Thursday, September 6, 2012

Black Dart: Chapter 2



Chapter 2
*Darters*




(Aeris POV)





Nagising ako sa isang madilim na kwarto... pero nakikita ko yung paligid okay? Madilim dahil buong pintura nitong kwarto 'to ay puro itim. Alam ko na kung nasaan ako. Dahan dahan akong bumangon pero parang nahihilo pa rin ako kaya naman isinandal ko yung ulo ko sa may head board.

"Gising ka na pala."

"Ay bakulaw na mamaw!" Tokwa! Aatakihin ako sa puso eh!

Narinig ko siyang tumawa. "Grabe, bakulaw na mamaw pa." Inirapan ko lang siya. Bigla naman siyang nag-seryoso. "Kamusta na pakiramdam mo?" May halong pag-aalala sa tanong niya.

"Nasaan si Sensei?" Pagiiba ko ng topic. Wala naman siyang magagawa kahit na sabihin ko sa kanya kung anong pakiramdam ko eh. 

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Alam mo bang three days ka ng walang malay?"

"Hindi. Nasaan si Sensei?" Tanong ko ulit. Hindi ko naman talaga alam na three days akong walang malay. Ano bang malay ko diba? Eh wala nga akong malay.

"Buti nalang nakita ko agad yung pagkakasakal sayo nung babae... nadapuan ka rin ng Nenoe Virus kaya hindi ka agad nagkamalay. Pero buti nalang talaga at may malay ka na ngayon." Nakangiting sabi niya.

Ay leche! "NASAAN SABI SI SENSEI?!" Pagkasigaw ko bigla akong napahawak sa ulo ko. Ang sakit eh!

"Ang ingay." Napalingon ako sa lalaking umupo mula sa pagkakahiga sa may sofa... si Sensei! "Natutulog yung tao eh." 

Nandun lang pala siya eh! Hindi man lang sinabi nitong Georgina na 'to! Kelangan pa kasing sigawan eh. Hmp.

"Kamusta na pakiramdam mo, Ae?"

"Ha? Okay naman, medyo nahihilo lang." 

Tumingin siya kay George. "George ipaalam mo sa buong Darters na gising na siya."

Tumango lang sa kanya si George at bago siya lumabas ng kwarto nginitian niya muna ako pero inirapan ko siya! Hindi kami close okay!

"Baka gusto mong mag-explain." Plain na sabi ni Sensei habang naka-dikwatro! Aba siya na bossing!

Pero saglit lang! Anong explain yung sinasabi niya?

*Gruuuuuuuuuuuu~*

Napahawak ako sa tiyan ko! Oh my gas! Nagugutom na ako! Gusto ko kumain ng maraming noodles!!!

"Tsk. Kahit kelan talaga." Umiling-iling siya habang lumalakad palabas ng kwarto.

Ano nanaman ginawa ko?! Pero nagugutom na ako!!! Uwaah!!!

Nung medyo okay na ako, naligo na ako at nagbihis. Nagulat pa nga yung mga Darters dahil lumabas na daw agad ako ng kwarto. Nasa Black D underground nga pala kami ngayon. Tagong tago itong base namin dahil ayaw namin na may makaalam kung saan kami lumulungga. Kelangan mag-ingat dahil marami ang gustong mag-tangkang buwagin at pasabugin ang lungga namin.

Pero hindi kami papayag dahil mas nananaig ang kabutihan kesa sa kasamaan! O diba, parang nasa palabas lang at may laban laban! Hahaha.

"O Aeris! Kumain ka muna!" Tawag sa akin ni Jack. Bigla naman nagningning yung mata ko ng makita kong maraming nakahandang pagkain don... tumakbo ako papunta sa may lamesa at narinig ko naman na nagtawanan sila.

"Grabe! Pagdating sa pagkain palagi kang excited!" - Dave.

"Haha! Si Aeris pa! Kahit gaano karaming pagkain ipakain mo jan! Uubusin niya yan!" Sabi naman ni Justin.

"Hoy! Ang sama niyo!" Sabi ko at umupo na sa sahig at nagumpisa ng kumain. "Hmmm~ ang sarap!" 

