko. “Me?”
“Yes.” Seryoso nyang sagot pagkatapos ay naglakad sya papalapit sakin. Teka…mukhang sya yung lalaking nabunggo ko kanina ah? Naku baka nagalit sya! Juscooh!
“I think this is yours.” Sabi nya in his Malaysian accent saka may inabot sakin. Oo kabisado ko ang accent ng Malaysian people dahil nakakausap ko minsan si Kuya Marco sa skype dati. Pero wait, ano ‘tong inaabot nya sakin?
Pagkakuha ko nun, nanlaki agad ang nga mata ko. Gosh ang susi ng room namin!!! Oh my carelessness! Buti ibinalik ng lalaking ‘to kundi papatayin talaga ako nito ni Ate Emgee!
Nag-thank you ako sa kanya pero agad naman syang tumalikod. Ang yabang! Grr! Walang modo. Nakaka-irritate ng nerves!
Umupo ulit ako sa bench at nagbuntong-hininga. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa fountain para mawala ang init ng ulo ko. Pagkatapos ay ipinikit ko ang mga mata ko. I took a deep breath to feel the fresh air…
“Are you new here?”
I abruptly gasped. “Anak ng nalalantang gulay naman oh!” Nandito bigla sa tabi ko yung mayabang na lalaki! Syempre gulat much ako sa bigla nyang pagsulpot sa kalagitnaan ng pagme-medidate ko dito! Langya, sarap batukan!
Tinitigan ko sya. Tumitig din sya sakin. Ano bang klaseng titig ‘to parang nakakalula…nakakalula dahil sa sobrang ganda ng mga mata nya. Tsk! Ilang sandali pa ay bigla syang tumawa.
“Do you find me really handsome la?” He chuckled.
My face frowned and immediately looked away. “Wow! Ang kapal mo pre!” I said. Tapos tiningnan ko sya ulit. “Sayang…gwapo ka sana, sobrang feeler mo nga lang!” Dagdag ko na halatang nairita ang boses.
“Sayang?” Nag-grin sya. “You mean ‘love’ or 'beloved'?” Nagpa-cute pa talaga sya. Natawa ako dun. Oo nga pala, sweet endearment yung ‘sayang’ sa Malaysian. LOL!
“No.” Sagot ko na biglang sumimangot.
“Then what did you just said?”
“I said…You’re handsome. But you wasted your good looks because…” Nag-isip muna ako sa susunod kong sasabihin… “because…you’re so THICK!” LOL! Ewan kung anong pinagsasabi ko.
“Thick la? Hahaha” He chuckled. Umiling sya at ayun nagtawanan na lang kami. LOL! Close na agad kami nito?
“By the way I’m Aliff.”
“Barbie. But you can call me Barbz.”
Tapos nag-shake hands na kami. Umabot ng 30 minutes ang walang kwenta naming kwentuhan hanggang sa naisipan ko ng bumalik sa room namin. Baka kasi mag-worry si Ate Emgee at isiping na-kidnap na ako.
“I have to go Aliff. My cousin’s waiting up there.” Ayun oh, lumilevel-up na ang English ko! LOL! “Nice meeting you.” I said and smiled.
“So you’re staying with your cousin?” He asked saka tumayo na rin.
“No, mother!” Sinabi ko na ngang cousin eh, itatanong pa? Hahayy…Tiningnan ko sya na parang naguguluhan. Natawa ako. “I’m just kidding. Yeah, I’m with my cousin.”
“Oh I see. So let’s go together. I’m staying at the 18th floor too.” He smiled at naglakad na.
Aba bongga! Same kami sa 18th floor din nag-check in.
Nang nakarating na kami sa 18th floor, nagpaalam na akong pumasok sa loob ng room namin.
“Is this your room?” Tanong nya.
“Ah hindi, hindi. Doon ang room namin sa roof top.” Dito na nga ako huminto eh. Hay ewan.
