CHAPTER NINE
A/N: Kyaaa .. tagal ko di nakapag-update .. sorry naman .. ngayon lang naman po ako tumagal sa pag-UD .. busy lang po kasi ako .. at magiging busy pa sa mga susunod na days .. kaya medyo delay mga UD ko .. pasensya na ulit .. sana magustuhan nyo 'tong chapter na 'to .. salamat ..
BUHAT BUHAT ang babae, tensyonadong isinugod sa Hospital ni Darryl ang babaeng nasagasaan kasunod ang lalaking nakasagasa. Puro dugo na rin ang damit maging ang mga kamay nito. Sa totoo lang ay nahihiilo na sya sa malangsang amoy ng dugo pero tinitiis lang nya.
"Nurse! Please! Paki-tulungan naman kami."pakiusap ni Darryl sa isang Nurse na sumalubong sa kanila.
"Ano po bang nang-yari sa pasyente?"tanong ng Nurse na ngayon ay binigyan na sila ng stretcher para doon ilagay ang babae.
"Nasaagasaan kasi sya e. Hindi ko alam kung paano. Basta nakita ko na lang nung nabangga na sya."ani Darryl.
"Bigla na lang kasi syang tumawid e. Para syang lasing kasi ilang beses akong bumusina pero parang wala lang sa kaniya. Hindi na sya inabot ng preno kasi msyado na pong alanganin kaya ayon po, nabangga ko sya."hindi na maipinta ang mukha ng lalaking nag-e-explain.
Tumango ang nurse tapos ay inumpisahan na nito ang first aid sa babae. Kumuha ito ng mga kagamita para ipang-punas sa dugo ng babae at mga gamot na rin pang-linis. Habang ginagawa iyon ng nurse ay hindi naman mapakali si Darryl sa waiting area. Alam nya kasing nag-hihintay si Dian sa kaniya ngayon. Timing pang nawala ang cellphone nya at hindi pa sya pwedeng umalis hanggat walang balita galing sa doktor.
Ilang saglit pa ay lumabas na ang doktor ng babae. Agad namang tumayo si Darryl at ang isa pang lalaki. "Kayo po ba ang kamag-anak ng babae?"
"Hindi po. Kami lang po ang nag-dala sa kaniya dito."sagot naman ni Darryl na ngayon ay natutuyo na ang dugo sa damit nito.
"Kung ganun kailangan natin ang consent ng mga magulang nya or any related family."wika ng doktor.
"Bakit po? Kailangan po ba syang operahan?"alalang saad ni Darryl.
"Kailangan, dahil may internal hemorrage ang pasyente. Kung pwede sana magawan ng paraan na matawagan agad ang magulang ng pasyente dahil kailangang masimulan agad ang procedure kung hindi baka ika-pahamak pa nya ito."saad ng doktor.
"Sa pasyente po ang mga gamit na 'to."iniaabot ng nurse ang isang maliit na bag. Kinuha naman iyon ni Darryl saka hinalungkat para hanapin ang cellphone. Nang makita nya ito ay agad syang nag-browns ng mga number pero wala syang makitang pangalan kahit man lang mama o kaya naman ay papa. Buhay pa kaya ang mga magulang nya? Ano na ngayong gagawin nya?
Ilang saglit pa at bumalik na ulit ang doktor. "Mr. Jung ano po? Natawagan nyo na po ba ang mga magulang ng pasyente?"tanong nito.
"Hindi pa po doc e. Wala po kasi syang contact number ng mga parents nya o hindi ko alam kung alin dito ang number ng mga magulang nya."wika ni Darryl.
"Mas mabuti po kayo na lang ang pumirma ng consent. Kailangan na po nating maumpisahan ang operasyon sa kaniya."ibinigay ng doctor ang consent paper kay Darryl at wala ng nagawa pa ito kundi pirmahan iyon. Maya maya pa ay inumpisahan na ang operasyon sa babae. "Demi Madrigal pala ang pangalan ng babaeng yun."bulong ni darryl sa sarili ng makita nya ang I.D ng babae sa wallet. Kailangan nya kasi ng ilang impormasyon tungkol dito para sa form na sinasagutan nya. "De La Salle University sya nag-aaral, ang birthday nya ay May 22 1990. 22 years old na sya kung ganun. Hu? Malapit na rin pala birthday nya. Isang linggo na lang."matapos nyang sagutan ang form ay ibinigay na nya ito sa nurse at naupo sa tabi.
