Tuesday, September 25, 2012

Friends Zone : Chapter 11


[Childhood]
[Jhonah’s POV]


Sinag ng araw ang gumising sa akin. Agad akong nagtakip ng mukha gamit ang paborito kong unang si Spongebob. Antok na antok pa ako. Gusto ko pang matulog dahil halos madaling araw na akong umuwi mula sa debut ni Regine. Tapos hindi pa din ako nakatulog kaagad kasi feeling ko may nangyare na hindi ko alam. Kahit anong isip naman ang gawin ko wala din.


Ibinalot ko ang sarili ko sa comforter at muling bumalik sa pagtulog.


“Hey! Wake-up sleepy head” narinig kong sabi nung boses na sa pagkakaalam ko eh si kuya Jeirick. Siya siguro yung nagbukas ng kurtina sa kwarto ko.


Mas lalo kong ibinaon ang sarili ko sa ilalim ng comforter. Naalala ko na iniwan niya pala ako kagabi sa mga kuko ni Mister Sungit. Ayoko siyang pansinin. Nagtatampo ako sa kanya eh.


“Hey!!! Wake up!! Wake up!!!” pangungulit nito at pilit hinahaltak ang comforter na nakatakip sakin.


Mas diniian ko pa ang pagkakahawak ko. Mistula kaming naghihilahang dalawa.


“Go away!!!” sigaw ko mula sa ilalim ng comforter.


“bangon na!! tanghali na oh!”


“I said go away!!!”


Tumigil naman si kuya sa paghatak ng comforter. Naramdaman kong lumundo ang kama ko. Ibig sabihin may humiga sa tabi ko.


“kitty…galit ka ba sakin?” narinig kong tanong ni kuya.


Natigilan ako sa sinabi niya.


“Kitty”


Matagal ko na ding hindi narinig ang tawag na iyon. Bata palang ako nun..i guess nasa 5 or 6 years old palang yata ako. Iyon ang itinawag sa akin nina kuya at Earl dahil para daw kasi akong pusa. Maamong tignan pero mailap. Pero mula ng “magdalaga” ako hindi na ako tinatawag ng ganun ni kuya.


“Wag ka ng magalit oh”


“Iniwan mo ako kagabi. Pinabayaan mo ako kay Earl palibhasa nagkagirlfriend ka na”


“Ha? Pinabayaan kay Earl? Yun ba ang sinabi niya sayo?”


“Oo. Sabi niya kinausap mo daw siya na siya na ang maghatid sakin dahil ihahatid mo pa si Princess Demi sa bahay nila”


“Siraulo yun si Earl ah..samantalang siya nga itong…..hay naku…oh sige sorry na”


“Tse!”


“Libre kita ice cream..bangon na”


Pagkarinig ng salitang ice cream ay agad akong bumangon.“Talaga???Wala kang date?”


“Yung little sister ko muna ang date ko”


“Ayyyiiieeee…sige” sabi ko at yumakap kay kuya.


“Okay…bilisan mo hintayin kita sa sala…saka magmumog ka muna…ang baho mo..” sabi nito at lumabas na ng kwarto ko.


“Hindi naman ah” sabi ko sa sarili ko at inamoy ang sarili kong hininga.


***


[Demi’s POV]


Flashback…
Araw ng pagpunta sa Enchanted Kingdom…


“Yesha..okay na ba yun suot ko?”


I’m wearing a red orange shirt with white belt and maong short shorts. What I saw in the mirror is a very beautiful lady. Kahit alam kong maganda ako syempre gusto ko pa ring marinig na sabihin sakin iyon.


“Yup.Bagay sayo”


“I know”


Sakto namang narinig namin ang busina sa labas. Nandito na si Jeirick!!! Agad akong nagtatakbo pababa sa malapalasyong bahay namin. Na walang ibang nakatira kundi kaming dalawa ni Yesha at mga maids.


“Jeirick!!!!” tawag ko pagkakita sa kanya sa salas.


Well…he really looks handsome talaga. Wait….bakit kasama niya iyang si Regine?? Nagkaroon ng bacteria ang bahay namin. Mabilinan nga ang mga katulong na mag-spray ng insecticides mamaya.


