A/N: Ayan sabi ko hindi muna ako magpopost ng update..pero hindi ko kasi kayo matiis eh..saka hindi na din ako depress...wala namang mangyayare eh...papanget lang ako..bwahahaha...kaya ayan ieenjoy ko nalang ang sarili ko sa mga comment niyo...two updates pa ang ginawa ko...saka na ako magpapahinga kapag natapos ko na yung season 1 nitong Friends Zone...magpapahinga ako ng bongga..bwahaha.. so eto na..enjoy :)
[Paul’s POV]
We occupied the longest
table. Tatlong mesa ang pinagdugtong-dugtong namin. Earl, Jhonah, Regine,
Jeirick, Marky and Richelle seated at the right side of the table. Sa tapat naman
nila ako, si Trace, si Gray. Yesha, Demi and Laxus. Nakakatawa kasi mukhang walang
may balak magsalita sa kanila.
Ako na ang bumasag ng
katahimikang dumaan sa amin.
“So ganito nalang tayo?
Magtititigan? Sino kukuha ng order natin?”
“Dahil ikaw ang nagtanong,
ikaw nalang” nakangising sabi ni Laxus. Gago yun ah. Masama na bang magtanong
ngayon?
“Bakit ‘tol? Libre mo?”
tanong naman ni Marky. Isa pang sira-ulo.
“Libre? Lol! Mas mayaman pa
kayo sa akin eh” tanggi ko. Ako na ang kuripot.
Mula sa kinauupuan ay tumayo
na si Earl.
“Ako na ang bibili” prisinta
nito at biglang hinila patayo si Jhonah. “ Samahan mo ako” uy!!! Saya nito
ah..hilahan porsyon…Sali naman..hehe..
“Ako? Bakit ako? Buong
canteen ba ang bibilhin mo?” nakasimangot na sabi ng pinsan kong hindi mo alam
kung babae o lalaki.
“Huwag ka na nga dyang
maraming tanong. Sumama ka nalang” supladong sabi naman ni Earl at hinila na si
Jhonah papunta sa pila.
“Mukhang nagkakasundo yung
dalawa ah” puna ni Laxus habang nakatingin kina Earl at Jhonah. Looks like
hindi lang pala ako ang nakakapansin nun.
Napangiti ako ng mapansing
mukhang nagtatalo yung dalawa habang nakapila. Inaambahan pa ng suntok ni Jho
si Earl. As if naman may laban siya sa laki ng katawan ni Earl.
“Si Earl lang naman kasi ang
nakakatyaga dyan kay Jho eh” dugtong pa ni Laxus
“Kasi naman aminin niyo na
sa ating lahat si Earl lang ang may kakayahang umiilag sa mga suntok at sipang
pinapakawalan ni Jho” nakatawang sabi ni Marky.
Sumang-ayon naman kaming mga
lalaki. Lahat kasi kami nakatikim na ng lupit niyan ni Jhonah.
“Pero since nandito na si
Trace mukhang may isang tao pang kayang tapatan si Jhonah”
Bumaling si Jeirick sa mga
bagong kakilala. Baka na-OP na sila.
“By the way I’m Jeirick and these
are my friends Regine, Marky, Richelle, Paul, and Laxus. And those two over
there are Earl and Jhonah.” Pakilala ni Jeirick sa amin.
Nagpakilala din naman sila
sa amin.
“I’m Demi” pakilala nung
babaeng maganda
“Bagay sayo ang name mo…Demi…Pretty….Lovely”
puri ni Laxus habang nakatitig kay Demi.
“Hay naku nakipagflirt na
naman siya!!!! Miss ingat ka dyan. Mahingahan ka lang niyan mabubuntis ka na”
Richelle said as she roll her eyes.
“Grabe kang paminta ka
ah..ano tingin mo sa akin impakto?” nakasimangot na sabi ni Laxus.
“Anong impakto ka dyan.
Halimaw ka kaya” ganti naman ni Richelle.
Nauwi na naman sa bangayan
itong dalawang ito. Parang ako at si Regine lang. hindi kaya may gusto sila sa
isat-isa? World war ten yun kung
ganun haha..
