Thursday, September 13, 2012

Unbreakable Spell: Chapter 3

Unbreakable Spell
Chapter III: Ice User!

Naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko sa pagkapahiya. Halos lahat kasi ng kaklase ko ay pinagtatawanan alp. Bumalik na akop sa  pwesto at palihim na nagmura. At yung guy naman tawa ng tawa who chucky face is he? Tsk!



 Lumapit sa akin si Ianthe at tila nag-alala.

“Okay ka lang ba, Wistar?” Tanong niya.

“Oo naman.” Ngumiti pa ako. kahit sa  totoo lang di naman okay.

“Sayang magandang lalaki sana kaso walang kapangyarihan.” Bulong ng isang babae sa kasama niya.

“Ianthe Oonjel.” Tawag ng guro kay Ianthe.

“Pumunta ka na doon.”

“Hmm.” Tumango siya.”  just for get about what happen awhile ago.”

Tinapik ko yung dibdib ko. Oo naman. Alam ko naman na wala talaga akong powers at tanggap ko naman yun `no.”

“Oh siya. Punta mo na ako doon.”

Tumakbo siya sa harap. Tiningnan ko na lang siya. Come to think of it di ko pa nakikita ang powers niya. I wonder what kind of magic she possess.
Pumwesto siya sa fountain. Nakaka-curious talaga! I bet maganda yun.
Tinuon ko na lang ang pansin ko sakanya kesa naman sa walang kakwenta kwentang bagay kagaya na lang sa binigay na tingin ni Yvonne sa akin. Bumuntong na lang ako at napapailing hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isipan ng babaeng yun wala naman akong ginawa sakanya para tratohin niya ako ng ganito.

Nang tingnan ko si Ianthe ay tinaas niya ang kanyang kamay at nagsimulang magliwanag na kulay light blue at kumikinang pa at may binigkas siyang spell.

Ma-wa-mo elde jo.”

After that ay Malaya niyang naigagalaw ang tubig. Ibaba na sana ni Ianthe ang kamay niya kaso parang nagwala ata ang kanyang kapangyarihan dahil yung maliit na tubig na naigalaw niya sa ere ay bigla na lamang nag-anyong water dragon.

“oh no!.” Slip from her mouth.

“This is not good.” Bulong ko sa sarili.

“ROAR!!”

“Oh my god! Hindi niya kayang kontrolin ang powers niya!!!” Biglang nagsitakbuhan ang mga tao.

“Miss Oonjel, Stop this thing these instant!” utos ng guro.

“Sinusubukan ko nap o!” pero nahihirapan ata siya nakontrolin yun kahit anong pilit niya at mukhang nag-pa-panic na din siya.

“Look out Titan.”

Titan? Saan ba nila napulot ang pangalan iyan? Di naman yan ang pangalan ko ah.

Urgh! Wistar Titania Var Garnur ang pangalan ko! Naainis na lumingon sa likod pero ganun na lang ang `laking gulat ko ng Makita ko na palapit na sa akin yung halimaw!

Biglang nanigas ang mga paa ko. Anong gagawin ko? pano ako makakaiwas sa halimaw na ito? then my legs starting to tremble pano ko maiiwasan ito kung ilang Segundo na lang ay patay na ako dahil sa atake niya? Pero kung ito talaga ang kapalaran ko na mamatay dito at ngayon oras ay tatanggapin ko nalang beside wala naman kwenta ang buhay ko.

Pinikit ko ang mga mata. Pero ilang menuto ang paghihintay ko ay walang nangyari pa rin. Eh? Bakit? Ah hindi baka na-distract lang siya kayamatagal. Pero kahit anong hintay ko ay wala akong maramdaman na nagsisilbing patunay na inatake ako. Dahil sa pagkainip ay dahan ko na dinilat ang mata at halos mahulog ang mata ko sa nakita.

Isang lalaki ang nanakakapa itim ang pumigil sa halimaw.

Ice Age!” He chant a spell then suddenly the dragon stop at naging yelo ang ulo hanggang sa katawan niya.
Just who the heck is this guy?

“Parthenos-sama!” nagtitilian ang mga kababaihan.

Nakahinga ako ng maluwag. Ang galing naman niya.

“Salamat sa pagliligtas mo saakin.”

“If you can’t protect yourself. You should had not enter this school in the first place. We do not want a weak people like you.” 

