Thursday, September 6, 2012

Friends Zone : Chapter 5

A/N: Ayan sabi ko hindi muna ako magpopost ng update..pero hindi ko kasi kayo matiis eh..saka hindi na din ako depress...wala namang mangyayare eh...papanget lang ako..bwahahaha...kaya ayan ieenjoy ko nalang ang sarili ko sa mga comment niyo...two updates pa ang ginawa ko...saka na ako magpapahinga kapag natapos ko na yung season 1 nitong Friends Zone...magpapahinga ako ng bongga..bwahaha.. so eto na..enjoy :)



[Paul’s POV]


We occupied the longest table. Tatlong mesa ang pinagdugtong-dugtong namin. Earl, Jhonah, Regine, Jeirick, Marky and Richelle seated at the right side of the table. Sa tapat naman nila ako, si Trace, si Gray. Yesha, Demi and Laxus. Nakakatawa kasi mukhang walang may balak magsalita sa kanila.


Ako na ang bumasag ng katahimikang dumaan sa amin.


“So ganito nalang tayo? Magtititigan? Sino kukuha ng order natin?”


“Dahil ikaw ang nagtanong, ikaw nalang” nakangising sabi ni Laxus. Gago yun ah. Masama na bang magtanong ngayon?


“Bakit ‘tol? Libre mo?” tanong naman ni Marky. Isa pang sira-ulo.


“Libre? Lol! Mas mayaman pa kayo sa akin eh” tanggi ko. Ako na ang kuripot.


Mula sa kinauupuan ay tumayo na si Earl.


“Ako na ang bibili” prisinta nito at biglang hinila patayo si Jhonah. “ Samahan mo ako” uy!!! Saya nito ah..hilahan porsyon…Sali naman..hehe..


“Ako? Bakit ako? Buong canteen ba ang bibilhin mo?” nakasimangot na sabi ng pinsan kong hindi mo alam kung babae o lalaki.


“Huwag ka na nga dyang maraming tanong. Sumama ka nalang” supladong sabi naman ni Earl at hinila na si Jhonah papunta sa pila.


“Mukhang nagkakasundo yung dalawa ah” puna ni Laxus habang nakatingin kina Earl at Jhonah. Looks like hindi lang pala ako ang nakakapansin nun.


Napangiti ako ng mapansing mukhang nagtatalo yung dalawa habang nakapila. Inaambahan pa ng suntok ni Jho si Earl. As if naman may laban siya sa laki ng katawan ni Earl.


“Si Earl lang naman kasi ang nakakatyaga dyan kay Jho eh” dugtong pa ni Laxus


“Kasi naman aminin niyo na sa ating lahat si Earl lang ang may kakayahang umiilag sa mga suntok at sipang pinapakawalan ni Jho” nakatawang sabi ni Marky.


Sumang-ayon naman kaming mga lalaki. Lahat kasi kami nakatikim na ng lupit niyan ni Jhonah.


“Pero since nandito na si Trace mukhang may isang tao pang kayang tapatan si Jhonah”


Bumaling si Jeirick sa mga bagong kakilala. Baka na-OP na sila.


“By the way I’m Jeirick and these are my friends Regine, Marky, Richelle, Paul, and Laxus. And those two over there are Earl and Jhonah.” Pakilala ni Jeirick sa amin.


Nagpakilala din naman sila sa amin.


“I’m Demi” pakilala nung babaeng maganda


“Bagay sayo ang name mo…Demi…Pretty….Lovely” puri ni Laxus habang nakatitig kay Demi.


“Hay naku nakipagflirt na naman siya!!!! Miss ingat ka dyan. Mahingahan ka lang niyan mabubuntis ka na” Richelle said as she roll her eyes.


“Grabe kang paminta ka ah..ano tingin mo sa akin impakto?” nakasimangot na sabi ni Laxus.



“Anong impakto ka dyan. Halimaw ka kaya” ganti naman ni Richelle.


Nauwi na naman sa bangayan itong dalawang ito. Parang ako at si Regine lang. hindi kaya may gusto sila sa isat-isa? World war ten yun kung ganun haha..


