You Are Just A Memory
Chapter 1: The Flashback Begins
2012
"Visiting random profiles ^____^"
Status ko yan sa fb ko. Ang aga-aga pa para mag-fb pero na-bored kasi ako eh. Kagigising ko lang kaya bago pa ako bumangon, inabot ko na yung laptop ko sa may study table katabi ng kama ko at nag-fb muna. Sarap ng breakfast ko noh? Facebook agad ang trip. LOL.
Teka...
"Happy 3rd anniv baby ko...Miss na miss na kita at sana makauwi na ako dyan. I love you..." Binasa ko yung comment galing sa girlfriend ni Hero. WOW ang sweet naman. Siguro kung di nya ako iniwan noon, ako sana ang nag-comment ng ganun sa prince charming ko. Nakakalungkot isipin na hindi talaga naging kami sa bandang huli. Anyway, masaya naman ako sa babe ko ngayon dahil kinompleto na nya ang pagkatao ko (Chos naman!).
Sayang lang talaga ang moments namin ni Hero nung high school...
yung SEVEN YEARS AGO LOVE STORY namin.
************************************************************************************************************
2005
"OH MY GOSH! Look who's approaching Jane...Ang hot nya." Malandi talaga 'tong bestfriend ko. Lagi syang ganyan kapag may bagong transferee sa school namin. Nandito kami sa second level ng school kung saan dito kami nakatambay sa labas ng classroom. Third year na kami pero di parin sya nagbago. Malandi parin. Haha. Pero kahit ganito 'to si Anthonnette, ahmm Anne na lang for short, mahal na mahal ko 'to dahil di nya talaga ako pinapabayaan. Bestfriends kami since elementary grade kaya para na ring magkapatid ang turing namin sa isa't isa.
"Trip mo na naman yang new student ha, Anne?" Tanong ko na tila walang pakialam sa pinagnanasaan nya. Haha.
"Ahmm parang ganun na nga Jane... Anong year na kaya sya noh?" She giggled.
"Bakit magiging stalker ka nya?" Tumawa ako ng palihim.
"Hmm. Let's see. Hahaha..."
"Hay ewan ko sayong babae ka! Pumasok na nga tayo. Mag-uumpisa na ang first period natin." Hinila ko na sya sa loob ng sapilitan. Ayaw kasi ialis ang paningin dun sa new student eh. Haayyyzt!
First period na namin, Chemistry. Nosebleed talaga ako kapag Chem. Pero no choice, buti naiintindihan ko parin ang mga lessons kahit papano.
"Oh by the way class, we have a new student who will be joining our section starting today." Sabi ni Mrs. Min, Chemistry teacher at class adviser namin.
Ayun naging excited ang buong klase. Ako naman, naghihintay sa pagpasok ang bagong classmate namin. Naku sana mabait para maging kaibigan ko agad. ^_^
"Come inside Mr. Noland." Sabi ni Mrs. Min.
Pumasok na yung Mr. Noland na new classmate na raw namin.
"Oh Em!!! Ang gwapo!" Tapos nagtilian ang mga kaklase kong babae. Ang ingay! Nakakairita ang boses. Pati si Anne na nakaupo sa unahan ko nakikitili din. Grr!
"My Gosh best! Sabi ko na magiging classmate natin si Mr. Hot eh! Kyaaaaah!" Excited nyang sabi saka tumili. Tinakpan ko yung teynga ko kasi ang ingay talaga.
"Quite class!" Saway ni Mrs. Min.
"Okay Mr. Noland, introduce yourself to the class." Tapos umupo muna si Mrs. Min sa upuan nya.
Tumayo sa gitna ang new classmate namin. Hmm oo nga, gwapo nga naman sya. Pero wait...parang may kamukha sya. Para bang nakita ko na sya dati pero di ko lang matandaan kung kelan yun.