Hindi ko nalang siya pinansin. Looks like amazed na amazed siya sa bahay namin. Well…ganyan talaga ang mga rich kid. Palibhasa average lang siya unlike me.


“sorry kung naghintay kayo ah” nakangiting sabi ko pero kay Jeirick lang talaga ako nakatingin. Wala akong pakialam kay Regine. Eh ano kung celebration ito ng birthday niya..hindi naman siya ang reason kung bakit sumama ako eh.


“Okay lang..let’s go? Nagpaalam ka na ba sa parents mo?”


Parents??? Nasaan na nga ba ang parents ko??


“Oh…they’re not here. Nasa London sila eh…you know business”


Matagal tagal na din pala mula nung huli kong makita sina Mommy at daddy. Puro nalang kasi business ang iniintindi nila. Well…wala na din naman akong pakialam. Nasanay akong puro maids at si Yesha lang ang kasama ko. Ultimo birthday ko hindi ko sila nakakasama. Nagpapadala nalang sila ng regalo. Expensive gifts na sa tingin nila ay gusto ko. Siguro nga kahit sabihin ko sa kanila na bilhin ang buong Riverdale Vista eh gagawin nila. Ganun kayaman ang family ko.


Pero hindi naman iyon ang gusto ko eh..


Lumabas na kami ng bahay. Akmang sasakay si Regine sa passenger seat ng kotse ng pigilan ko siya. Hindi naman yata ako makakapayag na mgkatabi sila ni Jeirick.


“Pwede bang dyan nalang ako sa may harap umupo. I don’t want to seat at the back eh” sabi ko sa kanya.


“Hindi ba dapat ang mga Prinsesa sa likod umuupo?” sarkastikong sagot naman niya sakin.


So...this girl knows na hindi ko pala siya gusto. Well...we could play a game...mukhang hindi rin niya ako gusto...nagkamali lang siya dahil ako ang kinalaban niya.


Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Pathetic…tsk!


“You think you can win against me?” sabi ko ng may nakakalokong ngiti sa labi.


I was born to get whatever i want. At hindi isang tulad niyang peste sa paningin ko ang sisira sa reputasyon kong iyon.


Akmang sasagot siya ng bigla ko siyang unahan. I found a better way to win against her.


“bakit ka ba ganyan? Ano bang ginagawa ko sayo? I’m just trying to be nice to you naman ah...alam ko namang hindi mo ako gustong mapabilang sa grupo niyo eh.. ipinagsisiksikan ko lang ang sarili ko sa inyo” arte ko at nagkunwaring maiiyak. Itinakip ko pa ang mga palad ko sa mukha ko para effective.


Halatang naguguluhan siya sa inasal at sinabi ko. Pero sorry ka nalang girl..i know well how to play sa paraang mananalo ako.


“Hey, what’s wrong?” tanong ni Jeirick ng makalapit sa amin. At dahil nakatalikod si Regine at ako ang nakaharap kay Jeirick mas nauna ko siyang makita.


Lumapit ako kay Jeirick at nagsusumbong na yumakap.


“Ayaw niya sakin Jeirick...dapat daw hindi na ako sumama sa inyo” sumbong ko habang nakasubsob sa dibdib ni Jeirick.


Ang mga lalaki..parepareho lang iyan...ayaw makakita ng babaeng umiiyak..at kapag may nakita silang umiiyak na babae..ang first instinct nila eh ipagtanggol ang babaeng iyon.


“Redge...wag naman ganun” saway nito kay Regine.


Halatang nasaktan siya dahil ako ang kinampihan ni Jeirick…sorry ka nalang girl dahil hindi ka mananalo sa akin when it comes to men. I know very much how to deal with them.


Hindi nalang sumagot si Regine. Tahimik na pumasok nalang siya sa backseat ng kotse. Panalo pa din ako.


Mula sa rearview mirror ay tinignan ko siya. Pansin kong nakatingin din siya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay….declaring war…hahahaha!!!


***


[Laxus POV]


Present time…


Alam mo yung feeling na ang sarap sarap ng tulog mo…nasa dreamland ka with a very beautiful lady…handa na kayong magkiss under the beautiful sunset….ayan na…malapit na….