"Syempre ako nagluto niyan eh!" Masayang sabi niya at ako naman nabilaukan.

"O-oy Aeris! Okay ka lang?" Medyo tarantang tanong ni Harold.

"Tae kumuha kaya kayo ng tubig!" Sigaw naman ni Greg.

"T-t...u....bi....g!" Sabi ko at umubo pa rin! 

"Si George may kasalanan niyan eh!" - Dave.

"Ha?! Bakit ako?!" 

"Kung hindi mo sana sinabing ikaw ang nagluto, edi sana hindi siya mabibilaukan!" - Justin.

"Ha? Anong kunek nun?"

"Tanga! Malamang ayaw ni Aeris sayo! At dahil ikaw ang nagluto obvious naman na ayaw niya rin sa pagkain na luto mo!"

Nung nahimasmahasan na ako ay umayos ako ng upo. "Phew! Akala ko mamamatay na ako dun ah!" Sabi ko sabay hawak sa dibdib ko. "Ayoko ng kumain!"

"Sabi na eh! Ayaw talaga sayo ni Aeris!" Pangaasar ni Harold.

"B-bakit?! Masarap naman yung luto ko ah!" Wahaha. Kawawa naman ang Georgina! Inaapi!

Nagtawanan naman kaming lahat sa itsura niya! XD tawa lang kami ng tawa dito hanggang sa dumating si Master... Dart.

"Mukhang ang sasaya ng Darters ah." Nakangiting sabi niya kaya naman lahat kami umayos at sabay sabay na tumayo at nag-salute. Para bang soldier? Haha. Hindi, sign of respect lang namin yan. Nagsalute din siya at pagkatapos binaba niya rin ito kaya binaba na rin namin. Tumingin sa akin si Master Dart. "Kamusta na ang pakiramdam mo, Gaiah?" 

Gaiah... yan yung palagi niyang tinatawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero hinahayaan ko nalang siya.

"Okay na po Master." 

"Kaya mo na ba para sa susunod na misyon niyo ni Mors?This time seryoso na siya.

"Kaya na po." Nakita ko siyang ngumiti ng bahagya.

"Okay then, goodluck." Tumalikod na siya sa amin at nagsimula ng maglakad papunta sa room niya.

Para naman nabunutan ng mga tinik 'tong mga kasama ko. 

"Wew! Nakakatakot talaga si Master D!" - Justin.

"Oo nga eh! Pero gwapo siya ha!" - Greg.

Napatingin naman kaming lahat sa sinabi ni Greg. Nakakagulat! Totoo ba ang narinig namin?!

"O-oh teka! Bakit kayo nakatingin ng ganyan???" Puzzle na tanong ni Greg. Bwahaha! 

Hindi naman siya sinagot ng iba at parang umakto silang naiintindihan daw nila si Greg, at wag daw mag-alala dahil secret lang daw namin iyon. Hahaha! Kaloka talaga 'tong mga 'to! Nakakatuwa talaga kapag magkakasama kami eh! Parang wala ng bukas.

But of course kapag nasa misyon kami, seryoso kami at nakatuon lahat ng atensyon namin sa misyon.

Walo lang kaming lahat na Darters. Walo lang kaming lumalaban para sa hustisya at kaayusan sa mundo... kaya gagawin namin ang lahat para lang mahuli namin ang nag-umpisa ng gulong ito at lalong lalo na sa pumatay sa mga Papa ko.

At kapag nakita ko na ang walang hiyang pumatay sa Papa ko, sinisigurado kong magbabayad siya.



3 comments:

  1. pwEde pO bNg sUmaLi bLaNg bLacK daRteR pRa sIyaM n cLa,, hAhA.. aNg cUte Po ng uPdaTe niYO,, aNg kULetz Lang ni aERis ee,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayayayayayayay! Hehehe. maraming salamat pooooo!!! :)
      hmmm. salamat po ulit!!!! Hehehehe. xD

      Delete
  2. pwedeng ako rin para sampu na ung black darter.. hahaha.. ang kulit nila!..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^