Saturday, August 25, 2012

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole : Chapter Ten

Chapter Ten

KAMI NA!!!

(Gio POV)


            Fuck!!! Bakit ba sa dami ng pwedeng mabangga ni Gina ay si Snow pa? Eto naman kasing si Gina ayaw ayusin ang buhay, kung may problema sya sana iniwan na lang nya sa banyo ng kwarto nya.


            “Kaya naman hindi ko ihihingi ng tawad ang nangyari sayo na yan!”


            Bigla na lang tumalikod si Regina at naglakad palayo sa amin, ano ba kasi talaga ang problema ng isang yon, hindi ko sya maintindihan. “Jules, sasamahan ko lang muna si Snow sa Business Building para makapag-palit sya ng damit.” Hindi nga kasalanan ni Gina o kaya ni Snow pero mas kailangan kasi ng tulong ni Snow, mas madaming iced coffee ang tumapon sa damit nya compare to Gina. “Hintayin nyo na lang ako sa tapat ng Faculty room. Let’s go Snow.” At naglakad na kami papunta sa Business Building.


            “Pasensya ka na kay Gina, Snow. May problema kasi sya kaya medyo lutang sya ngayon.”


            Bigla naman nya akong tinitigan at saka nagsalita. “But look what she did to me, muka na akong ewan tapos ang lagkit-lagkit ko pa. reklamo ni Snow sa akin. “And one more thing, wala akong extra shirt sa locker ko.”


            Patay kang bata ka, pano na to ngayon? Eh mukang hindi pa naman to papayag ng hindi nakakapag-palit ng damit. Humanda ka talaga sa akin Gina mamaya pagdating natin sa bahay.


            “Ganito na lang, kuhanin na lang natin sa locker ko yung university jacket ko then, pumunta na lang tayo sa malapit na boutique para makabili tayo ng ipampapalit mo.”


            Nung sinabi ko yun sa kanya ay bigla na lang naging light ang aura nya. I just want to clear things, hindi ko sya gusto, at sadyang gentleman lang ako.


            Nang makarating na kami sa locker ko ay agad kong kinuha ang jacket ko at iniabot sa kanya. Alam kong pinag-titinginan na naman ako, kaming dalawa ni Snow ng ibang students dito sa school, badtrip.


            “Hey Gio, mukang bagong palit ka na naman ng girlfriend ah.” Peste talaga ang Drake na to sa buhay ko kahit kailan. “So, hindi na pala kayo ni Regina Reynolds. It only means na pwede ko na syang ligawan.”


            “She’s not…”


            “Yeah, you can court Regina Reynolds anytime you want. Kami na kasi ni Gio eh, so wala ka ng magiging problema sa kanya. Right sweetheart?”


            Eh kung pilipitin ko kaya ang leeg nitong babae na to? Pasalamat sya at hindi ako nananakit ng babae na walang kalaban-laban. But damn, I’m pretty sure na malaking gulo ang mangyayari kapag kumalat sa buong school na kami ni Snow kahit hindi naman talaga.


            “That’s great news! Oh pano, maiwan ko na muna kayong dalawa at hahanapin ko si Gina para ako na ang maghatid sa kanya mamayang uwian nya.”


            Pagka-alis ni Drake ay hinarap ko agad si Snow, ang may saltik sa utak na si Snow. “Why did you do that, why did you tell Drake that we’re on?” badtrip talaga oh! Naku, kung hindi lang talaga masamang pumatol sa babae.


            Hindi man lang nya sinagot ang tanong ko, ngumiti lang sya sa akin. “Tara na, bumili na tayo ng damit ko, talagang nilalagkit na ako eh. Remember, kailangan pa nating magpasa ng project natin kay Mam Divine.” Oo nga pala! Tatawagan ko na lang si Jules para silang tatlo na lang ang magpasa kay Mam, baka kasi hindi agad ako makabalik.


            “I want to talk to Gina!” sabi ko agad kay Jules pagka-sagot nya ng phone nya.


            “Sorry pare pero hindi namin kasama ni Lala si Gina, nagmamadaling umalis nung sinamahan mo si Snow.” Sagot ni Jules. “Sya na lang mismo ang tawagan mo. Sabi rin nya kasi tayong tatlo na lang daw ang magpasa ng project natin kay Mam Divine eh.”


            After ng sinabi na yon ni Jules ay pinindot ko na ang end call button ng phone ko. Fuck, ano ba kasi talaga ang nangyayare sa isang yon? Nauubos na talaga ang pasensya ko sa kanya.


            “Sige na Snow, mauna ka na sa loob ng boutique at maghahanap lang ako ng parking space.”