..tapos may istorbong alarm clock na gigising sayo!!!


Badtrip talaga!


Grasya na naging bato pa…asar lang.


Bumangon na ako sa kama. Dahil sa pagtayo ko eh nahulog yung kumot na tumatabing sa katawan ko revealing my-oh-so-sexy-hot-naked-body.


Nakahubad talaga ako kapag matutulog. All the way..as in walang suot kahit ano. Mas kumportable kasi akong matulog ng ganun and besides dalawa lang naman kami ni daddy dito sa bahay…wala yung mommy ko matagal ng lumayas. Nakunsumi sa tatay ko eh.


I walked at the bathroom in my room. Para akong si Adan na naglalakad ng hubad sa paraiso ng Eden. Nasaan na ba yung Eba ko?


“Tama yan Laxus bolahin mo ng bolahin ang sarili mo” saway ng utak ko.


Pagpasok ko sa banyo ay agad akong humarap sa salamin at pinagmasdan ang katawan kong biyaya sa kababaihan. Normal na gawain ko na sa umaga na hangaan ang katawan ko. Ang vain lang noh?


“Oh ano?? Naaakit ka na naman sakin? Pinagnanasaan mo na naman ako?” kausap ko sa litratong nakadikit sa ibabaw ng salamin.


Sino yung nasa picture?? Secret…ayoko ngang sabihin kasi idadaldal niyo sa iba eh..basta crush ko yun…super crush ko..sekreto walang clue kung sino.


“eh kasi naman eh kung pinapansin mo ba naman ang kagwapuhan at kamachohan ko hindi mo na ako kailangang pagnasaan ng ganyan”


Napabuntong-hininga nalang ako. Nadedepress na naman ako ang aga-aga. Minabuti ko nalang na magshower na at baka mawala itong init ng katawan ko..hehe..ang manyak lang noh?


= = =


After 10 years natapos din ako magshower…joke lang mga 1 hour and 45 minutes lang naman. Ganun talaga ako katagal maligo. Maarte ako sa katawan eh..daming kaek-ekan..hehe


Lumabas na ako ng banyo. Ganun nalang ang gulat ko ng makita ko sa loob ng kwarto ko si Richelle. Prenteng nakaupo sa harap ng computer ko.


“Hoy!!! Anong ginagawa mo dito?” sigaw ko at naghanap ng pupwedeng ipangtakip sa hubad kong katawan. Kaso wala akong makita dahil yung tuwalya ko eh inuupuan ng luka-lukang babaeng iyon.


Kinuha ko nalang yung unan ko at iyon ang ipinangtakip ko sa “private part” ko habang nakatayo sa isang sulok ng kwarto.


“Lumabas ka nga” sigaw ko. Super siksik talaga ako dun sa sulok. Animo takot akong marape.


Itinigil ni Richelle yung paglalaro sa harap ng computer ko. Nakalimutan ko na namang i-off yun. Tsk! At tumingin siya sakin.


“ang arte nito” sagot ni Richelle at inihagis sakin yung tuwalya at muling tumingin sa computer.


Sa pagtangka kong abutin yung hinagis niyang tuwalya sakin ay nabitawan ko yung unan na itinatakip ko “dun”


“Hoy Laxus---“ napatigil din si Richelle sa pagsasalita. Eh kasi naman bigla siyang humarap sakin hindi ko pa nadadampot yung tuwalya. Exposed tuloy si “junior” ko.


Parang dumaan yung “freeze” moment sa aming dalawa. Siya nakatingin sakin, ako hindi ko alam kung uunahin ko bang damputin yung tuwalya o takpan yung “private part” ko.


Mas nauna akong nakabawi. Agad kong dinampot yung tuwalya at nagtatakbo papasok sa banyo. Katapusan na yata ng mundo. Sana lamunin na ako ng lupa.


***


[Demi’s POV]

Flashback…
Location : Enchanted Kingdom


Nandito na kami sa Enchanted Kingdom. Sa totoo lang ayoko talagang pumunta dito. Naaalala ko kasi yung huling beses na nagpunta kami dito kasama ng parents ko. Iyon kasi ang huling beses na nakasama ko sila. After nun naging busy na sila sa business nila.


