Monday, September 3, 2012

Black Dart: Chapter 1


Chapter 1


*7 years later*





(Aeris POV)





"Senseeeeei!!! Gusto ko ng ham with egg with bacon sandwich!!!" Sigaw ko sa kanya habang nanonood siya ng TV. Kanina pa 'yan eh! Hindi niya ako pinapansin! Nagugutom na talaga ako! Marunong naman ako magluto... pero kasi mas masarap kapag siya gumagawa eh. Hihi.

"Sensei! Sensei! Sensei!!!" Sinundot sundot ko pa yung tagiliran niya. Kahit na alam kong wala rin naman use yung pagsundot ko dahil kasing tigas ng simento yung katawan nito. "Hmpf!" Padabog akong sumandal sa may couch na inuupuan namin nag-cross arm pa ako habang naka-pout. 


Haaaaish! Nakakainis naman si Sensei eh! Hindi man lang ako pansinin! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!!! "Arrrrgh!" Ginulo-gulo ko yung buhok ko at padabog na tumayo para pumunta sa kwarto ko.

Tignan mo! Hindi man lang ako sinundan! Hindi man lang ako tinawag! Talagang busy siya sa kakapanood ng TV! Hmmmp!

Humiga nalang ako sa kama ko at ipinikit yung mga mata ko.

Ang daya talaga nun! Napaka-bipolar! Hmp talaga siya. Nagtatampo ako sa kanya!!!

*Riiiiiing riiing riiing~*

Kinuha ko yung phone ko at nakita ko naman na si Sensei yung tumatawag. Hindi ko sana sasagutin kaso sinagot ko pa rin! Hindi ko naman siya matitiis eh. Pero siya! Natitiis niya ako! Hmp.

"Ngayon na?"

"Ah okay eto na lalabas na!"

Binaba ko na yung call. Arrg! Bakit ngayon pa nagkaroon ng mission kung kelan pakiramdam ko lahat ng energy ko nawala ng dahil sa pagkagutom? 

Isinuot ko na yung black leather jacket ko, pati na rin yung boots ko... kinuha ko na rin yung bag ko na may laman na mga gamit para sa mission... pero paglabas ko nakaamoy ako ng napakabangong luto! Lalo tuloy akong nakaramdam ng gutom!!!

At dahil nga nagtatampo pa ako, tiniis ko yung naamoy kong pagkain at tuloy-tuloy lang akong pumunta sa may front door...

"Saan ka pupunta?" Cold niyang tanong. Naku! Sanay na ako sa ganyang boses niya.

Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng masama. "Edi sa Black D underground! Sabi mo may mission tayo?!" Inis na sabi ko.

Nakita ko naman siyang ngumisi na para bang ewan. "Wala akong sinabing may mission tayo, ang sinabi ko lang... maghanda ka" Kinuha niya yung ham, egg, bacon na niluto niya at nilapag sa lamesa yun. "Dahil kakain na tayo." 

Grrr! Malay ko ba kasi! Sana kasi sinabi niya nalang na kakain na kesa yung pa-suspense pa na maghanda ka na!!! 

"Oh yung butas ng ilong mo lumalaki nanaman." Tatawa-tawa niyang sabi at saka umupo sa may hapag-kainan. O diba? Napaka-bipolar ng Sensei ko! Ang sarap ipalapa sa buwaya! Nagngingitngit lang ako dito sa inis ng bigla siyang tumingin sa akin. "Umupo ka na dito." Yung boses niya nakakatakot! Parang nagco-command at kapag hindi mo sinunod kelangan mo ng mamaalam sa mundong ibabaw!!! 

Kaya naman wala na akong nagawa kundi umupo sa tapat niya para kumain! Gutom na gutom na ako kaya uulamin ko nalang itong lahat!

Naunang matapos si Sensei kumain pero nakaupo pa rin siya sa may tapat ko. Bakulaw kasi 'yan kaya napakabilis kumain! Hehe. Joke lang! Pero kasi naco-concious akong kumain dahil tinitignan niya ako... araw-araw ganito siya pero bakit hindi pa ba ako nasanay sa kanya? 

Narinig kong nag-ring yung phone niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Sa itsura niya alam ko na kung anong meron kaya tinapos ko na agad yung pagkain ko at nagligpit na ako.

Siya yung nauna dun sa may sasakyan habang ako eto nagmamadaling uminom ng tubig! Pagkatapos kumaripas na ako ng takbo palabas ng bahay namin. Pagkasakay na pagkasakay ko iniabot niya agad sa akin yung papel na naglalaman ng inpormasyon sa mission namin.

Napangiti nalang ako ng makita ko yung istura nung wanted person na 'to... malaki-laking pera ang makukuha namin kapag nahuli namin 'to. 

