Thursday, September 6, 2012

Friends Zone : Chapter 6


A/N : This is Demi and Yesha's Momment...wag sana akong isumpa ni Demi sa pinagsusulat ko dito..*peace* bhebhe Demi :) ...baka tamaan ako eh haha..




[Demi’s POV]


“Hi” bigla akong napalingon nang may kumalabit sa akin. I saw Jeirick smiling at me. The captain of the basketball team. Sinabayan niya ako sa paglalakad. I dont know why but i  feel like my knees are trembling. I could feel my heart beating so fast as if nakikipagkarera ang mga ito. He was the only man that could ever make me feel this way.


Ever since that i first saw him playing basketball. Yes. He was the reason why i joined the cheering team. I want to get close to him. And he was also the reason why i transfered here in Riverdale. I first saw him during the basketball match of Riverdale and my former school. First year palang ako noon. At magmula noon ay kinausap ko na ang parents ko at sinabi kong lilipat ako ng Riverdale. And since they love me very much sinunod nila ang gusto ko.


I admit that i had a crush on him. Kung wala ba naman ay lilipat ba ako sa school na ito eh sa isang exclusive school na ako nag-aaral wherein puro rich kid ang nandun? Pero dahil sa kanya ay mas pinili kong mag-aral dito. He’s so handsome, sexy, nice, sweet and most of all popular. Balita ko ay maraming nagkakagusto dito. Pero sorry nalang silang lahat. Dahil akin lang si Jeirick. AKIN LANG. And i’m glad na napasali ako sa grupo nila. Although hindi ko masyadong feel yung mga girls dun. Yung Regine yata ang name nun ang alam ko may gusto siya kay Jeirick ko. At naiinis ako dahil halatang close sila. Pero hindi ko masyadong pinapahalatang hindi ko siya gusto. Ayokong mabadshot ako kay Jeirick. Yung Richelle naman na cheerleader namin akala mo kung sinong magaling. Eh obvious naman na mas magaling at mas maganda ako sa kanya. Dapat ako ang cheerleader. At higit sa lahat...dun sa Jhonah??? natatawa ako sa kanya. She look like a fool. Hindi mo alam kung babae ba o lalaki. Stupid. Pero dahil kapatid siya ni Jeirick i have to be nice to her. Kahit ayoko. Wala naman akong problem sa mga boys dahil super obvious naman na nahuhumaling sila sakin. Ang ganda ko kaya. Pero wait..there’s this one person na mukhng walang pakialam. What’s his name again??? EARL??? Bading siguro yun.


I put on my best smile as i greet him.


“Hi”


“Isnt it supposed to be hello?”


“What? Come again?” hindi ko yata masyadong nagets ang sinabi ni Jeirick. Kung saan saan kasi lumilipad ang utak ko.


“When someone greets you HI the answer should be HELLO”


“Ganun? Okay sige hello” but i think that’s stupid. Pero dahil mahal kita okay lang na magmukha akong stupid.


Napangiti si Jeirick. Gosh!!! So gwapo talaga!!!


“Going somewhere?” he asked.


“Pauwe na ako”


“Where’s Yesha?” teka! Bakit yung stupid kong pinsan ang hinahanap niya?! Dont tell me...


“may school org. siya eh. MWF lang kami nagsasabay”


“ahh so since wala ka naman palang kasabay..can i invite you out?” nakangiting tanong ni Jeirick.


“out? As in a date?” gosh!!! Kinikilig ako.


Napahawak siya sa baba niya...a beautiful gesture. “Hmmm not really a date...meryenda lang”


Hay naku! Sige na nga kahit hindi date yun. Ang mahalaga makakasama ko siya. KAMING DALAWA lang.


“Pero wala ka na bang klase?” pakipot muna ako konti.


“wala na. Wala ding practice ang team. At wala akong kasama” nakangiting sagot niya.


“What about Jhonah? Hindi ba kayo sabay umuwi?”