“Anchor’s Away tayo” yaya nung mga boys. Syempre sunuran naman sila. Pero pansin ko nung pagdating namin dito sa EK eh nagpaiwan sa likod sina Regine pati yung dalawang barkada niyang girls…ano naman kayang pinag-uusapan nila? Baka naman sinusumbong na ako ni Regine?? HMmm…sumbungera much.


Hindi ako sumama sa kanila nung sumakay sila sa Anchors Away…Takot kasi ako sa Heights eh…pero super kilig naman ako nung nagpaiwan din si Jeirick para samahan ako..kahit na hindi ko sakyan lahat ng rides dito okay lang basta siya yung kasama ko.


After nila sa Anchors Away eh magtatry pa yata sila ng ibang game pero nagulat nalang ako ng hilahin ako ni Jeirick palayo sa grupo.


“saan tayo pupunta? Baka hanapin nila tayo” sabi ko..pero sa totoo lang wala naman akong pakialam kahit na maghanap pa sila.


“eh ayaw mo naman sumakay sa mga rides diba? So libutin nalang natin itong EK..wag na tayo sumakay sa rides”


“sasamahan mo ako? Okay lang sayo?”


“Oo naman..ako yung nag-invite sayo dito eh”


“Hindi ba nakakahiya sa kanila?”


”Hayaan mo na yung mga iyon..malalaki na iyon…so tara?”


“Sure”


So ayun nga ang nangyare…naglibot nalang kaming dalawa ni Jeirick sa EK..nagtry ng mga foods dun saka naglaro sa may parang archade…nakakatuwa kasi nakakuha si Jeirick ng malaking stuffed toy na bear.


“Talaga? Akin na ito?” tuwang-tuwang sabi ko


“Yup.wala naman akong ibang pagbibigyan eh”


“Eh yung kapatid mo?”


“Hay naku hayaan mo yun..for sure makakakuha din iyan ng ganyan..madami pa…expert yun eh..hehe”


“Ganun ba? Ang galing naman…thanks Jeirick ah”


“wala yun…ako na magdala baka mahirapan ka” sabi niya at akmang kukunin sakin yung teddy bear.


“wag na..ako nalang…hindi naman mabigat eh..saka natutuwa ako eh…first gift mo sakin ito..kahit na hindi ko naman birthday”


“Wag kang mag-alala hindi iyan ang magiging last gift mo sakin” nakangiting sabi ni Jeirick na syempre ikinakilig ko naman. “Ano nga palang ipapangalan mo dyan?”


“Pangalan? Hmmm ano nga ba?” sabi ko at nag-isip..pero wala talaga akong maisip na pwedeng ipangalan eh.. “sasabihin ko nalang sayo kapag may naisip na ako..hehe”


“Sige”


***


[Richelle’s POV]

Present time…


Daig ko pa ang nakakita ng ahas na hindi ako makagalaw o makakurap man lang sa takot na tuklain ako bigla…Pero gosh…ahas nga yata ang nakita ko eh.. kung hindi pa naunang makabawi si Laxus eh hindi pa rin ako makakakilos.


Eh grabe naman kasi ikaw ba naman makakita ka ng “live show” sa harapan mo ewan ko kung hindi ka matulalang tulad ko. Natauhan nalang ako nung pumasok na si Laxus sa loob ng banyo.


Teka nga..bakit nga ba ako nandito? At anong ginagawa ko sa kwarto ni Laxus?


Mabalik tayo ng ilang minuto….


“Laxus???” tawag ko pagkabukas ko ng kwarto niya. Pero walang tao..nakakalat pa nga sa sahig yung kumot niya. Kakagising lang siguro. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo kaya siguro nandun siya.


Minabuti kong pumasok nalang sa loob ng kwarto niya at pakialaman ang nakabukas na PC niya.


“Uy ayos ito ah….Wattpad??? hindi ko alam mahilig pala sa ganito si Laxus..infairness hindi halata” Browse browse onti…lipat dito…lipat dun…ay naku nakakasawa. Mag angry birds nalang ako.


“Tagal naman maligo nung lalaking iyon” nakakalevel 10 na ako wala pa din si Laxus.