Ouch. Ang sakit naman ng sinabi niya sa akin. Anong problema niya? Nag-thank you nga ako sa sakanya at sigh wag na nga lang. nakaka-stress! Pero di naman ako nagpa-apekto sa sinabi niya. 

Naka-side  view na tiningnan niya ako. 

My jaw almost drop. Gwapo niya! Matangos na ilong. Makinis ang mukha at ang mga mata niya at tila gusto kang kainin kahit hindi naman! Isa lang ang masasabi ko gwapo niya! Ay teka, hindi lang gwapo kundi maganda din ang mata niya na kulay asul! Pero wala akong makitang kislap sa mata niya.

Tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad palayo sa amin.

“Wistar!” tawag sa akin ni Ianthe. “Nasaktan ka ba?”

Pinilig ko ang ulo ko at nilingon si Ianthe.

“Sorry, akala ko kasi kaya ko ng kontrolin ang powers ko pero mali pala ako nadamay ka pa tuloy.”

“Okay lang `yon alam ko naman di mo sinasadya eh. Tsaka hindi naman ako nasaktan.”

After what happened awhile ago our professor dismiss us. 

Naglalakad na kami papunta sa next class namin. Habang naglalakad ay nag-uusap kami ni Ianthe.
“nga pala sino ba yung lalaking yun?” tukoy ko sa nagligtas sa akin.

“Oh right. Bago ka palang dito kaya di mo siya kilala.”


“Eh?”

“Siya si Hackett Venos Parthenos. Isang elite student. Isa siya sa myembro ng isang organization na tinatawag na Phantom black...hmm... One of the D6. Pero kung ako sa`yo iiwas ako sa lalaking yun.”

“Hindi ko na talaga maintindihan. D6 at phantom black ano ba talaga ang tawag ninyo sa kanila?.” So ang lalaking yun ay member ng d6. For your information di ko pa nakikita ang iba pang member. Wala kasi akong chance Makita sila kanina.

“All boys from this school prefer to call the d6 kaya ganun.”

“Ahh...”

Mas cool ang phantom black kesa d6 kung sa totoo lang!

“kaya ko sinabi na iwasan mo siya kapag makasalubog mo siya ay dahil baka gawin ka niyang yelo swerte lang tayo ngayon dahil parang nasa good mood siya ngayon kung hindi patay tayo niyan.”

“Bakit naman niya gagawin `yon? Wala naman akong ginawa sakanya para magalit.”

Napakamot muna siya bago niya sinagot ang tanong ko.

“Pano ko ba sasabihin ito... err...ah ito kasi `yon masama ang ugali niya and worst pa doon ay kapag mainit ang ulo ginagawa niyanh yelo ang mga tao na nadadaanan niya amf... pero wala pa naman nababalitaan na namatay kasi agad naman dinadala sa Nurse Office.”

“hmm... ganoon?”

“Oo, kaya simula ngayon iwasan mo na siya ha? Kahit na naligtas ka sa kapahamakan ng dahil sakanya.”
Pero di pa rin mawaglit sa isipan ko ang mukha ng lalaki. Ganoon ba talaga siya kasama? Ah iwan.


Yvonne POV

Pagkatapos ng klase namin ay pumunta agad ako sa Green House. Para magdidilig ng halaman. Sino ako? ako lang naman ang magandang babae sa balat ng lupa! Yvonne Quiana. Nakita niyo naman yung powers ko kanina di ba? isa akong Earth User. Tumigil muna ako sa harap ng pintuan ng Green house. Kinuha ko muna ang suse naka-lock kasi.

Paghawak ko sa door knob ay napansin ko na hindi naman yun naka-lock and I sense someone moving inside. Binalik ko na lang ang suse sa bulsa ko. Sino kaya ang nasa loob? Impossible naman ang mga fairy dahil umuwi ang mga iyon sakanilang lugar.

 Sino naman kaya ito?

Pagbukas ko ay dahan-dahan ko na pinihit ang pintuan at sumilip. Nang sumilip ako ay nakita ko ay isang itim na anino na pula ang mata. Hindi pa niya napapansin ang presensiya ko kaya malaya itong magsira ng mga bulaklak! Parang may hinahanap siya. What the fuck? How dare him destroying my flower! Hindi na ako nagpaligoygoy pa at pumasok na at dinuro ang anino kahit ang totoo ay nanginginig na ako sa takot kasi naman ngayon lang ako nakakakita ng ganoon I don’t know if it’s a monster or some sort of magical that pulling pranks.