“Jhonah? Dont worry about her. My sister is pretty tough you know she can absolutely take care of herself. Ang besides may sariling sasakyang dala yun” halatang proud siya sa little sister niya. Nakakainis!!!


“Well tama ka...i admire her nga eh kasi she looks so strong. Samantalang ako i’m weak...i wish i could be like her” i put on my fragile look that no one can resist.


“Dont worry...it’s okay to be weak fr a girl para naman may role kaming mga guys sa buhay niyo diba? Kami ang proprotekta sa inyo.” Nakangiting sabi niya. “...and i like you just the way you are”


HE LIKES ME DAW!!! ME!!!! As in AKO!!! At hindi IKAW!!! Ako nga eh!!! Wag kang epal! I’m so happy!!! Ako na yata ang pinakamasayang babae sa mundo.


“Hey Demi..did i say something wrong?” nag-aalalang tanong niya.


No Jeirick you said something right!!! So damn right!


“Wala naman...so tayo na?”


“Tayo na?”


“I mean..tayo na...tara na...let’s go...akala ko ba niyaya mo ko magmeryenda o nagbago na ang isip mo?” wag naman sana.


“Of course not...nagulat lang ako nung sinabi mong tayo na...akala ko tayo na”


Nagets ko naman ang ibig niyang sabihin kaya napangiti naman ako. Well not bad ah...i like that.


“hay naku ikaw talaga” kahit kinikilig ay kinontrol ko ang sarili ko.


***


Sa isang ice cream parlor sa labas ng school kami nakarating. Halos mga student din ng Riverdale ang nandun. Mukhang maraming nakakakilala kay Jeirick dahil maraming bumabati sa amin. I feel proud naman na ako ang kasama niya. Manigas sila sa inggit.


“Mukhang sikat na sikat ka ah...hindi ba nakakahiyang makitang kasama mo ako?” kunwa’y tanong ko.


“Hindi naman.ano ka ba?! Nagkataon lang na captain ako ng basketball team pero kung hindi i’m sure walang makakakilala sakin”


“Asus..pahumble ka pa eh”


“Hindi ah...ikaw nga yung sikat eh”


“ako? Sikat?”


“Oo...balita ko maraming nagkakagusto sayo sa school” Well...ganun talaga pag maganda.


“Hindi ko naman sila pinapansin eh, ayokong isipin na maraming nagkakagusto sakin”


“Ikaw itong pahumble eh. Bakit naman?”


Nagkibit-balikat lang ako. Well i’m used to it. Sanay akong sambahin at pagkaguluhan ng mga lalaki.


“wala ka bang nagugustuhan kahit isa?”


Meron Jeirick! Ikaw!


“Hmmm ewan ko”


“ang swerte naman ng lalaking magugustuhan mo”


“bakit naman?”


“Uy!!! Nag-aantay siya na purihin ko siya” biro ni Jeirick.


Marahang hinampas ko siya sa braso.


“Sira ka talaga” Ahhhh...heaven.


“seriously...maganda ka...alam mo na siguro yun...saka mukha ka namang mabait”


“So nagagandahan ka sakin?”


“Oo naman. Bulag lang ang lalaking hindi magagandahan sayo o di kaya bading. At hindi ako bulag lalong hindi ako bading”


Gosh!!! Kanina sabi niya sakin he likes me ngayon naman nagagandahan siya sakin. Inlove na yata sakin si Jeirick!!!


Nagandahan lang sayo inlove na???


Tse!! Tumigil ka! Palibhasa panget ka eh!


“Demi” tawag pansin sakin ni Jeirick “are you still with me?”


Hay naku lumilipad na naman ang isip ko.


“Oh sorry..may naisip lang ako”


“It’s okay...ang swerte naman ng iniisip mo”


Napangiti nalang ako.


“Ask ko lang sana kung pwede ka ba this Sunday?” atubiling tanong ni Jeirick as he scooped his ice cream.


Niyaya niya akong magdate???? GOSH!!!