Siguro nagtataka kayo kung anong ginagawa ko dito sa bahay niya noh? Wag kayong maingay magnanakaw ako eh..hehe..joke lang…Dyan lang ako nakatira sa tapat ng bahay…Oo..yung magandang bahay dyan sa tapat amin yun.. imaginin niyo nalang.. saka ewan ko kung nabanggit ba nung author nito na mag kinakapatid kami ni Laxus…gulat kayo noh? Isang malaking sikreto lang yun… saka si Laxus ang unang “bestfriend” ko.. pero matagal na iyon…mga bata palang kami nun na walang muwang sa kaguluhan sa mundo…hahaha ang lalim..saka hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng “bestfriend” Pero bago ko pa makilala sina Regine at Jhonah…kaibigan ko na si Laxus. Mabait naman yang si Laxus eh..minsan nakakairita lang talaga..


Tapos na ang ilang minuto…


Natauhan ako ng magtatakbo si Laxus papasok sa banyo..hindi ko naman sinasadyang mabosohan siya eh..malay ko ba namang magbobold siya dito sa kwarto niya. Sabagay..matagal na din mula nung huli akong makapsok dito sa kwarto ni Laxus…pero halos wala pa ding pagbabago eh..maliban na nga lang sa iba na ang mga nakadikit na poster sa dingding..kung dati puro cartoons.. ngayon puro posters ng rockband na yung nandito.


“Laxus…” tawag ko mula sa labas ng banyo.


“Umalis ka na nga” sigaw naman niya. Ang arte talaga..akala mo babaeng ninakawan ng puri kung makareact…


“wag ka ngang OA dyan….para nakita ko lang naman eh..hindi ko naman hinawakan…lalong hindi ko naman kukunin yan sayo” pang-aasar ko pa lalo. Ang adik ko lang din eh.


Napaatras ako ng biglang may kumalabog sa pinto ng banyo. Ibinato na siguro ni Laxus yung toilet bowl sa asar sakin.hehe.


“wag ka ng maarte okay? Ikukuha nalang kita ng damit mo” naglakad ako papunta sa cabinet niya.


“Lumabas ka na!!!”


“Ayoko nga…boring sa bahay” bale-walang sagot ko at binuksan yung cabinet niya. Infairness ah..maayos yung mga damit niya. “ano bang isusuot mo?”


“ako na ang bahala dun..lumabas ka na ng kwarto ko..kababae mong tao nagpupunta ka sa kwarto ng lalaki”


“sanay na sakin ang mga tao dito sa bahay niyo..saka wala yung daddy mo…tapos sina Manang namalengke” sagot ko.nakasalubong ko kasi kanina nung papunta ako dito sa bahay nila Laxus.


“Eh di mas lalong di ka dapat nagpupunta ditto. Sira ulo ka ba talaga!!!”


“Hindi ka ba napapagod? Sigaw ka ng sigaw dyan. Mamaya isipin pa ng makakarinig sayo nirerape na kita” pang-aasar ko pa at lumapit na sa pinto ng banyo bitbit yung mga kinuha kong damit ni Laxus sa cabinet niya…syempre kasama na yung underwear niya dun. Adik lang kasi hindi pa dinadala pagpasok sa banyo. “Buksan mo na yang pinto..eto na damit mo”


Binuksan naman ni Laxus yung pinto ng banyo at pabalibag na isinara. Muntik pa nga akong maipit eh. Bumalik naman ako sa harap ng computer.


“Pesteng baboy ito hindi pa mamatay matay” nang-gigigil na pinindot ko ang mouse.


Bigla nalang may unang humampas sa mukha ko. Paglingon ko ay nandun na si Laxus. Disente na siya kasi may damit na siya.


“kadiri ka!!! Ipinantakip mo sa ano mo yang unan na yan tapos ihahampas mo sa mukha ko..yuck lang ah”


“Yuck ka dyan! Sinong nagsabing pumunta ka dito sa kwarto ko ha?!”


“Si Manang” ayun namatay din yung pesteng baboy.


Pinulot ni Laxus yung mga gamit niyang nakakalat sa sahig. Mabuti naman. Akala ko ako pa ang paglilinisin niya eh.


“bakit nandito ka?”