"Good morning. My name is Hero Noland and I came from Metro Manila High School." Sabi nya pagkatapos ay tumalikod. Tinuro naman ni Mrs. Min kung saan sya pwedeng umupo temporarily. Wala pa kasi kaming seat plan sa ngayon. Pagkatapos ay nagtungo na si Mr. Noland sa bandang likod at umupo sa bakanteng arm chair.
"Hey wait!" Nagtaas ng kamay si Dolly, isa rin sa malalandi kong classmates. >_< Tiningnan sya ni Mr. Noland.
"How young are you Hero?" Tanong nya sabay pa-cute. Hmm akala mo naman cute. Feeling nya lang yun. LOL.
"16." Seryosong sagot ni Hero sa kanya. Tumahimik na sya pagkatapos sagutin ang tanong ni Dolly.
Narining ko naman ang panay na bulungan ng mga kaklaseng kong babae. Grabe naman sila kung maka-react, parang ngayon lang nakakita ng gwapong nilalang. Sa bagay, nasa probinsya kasi kami kaya siguro ganun sila.
Tiyak masama ang ugali nitong si Hero Noland dahil galing sya sa city. Ang alam ko kasi, mas liberated yung mga studyante doon kesa sa mga taga-province. Ooops! Di ko naman genegeneralized kaya peace. Heheh.
"Bukas na lang tayo gagawa ng seat plan class dahil baka marami pang darating na studyante." Sabi ni Mrs. Min.
Recess time at nandito kami ni Anne sa school cafeteria. Itong bestfriend ko naman parang kiti-kiting di mapakali na ewan. Di rin ako mapalagay kasi baka may sakit syang nararamdaman.
"Hoy best okay ka lang na dyan?" Tanong ko na na-curious lang.
"Best...Look oh, ang daming girls na lumalapit kay Hero. Naku best, panu na yan...naunahan na ako!" Nag-pout sya na nakatingin sakin na parang nakakaawa.
"Hoy!" Sabi ko sabay batok. Akala ko pa naman may sakit.
"Aray!" Hinimas nya ulo nya.
"Tumigil ka best ha, walang patutunguhan yang pagnanasa mong yan." Then I chuckled. Langya talaga 'tong bestfriend ko.
"Kunwari ka pa dyan eh...if I know you like him too." She teased me then blinked.
Nakadama ako ng inis kaya binatukan ko na naman.
"Ouch best. Isa na lang ha...naku!" Medyo nainis din sya.
"Anong pinagsasabi mo dyan? Hoy, FYI, di ko tipo yung mga ganyang guy ano!" Umirap ako.
"Asus...kunwari. Denial oh?" Saka sinundot nya yung ilong ko.
"Langya!" Tapos nagtawanan na lang kami.
Pagkatapos ng recess pumasok na kami sa loob ng classroom. Umupo ako agad sa upuan ko para ihanda ang sarili ko sa next subject...English. Ito kasi yung favorite subject ko since elementary eh. In fairness magaling ako dito, ehemm!
Ilang sandali pa ay pumasok na rin si Hero na nakasimangot. Badtrip? Habang naglalakad sya papasok ay nagkasalubong ang mga tingin namin. Umiwas agad ako. Nung akala kong nakatingin na sya sa ibang dereksyon, tiningnan ko sya ulit tapos biglang nag-smile sakin! Uwaaahh! Ngayon ko pa syang nakitang naka-smile!
Oh my God ang heartbeat ko!
Pagkatapos tahimik na syang umupo sa likuran.
Na-out of the blue ako bigla. Langya yung lalaking yun, akala nya siguro maaakit ako sa killer smile nya. No! Buti di yun nakita ni Anne kundi lagot ako nito.
~angel is luv~
ReplyDeletewow! parang flashback style pala ang peg nito dahil seven years ang title.
ang dami ko na talagang nababasang story dito, napupuno na utak ko ng imaginations. hihi
pakituloy po ang story. i will read this.
ReplyDeletecute po. next ud n po agd!
ReplyDeleteawwh hindi pala sila ang ngkatuluyan sa huli.. relate ako rito..
ReplyDelete