Hindi...magsisimba kayo. Sunday eh.


Tumigil kang atribida ka ah.


“Sunday?”


“Yes...if your free”


“You’re inviting me out? Like a date?”


“Hmm...actually pupunta kasi ang buong barkada sa Enchanted Kingdom. Pre-birthday celebration ni Regine...so yayain sana kitang sumama saka si Yesha since part na din naman kayo ng barkada.”


Nakakainis!!! May mga chaperone pala kaming kasama. At bakit icecelebrate namin ang birthday nung Regine na yun? Pakialam ko ba dun. Pero chance ko na iyon na makasama si Jeirick. Pagdating sa EK hihiwalay nalang kami...hahaha!!! ang talino ko talaga.


“Sige..sabihin ko kay Yesha. Pupunta kami”


Ngumiti naman si Jeirick.


“Thanks. Sunduin ko nalang kayo kasi dun na naman sa EK ang meeting place eh. Para hindi na kayo magdrive or magsama ng driver”


Si Jeirick ipagdadrive ako??? Gosh!!!!


“Sige..thanks”


Mapapasa akin ka din Jeirick...mamahalin mo din ako. Pinapangako ko yan.


***


[Yesha’s POV]


7:00PM na pala. Masyado akong nawili sa library kaya hindi ko namalayan ang oras. Kanina pa nakauwe si Demi. Sinabi ko sa kanya na may school org akong pupuntahan kapag MWF kahit ang totoo eh wala naman. Guto  ko lang magkaroon ng time na malayo sa anino ng pinsan ko. Atleast kahit tatlong araw ay pwede akong gabihin ng uwe at makapunta sa mga gusto kong puntahan at magawa ang gusto kong gawin.
Hindi naman sa ayaw kong makasama si Demi pero syempre dalaga na ako at babae din naman na may mga bagay na gustong maranasan. At hindi ko mararanasan yun kung lagi akong bubuntot sa pinsan ko.


Beep Beep!!!


Napalingon ako ng makarinig ng busina. May tao pa pala dito sa school? Sabagay hanggang 9Pm nga pala ang klase dito. Tapos may night shift pa.


Sana naman makasakay agad ako sa jeep.ayokong magtaxi kasi mapapamahal ako. Kaya jeep nalang. Dun nalang ako sa may kabilang kanto sasakay kasi hindi naman humihinto dito ang jeep. School kasi ng mayayaman. Pero mas mayaman ang school namin dati ni Demi. Pero mas gusto ko dito. Mas friendly kasi ang mga tao dito at nagkaroon ako ng mga kaibigan. Di tulad dun sa dati kong school. Binubully lang ako. Palibhasa alam nilang nakikitira lang ako kina Demi.


Beep Beep!!!


Ano ba itong kotseng ito. Ayaw dumaan kung dadaan siya. Tumabi na nga ako eh. Problema ba nito. Feeling niya kanya itong buong kalye???


Beep Beep!!!


Tumabi na ako lalo sa gilid at minabuti kong huminto at paunahin na siyang dumaan dahil nakakainis na yung pagbusina niya. Pero imbes na lagpasan ako eh huminto din ito sa tapat ko. Teka...nasaan na nga ba yung pepper spray ko.


Kinapa ko sa bulsa ng palda ko ng pepper spray na lagi kong dala. Para laging handa.


Tinted yung bintana ng kotse kaya hindi ko makilala kung sino ang sakay non. Dahan-dahang bumaba ang salamin kaya hinanda ko na din ang pepper spray ko.


“Hi Yesha”


“Gray???”


Ganun nalang ang gulat ko ng makilala kung sino ang driver ng sasakyang iyon. Napahawak ako sa dibdib ko.


“Grabe ka naman. Tinakot mo ako”


“sorry kung natakot ka. Kanina pa kasi kita binubusinahan eh hindi ka lumilingon”


“malay ko ba namang ikaw yan..sana nilagyan mo ng pangalang Gray ang busina mo para alam ko”


Bigla naman siyang tumawa. Ang gwapo niya talaga.


