Thursday, September 20, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 15

Chapter fifteen:
Ulan


Para akong  yelo...

Hindi ako makagalaw.....

Gusto kong umalis, gusto kong gumalaw, gusto ko sila puntahan, gusto kong suntukin si Ethan...

Pero ewan ko kung bakit ko yun hindi nagagawa?! I was just standing still doing nothing...



 Pasikip ng pasikip ang dibdib ko. Magkakaheart attack ba ako? Eh kanina pa akong ganito eh! Dapat hinimatay ako, dapat nakita ako nina Shie at dinala nila ako nila sa hospital, dapat marerealize ni Shie na mahal niya ako...

Urgh! Anu ba naman 'tong iniisip ko? Lately, I've been feeling weird whenever I' m with her.

" you get jealous whenever, wherever she's with someone."

I see her, I see her being kissed by someone else, at masikip dibdib ko......is that what they called Jealousy?

Sadako's POV...

3 seconds..

4 seconds..

5 seconds...

10 seconds...

I want to push him pero, naninigas katawan ko eh. Ewan ko kung bakit, at parang....parang...lungkot ang nararamdaman ko hindi...galit. like duh?! Sino namang hindi malulungkot kapag hinalkan ka?! Pero, may ganun ka bang nararamdaman? Alam ko lang galit eh, siyempre, hinalkan ka ng bigla biglaan, parang katulad na rin yun ng may nagkulangot sa ilong mo ng bigla bigla. Ewwww! Anu ba naman to?! Why am I comparing kulangot to a kiss?!

He stopped kissing me and gave me a smirk.

"Yan ang gaagawin ko sa iyo kapag ayaw mong maging girlfriend kita."

*slap*

Joke lang!

Hindi ko siya sinampal! Gagawin ko sana pero ewan ko eh, umiyak nalang ako at tumakbo nalang ako. Ewan ko kung asan ako pupunta, ang gusto ko lang ay mailayo sarili  ko sa playboy na yun!

Nang hinalikan ako ni Ethan, bigla nalang nag-flash sa utak ang pagmumukha ni nerdo. Ewan ko kung bakit eh, ewan ko kung anung connection ni nerdo doon, baka dahil sa homework.

*pukpok sa ulo*

Homework?! Like duh?! Obvious na obvious na hindi yun ang connection!

Nerdo's POV...

After what Ethan did to her, tumakbo nalang palayo si Shie....then....nakakagalaw na ako. Tss! Wrong timing,nervous system!

I was back to reality when I saw Ethan, walking towards me. He stopped walking when he's on my side. I gave him a serious look, and I really feel angry, I really want to punch him.....he gave me a smirk and then he started walking.

Tss! Kainis ka! Magpasalamat ka, kaya kong kontrolin sarili ko.

Naglakad nalang ako papunta sa bahay. I need to do my homeworks, I need to study, at saka, medyo madilim ngayon, at narinig ko na may pinatay dito. Ayoko mamatay, kelangan ko pang mahanap brain ni Frankenstein. =__=

Bahaaaay...

is the midpoint of  .  The coordinates of A are (-2,3) and the coordinates of M are (1,0).
    Find the coordinates of B.
a. [1]  (-1/2, 3/2)    
b. [2]  (4,-3)
c. [3]  (-4,3) 
d. Kissing scene

ang sagot jan ay letter d, kissing scene. Huh? Kissing scene?! Anu 'to? Bakit may kissing scene jan?!

d. [4]  (-5,6)

Oh! Yan lang pala. Tss! Bakit pabalik balik sa utak ko ang nangyari kina Shie at Ethan? Tss! Stupid brain! Can you just get over it?! I'm trying to do a homework here!!!

I started to solve the problems (Geometry problems).

Kissing scene

Kissing scene

Kissing scene

Kissing scene

Kissing scene

Anu ba?! Unlimited ha?! Unlimited?! Nagiging manyak 'yang utak ko, nag-sosolve nga ako ng problems, pinapareplay pa ng lesheng utak ko ang kissing scene na yun! Gusto ba ng utak ko na halikan si Shie ha? Oo...