Tumawa lang sya as if naintindihan nya ang sinabi ko. LOL! Natawa lang siguro sya sa expression ng mukha ko pagkasabi ko nun. HAHAHA!
“My room is next to yours.” Saka naglakad na sya papunta sa kabilang room then waved his hand. Ang cute ah! ^________^ Bubuksan ko na sana ang pinto~
“Hey wait!” Tawag nya. Nakasilip sya sakin mula sa kanyang pinto.
Ano na naman ba? “What?” Ayiieehhh pa-cute kong sagot.
“I’ll pick you up tomorrow morning. I want you to come with me.” He blinked at me saka pumasok na ng tuluyan sa loob saka isinara ang pinto.
Bigla naman akong natulala. Tama ba yung narinig ko? He’ll pick me up bukas tapos…gagala kaya kami? Uwaaahhh! Sana libutin namin ang buong Singpore! Whoo!
*Day 2*
"Tok tok tok!"
“Ano ba yan! Ang aga-aga mo naman nagpa-deliver ng breakfast natin couz…” Sabi ni ate saka tumalukbong at binalot ang sarili sa makapal na carpet. Ayan kasi, magdamag naming binuksan ang aircon kaya eto, ang lamig lamig na tuloy dito sa loob.
“Hindi ako nagpa-deliver couz…” Sabi ko tapos nag-yawn. Pumasok din ako sa loob ng makapal na carpet.
“Tok tok tok!” May kumakatok na naman. “Barbie? Are you up?”
HO MAY GULAYNESS! Bigla kong nilabas ang ulo ko sa carpet. “Boses ni Aliff yun ah!” I gasped.
“Sinong Aliff…..?” Inaantok pa na tanong ni Ate Emgee. Ngayon ang anniv nila ni Kuya Marco pero mamaya pa silang gabi magde-date kaya kung maka-tulog wagas talaga!
Teka! Para akong kidlat na mabilis nakabangon at nakaabot agad sa tapat ng pintuan namin. Without minding my buhaghag hair and messy face, binuksan ko agad ang door.
“Aliff! Hi!” Excited kong sabi.
“Good morning Barbz!” He greeted. I greeted him back. May dala syang dalawang styro cups at palagay ko, coffee yun.
Inayos ko ang buhok ko using my fingers. Duhh! Paki ba nya sa pantulog kong suot di ba? Maganda parin naman ako kahit bagong gising eh. LOL!
“Come in…” I smiled. Pinapasok ko sya at umupo kami sa elegante naming silya dito sa dining area ng room namin. In fairness sa white sando at blue pajama nyang suot ah, ang hot nya tingnan. BWAHAHAH! Joke lang. Ang gwapo nya kasi kahit bagong gising eh.
“This is for you.” Inabot nya sakin yung isang styro cup, coffee nga.
“Thanks.” Saka kinuha ko yung Gardenia bread sa ref at strawberry jam. Sarap ng breakfast namin noh? Wag na kayo mainggit dyan, paborito kasi ito ng author sa kwentong ito kaya isiningit talaga. Haha!
So habang kumakain kami, naisipan kong itanong ang age nya.
“Ahmm Aliff…How old are you?” Tanong ko sabay nguya sa kinakain.
“Seventeen.” Saka nag-sip sya sa coffee nya.
“HUWWAAAATTT?” Muntik na akong mabilaukan dun ah!
“Why?” He asked curiously.
“Because I’m eighteen and I’m one year older than you.” Then I laughed secretly.
“It doesn’t matter.” Saka tumawa din sya.
“Bakit ba ang ingay couz?” Sumulpot si Ate Emgee sa dining area na katulad ko din and itsura, messy na maganda. LOL!
Napatigil sya nung nakita nya si Aliff pero ngumiti din dahil nag-hello si Aliff sa kanya. Di naman pala sya mayabang talaga. Masama nga talagang mag-judge ka agad sa isang tao ano? Dapat magbigay talaga tayo ng second chance para mas makilala natin sila ng husto.