            Pero hindi naman sya gumalaw sa kina-uupuan nya. Isa pa tong babae na to, malapit na rin nyang ubusin ang pasensya ko. Pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay yung spoiled-bratt na kagaya nya.


            “Nope, sabay na lang tayong bumaba.” God, she’s entering into my nerves, malapit ko na talaagang pilipitin ang leeg nya. “There, may space pa doon.” At nakita ko naman agad ang itinuro nya na free space. “Hey, I know that car, kay Hale yan ah. What is he doing in this kind of place?”


            Kambal nga pala sila nung Hale na yon na mukang may balak pang pumorma kay Regine nung first time nilang pumasok. Tapos eto namang isang to ako pa yata ang trip, sorry to her but she’s not my type.


            “Let’s go!” at nauna ng bumaba si Snow sa kotse ko, pero hinintay naman nya ako. “Come on, ang lagkit ko na.”


            Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad naman na syang naghanap ng damit ka gusto nya. Ako, humanap lang ng pwedeng maupuan dito sa boutique habang hinihintay sya.


            “Snow! What are you doing here?”


            Malamang nandito nga yung kakambal nya at nagkita na sila, but the hell I care.


            “For one damn good reason Hale, to buy clothes. How about you, what are you doing here? As far as I know puro pang-babae ang damit dito, are you gay?” sagot naman ni Snow sa kakambal nya.


            “Whatever Snow! Who you with?” tanong ulit ni Hale sa kapatid nya.


            Lintik naman oh, anong oras pa matatapos sa pagpili ang babae na to kung dito pa nila naisipan na mag-kwentuhan? “I’m with my boyfriend.” What the fuck is she talking about, I am not her boyfriend, and we’re not even friends.


            Hindi na ako naka-tiis at tumayo na ako at lumapit sa kanila. Ayoko naman na isipin ni Hale na may relasyon nga kaming dalawa ng kakambal nya, baka mamaya maisipan pa nyang pormahan si Regine ay magkaron pa ako bigla ng record sa Disciplinary Office ng university.


            “Oh, he’s here na pala. Hale. I want you to meet my boyfriend, Gio!”


            Hindi naman agad nakapag-salita si Hale sa mga sinabi ng baliw nyang kapatid. Ano bang meron sa likod ko at doon nakatuon ang tingin ni Hale, meron ba syang third eye?


            “Y-you sure about that Snow?” di makapaniwalang tanong ni Hale sa kapatid nya. “Well, I hope na magtagal kayo.”


            Tumingin ako sa likod ko para makita ko naman yung nakita kanina ni Hale. At laking gulat ko ng makita ko si Regina, did she heard what Snow said awhile ago? Fuck!!!


            “Oh Gina, nandito ka rin pala, si Hale ba ang kasama mo? You know what, you look good together.”


            Ano ba naman tong gulong napasukan ko, bakit ba kasi hindi ko agad itinama yung mga sinabi ni Snow sa kakambal nya?


+++++++++++++++++++++++++++++++


(Regina POV)


            After akong ilibre ni Hale ng coffee sa Starbucks kahit hindi naman talaga ako mahilig sa coffee ay dito naman nya ako sa isang boutique hinila. Sapilitan nya akong pinapili at pinagpalit ng damit na napili nya. Kailangan ko daw magpalit ng damit dahil muka na daw akong madumi, which is hindi daw magandang tingnan sa babae, na totoo naman. Palabas na ako ng fitting room dahil nga sa nagpalit na ako ng damit.


            “Oh, he’s here na pala. Hale. I want you to meet my boyfriend, Gio!”


            Medyo kinabahan ako ng marinig ko ang mga salita na yon, lalo na yung pangalan. I know that voice, boses yun ni Snow at ni Hale. Pero how come na si Snow at Gio na agad, kung si Gio Lopez ang tinutukoy nya.


            Paglabas ko ng fitting room, parang gusto ko ng pumasok ulit doon at wag ng lumabas, to think na likod pa lang ni Gio ang nakikita ko. Gusto ko man bumalik sa fitting room para biglang maglaho sa eksena ay hindi ko na nagawa, ayaw gumalaw ng mga paa ko palayo sa lugar na to.


            “Oh Gina, nandito ka rin pala, si Hale ba ang kasama mo? You know what, you look good together.”


            Sabay pa silang lumingon sa direksyon ko ha, parang meant to be talaga, badtrip naman oh! Ano na ngayon ang gagawin ko, hindi naman yata ako papayag na ganito na lang.