Huh?

"AAAAAAAAAAAAAAAUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUGH!"

"Anak! Bakit ka sumisigaw?! Nandito si Sadako?!"

"Wa....wala na...nay! hindi ko kasi 'to masolve eh!"

"Ahhhh, yun lang pala...okay!" umalis na ang nanay ko, at nag-solve ulit ako ng problems.

Wag nalang muna, hindi ako makakaconcentrate kung sa ganitong "state" ang utak ko. Makapanood nga nalang ng Barney, wala naman akong  magawa ngayon eh!

I love you
You love me
Let's go out and kissing scene...

Grrrrrrr! Urgh! Kainis! Kainis! Kainis! Pati ba naman si Barney pinapaalala niya saakin ang nangyari kanina.  Makatulog na nga!

ZzzzzZzZZzzzzzzzZzzzzz....

Kissing scene

Kissing scene

Kissing scene

Kissing scene

Kissing scene

Kainiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiis! Pati ba naman sa pagtulog ko, pinapaalala saakin ang kissing scene na yun! Anu ba naman to? Parang drugs!! Nakakaadik? Huh? Nakakaadik? Erase erase erase, hindi 'to drugs!









"Uhhhhh..."

Nandito ako ngayon sa park. Nag-absent muna ako kasi hindi talaga ako makakaconcentrate, kasi kulang tulog ko. Isang oras lang ako natulog. Pinilit ako ni ma na pumasok, pero, hindi ako pumasok. Pumunta nalang ako sa park. Wag nyo ako isumbong sakanya ha?

Nasa swing ako ngayon, natutulog. Pakielam ko sa mga batang gustong magswing, ang gusto ko lang ay matulog, kaya back off!

"Uwaaaaaaaaa! Allison!"

No reaction

Wala akong pakielam kung ako ang tinatawag o ibang Allison ang tinatawag dito.

"Allison?"

"Allison?"

"ALLISOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOON!"

"Kissing scene..." nabigla ako sa sinabi ko. Anung kissing scene?! Uuuuuuuuuuuuuuhhhhh! Gusto ko mamatay! Gusto ko magkaamnesiaaaaaa!

"Huh?! Anung kissing scene?!" napatingin ako sa tumatawag saakin kanina. Huh? Pinsan ni Shie, si Cherry ah!

"Che....Cherry!? uhhhh, uhhh, bakit ka nandito? Kung gusto mo na maging boyfriend mo ako....ayoko! okay?! Wala ako sa mood!"

"Ehhhh! Hindi naman kita gagawing boyfriend no! may boyfriend na kaya ako! Feeler mo naman. Uy! Mukha kang nagdrugs ah! Oh no! you're taking MJ?!"

"Anung MJ? Hindi no! sadyang kulang talaga ang tulog ko."

"Eh ano yung sinabi mo na kissing scene?oh no! nagpuyat ka, kakawatch ng Porn!?"

"Langya ka! Hindi no!! hindi ako manyak!"

"Hehehe! Jinojoke lang kita!" umupo siya sa tabi ng swing, at nagswing rin siya.

Natatandaan ko tuloy yung nagswing kami ni Shie. Natatandaan ko yung pumunta kami sa mall, at linagay ko sakanya ang clip then I saw how beautiful she is.

"Bakit ka nakangiti?"

"Wa...wala!"

"Ayieeee! Inlababo ka no?!"

"Hindi no!"

"Hohoho! Defensive much? Haller! Kaharap mo kaya ang expert sa looooooove."

"Whatever."

"Huy! Kwento mo naman saakin yang special someone mo!"

"Special someone ko?! Hindi ko mahal si Shie!" bigla nalang nanlaki mga mata niya ng sinabi ko sakanya na hindi ko mahal si Shie.

"Si Shie?! Si Shie ang special someone mo! Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!"

"Hindi ko nga siya mahal eh!"

"Indenial ka! Indenial ka sa nararamdaman mo sakanya."