“I-ikaw itigil mo iyang ginagawa mo!.”

Bigla siyang tumigil at lumingon sa direksiyon ko. Muntik na akong mapatili. Nakakatakot ang kanyang pulang mata!

Pero ilang segundo pa lamang ay bigla na lang itong naglaho na parang hangin. Eh? Natakot ba siya sa akin kaya umalis? O imahinasiyon ko lang ba iyong nakita ko? come to think of it hindi pa ako nananghalian pero impossible naman na imahinasiyon ko yun. pinilig ko na lang ang ulo ko kailangan ko pang ayusin ito kung hindi naku malulungkot yung kaibigan ko kapag pagbalik nila ay madadatnan nila ang ganitong hitsura ng Green House.

Pagkatapos kong ayusin ang lahat at palitan ang mga nasirang bulaklak ay lumabas na ako at pumunta sa canteen kanina pa kasi ako nagugutom.

“Yvonne, halika dito!” Tawag sa akin ni Notiya kaibigan ko. Lumapit ako sakanya at tumabi sakanya.
“Oh? Ba’t ang ingay mo?” biro ko sakanya.

“Maingay na maganda?” 

“Maingay na hindi kagandahan.” I chuckle. Pero siyempre nagbibiro lang ako. kumuha ko ng isang piraso ng french fries.

“Hmp! Inggit ka lang sa ganda ko—wolly golly sinong magandang nilalang na iyan?” Turo niya. Tingingnan ko ang direksyon na tinuro niya. Napasimangot ako. Si Wistar Titania Var Garnur. You wonder why kilala ko siya? eh di ba in-introduce niya ang sarili niya nung isang klase. Malinaw kasi sa pandinig ko ang sinabi niya kahit na nagtitilian ang mga kababaihan. I don’t know what she up to dressing up like a guy. I just don’t like her, that’s all. Mukhang enjoy na enjoy pa ito sa pakikipag-usap kay Ianthe ang isang lampang babae.

“Lisbo ka na, Notiya?”

“Oo magiging lisbo talaga ako dahil sa gandang lalaki niya!” parang nakakita ako ng heart shape sa mata niya at oh my god parang nagbago ang background pink at may lumulutang na rosas! Sadya bang tanga ang mga babae dito?

“Oh so pumapatol ka pala ng babae?” pinatong ko ang ulo ko sa likod ng kamay ko.

“Oo kahit—eh? Babae?” kumurap-kurap siya. “tama ba ako sa narinig?”

“You heard me right. Her name is Wistar Titania Var garnur.”

“aww.”

Sinulyapan ko uli si Wistar. Walang kapangyarihan? Yo got to be kidding me? It’s impossible na walang powers siya. Kahit na sabihin na galing siya sa low class na pamilya... ngayon ko lang nalaman na impossible yun sa isang NEWTAR.

Someone’s POV

“gabi na pala... tsk tsk... makauwi na nga.” Anang ng dalaga sa sarili. Madilim at malamig ang simoy ng hangin. Pabalik na siya sa dorm kakatapos lang kasi niya sa kanyang trabaho.

WOSH! BOGSH!

Tumigil sa paglalakad ng marinig niya ang ingay. 

Ano kaya yun?

Pumunta siya sa nanggagaling na ingay. Nandoon sa pinagbabawal na silid ang nagmumula ang ingay. Binuksan niya yun at tumambad sa kanyang paningin ang itim na rebolto.

“s-saa-n na???” bigla na lang ito lumingon at humarap sa kanya.

“Sino ka?!”

Pero parang wala itong narinig. “saan na?!”

Bigla na lang itong sumugod sakanya.




5 comments:

  1. aNg cutE nmN ng bngaY n niCknAmE kei wisTAr ha,, tiTAn,, hWaha,,, naAmaZe aq s mgA mgiCaL sCeneS,, ang gLing ng pAgkkGwa,, prA n rin aqNg nanoNood ng aniMe,,, thAnks for d ud atE tSuptsUp,,,,,

    ReplyDelete
  2. wala talaga akong masabi sa pagkaka edit ng bawat pictures.. lahat maganda.. given na ung maganda rin ang story..

    ReplyDelete
  3. hindi lng story, kundi mga pix ng gingmit!!! ang ttalented tlga ng mga authors ntin d2!!! woooohooo!!!!!

    ReplyDelete
  4. kelan pu ang nxt chapter... excited n aq!!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^