Nakarating din naman kami agad sa lugar kung saan lumalagi 'tong lalaking wanted. Kelangan lang namin magpanggap na customer kami dito sa club na pagmamay-ari niya. At dahil babae ako kinelangan ko pa magsuot ng sexy'ng damit! Grabe! Ito ang pinakaaway ko kapag mga manyak yung mga huhulihin namin eh! Kelangan aakitin ko sila! Haha. Joke! Pero part talaga 'to ng mission, kahit na labag na labag sa kalooban ko magsuot ng ganitong damit... no choice pa rin ako. 

Bago kami pumasok sa loob ng bar kinapkapan muna kami ng bouncer. Hindi ata kapkap ginagawa sa'kin nito eh! Tinignan ko lang ng masama yung bouncer at nginitian naman ako ng nakakadiri! Ew! Napansin ko naman na humahagikhik si Sensei kaya mas lalo akong nainis! Grr! Wala man lang siyang pakealam kahit na nahihipuan na ako!!!

Halos mamula ako dito sa kinatatayuan ko ng makapasok na kami sa loob ng bar! This is the first time na makaka-encounter kami ng ganitong mission... mali! Ako lang pala! Malamang etong si Sensei! Enjoy na enjoy kapag ganito yung mission niya!

"Hubad na!" Sigaw nilang lahat sa babaeng naka-masquerade mask. Pero halata mo dito na ayaw niya yung ginagawa niya... paano ko nasabi?

Dahil... may latigong humahampas sa likuran niya habang hindi niya pinagbibigyan yung request ng mga tao dito.

Biglang nag-init yung dugo ko! Excuse me ha! Babae rin po kasi ako kaya hindi makatarungan yung ginagawa nila! Pero syempre, anong akala niyo? Gagawa ako ng move para tulungan yung babae? NO WAY! Ayokong mapugutan ng ulo! Kelangan ko muna ng signal ni Sensei!

"Maghubad ka na kasi para hindi ka na masaktan!"
"Oo nga! Hubad na!"
"Take it off! Take it off! Take it off! Take it off!"

Kung ano ano pa yung mga sinisigaw nila. Ako naman tinitignan ko lang yung babae... bumilis yung tibok ng puso ko ng mapansin kong parang sa akin siya nakatingin. Hindi ko alam, kung pakiramdam ko lang ba yun o talagang nakatingin siya sa akin... para bang nanghihingi siya ng tulong?

Agad kong binawi yung tingin ko sa kanya at hinahanap ng mata ko si Sensei. Err nawawala siya!  Malamang nangha-hunting ng chiks yun! Ano ba naman yan! Bahala na nga!

Taas noo akong naglalakad papunta sa stage nila... nagulat pa nga yung iba dahil sino daw ba ako at bakit ako umeentra sa kanila? Kung alam niyo lang kung sino ako! Baka kanina pa kayo nagsitakbuhan palabas! Bwahahaha.

"Who are you? And what are you doing here on the stage?" Tanong sa akin nung lalaking naka-maskara at siya yung may hawak hawak ng latigo. O bakit? Lalatiguhin mo ako? Sipain pa kita jan eh!

I just give him my sweet smile... "I will replace her." Tinuro ko yung babaeng nakaluhod at nakayuko sa gilid ko, naaawa ako para sa kanya.

"Are you sure? Then... do it. Take you clothes off." Ano daw?

Nginitian ko ulit siya at sabay humawak sa pole. Lalong lumakas yung mga tilian ng mga tao dito. "Just wait and see." Habang sumasayaw ako sa may pole hinahanap ko si Sensei. Nasaan na ba yun bipolar na 'yun?! Wag niyang sabihin na ako lang gagawa ng mission na 'to?! Lalayasan ko talaga siya!!!

"Wooh~ you are so hot babe!" Sigaw nung isang lalaki malapit dun sa stage. Babe your face! Leshe!

Naramdaman kong may tao sa may gilid ko, pero pinagpatuloy ko pa rin yung pagsasayaw ko ng sexy dance! Grrr. Ang tagal ng signal ha!!! 

Nagulat nalang ako ng bigla akong nilagyan nung lalaki ng kadena sa may paa ko or let's just say... tanikala? Gusto ng magpanic ng kalooban ko but I stay calm and quiet. Nakangiti pa nga ako sa kanya eh.

Nagpose ako ng sexy pose at unti-unti kong inangat yung dress ko at shoot! Ayun na yung signal kaya dali-dali kong pinindot yung button sa may bandang taas ng hita ko at kinuha ko yung baril sa may kabilang hips ko at tinutok agad 'yun sa lalaking naka-mask.

Nginisian niya ako. "As I thought... you're an agent on the Black D Organization." Agent  your face! Hindi ako agent no! I'm just a young citizen na concern sa whole world kaya ako sumali sa Black D Organization 'no! Saka hindi kami agent! Ang tawag sa amin ay Darters! Sheez! Bakit ba lahat sila sinasabing agent kami? Pero... agent naman talaga kami eh. Hehe!