“Tumigil na nga kayong
dalawa” saway ni Jeirick “Nakakahiya kayo may ibang tao”
“HmmffpppTTTt!!!!”
Napabuntong-hininga nalang
si Jeirick at muling binalingan ang mga bagong kaibigan.
“I’m Lhieyesha Marietty…pinsan
niya ako” turo nito kay Demi.
The girl looks so shy.
Kabaligtaran ng pinsan nito.
“Ang haba naman ng name mo..masyado
ka namang pinahirapan ng magulang mo sa pagsusulat ng pangalan mo nung bata ka
pa…wala ka bang nickname?” tanong ni Regine.
“Yesha”
“Yun naman pala eh…so Yesha
nalang ang itatawag namin sayo”
“Marietty? Ang kulit naman
ng name mo…parang yung mascot sa Jollibee” tumatawang sabi ni Marky.
“Gago tol! Hetty yun” sabi
naman ni Laxus.
“Magkatunong naman eh…ganun
na din yun”
“I’m Gray” sabi naman nung
lalaking brown ang buhok.
“May lahi ka ba?” tanong ni
Richelle
“Anong lahi? Half German-Half
Shepherd?” biro ko naman.
“Sira Tol! Baka lahing
aswang” dugtong naman ni Marky.
Nakatikim tuloy kami ng
batok mula kay Richelle. Ang sakit nun ah. Nakasimangot na hinawakan ko nalang
ang ulo kong binatukan niya. Mga bayolente ang babae sa grupong ito.
Nakakatakot.
“Magtigil nga kayong dalawa!
Ang ibig kong sabihin eh kung may ibang citizenship siya”
“Ahh…linawin mo kasi”
Ngumiti naman si Gray. “I’m
a half-filipino, half-turkish”
“I see…so that explains why
your eyes are gray.nice” Tumatangong sabi ni Richelle. Mukhang nagkacrush pa
yata sya kay Gray ah…
“Gray ang mata mo tol? Patingin
nga” excited na sabi ni Marky at dumukwang pa sa mesa para matitigang mabuti si
Gray. “ Oo nga noh? Ang galing”
“Elibs ka na naman tol!!!”
pang-aasar ko naman sa kanya.
“kaya pala Gray ang name mo”
so ganun ba yun? Kung anong kulay ng mata iyon dapat ang pangalan? Eh di dapat
black ang pangalan ko.
“Hindi ba kapag mga Turkish mababaho? Kasi hindi sila
naliligo?” tanong ni Laxus sakin?
Pabulong. Sira talaga.
“Ewan ko..tanong mo sa kanya” pabulong din na sabi ko.
“And you are?” biglang
baling ni Regine sa katabi ni Gray.
“Trace Bustamante” pakilala
nito. Sa pagkakaalala ko eh ito yung yumakap kay Jhonah kanina eh.
“So how did you and Jhonah knew
each other?” tanong ni Jeirick dito.
Ang tagal naman ng pagkain namin. Gutom na ako.
>_< wala akong pakialam sa kanila..basta gutom ako…nakakapagod kaya
magpractice.
“Member kami pareho ng
taekwando club noong highschool. Mas nauna nga lang siyang maging member kesa
sakin. Kasi nung pumasok ako sa club may rank na si Jonalyn” paliwanag nito.
“May relasyon ba kayo?”
tanong naman ni Laxus. Adik itong lalaking ito kahit kelan. Kapag narinig siya
ni Jhonah malamang nabugbog na naman ito..hehe.
Saktong dumating naman sina
Earl at Jho bago pa makasagot si Trace kasunod ang isang crew na may bitbit ng
order nila. Kawawang nilalang. Nasungitan yata ni Earl dahil halatang takot eh.
“So what did we miss?”
tanong ni Jhonah ng makaupo.
“Nothing. They just introduce
their selves” sagot ni Regine at ipinakilala sa dalawa ang mga bagong kakilala
namin. Isa-isa namang nilantakan na ng iba ang pagkaing nasa mesa. Kabilang na
ako dun..hehe.
“Tol ang bait mo talaga…nanlibre
ka pa” puri ni Marky kay Earl habang ngumunguya ng sandwich.
“Ngayon lang yan. Bukas may
bayad na iyan” seryosong sabi naman ni Earl.