Hindi rin sya mapakali dahil iniisip nya si Dian. Kanina pa siguro yun nag-hihintay sa kaniya. Hindi nya naman matawagan o matext man lang dahil nawala nga ang cellphone nya. "Naan dun pa kaya sya?"alala nyang tanong sa sarili. May cellphone nga si Demi pero hindi nya naman alam ang number ni Dian. Pinag-iisipan pa nya kung ite-text ba nya si Darren para puntahan si Dian kasi ayaw nyang mag-kalapit ang dalawa. Pero nag-hihintay si Dian.
**********
NAPAHINTO si Darren sa pag-lalakad ng makita nya si Dian na nakatayo sa tapat ng school nila. Pasado alas diyes na ng gabi pero naroon parin ito.
"Anong ginagawa mo dito?"kunot nuong tanong ni Darren. Naiilang namang sumagot si Dian.
"Hu?Ah-si Darryl kasi. Sabi nya hintayin ko daw sya dito. Pero hanggang ngayon wala pa sya."paliwanag ni Dian. Saglit na napaiisip si Darren. Ang alam nya kasi ay naunang umalis si Darryl sa kaniya.
"Ganun ba? Kanina pa sya umalis sa trabaho e."kinuha ni Darren ang cellphone sa bulsa saka tinawagan ang cellphone ni Darryl pero out of coverage ito. "Sarado cellphone nya e."wika ni Darren.
"Kanina ko pa nga rin sya tinatawagan, nakailang text na rin ako pero wala syang sagot."saad ni Dian.
"Saan kaya nag-punta ang taong yun?"nilingon lingon pa ni Darren ang paligid. Nakita nya ang mga pulis sa kabilang kalsada pero hindi na nya ito pinansin pa. Bumaling sya kay Dian. "Pano? Una na ko. Hintayin mo na lang sya. Dadating din yun. Sige."paalam ni Darren pero hindi pa man sya nakakalayo ay may nasalubong na syang mga lasing na lalaki. Natigilan sya at parang biglang nag-alala kay Dian.
Sa isip isip nya baka kung iwan nya si Dian mag-isa dun at matagalan pa si Darryl sa pag-balik ay baka kung ano pa ang mang-yari sa kaniya. Nilingon nya si Dian, halata sa mukha nito ang takot dahil halos wala na ring mga taong nadaan doon. Napabuntong hininga sya saka muling bumalik. Ikinagulat naman iyon ni Dian.
"Sasamahan na lang kita."sabi ni Darren.
"Hi-hindi na kailangan-"kokontrahin pa sana nya si Darren pero lumapit na ito sa tabi nya. Matagal na nakatingin si Dian sa kanya at pag-kuway napangiti si Dian. "Salamat."anito. Nahihiyang tumango lang si Darren sa kaniya. Trenta minutos pa ang lumipas ay wala parin si Darryl. Inip na inip na si Darren dahil trenta minutos na syang nakatayo dun. Ngalay na ngalay na ang mga paa nya. Sa lahat pa naman ang ayaw nya ay ang pinag-hihintay sya lalo na kung ganun katagal. Kung hindi lang dahil kay Dian ay hindi sya mag-tya-tyagang tumayo dun.
"Badtrip naman! Bakit ba ang tagal nya? Nakakainis naman oh!"unti unti na rin umiinit ang ulo nya. Alalang napatingin naman si Dian sa kaniya.
"Sabi ko naman kasi sayo hindi mo na ko kailangang samahan dito."pero inis lang syang tiningnan ni Darren. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Darren. Text iyon galing sa unknown number. Binuksan ni Darren at binasa ang text. Lalong nadag-dagan ang init ng ulo nya ng di Darryl ang nag-text.
"Ren, paki-puntahan naman si Dian sa tapat ng school. Nag-hihintay kasi sya sakin dun. Paki-sabi hindi na kami tuloy ngayon kasi may importate lang akong ginawa. Paki-sabi na rin na pasensya na. Salamat.
