Friday, September 7, 2012

When I Get Hurt : Chapter Four

When I Get Hurt : Chapter Four
Chapter Four : It really hurts 

(Eunicca Afenido's POV)


Kapapalit ko lang ng damit galing sa C.R. Ngayon naman papunta ako sa room. Wala akong kasama, si ate Eule kasi kasama si Brent.





"Well. Well. Well. Look who's here. Yung GirlFriend na iniwan. Ikaw naman kasi Eunice, masyado kang inosente sa mga ganitong bagay kaya ayan, ang dali kong naagaw sayo si Ace. Tsk. Bye Wasted!" Tapos binunggo niya yung balikat ko.





Papunta ata siya sa C.R. kaya sinundan ko. Pagpasok namin sa cr nilock ko ng dahan-dahan yung pinto.




"Hanggang dito ba Eunice susundan mo ko?" Nang-iinis niyang sabi.




Sasampalin ko sana siya kaso nahawakan niya yung braso ko.




"Wag na wag mo kong sasampalin, Wasted. Hindi ko matatanggap na isang tulad mo lang ang sasampal sa maganda kong mukha." Tapos binitawan niya ng malakas yung braso ko.




(Ace Avelino's POV)




"Miss, nakita niyo si Sheena?" Tanong ko sa dalawang babae na nadaanan ko.




"Ha-eh... D-dun." Turo niya sa may pinto ng CR ng girls.




"Kyaaaaa~ may nagrarambulan sa CR!" Tili nung isang babae.




"Ano meron?"




"May nagaaway daw sa loob."




Lumapit ako sa mga babaeng nagkukumpulan.




"Miss, miss. Anong nangyayari dyan sa loob?" Tanong ko dun sa babae na kaharap ng pinto.




"Ang huli ko kasing kita nag-CR si Sheena tapos sinundan ni... uhm... nung Girl Friend mo ata." Sagot niya sakin.




Kinatok-katok ko yung pinto.




"Sheena?! Sheena are you there? Sheena?" Sigaw ko.




"Araay!! Araay ano ba Eunice?! Wala naman akong ginagawang masama sayo ah?" Narinig ko na sinabi ni Sheena mula sa loob.




Ano bang nangyayari kay Eunice? Dati pa siya galit kay Sheena na kababata ko.




*PAK!*




"Tumigil ka na lang kasi, btch!" Narinig ko na sigaw ni Eunice.





Sinipa ko na ng paulit-ulit yung pinto.




*PAK! PAK! PAK!*




"Yan ang bagay sayo!" Sigaw ulit ni Eunice.




(Eunicca Afenido's POV)




"Eunice?! Eunice kung nandyan ka man tigilan mo na si Sheena. Tigilan mo na kami ni Sheena." Saad niya ng mahina.




May narinig akong humikbi mula sa labas.




*TOK! TOK! TOK!*



"Nicca? Ayos ka lang ba dyan? Nicca please answer me." Oh? Si Brent pala.




Pero hindi ko alam kung bakit tumutulo na naman ang luha ko. Nasasaktan ako Ace. Nasasaktan ako. Sinuntok ni Sheena yung hita ko kaya sinabunutan ko ulit siya at pinagsasampal habang nakaupo ako sa tyan niya.




*BOOOOG!*




May tumulak sakin taposa binuhat niya na si Sheena palabas. Hindi niya manlang napansin na umiiyak ako?




(Brent Alcantara's POV)




Sinipa nung lalaki yung pinto kaya bumukas yung pinto ng girl's CR. Tinulak niya yung babae na nasa ibabaw nung isa pa tapos binuhat niya yung babaeng nakahiga. Teka? Si Nicca yun ah?



Nilapitan ko agad si Nicca saka ko siya niyakap. Nakasandal sa dibdib ko yung ulo niya habang umiiyak at tulala siya. Haaay. No Choice. Binuhat ko siya ng pa-BNridal Style tapos lumabas na kami ng CR.



Lahat ng babae nakatingin sa kanya. Yung iba naka-nga-nga pa. Dinala ko siya sa Clinic pero occupied na lahat ng beds kaya dinala ko na lang siya sa garden.




Pagdating namin sa garden medyo nahimas-masan na siya. Umupo kami sa bench tapos ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.



*SNIFF*



*SNIFF*



"Bakit ganun? Parang... parang wala na siyang pake sakin?... Ganyan ba talaga kayong mga lalaki?... *SOB* Ang... ang hilig niyong... manakit ng damdamin namin." Tapos sinuntok suntok niya yung braso ko.



Pakiramdam ko wala akong magawa para maprotektahan ko siya. Nasasaktan siya... paulit-ulit siyang nasasaktan.



"*SOB* It really hurts... Nasasaktan ako... Sana hindi ko na lang siya nakilala... *SOB* Kasi... Kasi masakit talaga eh... Sobrang sakit talaga."




2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^