            “Yeah, kanina pa kami nandito. You know what Snow, you and Gio look good together too.” Ano bang sinasabi ko, diba dapat ang sabihin ko ay ‘hindi kayo bagay na dalawa, kaming dalawa ni Gio ang bagay’ diba dapat ganon? “Congrats sa inyong dalawa ha.”


            Nilapitan ko na si Hale at hinila palayo sa kanilang dalawa, pero gago din tong si Hale, ayaw makisama. “Akala ko ba sasabihin natin agad sa kanila, go tell them.” Ano bang sinasabi nitong hibang na to, ano ba yung dapat naming sabihin agad?


            “Ano yon Gina?” tanong ni Gio sa akin, tapos ang babae naman na katabi nya eh lumingkis agad. “Hey, what’s that?”


            Bahala na nga si Batman! “Kami na rin ni Hale!” fucker me, tama ba tong mga sinasabi ko?


            “That’s right; I’m drop dead serious about Gina. Hey men, you don’t have to worry anything because I do not have any plan of hurting Gina’s feelings. I’ll do everything to make her smile and happy everyday.”


            Ano ba namang klaseng tingin yan Gio, kung maka-tingin ka jan akala mo may pinatay akong tao. Kung meron mang namatay, yung puso ko yon. Ginawa mong hobby ang pagpunta sa kwarto ko gabi-gabi para lang sabihan ako ng ‘good night, sweet dreams’ at bigyan ng good night kiss sa lips, tapos ganito lang ang gagawin mo sa puso ko, sa akin.


            “Oh really? You twin brother, you really must take good care of Gina, and she’s a close friend of my boyfriend.”


            Yeah, boyfriend na nya si Gio at girlfriend na ni Gio si Snow! What else can I do, wala na! Nagtagumpay ang amerikana sa pagsakop sa puso ng pinoy, panahon na para itaas ko ang white flag ko!


            “Hale, ipakilala natin sila kina Granny at Grandpa, you know. I just want to piss them off.”


            She sucks!!! Ipapakilala sa grandparents nila, hell no!!! I need to get out in here bago pa pumayag ang lalake na to sa gusto ng kambal nya.


            “No!” Gio and I said in unison.


            Nagka-tinginan naman ang mag-kapatid at saka nagsalita si Hale na nasa tabi ko. “Maybe they’re right Snow, this is not the right time for that matter, besides bago pa lang din naman kami ni Regina.” Anu ba naman yan, mukang sineryoso yata ng lalake na to ang mga kasinungalingan na sinabi ko.


            “Ok! Anyway, maybe we should eat snack all together. That would be a great bonding, you know.”


            Kumain kang mag-isa mo, o kaya kayong dalawa na lang nyang BOYFRIEND mo! Ano ba tong gulo na napasok ko, kahit kailan ka talaga Gina!!!



7 comments:

  1. ay naku!!! ito yung part na banas na banas ako kay snow!!! tutunawin lang talaga kita nagngingitngit at naglalagablab kong galit eh!!! tapos kapag tunaw na siya, lulunurin ko rin si gio!!! (senxa na espren ha, naiinis pa rin talaga ako kay gio sa eksenang ito eh)

    buti na lang nanjan si beybi hale ko. ehehehehehe...


    anyway, bakit binitin mo pa!!! yung kasunod yung pinakamagandang part eh!!! yung gumugulong ako sa buong bahay ko!!! ipost mo na yun!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi... wag ka ng mabanas kay Snow!!! Walang kwenta ang lablayp mo kung walang kontrabida!!! napaka-brutal pa ng balak mong gawin kay Snow!!!whahaha...


      eto na, ipopost ko na!!! gulong ka ulit sa buong bahay nyo ha... bwahahaha...

      Delete
  2. sarap ibaon ni snow sa lupa! feelingera! nakakainis! kawawa si gina!

    ReplyDelete
  3. akla q ung title n KAMI NA cna gio at gina! ung bwiset plng snow! kkainis!
    buti anjan c hale, 2 d rescue kei gina!

    ReplyDelete
  4. ~angel is luv~

    kakainis si snow!! feeling niya!! bakit ba ang kontrabida niya kay gina??
    ano na po kasunod nito? kakaexcite na!!

    ReplyDelete
  5. wag naman kayo masyadong mapoot kay Snow!!! wala naman syang ginagawang masama...hihihi...

    eto na yung lasunod... send muna pala akong reports ko...hihihi...

    ReplyDelete
  6. hahhaha.. ang saya!!! ang sweet ni hale.. instant bf at gf kagad eh!! hhaha.. selos much sila for sure!! magkaka world war 3 na bah??..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^