Natawa nalang kami. Kahit
magbiro seryoso pa din. Poker face >_<
* * *
[ Regine’s POV]
Eversince the day na
makilala namin sina Trace eh madalas na namin silang makasama sa grupo.
Tinanggap na din namin sila bilang myembro ng unofficial group na ito. Unofficial
dahil wala naman kaming pangalan at hindi ko naman masasabing magkakaibigan nga
kaming lahat talaga…parang friends of friends kasi ang nangyayare eh. Okay naman silang lahat. Halos magkakasundo
naman. Maliban na nga lang kay Demi dahil lumalabas ang pagiging spoiled brat
nito paminsan-minsan.
“Malapit na ang debut ko”
imporma ko sa kanila. Naroon kami sa official tambayan namin. Unofficial group
kami pero may Official kaming tambayan..hehe..ayos diba? Ang bahay ng magkapatid na Madrigal. It was a
fine Saturday Afternoon. Napagpasyahan namin na magkaroon ng swimming party.
Wala lang trip lang nila. Sila lang kasi hindi ako kasali. Ayoko kayang magkasunburn.
“Next month na nga pala iyon
noh? May plano ka naba?” tanong ni Richelle habang nagbubuklat buklat ng mga
magazine.
“Yup. Si mommy ang
nag-organize eh. Ang tanging iintindihin ko nalang daw eh yung mga guest na
iimbitahin ko.”
“hoy! Teka bakit hindi tayo
kumpleto?” mula sa pool ay biglang sigaw ni Marky. Parang tagabundok lang?
naputol tuloy ang chikahan moment namin ni Richelle.
Umahon naman sa pool si Paul.
Parang naging slow motion ang naging pag-ahon nito.
Marahang hinawi pa nito ang
basang buhok nitong tumatabing sa mukha niya. Para siyang isang Greek God na
bumaba sa lupa.
“Tol!!! Ang macho mo
naman!!! Pakiss nga” narinig kong biro dito ni Trace at inuumang ang nguso dito
dahilan para tumawa ang lahat.
Now playing: This guy’s inlove with you pare
This guy's in love with you pare,
This guy's in love with you pare
This guy's in love with you pare
Bading na bading sayo...
Teka nga!!!! Ano ba itong
sinasabi ko!!! At bakit tinititigan ko ang manyakis na lalaking iyon?!!! Hindi
pwede ito! Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Baka mamaya magkasore eyes pa
ako. Si Jeirick lang dapat ang tinitignan ko. Pero kasi naman eh..nasaan ba si
Jeirick? Sayang hindi ko tuloy siya mapagnasaan. Hehe…ang manyak ko lang eh.
“Now that you mention it
kulang nga tayo…nasaan sina Jho at Jeirick? Sila pa naman ang may-ari ng bahay
sila pa ang wala dito. Saka asan na yung pinsan mo Yesha?” nagtatakang tanong
ni Laxus.
“Hindi ko nga alam eh…nauna
siyang umalis sakin.”
“eh yung magkapatid nasaan?”
Bilang sagot sa tanong ni
Laxus siyang pasok naman ni Jhonah.
Natawa ako ng mapanganga ito
dahil sa gulat.
=====
[Jhonah’s POV]
Pagpasok palang ng gate ay
naririnig ko na ang ingay ng mga barkada ko. Kaya I’m sure nandito na naman
sila. Ang sabi nung maid nasa pool area daw sila kaya dun na ako dumiretso. Galing
kasi akong bundok eh….nakakapagod…pero joke lang..sa kabilang kanto lang ako
galing. May garage sale kasi dun kaya naisipan kong dumaan baka sakaling may
mabili ako kaso wala akong nagustuhan eh. Oo…mahilig ako sa mga garage
sale..pakealam niyo ba?
Ganun na lang ang gulat ko
ng madatnan ang eksena sa likod ng bahay namin. Ang mga hinayupak ay ayun sarap
na sarap sa paglangoy. Anong tingin nila sa bahay namin resthouse???
“Hoy!!!! Sinong nagsabing
maghubad kayo?” sigaw ko sa kanila. Halatang nagulat naman sila sa pagdating
ko.