“sorry. Tara sakay na”


“Hindi sige wag na...salamat nalang.  Sasakay naman na ako dun sa kabilang kanto”


“Makikipag-agawan ka pa dun eh...sakay na..ihahatid na kita”


Yesha mamili ka...sasakay ka sa jeep siksikan at makikipag-agawan ka pa sa mga pasahero o sasakay ka dito sa kotse...aircon ikaw lang ang pasahero at may gwapo ka pang driver...ano pipiliin mo?


Lumigid na ako papunta sa passenger seat. Dapat pa bang pagpilian yun?


“Salamat ah”


“saan ka ba nakatira??” sinabi ko sa kanya yung bahay nila Demi.


“nakikitira ako kina Demi”


“I see”


Dumaan ang katahimikan sa amin habang nagmamaneho si Gray.


“ooppss sorry baka mabore ka” pinindot nito ang player at nagpatugtog.


Now Playing : Tinamaan Ako

Nang kita ay makilala

Napatulo ang laway ko
Binti ko ay nangatog
Ako’y sumemplang at nauntog



 “Hindi ko alam mahilig ka pala kay Anne Curtis” tumatawang sabi ko.


“Hala ka...bakit may ganyan? Hindi ko nga alam yang kantang yan eh saka hindi ko nga kilala si Anne Curtis”



Ewan ko, ano ba’ng meron ka’t kikay na ‘to’y napaamo mo

Nabihag mo ang puso kong pihikan, agad na-in love sa ‘yo



 “seryoso ka? Hindi mo kilala yun? Sikat na artista kaya yun. Siya yung host ng Showtime”


“Hindi eh. Hindi kasi ako mahilig manood ng showbiz. Pareho kami ni Trace na adik sa anime. Kaya sila lang ang kilala ko..hehe”


“Ganun? Eh bakit meron ka niyan?”



Ikaw ba ay ‘sang droga at naaadik ako

Isang kindat mo lang, mapapa-tumbling na ako



 “baka nilagay ng kapatid kong babae..hiniram niya kasi yang player ko. Nakalimutan sigurong tanggalin.”


“ahhh...talaga...may kapatid ka pala”


“yup. Highschool”


“I see”



Tinamaan na ako

Walang hiya ka, Kupido
Nasira’ng schedule ko
Putres na kabaliwang ito



Dumaan na naman ang katahimikan sa amin. Tanging boses lang ni Anne ang maririnig. Sa isip ko sinasabayan ko ang kanta niya. Alam ko kasi yang kantang iyan dahil fan ako ni Anne.


“Pupunta ka ba sa Linggo?” napalingon ako kay Gray. Nagulat naman ako kasi bigla siyang nagsalita.


“Linggo? Bakit anong meron?”


“Nagyaya sina Paul sa Enchanted Kingdom”



Lumalaki na’ng eyebags ko

‘Di makatulog dahil sa ‘yo
Nagmumukhang zombie na ako
‘Di mapakali; ano ba ‘to



“ahhh talaga? Yun pala yung tinext sakin ni Regine.”


“Oo. Pre-birthday celebration daw niya eh”


“hindi pa ako nakakapunta sa EK. Hindi kasi ako nakasama nun kina Demi kasi may sakit ako”


“talaga? Eh di sama ka”



Sana lang mapapansin mo rin ang kagandahan kong ito

Hirap na kasi ang lola mo nabaliw na ata sa kapapantasya sa ‘yo



“Kung sasama si Demi”


“Pilitin mong sumama. Or kahit hindi siya sumama sama ka pa din para masaya.”


“ganun? Bakit naman?”



Daig mo pa si Pacman, napatumba ako

Isang sulyap mo lang, natotorete na ang utak ko



“eh kasi sabi mo hindi ka pa nakakapunta dun eh. Saka mas marami mas masaya”


“sabagay...sige sana makasama ako”


“Ipagpepray ko yun” nakangiting sabi niya.