“Tumigil na nga kayong dalawa” saway ni Jeirick “Nakakahiya kayo may ibang tao”


“HmmffpppTTTt!!!!”


Napabuntong-hininga nalang si Jeirick at muling binalingan ang mga bagong kaibigan.


“I’m Lhieyesha Marietty…pinsan niya ako” turo nito kay Demi.


The girl looks so shy. Kabaligtaran ng pinsan nito.


“Ang haba naman ng name mo..masyado ka namang pinahirapan ng magulang mo sa pagsusulat ng pangalan mo nung bata ka pa…wala ka bang nickname?” tanong ni Regine.


“Yesha”


“Yun naman pala eh…so Yesha nalang ang itatawag namin sayo”


“Marietty? Ang kulit naman ng name mo…parang yung mascot sa Jollibee” tumatawang sabi ni Marky.


“Gago tol! Hetty yun” sabi naman ni Laxus.


“Magkatunong naman eh…ganun na din yun”


“I’m Gray” sabi naman nung lalaking brown ang buhok.


“May lahi ka ba?” tanong ni Richelle


“Anong lahi? Half German-Half Shepherd?” biro ko naman.


“Sira Tol! Baka lahing aswang” dugtong naman ni Marky.


Nakatikim tuloy kami ng batok mula kay Richelle. Ang sakit nun ah. Nakasimangot na hinawakan ko nalang ang ulo kong binatukan niya. Mga bayolente ang babae sa grupong ito. Nakakatakot.


“Magtigil nga kayong dalawa! Ang ibig kong sabihin eh kung may ibang citizenship siya”


“Ahh…linawin mo kasi”


Ngumiti naman si Gray. “I’m a half-filipino, half-turkish”


“I see…so that explains why your eyes are gray.nice” Tumatangong sabi ni Richelle. Mukhang nagkacrush pa yata sya kay Gray ah…


“Gray ang mata mo tol? Patingin nga” excited na sabi ni Marky at dumukwang pa sa mesa para matitigang mabuti si Gray. “ Oo nga noh? Ang galing”


“Elibs ka na naman tol!!!” pang-aasar ko naman sa kanya.


“kaya pala Gray ang name mo” so ganun ba yun? Kung anong kulay ng mata iyon dapat ang pangalan? Eh di dapat black ang pangalan ko.


“Hindi ba kapag mga Turkish mababaho? Kasi hindi sila naliligo?” tanong ni Laxus sakin? Pabulong. Sira talaga.

“Ewan ko..tanong mo sa kanya” pabulong din na sabi ko.


“And you are?” biglang baling ni Regine sa katabi ni Gray.


“Trace Bustamante” pakilala nito. Sa pagkakaalala ko eh ito yung yumakap kay Jhonah kanina eh.


“So how did you and Jhonah knew each other?” tanong ni Jeirick dito.


Ang tagal naman ng pagkain namin. Gutom na ako. >_< wala akong pakialam sa kanila..basta gutom ako…nakakapagod kaya magpractice.


“Member kami pareho ng taekwando club noong highschool. Mas nauna nga lang siyang maging member kesa sakin. Kasi nung pumasok ako sa club may rank na si Jonalyn” paliwanag nito.


“May relasyon ba kayo?” tanong naman ni Laxus. Adik itong lalaking ito kahit kelan. Kapag narinig siya ni Jhonah malamang nabugbog na naman ito..hehe.


Saktong dumating naman sina Earl at Jho bago pa makasagot si Trace kasunod ang isang crew na may bitbit ng order nila. Kawawang nilalang. Nasungitan yata ni Earl dahil halatang takot eh.


“So what did we miss?” tanong ni Jhonah ng makaupo.


“Nothing. They just introduce their selves” sagot ni Regine at ipinakilala sa dalawa ang mga bagong kakilala namin. Isa-isa namang nilantakan na ng iba ang pagkaing nasa mesa. Kabilang na ako dun..hehe.


“Tol ang bait mo talaga…nanlibre ka pa” puri ni Marky kay Earl habang ngumunguya ng sandwich.


“Ngayon lang yan. Bukas may bayad na iyan” seryosong sabi naman ni Earl.