Ang mga magagaling na lalaki
ay nakaboxer shorts lang na hindi yata boxer short kundi boxer brief dahil
sobrang iksi at kipot.. topless. sana naghubad nalang sila. At ng may
mapagkakitaan pa ako. Ibebenta ko ang mga litrato nila sa isang bold
magazine…bwahahahaha…eh di yumaman pa ako..kaso may bibili naman kaya??? Wala
siguro..wag na sayang pa ang battery ng camera ko. Mabuti pa ang mga girls
bukod tanging si Richelle lang ang nakaswimsuit. Buti nalang at one-piece ang
suot niya dahil kung nagtwo piece yun baka kinalbo ko siya. Sina Regine at
Yesha ay nakaupo lang at mukhang walang balak makijoin sa “little party” nila.
“Natural nagsuswimming kami
eh..alangan namang magbarong kami” sarkastikong sabi ni Laxus.
Antipatiko talaga yun kahit
kelan.
“buti nga boxer shorts pa
ang suot namin at hindi trunks eh” segunda naman ni Marky.
“Boxer shorts ba ang tawag
niyo dyan sa suot niyo ah? Sana naghubad nalang kayo”
“gusto mong maghubad kami
ha?” pang-aasar ni Trace at hinawakan ang garter ng suot na boxer short at
akmang huhubarin.
“Gago ka Trace!! Ang manyak
mo!!” sabi ko at agad na tumalikod. Kanina ang lakas ng loob kong sabihing sana
naghubad nalang sila hindi ko naman pala kayang Makita silang nakabold…Jusko po
hindi ako si Regine..malinis ang utak ko.
“Utang na loob ah virgin pa
mga mata ko” sabi naman ni Yesha at tinakpan ang mga mata…butas naman.
“hay naku ang tagal…kung
maghuhubad ka maghubad ka na” pang-aasar naman ni Richelle. Luka-luka itong
babaeng ito ah. Bugbugin ko siya eh.
“speaking….ngayon ko lang
napansin na ang sexy pala ng suot niyo” tumatawang sabi ni Regine. Adik lang
kanina pa siya nandito eh ngayon niya lang napansin?
“Naiilang nga ako eh”
sang-ayon naman ni Yesha
“grabe kayo…hindi niyo man
lang kami binigyang pansin..hindi niyo ba alam na biyaya sa kababaihan itong
katawan namin” napapailing na sabi ni Trace.
“Biyaya sa kababaihan???
Nasaan???” pang-aasar ni Richelle at tinitigan pa talaga si Trace. Ang manyak
din nito eh. Magkaibigan nga sila ni Regine.
“Wala naman kasi sa inyo si
Jeirick eh kaya bakit ko kayo papansinin” sabi ni Regine at tinalikuran na ang
mga ito. Boom!!! Lupet mo bespren!
“Ang sama nito…bugbugin ko
yung Jeirick mo at aapakan na parang ipis eh.….hoy! Jonalyn bakit ganyan ka
makatingin ha!!! Pinagnanasaan mo kami noh!!! Bakla ka ba!!!!” akusa ni Laxus
at tinakpan ang katawan. Adik lang nasa pool kaya siya malamang hindi ko
matitigang mabuti katawan niya. Saka hindi naman siya ang tinitignan ko eh.
Feeler much!
“Kung ibang babae ang
titingin ng ganyan iisipin ko nang-aakit siya” naiilang na sabi ni Marky.
“kaso hindi naman babae yang
si Jho kaya hindi mang-aakit iyan. Unless bading ka Jonalyn!” pang-aasar naman
ni Paul.
“Type mo ba kami?” biro ni
Trace
“Mga ambisyosong froglets
kayo alam niyo yun? Kaya ko kayo tinitignan kasi ngayon ko lang narealized na
si Gray pala ang pinakagwapo sa inyo…si Paul ang pinakamacho at si Earl ang may
pinakamalakas ang appeal.” Sabi ko sabay tawa. Oo yun ang pinagkakaabalahan
kong gawin habang nakatingin sa kanila.
“Hanep ka Jho napansin mo pa
yun?” tumatawang sabi din ni Richelle. “So kung ikaw ang mamimili ng lalaki sa
mga iyan sinong pipiliin mo?”