"Hindi no!"

"INDENIAL KAAAAAAAAA!"

"HINDI NO!"

"INDEANIAAAAAAAAAL KAAAAAAAAAAAAA!"

"HINDI NO!"






"Hayyy, hindi ko talaga maitindihan? In love na ba talaga ako sakanya?"

"Hmm?"

"I saw her, being kissed by someone else, my chest, my chest, feels tighter, and I feel angry. Ewan ko ba kung jealousy ang tawag dito o hindi?"

"Hindi pa ba obvious?"

"Na ano?"

"Jealousy talaga ang tawag jan no!"

"Ahhhhhh...."

"Sagutin mo ako ng Oo o hindi."

"O...o sige."

"Tumitibok ng malakas ang puso mo?"

"Ehhhhh! Alam ko na yan! Tinanong na niyan saakin ng kaibigan ko."

"So....okay, yung mga tinanong niya sa iyo? Nararamdaman mo ba yun?"

Nararamdaman ko ba iyon? Tiningnan ko nalang ang langit, medyo cloudy ngayon, uulan ata mamaya.

Tumitibok ba ng malakas ang puso ko kapag nakikita ko siya? Oo....nagsimula yun, nang nagmalling kami ni Shie......kapag naririnig ko pangalan niya, tumitibok ng malakas ang puso ko.

Nagagandahan ba ako sakanya? Uhhhh, kapag titingnan ko siya ng mga ilang oras...bigla bigla nalang siya gumaganda. Parang may sparkles sa mukha niya.

Paminsan minsan kapag nakikipag-usap ako sakanya, parang may nangyayari sa tiyan ko, parang natatae ako na ewan. Yun ba ang tinatawag nila  na "Butterflies in your stomach" eh ang saakin, ang lakas nga eh, parang...."Birds in my stomach" and then, and then, kapag nag-uusap kami, parang nahihiya ako na ewan. I need a lots of guts, para lang makareply sakanila.

Parati ko nalang siya naiisip, lalong lalo na yung nagmake-over na siya, parati na siyang, nasa isip ko, hayyyy! Natatandaan ko tuloy yung hinalikan siya ni Ethan. Tss! Ayan na naman! Sumisikip dibdib ko. Dahil doon, hindi ako talaga makatulog, dapat pa na magbilang ako ng mag tupa para makatulog, nagiging katulad ko na si Mr. Bean.

Hayyyyy! In love naba talaga ako sakanya? Hayyy...paano? paano ako umibig ako sakanya? Mukha siyang Sadako, pero bakit? Ang layo layo ng taste ko sakanya no! gusto ko ay maganda, matalino, mabait, yun lang! eh siya, uhm, maganda? 

Ewan ko kung matalino siya, 

mabait ba siya? Napakamainitin ang ulo niya eh!

"Huy!"

"H..huh?"

"Bakit ka nakatulala sa taas? At saka, sagutin mo nga ang tanong ko!"

"Uhhhh, e..ewan ko!"





"Cherry, ano ba talaga ang love?"

"Love....is the best feeling ever. Love is the feeling that makes you feel that you are special. Love, is the thing that makes you think that........reality is better than your dreams."

"Aaahhh..."

"Oh! Alis na ako ah! May date kasi ako eh! hihihi!"

Umalis na siya at ako naman ay nakatulala lang.Nakatingin lang ako sa kawalan...malalim iniisip ko eh.

Love is the thing that makes you think that reality is better than your dreams...

Hindi ako nakakatulog kakaisip kay Shie....so, reality is better than my dreams?

Hayyyy!

Drip...drop...drip...drop...

Huh? Umuulan? Agad ko naman kinuha ang payong ko, at pinayungan ko sarili ko. Umalis na ako sa park, at naglakad nalang kung saan ako madadala ng mga paa ko.

Later...

Bakit? Bakit ako naglalakad papunta sa school? Dahil ba sa gusto ko siyang makita? Ewan! Babalik nalang ako sa bahay, sasabihin ko nalang kay mama na half day namin ngayon.

