Thursday, October 4, 2012

Friends Zone : Chapter 12

[Pa-Re’s Crazy Love Story Part 1] 

[Regine’s POV]


Nakadapa ako sa kama at nakasubsob ang mukha sa unan. Kung ako rin lang ang masusunod hindi na ako tatayo kahit abutin pa ako ng end of the world. Because for me, it was the end of the world two nights ago.



Two nights ago was my 18th birthday. Ang araw na inaabangan ng lahat ng dalagang tulad ko. I should be happy pero kabaligtaran nun ang naramdaman ko. Because that night I found out that my beloved dream guy Jeirick and the new girl Demi has a relationship. Hindi iyon matanggap ng batang puso ko. I felt betrayed kahit hindi naman dapat dahil wala naman kaming relasyon ni Jeirick. Sinabi ko na sa lahat ng santo sa mundo na si Jeirick ang destiny ko kaya hindi ito pwedeng mapunta sa iba. Pero ang sakit lang dahil para kay Jeirick hindi ako ang destiny niya. Malinaw pa sa pandinig ko at sa mata kong 20/20 ang vision ng sabihin niya sakin na little sister lang ang turing niya. Kaya matapos ang pakikipagsaya nung isang gabi ay heto ako ngayon at nagdadalamhati.


My room is a mess. Parang dinaanan ng isang barkadang ipo-ipo ang kwarto ko. Nagkalat ang mga balat ng chichiria at chocolates na nilantakan ko kagabi, mga stuff toys, t-shirts, palda, uniform, sapatos at pati na rin yung bag ko sa sahig. Nakisama na din yung comforter at kumot ko. Nainip yata sa kama kaya nakipag-mabutihang-loob sa carpet. Niyaya na rin nito ang gown na suot ko nung debut ko. Mukhang balak ng mga ito na magkaroon ng meeting sa sahig. Pakiramdam ko nga balak na nitong magwelga sa akin at magdeklara ng world war 4. Siguro nagpaplano na din ang mga ito ng assassination laban sakin. Pero wala na akong pakialam dun because even myself is a mess.


Mugto na ang mga mata ko sa pag-iyak, sabog ang buhok at hindi pa ako naliligo mula kahapon. Nararamdaman kong nagpaplano na ng gyera ang mga lamang-loob ko sa tyan dahil kahapon pa ako hindi kumakain and it’s almost 4:00 in the afternoon ayon sa relo sa dingding.


“How could you do this to me Jeirick? I’m supposed to be your destiny” muli ay parang gusto kong umiyak subalit napagod na yata ang mga mata ko at nagsara na ang tear glands ko kaya wala ng lumalabas na luha. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagseself-pity at pag-iyak minus the luha. Sinong nagsabing mga baby lang ang pwedeng umiyak ng walang luha? Kaya ko din iyon.


“nakakainis ka naman eh..ang tagal tagal ko ng nagpaparamdam sayo eh. Ano bang meron yang Demi na yan at sya ang nagustuhan mo? Maputi lang naman siya at maganda. Pero maganda din naman ako ah..mabait saka sexy. Saka matalino naman ako ah. Nakakainis ka talaga. Hindi mo ba alam na masama yang ugali niyang babaeng iyan. Bratinella yan eh…pero ako Jeirick…ako mabait ako. Saka matagal mo na akong kilala eh bakit siya pa..bakit hindi nalang ako. Nakakainis ka talaga” sabi ko at hinampas hampas yung stuff toy na regalo sakin ni Jeirick nung 14th birthday ko. Ang tagal kong iningatan yung stuff toy na yun.


At dahil abala ako sa pag-eemote ko ay hindi ko ko na namalayan na may nakapasok na sa kwarto ko.


“Oh my god!!!” malakas na pagsinghap ng “salarin”.


Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na agad kung sino ang walang babalang pumasok sa kwarto ko.


“anong nangyari sa kwarto mo Regine???” sigaw ni Richelle. Siguro hindi ito makapaniwala na ang super OC na tulad ko eh magiging ganito kagulo ang kwarto. Nanatili lang siyang nakatayo sa pinto. Hindi siya makagalaw. Siguro natatakot siya na any minute ay may lalabas na anaconda sa kwarto ko.