Natawa nalang kami. Kahit magbiro seryoso pa din. Poker face >_<


* * *


[ Regine’s POV]


Eversince the day na makilala namin sina Trace eh madalas na namin silang makasama sa grupo. Tinanggap na din namin sila bilang myembro ng unofficial group na ito. Unofficial dahil wala naman kaming pangalan at hindi ko naman masasabing magkakaibigan nga kaming lahat talaga…parang friends of friends kasi ang nangyayare eh.  Okay naman silang lahat. Halos magkakasundo naman. Maliban na nga lang kay Demi dahil lumalabas ang pagiging spoiled brat nito paminsan-minsan.


“Malapit na ang debut ko” imporma ko sa kanila. Naroon kami sa official tambayan namin. Unofficial group kami pero may Official kaming tambayan..hehe..ayos diba?  Ang bahay ng magkapatid na Madrigal. It was a fine Saturday Afternoon. Napagpasyahan namin na magkaroon ng swimming party. Wala lang trip lang nila. Sila lang kasi hindi ako kasali. Ayoko kayang magkasunburn.


“Next month na nga pala iyon noh? May plano ka naba?” tanong ni Richelle habang nagbubuklat buklat ng mga magazine.


“Yup. Si mommy ang nag-organize eh. Ang tanging iintindihin ko nalang daw eh yung mga guest na iimbitahin ko.”


“hoy! Teka bakit hindi tayo kumpleto?” mula sa pool ay biglang sigaw ni Marky. Parang tagabundok lang? naputol tuloy ang chikahan moment namin ni Richelle.


Umahon naman sa pool si Paul. Parang naging slow motion ang naging pag-ahon nito.


Marahang hinawi pa nito ang basang buhok nitong tumatabing sa mukha niya. Para siyang isang Greek God na bumaba sa lupa.


“Tol!!! Ang macho mo naman!!! Pakiss nga” narinig kong biro dito ni Trace at inuumang ang nguso dito dahilan para tumawa ang lahat.


Now playing: This guy’s inlove with you pare

This guy's in love with you pare,
This guy's in love with you pare
This guy's in love with you pare
Bading na bading sayo...


Teka nga!!!! Ano ba itong sinasabi ko!!! At bakit tinititigan ko ang manyakis na lalaking iyon?!!! Hindi pwede ito! Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Baka mamaya magkasore eyes pa ako. Si Jeirick lang dapat ang tinitignan ko. Pero kasi naman eh..nasaan ba si Jeirick? Sayang hindi ko tuloy siya mapagnasaan. Hehe…ang manyak ko lang eh.


“Now that you mention it kulang nga tayo…nasaan sina Jho at Jeirick? Sila pa naman ang may-ari ng bahay sila pa ang wala dito. Saka asan na yung pinsan mo Yesha?” nagtatakang tanong ni Laxus.


“Hindi ko nga alam eh…nauna siyang umalis sakin.”


“eh yung magkapatid nasaan?”


Bilang sagot sa tanong ni Laxus siyang pasok naman ni Jhonah.


Natawa ako ng mapanganga ito dahil sa gulat.


=====


[Jhonah’s POV]


Pagpasok palang ng gate ay naririnig ko na ang ingay ng mga barkada ko. Kaya I’m sure nandito na naman sila. Ang sabi nung maid nasa pool area daw sila kaya dun na ako dumiretso. Galing kasi akong bundok eh….nakakapagod…pero joke lang..sa kabilang kanto lang ako galing. May garage sale kasi dun kaya naisipan kong dumaan baka sakaling may mabili ako kaso wala akong nagustuhan eh. Oo…mahilig ako sa mga garage sale..pakealam niyo ba?


Ganun na lang ang gulat ko ng madatnan ang eksena sa likod ng bahay namin. Ang mga hinayupak ay ayun sarap na sarap sa paglangoy. Anong tingin nila sa bahay namin resthouse???


“Hoy!!!! Sinong nagsabing maghubad kayo?” sigaw ko sa kanila. Halatang nagulat naman sila sa pagdating ko.


