Monday, August 13, 2012

Munting Puso [One-Shot]

Munting Puso
By: WisdomDeath



Hindi ko naman hiniling na mapunta sa sitwasyon na ito, wala naman akong ginawa ng sobrang sama para maranasan ito pero mukhang parte lang ito ng buhay. Minsan lang tumibok ang puso kong ito. Mala-lalaki nga daw kasi ako at minsan na din akong nasabihan na tatanda akong dalaga pero sa totoo lang, marunong pa rin akong magmahal. Minsan ko nang inisip na nagmahal ako pero nabalewala lang dahil hindi ko naman pinadama. Mali ko iyon pero 'yun ang pinili ko kasi alam kong doon ako mas mapapanatag. 

May pagkakataon na mas gugustuhin kong pumunta sa isang kwarto kung saan ako'y makapag-iisa at iiyak na lamang ako. Iiyak dahil ako'y nasasaktan. Mahirap, mahirap magtago ng nararamdaman lalo na kapag andiyan na ang mga traydor na luha. Ginagawa mo na ang lahat para pigilan umiyak pero maya maya lamang, tumutulo na ang luha mo. Ang hirap pigilan. 
Tuwing nakikita ko siya at sa tuwing mababanggit ng mga kaibigan ko ang pangalan niya, bigla na lamang akong tila binagsakan ng mundo. Dahil naaalala ko ang mga panahon na hindi pa ako nsasaktan ng ganito. 
Sa tuwing pinapakinggan ko 'yung kanta na iyon, siya ang laman ng isip ko. Hindi ko alam kung ano ang meron sakanya. 
Ganito ako pero takot ako magka-relasyon. Kasi hindi ko alam kung paano ko sosolusyunan ang mga problema at kung ano ang dapat kong kilos. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Wala akong maintindihan sa kahit anong sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko tungkol sa relasyon nila sa boyfriend nila. Kasi hindi naman ako tulad nila na halos buwan-buwan, iba-iba! 
Ako kasi, wala pang nagiging boyfriend kaya wala akong ideya kung ano ang meron. Kaya minsan nasasabihan na ako ng mga kaibigan ko na baka daw babae ang gusto ko. Kung babae ang gusto ko, sana matagal na akong may girlfriend. 
Naka-upo ako habang nakikinig ng mga tugtugin sa cellphone ko nang tumugtog ang kantang laging nagpapaalala sa akin ng sakit at lungkot na naramdaman ko nang sinubukan ko siyang limutin. 
Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin sa panahon na 'yun kaya naman sumulat ako ng isang kwento kung saan binase ko sa panaginip ko na patungkol sa aming dalawa.
Sa panaginip ko na lang nararamdaman na parehas kami ng nararamdaman at masaya na ako doon. 
Sa bawat awiting siya ang naiisip,
Akoy napapaisip,
Pag-ibig na ba ito?


Sa mga kwentong isusulat, siya na lang ba ang laging laman?

Sa bawat ngiting makikita sa aking mukha, ikaw na lang ba ang magiging dahilan?


Hindi na ba talaga kita malilimot?

O sadyang kailangan ko lang maghintay pa para tuluyan ka nang makalimutan?

Gaano katagal pa?

Isang araw?

Isang linggo?

Isang buwan?

Isang taon?

Huwag naman sanang pang-habang buhay.


Nais na kitang limutin.
Isip at panaginip ko'y iyong lisanin 
Nang ang panaginip ko'y maging mahimbing
Dahil pinupuno mo lang ang panaginip ko ng matatamis na pangyayari na kailan man ay hindi magyayari sa realidad. 


4 comments:

  1. wow. pra rin akong ngbbsa ng tula. ang ganda. ang lalalim. tagos n tagos!!

    ReplyDelete
  2. Himala ba na si WisdomDeath ay naging malalim, Filipino pa! Hindi English. Hahahaha!

    ReplyDelete
  3. i'm quite surprise with this! magaling ka rin magsulat in filipino!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^