Si Jhonah naman ay patalon-talon ang ginawa upang malampasan ang mga nagmemeeting  na gamit sa sahig. Sa wakas ay nakakita siguro ito ng malinis na pwesto. Agad itong umupo sa sahig. Lotus position.


“ang tanong…kwarto pa bang matatawag ito?” sabi nito at inihagis ang mga damit kong malapit sa kanya papunta sa karamihan. “it looks like a jungle..ingat ka Ichekoy, baka may ahas na diyan”


Pagkarinig ng salitang ahas ay agad na lumapit si Richelle kay Jhonah. Iniwasan nitong mapadaan sa mga kalat sa sahig.


“sana nga may ahas dito para maipatuklaw ko kayong dalawa. Istorbo kayo sa pag-eemote ko eh.” Sabi ko at naupo sa kama.


“yuck!!!! Ang panget mo na Regine…hindi na kita friend” nakangiwing sabi ni Richelle. Tignan mo ang sama ng ugali. “ Jhonah ikaw nalang friend ni Regine ah..kasi hindi na siya pretty kaya di ko na siya friend”


May nakita itong isang bag ng potato chips. Agad nitong binuksan iyon. Akmang kukuha si Jhonah pero tinapik ni Richelle yung kamay niya. Hinila naman ni Jhonah yung buhok ni Richelle kaya napilitang magbigay si Richelle.


“Bakit??? Sino bang nagsabing friend ko si Regine??? Sino ba yun? Hindi ko nga kilala yun” sagot naman ani Jhonah habang nilalantakan yung potato chips ko.


Ang kapal ng mukha ng dalawang ito na itakwil akong friend nila pero kinakain naman nila yung pagkain ko.


“Lumayas na nga kayong dalawa.” Pagtataboy ko sa kanila. Balak ko na kasing ipagpatuloy ang naputol kong pag-eemote dahil sa pagdating nila.


“bakit ba lagi nalang akong pinapalayas ng mga tao?” nagtatakang tanong ni Richelle.


“”Eh kasi wala kang pakinabang sa mundo..isa kang plankton!!!” pang-aasar ni Jhonah. Sarap talaga sipain ng mga ito. Akala mo walang nangyari eh.


“Eh ikaw sino ka?”


“Si Spongebob”


“Mukha mo!”


“Ewan ko sayo”

Nakakasar talaga itong dalawang ito. Wala ng ginawa kundi ang magtalo.


Bumaling sakin si Jhonah. Ubos na yung potato chips. Pero may nakitang isa pang bag si Richelle. Binuksan niya ulit. Ang takaw!


“Ano bang problema mo Redge at balak mo na yatang magtayo ng gubat dito sa kwarto mo. sana man lang sinabihan mo ako para nagdala ako ng mga wild animals dito. Madami pa naman nun sa kapitbahay namin.”


Tinignan ko ng masama yung dalawang hindi yata alam ang salitang “makiramdam”. Binato ko ng unan si Jhonah pero mabilis niya itong nailagan kaya ang tinamaan ay ang busy sa pagkain na si Richelle.


“Ano ba?! Kumakain yung tao eh” angal nito.


“Hoy! Bakit ka nambabato ha?!” reklamo ni Jhonah.


“Kasalanan mo yun eh.” Sisi ko kay Jhonah “bakit hindi mo binantayang maige si Jeirick?! Nagkagirlfriend tuloy. Paano na ako?” muli ay parang gusto kong umiyak.


“Grabe ah…pang Oscar awards na yang ginagawa mo Regine.” Nailing na sabi ni Richelle.


“Ano bang mas hebigat? Famas o Oscar?” tanong ni Jhonah kay Richelle.


“Hindi ko alam eh..gawad-kalinga siguro” kibit-balikat na sabi ni Richelle.


“gaga! Anong Gawad-kalinga ka dyan! Charity yun eh. Baka gawad-urian yun”


“aba malay ko ba hindi naman ako artista”


“mamundok ka na”


“mauna ka”


Naiirita na naman ako sa ingay nilang dalawa.