“Buti nakakita ka agad ng bagong friend dito couz…” Sabi ni Ate Emgee saka umupo na rin. Sumabay na rin sya samin mag-breakfast.
“Oo nga couz eh. Saka ang swerte ko pa…Ang gwapo kaya nya!” Ayiieeehhh. I giggled.
Nagtawanan kami ni Ate Emgee. Nakitawa din sa amin si Aliff kahit hindi nya kami naiintindihan. LOL! Parang ewan lang. So ayun, nagka-kwentuhan kami hanggang sa nalaman ni Aliff na wala pa akong boyfriend. Langya talaga ‘tong pinsan ko, ang daldal. Grr!
1 hour later…
“Aalis na kami couz.” Nag-beso ako kay Ate Emgee. After the long process of taking a bath, pagpili ng dress at shoes at simpleng ayos sa sarili, sa wakas ay gagala na kami nitong si Aliff! Whoo! Excited much na naman ako. Susulitin ko talaga ‘to dahil ngayon lang ‘to mangyayari sa tanang buhay ko!
Tiningnan ko si Aliff. Simpleng Tshirt at maong pants lang ang suot nya. Pero bongga ang shoes at relo nya ah, mukhang mamahalin at imported talaga. Ay naku napaka-echusera ko talaga! Haha. Nakapagtataka lang kasi eh. Naka-baseball cap din sya saka naka-shades. Was he hiding something? Gusto ko syang tanungin pero parang nakakahiya naman. Quite nalang ako para ma-surprise ako later.
“So why are we going to the parking lot?” Usisa ko. Papunta kasi kami sa ground floor ng building at alam kong pupunta kami sa parking lot.
“We’ll be using my car.”
Ayus ah! May sarili pala syang car? Wheeww!
“Don’t smile like a fool there. I’m not the one who will drive.” Tapos tumawa sya ng palihim.
Aray ko po! Nakita nya pala akong naka-smile na parang tanga dito? Eeeehhhh embarrassing naman!
Sumakay na kami sa backseat ng car nya. Ah so may driver pala sya. Si manong driver naman panay ang smile habang umaandar na ang kotse. Kitang-kita kaya sa front mirror.
“Aliff, do I look funny?” Tanong ko dahil di ko na mapigilan. Nakakailang na kasi.
“No, no, Barbz. You look so pretty.” He answered. Ayun naman pala eh. “Why does your driver kept on smiling to us?”
“Because…ahmm I dunno.” He smiled.
Ay ano ba yan. Nakakainis.
“We’re here.” Sabi ni Aliff.
Ganun kabilis? Sumunod naman akong bumama mula sa kotse. Teka…nasa parking lot na naman kami ng isang building. Bigla nyang hinawakan ang kaliwa kong kamay. Ayiiieehhhh! Ano ‘to ngayon? Ang lambot pa ng palm nya! Pero kinakabahan parin ako eh.
“You’ll be fine Barbz, trust me.” Then he smiled. Tumango lang ako and smiled back.
Ilang sandali pa ay may dumating na white van. Mas lalo akong kinabahan. Baka kasi kidnappin ako bigla. MAY GAAAD mahirap lang po kami at wala kaming pang-ransom! >.< Pero sabi ni Aliff mag-relax lang daw ako kaya fine, eh di mag-relax!
“Hey bro!” Bumaba ang isang gwapo at matangkad na lalaki. Naka gray bonnet sya. Pagka-tapos nag-appear sila ni Aliff. May sumunod namang babae. In fairness parang natalbugan ang beauty ko teh! Ang ganda nya kasi, para syang model! Tapos naghawak kamay sila nung naka-bonnet na lalaki. Nung nakita nila ako, nag-smile sila. Mukha naman silang mababait.
“Guys this is my friend, Barbie. She’s a Filipina.” Aliff introduced me to his friends.
“Hello Barbie!” They said in chorus.