Darryl."
"Bwisit!"sigaw ni Darren na ikinagulat ni Dian.
"Ba-bakit?"utal na tanong nito dahil sa gulat. Tiningnan sya ni Darren na may hindi maipintang mukha.
"Hindi na raw makakapunta si Darren. Pasensya na daw."inis nyang sabi dito. Nalungkot man at medyo nainis si Dian pero hindi sya nagalit. Kaya lang hindi maitagao sa mukha nya ang pag-kadismaya. Ayaw naman ni Darren masayang ang pagod nila kakatayo dun kaya naman nakaisip ng ideya si Darren. "Alam ko na!"excited nyang wika. Napatingin sa kaniya si Dian. "Sumama ka na lang sakin!"hinawakan nya ang kamay ni Dian saka hinatak ito paalis.
Huminto sila sa isang abandunadong bahay sa loob ng isang malapit na subdivision sa kanila. Kilala naman si Darren ng guard kaya naman pinapasok sila doon. Excited parin ang mukha ni Darren habang si Dian naman ay halatang takot na.
"Anong gagawin natin dyan?"halata na rin ang takot sa boses nito.
"Matagal ko na kasing gusto pumunta dito. Nakikita ko lang kasi 'to sa bintana ng apartment ko. Tara!"aya nya pero pinigil ni Dian.
"A-ayaw ko."prangkang saad niya.
"Bakit? Takot ka?"tumango lang si Dian. Natawa naman si Darren pag-kuway inakbayan nya ito. Bumilis naman ang tibok ng puso ni Dian dahil sa ginawang iyon ni Darren. "Walang multo dito. Tara!"walang ng nagawa si Dian kundi ang mag-padala kay Darren. Madilim sa loob, halos wala kang makita. Tanging ang pag-akbay lang si Darren ang nararamdaman ni Dian.
Dikit na dikit ang katawan nilang dalawa, dinig na ni Dian ang bawat pag-hinga ni Darren. Amoy na amoy niya ang pabango nito na hindi mo pag-sasawaang amuyin. Dahil nga hanggang dib dib lang sya ni Darren, dama niya ang muscle nito sa dib-dib. Sa mga sandaling iyon parang ayaw na ni Dian na bumitaw si Darren sa kaniya. Parang gusto nya na lang ganun sila hanggang matapos ang gabi. Pero lahat ng imahinasyon nya natapos ng bumitaw si Darren pag-dating nila sa rooft top. Hindi nya alam pero nakaramdam sya ng lungkot.
"Tingnan mo. Bilog na bilog ang buwan."tinuro pa ni Darren ang buwan. Namamangha naman si Dian. Kung madilim sa ilalim dito sa roof top ay kitang kita mo ang lahat. Maging ang maaliwalas na mukha ni Darren. "Ang liwa liwanag nya no? Halika."hinatak nya si Dian para maupo. "Gusto mo makarinig ng kwento tungkol sa buwan?"nakangiting tumango si Dian. "Okay."inayos nito ang pag-upo.
"May isang babae, pangalan nya Luna. Iniwan sya ng taong pinaka-mamahal nya kaya lagi syang umiiyak. Lagi syang nasasaktan. May kaibigan naman siya pangalan Sunny. May lihin na pag-tingin sa kaniya ang kaibigan nyang yun. Pero hindi nya napapansin kasi nga may iba syang mahal. Isang araw bigla na lang nag-kasakit si Luna. Dinalaw sya ni Sunny. Masakit kay Sunny na makitang ganun ang mahal nya. Kaya nangako sya, sabi nya, "Pangako ko sayo, ako ang mag-sisilbing liwanag sa tuwing nalulungkot ka dahil akala mo ay puro madilim na lang ang mundo mo. Hindi kita iiwan. Lagi lang ako sa tabi mo. Ako ang mag-sisilbing lakas mo. Pangako yan." Sabi ni Sunny. Kaya lang isang gabi. Namatay si Luna dahil hindi na nya nakayanan ang sakit nya. Hindi rin kinaya ni Sunny ang pag-kawala ng mahal nya kaya namatay din sya. Ang lungkot ng ending no?"pag-tatapos nito sa kwento. "Yun ang kwento ng BuwAn at Araw."dugtong pa nito.