Ang mga magagaling na lalaki ay nakaboxer shorts lang na hindi yata boxer short kundi boxer brief dahil sobrang iksi at kipot.. topless. sana naghubad nalang sila. At ng may mapagkakitaan pa ako. Ibebenta ko ang mga litrato nila sa isang bold magazine…bwahahahaha…eh di yumaman pa ako..kaso may bibili naman kaya??? Wala siguro..wag na sayang pa ang battery ng camera ko. Mabuti pa ang mga girls bukod tanging si Richelle lang ang nakaswimsuit. Buti nalang at one-piece ang suot niya dahil kung nagtwo piece yun baka kinalbo ko siya. Sina Regine at Yesha ay nakaupo lang at mukhang walang balak makijoin sa “little party” nila.


“Natural nagsuswimming kami eh..alangan namang magbarong kami” sarkastikong sabi ni Laxus.


Antipatiko talaga yun kahit kelan.


“buti nga boxer shorts pa ang suot namin at hindi trunks eh” segunda naman ni Marky.


“Boxer shorts ba ang tawag niyo dyan sa suot niyo ah? Sana naghubad nalang kayo”


“gusto mong maghubad kami ha?” pang-aasar ni Trace at hinawakan ang garter ng suot na boxer short at akmang huhubarin.


“Gago ka Trace!! Ang manyak mo!!” sabi ko at agad na tumalikod. Kanina ang lakas ng loob kong sabihing sana naghubad nalang sila hindi ko naman pala kayang Makita silang nakabold…Jusko po hindi ako si Regine..malinis ang utak ko.


“Utang na loob ah virgin pa mga mata ko” sabi naman ni Yesha at tinakpan ang mga mata…butas naman.


“hay naku ang tagal…kung maghuhubad ka maghubad ka na” pang-aasar naman ni Richelle. Luka-luka itong babaeng ito ah. Bugbugin ko siya eh.


“speaking….ngayon ko lang napansin na ang sexy pala ng suot niyo” tumatawang sabi ni Regine. Adik lang kanina pa siya nandito eh ngayon niya lang napansin?


“Naiilang nga ako eh” sang-ayon naman ni Yesha


“grabe kayo…hindi niyo man lang kami binigyang pansin..hindi niyo ba alam na biyaya sa kababaihan itong katawan namin” napapailing na sabi ni Trace.


“Biyaya sa kababaihan??? Nasaan???” pang-aasar ni Richelle at tinitigan pa talaga si Trace. Ang manyak din nito eh. Magkaibigan nga sila ni Regine.


“Wala naman kasi sa inyo si Jeirick eh kaya bakit ko kayo papansinin” sabi ni Regine at tinalikuran na ang mga ito. Boom!!! Lupet mo bespren!


“Ang sama nito…bugbugin ko yung Jeirick mo at aapakan na parang ipis eh.….hoy! Jonalyn bakit ganyan ka makatingin ha!!! Pinagnanasaan mo kami noh!!! Bakla ka ba!!!!” akusa ni Laxus at tinakpan ang katawan. Adik lang nasa pool kaya siya malamang hindi ko matitigang mabuti katawan niya. Saka hindi naman siya ang tinitignan ko eh. Feeler much!


“Kung ibang babae ang titingin ng ganyan iisipin ko nang-aakit siya” naiilang na sabi ni Marky.


“kaso hindi naman babae yang si Jho kaya hindi mang-aakit iyan. Unless bading ka Jonalyn!” pang-aasar naman ni Paul.


“Type mo ba kami?” biro ni Trace


“Mga ambisyosong froglets kayo alam niyo yun? Kaya ko kayo tinitignan kasi ngayon ko lang narealized na si Gray pala ang pinakagwapo sa inyo…si Paul ang pinakamacho at si Earl ang may pinakamalakas ang appeal.” Sabi ko sabay tawa. Oo yun ang pinagkakaabalahan kong gawin habang nakatingin sa kanila.


“Hanep ka Jho napansin mo pa yun?” tumatawang sabi din ni Richelle. “So kung ikaw ang mamimili ng lalaki sa mga iyan sinong pipiliin mo?”


Kunwari naman ay nag-isip ako. Ganyan kami kalakas mantrip ni Iche.