“Your name is so cute.” The girl smiled. Nag-thank you ako sa kanya.
“Barbz, these are my friends, Anthony and Hazel.” Aliff said.
Nag-hello ako sa kanila at nakipag-shake hands. I think these two were lovers kasi they looked so intimate towards each other. Pero di naman yung tipong over na. Sweet lang talaga silang tingnan.
“So let’s go guys!” Excited na sabi ni Hazel. Nakakatuwa, para syang childish. Ang cute nya tingnan.
Then pumasok na kami sa loob ng van. Si Anthony ang nag-drive at dun din sa front seat nakaupo si Hazel. Kami naman ni Aliff nandito sa back seat.
“Where are we going?” Bulong ko kay Aliff.
“You’ll find out later.” Sagot nya tapos nag-smirk.
Kanina ko pa napapansin na hawak-hawak parin ni Aliff ang kamay ko habang tumatakbo ang van. Hindi nya talaga binitiwan teh! Holy noodles of spaghetti! Kinikilig na ako ditooooo!!!
“What’s wrong?” Tanong ni Aliff. Nahalata nya siguro na hindi ako mapakali dito.
“Ahmm…nothing.” Pinilit kong ngumiti. Actually di ko na alam kong ano ang sasabihin dahil naninigas na yata ang mga kalamnan ko sa kilig.
“Please relax.” Sabi nya tapos umakbay sakin.
Taena ‘to! Please help! I’m gonna melt!!!
“Hey Barbz. Just relax ok. We promise that you will enjoy this day with us.” Sabat ni Hazel in her Malaysian accent sabay ngiti. Tiningnan nya ako sa pamamagitan ng front mirror.
“And one important thing, don’t you know that Aliff’s schedule is very hectic? And you are the first ever girl he brought with him to join us.” Nakangiti nyang sabi.
Talaga O_O!!! Oh my….
“Hey! Diam Hazel.” Aliff exclaimed. Saka yumuko sya na tila ba nahihiya. Naku naman…
[AN: Diam is a Malaysian word which means 'Shut up']
“Fine, fine.” Hazel chuckled.
“But honestly Barbie, it’s true.” Anthony teased more.
“Hey guys…” Sumabat si Aliff.
“It’s okay.” Sabi ko sa kanya saka palihim na tumatawa. Syempre kinilig ako dun noh! LOL!
20 minutes later…
Nandito na kami sa isang beach. Sabi ni Aliff this is called Sentosa. At ayun nakita ko na rin sa wakas ang Merlion, ang trademark ng Singapore. Ang ganda dito soooobraa!!! Gumala kami sa paligid. Tapos kumain. Tapos kumain na naman. Nagtampisaw din kami saglit sa tubig. At ang pinaka-favorite ko sa lahat ng ginawa namin dito ay sumakay kami sa sky cab! Uwaaahhh! Juscooh! Pwede wag na lang umuwi sa Pilipinas? Ang sayaaaaa!!!!
After naming sumakay sa sky cab, bumalik na kami sa van.
“Wait there’s more!” Sabi ni Hazel sakin.
“What’s more?” Tanong ko na na-curious na naman.
“We will go to East Coast and watch the sunset there.” Si Anthony ang sumagot saka ngumiti sakin.
Aba in fairness sa tropa nitong si Aliff ah, mahilig din gumala.
Napansin namin na wala si Aliff dito kaya hinanap muna ni Anthony.
“You’re a Filipina right?” Hazel asked me. Tumango ako.
“You are so lucky. Aliff liked you.” She smiled tapos inakbayan ako. Bakit naman ma-swerte ako?
“You know this is not our plan. It’s Aliff’s. At first we wonder why, now we know that it’s because of you.” Dagdag nya. Ngayon nahalata ko na talaga na madaldal itong si Hazel. Haha! Pero ang sarap sa pakiramdam after ko marinig ang mga sinabi nya.