"Yes, you're right... so I order you to drop that sword." Hello! Kanina ko pa alam na sword yung latigong hawak niya! Hindi ako bobo dahil nag-training ako ng todo para lang maging pangalawa sa pinakamagaling na agent!

Bigla naman siyang tumawa. Abnormal na ba siya? Pero teka nga lang! Nasaan na ba yung ibang taga-Black Dart?!

"Looks like your friend is missing." O edi siya na magaling makiramdam! Wala akong pakealam! 

Nginitian ko lang siya at itinutok pa sa kanya ng maigi yung mini-gun na hawak ko. Sabi ko kasi bazooka na dadalhin ko eh! Ayaw naman nila at pinagtatawanan pa nila ako ha! Masyado daw akong palabiro! Mukha nila 'no! Hindi ako nagbibiro! 

Ihahampas na sana sa'kin yung latigo ng biglang may yumakap sa kanya ng patalikod at may itinurok ng kung ano sa leeg niya... lahat ng tao parang nag-panic dahil tumunog yung warning tone sa buong bar.

Bago pa man sila makalabas lahat ay nagsidatingan na yung mga Darters! O see! We are so great! Hindi namin hahayaan na makawala lahat ng members ng bar na 'to! 

"Good job, Eris." 

"It's Aeris! Not Eris!" Inirapan ko lang si George at nagsimulang maglakad pero naaalala ko naka-tanikala pala yung paa ko kaya kamuntikan na akong matumba pero may nakasalo sa akin.

"S-sensei..."

"Napaka-clumsy talaga." Sabi niya at saka siya lumuhod para tanggalin yung tanikalang nakalagay sa paa ko.

Clumsy daw! Hindi kaya ako clumsy! Langya naman oh! Akala ko pa naman sasabihan ako ng 'Great job or good job' pero wala! Hay naku! Bwisit na 'yan!

Napansin ko naman dun sa may gilid yung babaeng kinawawa ng latigo kanina kaya nilapitan ko at lumebel ako sa kanya. 

"Miss, okay na. Malaya ka na sa kanila." Pero parang hindi niya ako naririnig dahil nakayuko lang siya at hindi ako pinapansin... maya-maya lang narinig ko na sumisinghot siya na sign na umiiyak na siya. "A-ano miss, wag ka na umiyak! Okay ka na... mala-"

"PAKIALAMERA KA!" Bigla nalang niya akong sinakal ng mahigpit kaya hindi na ako nakapagsalita at nakapag-react. Pinipilit kong tanggalin yung kamay niya sa leeg ko pero, ang lakas niya masyado. "HINDI KA DAPAT NAMAKEALAM DAHIL WALA KA NAMAN ALAM!" Kitang-kita ko sa mata niya yung galit... pinilit kong abutin yung mukha niya para tanggalin yung maskara niya at hindi naman ako nabigo...

natanggal ko yung maskara niya at the same time nawalan ako ng malay dahil sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa akin.



5 comments:

  1. ~angel is luv~

    grabe! ang hot ng 1st chapter! nakiki-take it off naman din ako. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Maraming salamat! Talaga pong binasa niyo 'to!
      Touch ako!!! Maraming salamat talaga!!! ^__^

      Delete

  2. ▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓███▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓█▓▓██▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓█▒▒███▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓███▒▒█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓███▒▒█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓██▒░▒█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓█▓░▒▒█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓█▓▒▒▒█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓█▓▒▒▒██▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒██▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒▒██████████████████████▓▒▒▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒▒▒▒▓█████████████████████▒▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒░░░░░░░░░░░░░. ▓█▓▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓███▒▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▓█████████████████▒▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒██░░░░░░░░░░░░░░▓█▓▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▓█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓██▒▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒█████████████████▒▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒██░░░░░░░░░░░░░░▓█▓▒
    ▒▓█▓▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▓█▓▒▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓██▒▒
    ▒▒██▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒█████████████████▒▒
    ▒▒▓██▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒██▒░▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒░░▓█▓▒
    ▒▒▒▓███▓▓▓▓▓▓▓▒██▓▒▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒▒▒██▓▒
    ▒▒▒▒▒▓██████████████████████████▒▒▒
    ▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
    ░░█░░░█░█░▄▀░█▀▀░░░░▀█▀░█░█░█░▄▀▀░░
    ░░█░░░█░█▀░░░█▀░░▄▄░░█░░█▀█░█░░▀▄░░
    ░░█▄▄░█░█░▀▄░█▄▄░░░░░█░░█░█░█░▄▄▀░░

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaaaaaaaaaaaaaah!!! MARAMING SALAMAT PO!!! SALAMAT!!!!!!

      Delete
  3. sizzling hot ung mga scenes!.. i really love actions.. nice one..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^