“since hindi naman ako interesado sa mga lalaki…iisipin ko nalang mga pagkain sila…at ang pipiliin ko ay si……..”


“pagkain talaga ah?” natatawang sabi ni Yesha.


“sino nga?”


“….si Gray…feeling ko kasi ang sarap niyang kainin…bwahahaha” teka nga nahawa na ako talaga sa kamanyakan ni Regine eh…ito ba ang napapala ko sa pagsama-sama sa kanya??? Dapat na siguro akong magpabendisyon sa pari.


“Si Gray ang nanalo!!!!!” sigaw ni Richelle. Ang lakas talaga ng trip namin. “congratulations Gray..pwede mong i-claim ang prize mo just bring valid Id..haha”


“Ahh ganun??? So parang sinabi niyong panget at wala kaming appeal ganun??” tanong ni Laxus in a very dangerous voice at umahon ng pool.


Agad ding sumunod na umahon sina Marky at Trace. Bigla namang lumayo si Richelle dahil pakiramdam nito ay may mangyayaring kakaiba.


“Wala akong sinabing ganun. Ikaw ang nagsabi niyan and I’m just stating my opinion since it’s a democratic country.”


“Whatever Jho” lumapit na sina Marky, Trace at Laxus sa akin at walang anu-ano’y binuhat ako at inihagis sa pool. Dahil nagulat ay napahawak ako sa kung sinong malapit sa akin na nagkataong si Regine. Hinawakan naman ni Regine si Yesha…nabunggo naman nito si Richelle kaya ang nangyari ay sabay-sabay kaming nahulog sa pool.


“Halps!!!!” dahil nakapantalong maong ako ay mas nahirapan ako kesa sa kanila.


Mga luko-luko ang mga ito.


Nagulat nalang kaming lahat ng biglang tumawa si Earl. TUMAWA ang taong hindi marunong ngumiti.


“Did Earl just laugh?”


Pinagtatawanan niya ang kamiserablehan ko??? Grrrrrr!!!!


* * *



8 comments:

  1. mAy sUmtHing dIn kiNa LaxUs at riCheLL,, hiHi,, LaGi cLa nag-aAwAy pRang CnA pAuL LnG,, pRo nTwa tLgA akO kiNa pAuL at tRace,, siNmHan pa ng soNg n diZ guy is inLove wid u, aNo k b reGine, PaUL is in LuV wid, at mKhaNg mpo-pAuL (faLL) kn riN skNya hWeHeHe,, uy 2mWa n rin si eArL,, bgO un ah,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..oo nga noh? sana ma-PAUL na si Regine..hahaha

      Delete
  2. grabe!!! tawa much talaga! sobrang kulit nila!! to the max! high ata ang mga to eh.. haha mgkaka world war 100 pa ata pagpinagsama sila richelle at laxus!! haha

    wala bang picture habang nagsiswiming sila? para pagnasaan nman natin.. haha!.. nahawa na ata ako sa mga manyak na to.. ngtakip pa si yehsa,mei butas nman! haha

    tumawa si earl!!! that's a first.. naging super high level na siguro ung kagwapuhan nya!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hay naku bhebhe...inlove na inlove ako kay Earl..hahaha..kaya walang pwedeng umangkin dun haha

      Delete
  3. Ate demi, nahawa na kasi ako sa kamanyakan ng new friends natin eh! Kaya nung nagtakip ako, may butas !haha

    .once in a life time lang kasi yun, papalagpasin ko pa ba?hehe:D

    .at saka tama ka ate demi, dapat may pic sila habang nagsu-swimming, para enjoy!haha!

    Infairness din naman, sama-sama kaming nahulog sa pool! Si ate regine kasi! Hinawakan pa ako!haha!^^v

    -yesha

    ReplyDelete
    Replies
    1. bwahahaha...sina Richelle at Regine lang ang manyak dito...nahawa lang din ako..hahaha..

      naku naman...mukhang naexcite din ako sa swimming moment na iyon ah..makapaghanap nga ng picture nila..haha

      Delete
  4. ganda ganda po ate!!! super tlga!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^