Afterwards, nandito na ang dalawang boys. Chineck pala ni Aliff kung dala ba raw ni Anthony ang gitara nya kaya tiningnan nya sa likod ng van. Fortunately, dala naman raw ni Athony.
So pumasok na kami sa loob at nagsimula ng magmaneho si Anthony. Ito namang si Aliff, my gulayness talaga, hindi na naman binibitawan ang kamay ko. Juscooh patayin nyo na ako sa kilig!!! Kyaaahh…
East Coast. 5:35 p.m. Sunset.
UWAAAAAHHH!!!! I screamed inside but tulala outside. Haha! Super duper hyper ever ang ganda ng sunset view dito!!! Saka ang romantic!
“Guys we’ll gonna buy something to eat first.” Sabi ni Hazel. Umalis silang dalawa ni Anthony at nagpunta dun sa may tindahan. Naiwan naman kaming dalawa ni Aliff na nakaupo sa bench.
“Do you like it?” He asked while staring at me.
Taena Aliff oh! Matutunaw na ako sa mga titig mong yan eh!
“Yeah.” I nodded. Kunwari kalmado ako pero ang puso ko pala parang tinubuan na ng pakpak at ayun oh, lumilipad na sa ere!
Hindi nya inalis ang tingin nya sakin at nakahawak parin sya sa kamay ko.
“I want you to close your eyes and wish.” He said sweetly.
Ito namang si ako, uto-uto kaya ipinikit agad ang mga mata at nag-wish. “Sana totoo ang lahat ng ito. Sana hindi lang ako nananaginip ng gising.” Bulong ko sa sarili.
Hindi na ako nakadilat dahil naramdaman kong his lips were touching mine! What the!!! He kissed me! Waaahhh ! First kiss ko ‘to! Then he pulled me closer towards him and his kiss became torrid. Pero syempre hindi ako ganun kalandi noh kaya hiniwalay ko agad ang mga labi ko sa kanya. Pagkatapos nun, kiniss nya ako sa forehead and then smiled at me. Ang sweet nya teh! Nakakalaglag puso! Whoo!
“Hey bro! You forgot the guitar.” Anthony grinned tapos inabot yung gitara kay Aliff. Nakita kaya nila yung kiss namin ni Aliff? Oh my macaroni! Nakakahiya… >.<
Nilapag na nila ang pagkain sa mesa. Chocolates, chips at four coke in can ang binili nila. Sarap pa naman ng chocolates nila dito. Yum!
Pagkatapos namin kumain, naglaro sa buhangin sina Anthony at Hazel. Nakangiti ako habang pinapanood sila. Ang sweet. Tapos kinarga pa ni Anthony si Hazel tapos nagtakbuhan ulit sila. Bigla naman akong hinila ni Aliff saka umupo kami sa buhangin malapit sa dagat. Dala-dala nya ang gitara ni Anthony.
“I wanna sing something for you.” Sabi nya at kiniss na naman ako sa lips!!! Pero smack lang. Juscooh! Lumalapad na talaga itong atay ko!
Now playing More Than Words by Aliff Aziz.
(Watch the video to listen to the song. Wag na intindihin ang sinasabi nya dahil hindi ko rin yun naintindihan. Hahah)
WOW!!! Ang ganda naman ng boses nya! Wala na…tuluyan na talagang nalaglag ang puso ko. Sino may gustong sumalo dyan? Uwaaaahhhh!!!
7:00 p.m. Uwian time.
Habang pauwi na kami, isinandal ni Aliff ang ulo nya sa kaliwang balikat ko habang naka-holding hands parin kami. Para syang nagkukunwaring tulog pero if I know, gising ‘to. LOL! Tinitigan ko ang mukha nya. Bakit ba ang gwapo-gwapo nyang tao?
25 minutes later…
Nandito na kami sa hotel sa wakas. Hindi talaga ako nakaramdam ng pagod dahil puro kilig ang naramdaman ko buong maghapon. Hahaha!