"Tss! Stupid rain! Wrong timing ka ha? Kung kelan pa na wala akong dala dala na payong, yun rin ang time na uulan! Langya! I hate you!"

Bo...boses yun ni....Shie.

Napatingin ako sakanya.  Gamit gamit niya ang notebook niya para hindi siya mabasa. Wala siyang masilungan. Agad agad akong tumakbo at pinayungan ko siya, kaya ako lang ang nababasa...siya, hindi.

"Gamitin mo muna itong payong, baka magkasakit ka." Nabigla siya ng makita niya ako. "Gusto mong magkasakit ha?! Gusto mo! Halika ka nga jan! tayo nalang dalawa dito." Sabay higit niya saakin palapit sakanya.

Nagsimula na kaming maglakad dalawa. Ang bagal bagal naming maglakad kasi kung mabilis baka mabasa kami. Walang nagsasalita saamin. Naglalakad lang kami...

I want to talk to her, pero, hindi ko kaya, parang nahihiya ako, at ninenerbyos ako.

"Huy! Bakit ka hindi pumasok?! Nakakainis ka ah! Wala ako mautusan tuloy!"

"A...ah, so...sorry!"

"Anung sorry sorry ka jan! nang hindi ka pumasok, pasulpot sulpot yung playboy na yun! Wala tuloy akong makasama magcutting!"

"So...sorry!"

kung hindi ako nag-absent, baka nasa mall kami, kumakain o namamasyal. Gusto ko pa naman pumunta sa mall.

Habang naglalakad kami ay bigla nalang kumidlat ng malakas. Napayakap si Shie sa braso ko at....parang humihikbi siya.

"Sh....Shie?"

"Ateeee.....atee...."

"Sh...Shie." umiiyak siya. Nararamdaman ko kasi na nababasa ang uniform ko eh. I pat her shoulder to comfort her.

"Sssshhhh..." hayyy! Para na niya akong nanay. May "Ssshhh" pa akong nalalaman. Iyan kasi ang ginagawa saakin ni ma kapag umiiyak ako nung bata pa ako.

"Ateeee...."

*Lightning*

Mas humigpit ang yakap niya ng kumidlat ng mas malakas, siyempre, mas lumakas ang iyak niya. I continued patting her.

"Ateeeee...."

"S..Shie..."

"Natatakot akooooo......."

Hinawakan ko nalang kamay niya, at pinagpatuloy nalang namin ang paglakad. Hindi ako komportable ngayon. Nakayap parin siya sa braso ko, habang naglalakad kami.

I really feel.......sad when she cries....

"Shie, wag ka matakot, nandito ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, just hold my hand, at umuwi na tayo sa bahay niyo."

Hinawakan niya ang kamay ko at nakatungo lang siya sa baba. Pinahigpit ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya, in order to make her feel safe.








Shie, wag ka  na matakot, hindi kita iiwan kasi........

Mahal kita...


Author's note:

Medyo magiging mabagal update ko, kasi, marami po talaga kaming gagawin, sorry po talaga! pero, still, mag-uupdate parin ako LOL! sana, hindi kayo magsawang maghintay at magbasa! that's all! LOVE YOU ALL!





3 comments:

  1. aNo b nMaN naGnoSeBLeed pa aq dHiL sa mGa maTheMatiCaL syMboLs a nkiTa q,,, unG mGa cOordiNates n yaN,, kaAdePress,, hwaHehe,, naPaghAHaLaTaan n bumaGsak sa aLgeBra ee,,

    PeO kiNiLig aq shEtzz LAng tLga,,,

    ReplyDelete
  2. kyyyahahhhhhahahaha!! aksjisnxlxxpxpxks >.....<
    ang sweet, kinilig aq shhheeeetttt~~

    ReplyDelete
  3. s 22o lng, torn between ethan & nerdo aq!! preho ksi clang nkkilig pra kei shie ehh.. kya mhirap mamili! ahhahhahaha!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^