“Boring sa bahay…sira yung PC ko..ayusin mo nga”


“kapal ah..bakit hindi ka nagpunta kina Jhonah? Or kina Regine kaya at ng di ako ang ginugulo mo” sabi nito at inabot sakin ang isang balot ng chips…hehe sabi ko na may itinatago yan dito sa kwarto niya eh..adik sa chichiria iyang si Laxus eh.


Binuksan ko naman ito at sinimulang lantakan.


“Wala si Jhonah sa bahay nila eh..umalis daw sila ni Jeirick..nagdate yung magkapatid. Si Regine naman hindi sinasagot yung phone…baka hindi pa nakakauwi yun mula sa hotel..kaya no choice ako”


“grabe ka naaalala mo lang naman ako kapag no choice ka na eh”


“Ang epal ah..lagi naman tayong nagkikita ah…sa school…sa barkada..anong inaarte mo dyan?”


“sinong nagsabing umaarte ako? Hindi kaya”


“Weehh” naks! Level 15 na ako..sisiw!! “ Laxus..”


“Oh?”


“anong size nyan?”


“tarantado ka” sabay bato sakin ng unan.


***

9 comments:

  1. dLawa ikOcomMeNt ko diTo daHiL dLaWa aNg nRaRamdaMan q,, uNa muNa unG s POv ni deMi,,, ay naKaKaimbyerNa tLga xah aTe,, aNg maLdiTa muCh LaNg,,, e kUng paTuLaN kYa xaH ni reGine s waR na sinaSbi nia,,, kxO wLa s chaRacter nia un kxE gud gURL si aTe dtO,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama..mabait si Regine dito...kahit na dito lang..bwahahaha!!!

      si Demi ang "resident villain" hehe..

      bida-kontrabida siya eh..

      Delete
    2. anong klaseng kaibigan ka!!! binubuking mo naman na sa kwento lang ako pwedeng maging mabait eh!!! ahahahahahaha XD... pero kidding aside, kung sa totoong buhay yan, nawalangya ko na siguro yung character ni demi. war pala ha, makapag-transform nga bilang princess bethany! lol!!!

      pero dahil relate ako sa ugali ni demi, ang nakikita kong mangyayari saamin, mag-away kami pero sa huli maging bestfriends pa kami niyan! ganun kasi lahat ng nagiging kaibigan ko in real life. kaaway ko sa umpisa! ahahahahahahaha!!!

      at nakanang-tuts si richelle!!! lumilevening kay laxus! ahahahaha!!! nakow, eh diba si laxus partner ni jiyeon yan? tama ba ako? nakakaamoy ako ng wagas na love square dito!!! ahahahaha!!!

      Delete
    3. hahaha..ewan ko nga ba at ang hilig kong guluhin ang lovelife ng mga character ko..haha..

      basta akong bahala jan kina jiyeon, laxus, trace at richelle..

      ako lang ang dapat matino ang love life dito hahaha...

      -ganun talaga sis...dapat mabait ka naman dito...para fair diba? ikaw naman aapihin namin.,,,haha.. *peace*

      Delete
  2. at saBi ko n ngA magkAkasUmthing sinA riCheLLe at LaXus,, umPisa pa LNg duN sa mgA awaYan niLa,, aNg cuTe n nun,,, naKu paNo si trAce niAn,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. waahhh!!! salamat :)

      pinagbibigyan ko lang si Richelle sa gusto niya..hehe..gusto daw niya na habulin siya ng mga boys eh..haha..

      Delete
  3. mei season 2 nah!!! ngayon ko lang nakita toh!! late na tuloy ako..

    ang sweet nman ng magkapatid! i wish i had a brother like him.. "praising myself" ang drama ko rito.. hahah..

    oh my gosh!! nakita ni ate yung totoot ni laxus!! hahahah.. naku,hindi na virgin ang mga eyes ni ate richelle!!haha.. oh?hndi na kailangang mamboso ng patago.. haha ang cute nila!! as in..

    wuaahh!! ang sweet ni jeirick mylabs ko!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...sis..ikaw na ang mag-isip ng gusto mong ipangalan sa stuff toys mo ha...

      Delete
    2. talaga ate? sige po.. pag-iisipan ko po yan..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^