“I’ll be sleeping early tonight Barbz.” Sabi ni Aliff saka humarap sakin. Nandito na pala kami sa tapat ng pintuan ng room namin. Sigurado wala na dito si Ate Emgee at masaya na yun sa date nila ni Kuya Marco.
Siguro bukas ng umaga nalang ako magpaalam kay Aliff, total magkapitbahay lang naman kami eh. Teka, bakit nakakaramdam ako ng sobrang lungkot? Para bang may kumirot na ewan…Ang bigat sa pakiramdam.
“Are you alright?” Tanong ni Aliff na mukhang nag-worry.
“Yeah I am…” Sagot ko in a low voice.
“Thank you for the happy moments of today Aliff. You don’t know how happy~”
Napatigil ako dahil hinalikan nya ako sa labi. Pero saglit lang naman.
“You are always welcome…” He smiled. Tapos niyakap ko sya. Yung sobrang higpit na yakap. Alam ko kasi na hindi na ‘to mauulit bukas.
When our bodies parted from hugging, nag-goodnight na sya sakin. Binuksan ko ang pinto gamit ang duplicate ng susi na dala ko. Papasok na sana ako sa loob pero bigla nya akong niyakap sa likod. Tapos bumulong sya sakin ng “Good night Barbie…” Hay naku! Paulit-ulit lang? Mas lalo ko syang mamimiss nito eh.
Hinarap ko sya. “Good night again..” Sabi ko sabay ngiti. Taena! Sarap itali. Ayaw ko na syang bitiwan. Hahaha. Pero alam naman natin na hindi pwede di ba kaya…
Pumasok na talaga ako sa loob saka nagtungo na rin sya sa kabilang room. Isinara ko ang pinto at hinubad ang sapatos ko. Dumiretso ako sa living room at binuksan ang TV. Buti merong TFC dito. Manonood muna ako ng Princess and I…
*Day 3*
“Hoy couz bakit dito ka natulog sa sala?” Nagising ako bigla sa boses ni Ate Emgee.
“Bumangon ka na nga dyan.”
“Ngayon ka lang couz?” Tanong ko na parang lasing ang boses.
“Obvious? Tingnan mo damit ko, di pa ako nakapambahay di ba?” Sagot nya.
“Nagtatanong lang naman eh…” Biglang nawala ang antok ko nang nakita ko si Kuya Marco na nakangiti sakin. Waahh andito pala sya!
“Good morning Kuya Marco!” Napakamot ako ng ulo.
“Good morning Barbie…” Nakangiti nyang sagot.
“Bilis couz. Bihis na. 8 a.m. kaya flight natin.” Nagmamadaling sabi ni Ate Emgee.
Ay tinapa! Oo nga pala. Uuwi na pala kami sa Pilipinas ngayon! Gosh!
Mabilis naman akong natapos magbihis. Tumakbo ako agad sa labas para puntahan si Aliff. Pero nagulat ako sa nakita ko.
May note sa labas ng pintuan nya at may nakadikit ding maliit na baby pink envelope na may ribbon.
Binasa ko ang note:
“To Barbz, I’m not around yet. Please accept this gift I am giving to you. I supposed to give this yesterday but I want to surprise you. Honestly, I do like you and I still want to spend another whole day of fun with you. From, Aliff”
Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Parang ang sakit dahil di man lang ako nakapagpaalam sa kanya sa personal. Agad kong kinuha ang ballpen ko at nagsulat din ng note sa ibabang portion ng papel na sinulatan nya.
“Aliff, we’ll be going back to the Philippines today. I was so sad after finding out that you’re not yet home. Thank you so much for being nice to me. I hope we will meet someday and please don’t ever forget me. I’ll keep you in my heart forever…Barbz."
Then i tore the paper into halves at tinupi yung portion na may note nya at itinago sa wallet ko.
Pagkatapos nun ay binuksan ko na ang pink envelope at nakita ko ang isang silver necklace na may guitar pendant. Ang ganda at elegant ng kwentas na ‘to.