“Pwede ba? Kung mang-gugulo lang kayo umalis na lang kayo”


“Hindi kami pwedeng umalis..kasi iyon talaga ang purpose namin ni Jhonah. Ang guluhin ka”


“Ano?? Nababaliw na talaga kayo”


Tumayo bigla si Jhonah. “Alam mo Reginetot…” umpisa nito at pinagpagan ang pantalon na suot at inisa-isang pinulot yung mga kalat ko sa sahig. “…kahit na ipabox ko pa si kuya, lagyan ng wrapper at ribbon at ipa-LBC sayo gagawin ko maging masaya ka lang kasi bestfriend kita kaso hindi ko naman hawak ang puso ng kapatid ko kaya hindi ko pwedeng pigilan at diktahan si kuya kung sino ang mamahalin niya.” Inilagay nito sa lalagyan ang mga stuff toys ko.


Nakigaya na din si Richelle. Mukhang ubos na yung kinakain niya. Iniligpit nito ang mga balat ng chocolates at chichiria na nakakalat sa sahig.


“alam mo Regina..hindi naman obligasyon ni Jeirick na manatiling single for you..isaksak mo yan sa utak mong wala yatang laman”


“Ang bad mo..paano ba kita naging friend” nakapout na sabi ko at ibinagsak ang sarili ko sa kama.


“Pinagtyatyagaan ka lang kaya namin ni Jhonah akala mo ba true friend kami?”


“Dinamay mo na naman ako Iche”


Hindi na talaga mawawala ang asaran saming tatlo. Haay!!!


“Alam ko naman na hindi obligasyon ni Jerick na manatiling single para sakin. Saka alam kong wala din akong karapatang masaktan. Pero syempre nahurt ako eh.”


“Lahat naman ng tao may karapatang masaktan eh…as long as may nararamdaman ka” sagot ni Jhonah


“Wow!!! Ikaw ba yan Jho???” pang-aasar ni Richelle.


“Shatap!!!”


Kapag ito talagang dalawang ito nag-asaran wagas na wagas eh.


“Alam naman naming nahurt ka Regine..kaya nga nandito kami ni Jhonah eh..para damayan ka”


“teka? Dadamayan ba natin si Regine? Akala ko guguluhin natin siya eh…ayokong damayan yan sa pagiging OA niya”


“Ay oo nga pala…nandito kami para guluhin ka”


“Kung purpose niyong dalawa na guluhin talaga ako..effective kayo” sagot ko at niyakap yung stuff toy na bigay ni Jeirick.


Bigla akong binato ng unan ni Jhonah.


“Baka naman gusto mong tumulong sa pagliligpit ng kalat mo diba? Kasi nakakahiya naman samin kalat mo ito tapos kami ang nagliligpit” sarkastikong sabi nito.


“Oo nga noh…kwarto mo ito Regine pero bakit kami ni Jhonah ang naglilinis?”


Tinawanan ko lang silang dalawa. Ngayon lang nila narealized na nililinis na nila yung kwarto ko.


“Wag na kayong mahiya…feel at home..take your time..hindi naman ako nagmamadali eh”


Dahil sa sinabi ko eh hinila ako ni Richelle. Nauwi sa harutan ang kaninang pag-eemote ko.


Ano nga bang sabi nilang silbi ng kaibigan kapag may problema at depress ka?


“They will tell you the stupidest words that could make you laugh.”

(A/N: imbento ko lang yan…wag niyo ng alamin kung totoo hehe)

***


“Alam mo Regine sa tingin ko hindi mo naman talaga mahal si kuya eh” komento ni Jhonah.


Tapos na kami maglinis. Ay mali…tapos na pala silang maglinis dalawa. Pinanindigan ko ang hindi pagtulong sa kanila. At masyado silang mabait ngayon kaya sila lang talaga ang naglinis. Di na nila ako pinilit. Habang naglilinis sila eh naligo nalang muna ako.


Ang kwarto kong kanina lang eh pinamamahayan na ng mga mababangis na hayop eh naibalik na din sa dati. Naawa naman ako sa kanilang dalawa kaya nagpahanda ako ng meryenda. Sabi sa inyo mabait ako eh..hehe


“Masasaktan ba ako ng ganito kung hindi ko mahal si Jeirick?” nakairap na tugon ko naman sa kanya.