Tinamaan na ako

Walang hiya ka, Kupido
Nasira’ng schedule ko
Putres na kabaliwang ito



 “Hindi ka lang pala gwapo. Mabait ka pala talaga”


“salamat” huminto na ang sasakyan “ nandito na tayo” ang bilis naman.


“salamat ah..”


“Walang anuman..asahan kita sa Sunday ah”


Napangiti na din ako. “Sige” at lumabas na ako ng sasakyan.


Hinintay muna ni Gray na makapasok ako bago siya umalis.


Tinamaan na ako

Walang hiya ka, Kupido
Nasira’ng schedule ko
Putres na kabaliwan ito…



Tinamaan yata ako ah. Napailing nalang ako at pumasok na sa loob ng bahay.


9 comments:

  1. hMp,, naiiNis aq s chRacter ni deMi,, mei gUstO k paLa kei jeiriXk bkit nde mu p sbHin,, ang arTe LnG ha,, tApos siA p maY gaNang maiNia kiNa reginE,, maS cLose talga cLa ni jeiriCk noh,, waG k puPunta s bdAy niA ha, uUpAkaN tLgA kta,, ndE jOwk LnG po,, s cHaraCtEr LnG tLga aq naiiNis ah,,, at tskA bKit kc anG LaKi ng gaLit nia s mGa guRLs, piNagkmLan pNg badiNg c eaRL,, hmP!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung sino ka man po infairness natutuwa ako sa comment mo ah...it really made me smile :) sana nilagay mo name mo para mabati naman kita next time..hehe..

      Delete
  2. "Jeirick ko"?? at talagang inaangkin ko na si jeirick!!! haha.. well dapat lng nman..
    this so like me.. lagi akong lutang.. haha.. fav ko ang ice cream!! ang adik ko lang! para akong sira,inaaway ko sarili ko rito sa story. hahaha

    wuuaaahh!!! he likes me raw at maganda raw ako!!! grabe!!! kilig much to the bones!!!

    parang nilunok ko na ang lahat ng aircon sa mundo sa sobrang hangin ko!! nagbubuhat na nga ng sarili kong bangko eh.. hahaha..

    P.S. wag po kaung ma inis sakin.. yun po kasi ang papel ko rito at un ang gusto ng josang writer natin.. haha.. malay nyo maging mabait ako sa huli.. hahah..

    i still like my character here!.. haha napasaya mo talaga ako ate!! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. waaahhhh!!! mabuti naman kung ganun...happy happy ko naman :)

      dont worry magiging mabait ka din naman eh...haha..antay lang...may darating na mas maldita sayo..haha

      Delete
  3. relate ako sa ugali ni demi dito. hindi ko nga alam kung bakit hindi ko siya kaugali dito. ahaha. mas gusto ko kasi yung mga maldita, kesa ako yung mabully. ahahahahaha!!!

    anyway, wag tayong mainis kay demi dahil siya naman talaga ang partner ni jeirick. nakikisawsaw lang ako sa lovelife nila dahil pauso itong si author eh, ahahaha!!!

    at yung sa anonymous comment, oo nga! sana ma-PAUL na ako kay paul! ahaha!!! natawa ko dun ha!

    ReplyDelete
  4. ang saya-saya!! naeexcite aq s luvlife ni queen d2!!

    lhat exciting ang luvteam eehh...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko din alam actually kung anong kahihinatnan ng luvlyf ni queen eh.wala pa akong maisip..hahah pero sisiguraduhin kong magulo din yun..

      Delete
  5. waaahhhh...wag tayong mainis kay Demi dito...haha..kasi sa totoo lang i really like her character here...dahil ako po ay natural na maldita..at spoiled brat...what i want i get..hahaha...

    saka pasensya na kung magulo ang mga luvlyf nila dito...mas okay yun para exciting diba? walang thrill kung sila agad ang magkapartner eh..haha..lahat ng luvlyf dito guguluhin ko..haha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^