“Halika ka na couz…” Tawag ni Ate Emgee sakin.
Sumunod naman ako agad sa kanila. Si Kuya Marco pala ang maghahatid sa amin sa airport.
Author's POV:
After 30 minutes, dumating na si Aliff sa hotel. Galing sya sa kanyang first concert held in Malaysia. Actually, nung pagkasabi nya na matutulog sya ng maaga kagabi, yun din ang oras na aalis sila nina Anthony at Hazel papuntang Malaysia para sa kanyang unang concert. Bago pa lang kasi si Aliff sa music industry dahil kaka-discover lang sa kanya ng producer nya last month. Kaya hindi nya pinaalam ito kay Barbz dahil gusto nya na magustuhan ni Barbz ang tunay nyang pagkatao, at hindi yung pagkatao nya bilang isang sikat na teen pop idol.
Kumatok sya kaagad sa pintuan ng room nila Barbz but sad to say, wala na sila doon. Nung nagtungo na sya sa kanyang room, nagulat din sya sa nakita nya. Pagkatapos nyang basahin ang note ay napaupo sya sa sahig at ibinuhos ang naramdamang kalungkutan sa pamamagitan ng pag-iyak.
Pero sinubukan nyang magpunta sa airport dahil akala nya maaabutan pa nya sina Barbz pero huli na ang lahat.
___________________________o0o0o0o0o0o0o_____________________________
The End...
gRaBe mEi baGo n aqNg cRuSh s kaTauHan ni aLiff,, bUti nbSa q itOng stOry mu,,
ReplyDeleteAnD sObRa aqNg nHurT s kTaPusAn,, gRaBe miXed eMoTion aq,, msYa aq n naiiYak tLga,, eNd n ksi agD huhuhuhu,, taPoshndi p sLa,, sNa mAY paRt twO po,,,
At dHiL s viDeo,, nagustUhan q n rin uNg kaNtaNg mOre tHan words,, gaNda pO kse ng bOseS niA ee,,,,
bkit gnun ung ending? nde aq ptutulugin n2 kkaisip. nadepress aq ksi hinde xah naabutan ni aliff. bigay na bigay p nmn aq s sobrang kilig! ganda p po ng voice nia dun s video. kakainluv!
ReplyDeleteuu nga sna mei part 2 po! mganda po kung mas mhba ito!
for me i'm fine with how the story ends. not in life you always get the ending that you want. aliff has a job, while barbz has to go back to the philippines. although, magiging masaya rin ako if this has part two since i enjoyed reading this too. good job on this author!
ReplyDeleteyun nga sana may part 2 din...hehehe. thank u 4 reading :))
ReplyDelete~angel is luv~
ReplyDeletewaah ate!!! yung unang story na tinapos ko ngayon, sad ung ending. hindi naman namatay yung bida ha pero kasi hindi nagkatuluyan yung mga bida.
tapos ngayon din, hindi rin sila nagkatuluyan. huhuhu! ang gwapo pa naman ni aliff. pero enjoy ko pa rin yung pagbabasa, lalo na po yung video na shinare mo. dinowload ko din. parang kamukha kasi ni aliff si paulo avelino eh crush ko un. haha.
grabe!!! kilig much!!!! to the highest level!!!! tumitili talaga ako sa kilig!!
ReplyDeletenew word of the day! AA!!! hahah.. that's noted..
i soo like him!!! nakaka inlove ang boses!! tagos sa puso ko.. hahah..
bakeeet ganito ung ending???? shockabelles!! bakit kasi note lang yung iniwan nya.. pwede nman number na lang o e-mail.. high-tech na kaya tau ngaun.. hahah
i seriously hope for BOOK 2!!!
yun ang mystery dun. di sila nagpalitan ng number. ginawa kong ganun para exciting. pero nakakainis parin. hahaha. they both expect kasi to see each other again the next day, pero wala eh...failed! hehehe. tnx for reading :))
Delete