Sumubo muna ng spaghetti si Jhonah bago sumagot.


“Well ang ibig kong sabihin eh hindi mo siya mahal bilang…what do you call this…ahmmm…bilang gusto mo siyang maging boyfriend. Nasasaktan ka kasi inilagay mo dyan sa utak mong walang laman kundi kaberdehan na si kuya ang gusto mo pero hindi naman talaga iyon ang nararamdaman mo. isip mo lang ang nagdidikta na nasasaktan ka at hindi ang puso mo. dahil kapag nagmahal ka talaga puso dapat ang magdikta at hindi isip..kumbaga iyang nararamdaman mo..it’s all in the mind lang” paliwanag ni Jhonah. “Teka…ano bang pinagsasabi ko? Napagod kasi ako sa paglilinis eh kaya kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko” biglang bawi nito. “Paabot nga ng cake Richelle”


“Ewan ko sayo. Ang lakas ng loob mong magbigay ng advise eh pare-pareho lang naman tayong wala pang karanasan sa ganyan” asar ni Richelle kay Jhonah habang inaabutan ng cake.


Tumawa naman si Jhonah. Abnormal talaga.


“Ganyan talaga ang mga henyo Iche…saka iba naman ang walang alam sa walang karanasan”


Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang nagbabangayan. Somehow naisip ko ang sinabi ni Jhonah. Tama siya. Inilagay ko sa isip ko na si Jerick ang gusto ko because of his good qualities.


“Paano mo ba malalaman kung inlove ka na ba talaga?” biglang tanong ko dahilan para mapatigil sa pagsubo yung dalawa.


“Asus! Kami pa daw ba ang tanungin eh pare-pareho lang naman tayong wala pang nagiging boyfriend eh.” Kunot-noong sagot ni Richelle.


“Wala ba kayong idea?” pakiramdam ko I sound desperate na.


Saglit na nag-isip si Richelle.


“Para sakin sa tingin ko…love comes in the most unexpected ways” komento nito.

Marahang hinampas naman ni Jhonah sa braso si Richelle.


“Ano ba?! Ang bigat talaga ng kamay nitong babaeng to” angal nito habang hinahaplos ang nasaktang braso.


“Ang sabi ni Regine…ay mali…ang tanong pala ni Regine paano mo malalamang inlove ka na talaga..wala siyang sinabing idefine mo ang love” sermon ni Jhonah kay Richelle.


“Yun na nga yun.hindi mo malalamang inlove ka dahil darating ito minsan sa di inaasahang pagkakataon at panahon. Minsan nasa harapan mo na kaso hindi mo pa nakikita, malalaman mo nalang kapag nawala na siya sa harap mo” paliwanag naman ni Richelle. With matching action ng kamay pa.


“Hindi rin…” protesta naman ni Jhonah.


Hay naku what do I expect pa ba? Kelan ba sumang-ayon yan si Jhonah kay Richelle? At kelan din ba sumang-ayon si Richelle kay Jhonah?


“wala namang shape,size, texture, color at smell ang love kaya hindi madaling marecognized eh” depensa naman ulit ni Richelle.


“Weehh??? Hindi nga” as usual kontra na naman si Jhonah “ eh bakit maraming nagsasabi na love is in the air or it smells love kung hindi naman pala nila nakikita o naaamoy?” angal pa ni Jhonah.


Patuloy pa din sa pagdedebate ang dalawa. Mataman naman akong nakikinig sa kanila dahil kahit na nag-aasaran eh may napupulot naman ako sa mga sinasabi nila.


“Eh bakit ka ba kontra ng kontra dyan eh opinion ko lang naman yun?” tanong ni Richelle.


“Eh kasi hindi naman ako naniniwala na hindi mo kaagad malalamang inlove ka eh..saka mali ang opinion mo” sagot naman ni Jhonah.

Inirapan siya ni Richelle.


“Wala naman kayang maling opinion”


“Anong wala ka dyan? Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas eh…iyan ang laging katwiran ng mga tao”


Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa. Daig pa nito ang mga senador at congressman na nagtatalo kung ipapasa ba ang RH Bill o hindi eh.


“Paano mo naman nasabi na madaling malaman kung inlove ka  eh hindi ka pa nga naiinlove?”


