Monday, August 13, 2012

Demonair Luster: Introduction

(NOTE: Lahat ng mababasa niyo dito at sa lahat ng chapters ay gawa-gawa ko lamang, fiction lamang ito at walang katotohanan ang mga ito, kung hindi niyo po kayang basahin mo matanggap ang bagay na kalagay dito, maaari niyo pong wag na lamang ito basahin para na rin po sa inyong kabutihan. :P)



Introduction


"Demons? Pssh hindi totoo yan! Kung meron mang demonyo dito sa ating mundo ay yun yung mga taong walang puso." Sabi sa akin ni Claire.

"Hindi rin, hindi mo rin masasabi... nothing is impossible in this world, kaya hindi natin talaga alam kung meron man demonyo o wala ika nga nila 'Our world is full of mystery.'" Seryosong sabi ko habang nakapahalumbaba.

"Ayan!" Nagulat ako sa sigaw niya with matching palo-palo pa sa lamesa. "Yan ang napapala mo sa kapapanood ng mga supernatural movies! Kung ano ano na iniisip at pinaniniwalaan mo! Nakakaloka ka Cielo!" Umiling-iling pa siya habang tinitignan ako.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.

Sino nga ba ang maniniwala sa mga Demons? Vampires? Werewolves? Fairies at kung ano ano pa?

Wala syempre/.. pero ako? Naniniwala ako sa lahat ng iyan. 

Hindi ako baliw o kung ano man... ewan ko, sinasabi ng isip ko na hindi sila totoo at nababaliw lang ako sa mga ganyang palabas pero ang puso ko na mismo ang nagsasabing totoo sila.

Naniniwala rin ako sa mga White Demons... ano ba ang mga White Demons? Hindi sila puting demonyo ha.

Wait, alam niyo ba yung Fallen Angel?

Ang mga fallen Angel ay yung mga... dating anghel na pinatapon sa lupa dahil kumampi sila kay Lucifer... pwede rin na sa kadahilanan na nainlove sila sa mga tao...

Forbidden Love?

Oo, kadalasan sa mga storyang nababasa ko ay tungkol sa mga anghel na naiinlove sa mga tao. Hindi ko maintindihan, sabi nila makapangyarihan ang pag-ibig... pero bakit ipinagbabawal nila iyon? 

Marami akong katanungan sa isip ko na minsan alam ko na yung sagot pero... gusto ko pa rin alamin. Gulo ko nu?

Eto na... ang mga white demons para sa akin ay yung mga demonyong may mabubuting puso.

Hala paano yun? Pwede ba yun?

Para sa akin ulit. Oopwede iyon at umaasa akong makakita ako nun... pero sabi nga nila hindi totoo ang mga demonyo o anghel.

Pero bakit ako naniniwala?

Pero bakit ako gustong gusto kong makakita ng ganun?

Pero bakit ako... "Hello, Cielo anong ginagawa mo dito? Kanina pa lunch ah? Siguro hinihintay mo ako no?"

Mahal ko siya?

Ay vamvam! Ano ba yung sumingit na yun? Wag kayong maniwala dun! Hahaha.

"Heh! Manahimik ka jan, ang kapal talaga ng mukha mo eh no?" Sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan niya naman ako. 

 Tumayo na ako para pumunta sa may cafeteria.

Ano nga bang meron sa kanila at bakit... gustong gusto kong maniwalang nage-exist sila sa mundo natin at sa... mundo ko?

2 comments:

  1. iba naiisip q kpag ung mga kwento mei demons. mttakutin kasi aq. ito p lng mgiging 1st time q n magbbsa ng ganitong story. muka kasing intersting. sna po sundan agad,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uwaaah! Hehehe. Wag ka po matakot :) hindi naman po nakakatakot to na may mumu eh. Hehehe. Pero hindi ko pa rin maipapangako. Ito lang, medyo may pagkabrutal lang po ito kapag mga nasa ch.10 na siya :)) maraming salamat po!!! Ehehehe~

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^