Kunwari naman ay nag-isip
ako. Ganyan kami kalakas mantrip ni Iche.
“since hindi naman ako
interesado sa mga lalaki…iisipin ko nalang mga pagkain sila…at ang pipiliin ko
ay si……..”
“pagkain talaga ah?”
natatawang sabi ni Yesha.
“sino nga?”
“….si Gray…feeling ko kasi
ang sarap niyang kainin…bwahahaha” teka nga nahawa na ako talaga sa kamanyakan
ni Regine eh…ito ba ang napapala ko sa pagsama-sama sa kanya??? Dapat na siguro
akong magpabendisyon sa pari.
“Si Gray ang nanalo!!!!!”
sigaw ni Richelle. Ang lakas talaga ng trip namin. “congratulations Gray..pwede
mong i-claim ang prize mo just bring valid Id..haha”
“Ahh ganun??? So parang
sinabi niyong panget at wala kaming appeal ganun??” tanong ni Laxus in a very
dangerous voice at umahon ng pool.
Agad ding sumunod na umahon
sina Marky at Trace. Bigla namang lumayo si Richelle dahil pakiramdam nito ay
may mangyayaring kakaiba.
“Wala akong sinabing ganun.
Ikaw ang nagsabi niyan and I’m just stating my opinion since it’s a democratic
country.”
“Whatever Jho” lumapit na
sina Marky, Trace at Laxus sa akin at walang anu-ano’y binuhat ako at inihagis
sa pool. Dahil nagulat ay napahawak ako sa kung sinong malapit sa akin na
nagkataong si Regine. Hinawakan naman ni Regine si Yesha…nabunggo naman nito si
Richelle kaya ang nangyari ay sabay-sabay kaming nahulog sa pool.
“Halps!!!!” dahil
nakapantalong maong ako ay mas nahirapan ako kesa sa kanila.
Mga luko-luko ang mga ito.
Nagulat nalang kaming lahat
ng biglang tumawa si Earl. TUMAWA
ang taong hindi marunong ngumiti.
“Did Earl just laugh?”
Pinagtatawanan niya ang
kamiserablehan ko??? Grrrrrr!!!!
mAy sUmtHing dIn kiNa LaxUs at riCheLL,, hiHi,, LaGi cLa nag-aAwAy pRang CnA pAuL LnG,, pRo nTwa tLgA akO kiNa pAuL at tRace,, siNmHan pa ng soNg n diZ guy is inLove wid u, aNo k b reGine, PaUL is in LuV wid, at mKhaNg mpo-pAuL (faLL) kn riN skNya hWeHeHe,, uy 2mWa n rin si eArL,, bgO un ah,,,
ReplyDeletehahaha..oo nga noh? sana ma-PAUL na si Regine..hahaha
Deletegrabe!!! tawa much talaga! sobrang kulit nila!! to the max! high ata ang mga to eh.. haha mgkaka world war 100 pa ata pagpinagsama sila richelle at laxus!! haha
ReplyDeletewala bang picture habang nagsiswiming sila? para pagnasaan nman natin.. haha!.. nahawa na ata ako sa mga manyak na to.. ngtakip pa si yehsa,mei butas nman! haha
tumawa si earl!!! that's a first.. naging super high level na siguro ung kagwapuhan nya!!
hay naku bhebhe...inlove na inlove ako kay Earl..hahaha..kaya walang pwedeng umangkin dun haha
DeleteAte demi, nahawa na kasi ako sa kamanyakan ng new friends natin eh! Kaya nung nagtakip ako, may butas !haha
ReplyDelete.once in a life time lang kasi yun, papalagpasin ko pa ba?hehe:D
.at saka tama ka ate demi, dapat may pic sila habang nagsu-swimming, para enjoy!haha!
Infairness din naman, sama-sama kaming nahulog sa pool! Si ate regine kasi! Hinawakan pa ako!haha!^^v
-yesha
bwahahaha...sina Richelle at Regine lang ang manyak dito...nahawa lang din ako..hahaha..
Deletenaku naman...mukhang naexcite din ako sa swimming moment na iyon ah..makapaghanap nga ng picture nila..haha
ganda ganda po ate!!! super tlga!!
ReplyDeletesalamat ng madaming-madami...hahaha
Delete