Pumitik sa hangin si Jhonah. Grabe naman sa action yun..hehe


“Exactly!!! Hindi ko pa nararanasang mainlove kaya once na may nagbago na sa damdamin ko towards a guy na hindi kayang ipaliwanag ng syensya, I therefore conclude na that’s the time that I could say na inlove na nga ako.”


Hindi nakapagsalita si Richelle.


“Sa totoo lang madali namang marecognized na inlove ka eh..sarili mo yan eh..higit kaninuman ikaw ang nakakakilala sa sarili mo.aya ikaw ang nakakaalam ng nararmdaman mo. Minsan inlove ka na ayaw mo lang aminin. Lalo na kung sa unexpected person ka maiinlove” patuloy pa ni Jhonah.


“Unexpected person???” sabay na tanong pa namin ni Richelle.


Hindi naman obvious masyado na tutok kami sa sinasabi ni Jhonah diba? Minsan lang kasi magsalita iyan ng matino kaya dapat samantalahin na..hehe


“Yun yung taong hinding-hindi mo maiisp na pwede mong kainlove-an..for example,taliwas siya sa ideal man mo or sa dream guy mo…pwede ding sa taong ngayon mo lang nakilala o kung minsan dun sa taong kaaway mo pa”


“Bakit ka naman maiinlove sa kaaway mo? Kalokohan naman yata yun” nakasimangot na taong ko. Bigla kasing may pumasok sa isip ko na tao eh.


“Hoy! Hindi ka ba nagsulat sa slambuk nung highschool ka?” nandidilat ang matang tanong sakin ni Jhonah.


“ano namang kinalaman ng slambuk dun?” tanong ni Richelle.


“Diba may kasabihan na the more you hate, the more you love? Madalas pa ngang gawing motto sa slumbuk nung highschool yan eh.”


“sorry naman. Time is gold ang motto ko nun eh”


“Walang kwentang motto..gasgas na gasgas”


“Oh tapos? Tuloy mo na” singit ko sa kanila. Baka magtalo na naman eh ang ganda na ng topic eh.


“As what I’m saying…there’s always a thin line separating love and hate. Minsan akala mo hate mo yung guy..yun pala love mo na siya. Pinapangibabaw mo lang yung hate mo kaya natatabunan si love” sermon pa ni Jhonah.


“Amen” pabirong sagot ni Richelle.


“Woohhh!!! Ang haba ng sinabi ko. Nagutom tuloy ako…another slice of cake pleaseeeeeeeeee” request ni Jhonah kay Richelle.


“Grabe ka…saan mo ba dinadala ang kinakain mo?” sita sa kanya ni Richelle.


“Syempre sa tyan ko. Alangan namang sa tyan mo diba? Sinuswerte ka naman yata. Ako ang napapagod ngumuya tapos tyan mo ang makikinabang? No way!!!” angal ni Jhonah.


Napailing nalang kami ni Richelle at sabay na nagkibit-balikat. Kahit kelan talaga bihirang magseryoso itong si Jhonah.


Napangiti nalang ako habang nag-aasaran na naman silang dalawa ni Richelle. Kahit na abnormal si Jhonah may nakuha naman akong aral sa mga sinabi niya.


I cant wait to see these two fall in love.


Panigurado gyera yun..hehe.

***

4 comments:

  1. itOng cNa ricHeLle at jHona aNg LAkaS mKaTrip,,, hAhA,,, uSaPng LuV,,, kNina nKita q c cRusH mAy kaUsaP n LOwEr yEar,,, kainiS,,,, paDaMay ngA s paGeeMote ni rEgiNe,, hWaHehE,,,,

    ReplyDelete
  2. ay nakow~ usapang love! nino-nosebleed ako sa mga love-love na yan! hwahahahahahaha!!!

    ReplyDelete
  3. haha.. grabe nman to!! ang lalim!!! haha.. wagas na wagas kung mka explain ah.. sabog tuloy utak ko.. ganyan talaga dumamay ang mga true frnds,magulo!.. haha.. laugh trip kela ate jho and richelle!! unstoppable talaga sila sa bangayan.. hahah.. try nyo rin kayang ma in love..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^