Hindi naman malaman ni Dian kung matatawa ba sya o hindi sa kwentong iyon. Ngayon nya lang nakitang ganun si Darren. Hindi nya inakalang may kwelang side pala ang lalaking 'to. Ang buong akala nya kasi ay puro pag-susungit at walang kamodohan lang ang alam nito. Pero ngayon ibang iba ito sa usual Darren na nakilala nya.
"Bakit ka natatawa? Totoo yun! Diba sa Sun naman kumukuha ng liwanag ang moon? Hay! Nakikinig ka ba sa teacher mo sa Science nung high school ka?"inis na wika nito.
"Syempre naman! Nagulat lang ako. Kasi ngayon ko lang narinig ang kwento na yan."dahilan ni Dian.
"Palibhasa kasi sa Korea lang may ganung kwento."anito. "Pero tinupad naman ni Sunny ang pangako nya kay Luna eh."bumuntong hininga si Darren, saglit nitong tiningnan ang buwan saka muling bumaling kay Dian. "Nan dito lang ako sa tabi mo, ako ang mag-sisilbing liwanag mo, hindi kita iiwan."seryosong sabi ni Darren kay Dian na ikina-abnormal ng pintig ng puso ni Dian. Pakiramdam nya ay para sa kaniya ang mga sinasabing iyon ni Darren. Hindi nya alam kung anong gagawin niya. Parang syang kinikilig na ewan. Lalo pa na nakatitig lang sa kaniya si Darren, pilit nyang iniiwas ang tingin nya pero ilang segundong nanatili sa ganung posisyon si Darren. Nakatitig na mga mata nya na para bang nangu-ngusap. Awkward ng feeling para kay Dian.
Ilang saglit pa ay tumayo na si Darren, sinundan lang sya ng tingin ni Dian. "Hay! Nakakapagod pala mag-trabaho!"nag-unat pa sya. Nakatingin sa kaniya si Dian na may pag-hanga. Nakangiti syang nilingon ni Darren, Kitang kita sa sinag ng buwan ang gwapong mukha nito. Ang pambihirang ngiti nito na ngayon lang nakita ni Dian. Priceless smile, na walang katumbas. Ibang iba si Darren sa mga oras na iyon.
"Tara, uwi na tayo. Gabi na."doon lang napansin ni Dian ang oras. Eleven na, malamang kanina pa sya hinahanap ni Emily. Nang tingnan nya ang phone nya ay panay na pala ang tawag ni Emily. May mga text na rin kaya naman agad nya itong ni-replyan. Hindi kasi nya napansin dahil naka-silent ang phone nya.
Inihatid ni Darren si Dian sa apartment nila. Nagulat si Darren dahil yun lang din ang unang beses na nakapunta sya sa apartment nila Dian. "Ang lapit lang pala nito sa amin ni Darryl."saad ni Darren.
"Oo nga. Sabi sakin ni Darryl."ani Dian.
"Sige, pumasok ka na."utos nya. Nakangiting tumango si Dian. Papasok na sana si Dian pero muli nyang nilingon si Darren at tinawag.
"Darren."tawag nya. Lumingon naman ang papaalis na sanang si Darren. "Salamat nga pala."wika nito.
"Para saan?"kunot nuong tanong ni Darren.
"Sa-sa gabi na 'to."nahihiya pa nyang sabi. Darren smiled like a crooked. Ngayon ay nakita na muli ni Dian ang usual Darren na nakilala nya.
"Ako nang bahalang gumulpi kay Darryl mamaya. Sige."klumaway ito saka tuluyan ng umalis. Napangiti na lang si Dian sa kaniya at pumasok na rin ito sa loob.
**********
NAG-KASALUBONG sina Darren at Darryl pauwi ng apartment. Walang ganang nag-lalakd si Darryl ng mag-katinginan sila ni Darren.
"Oh! Darryl!"agad na napansin ni Darren ang mga dugo sa damit ni Darryl kaya patakbo nya itong nilapitan. "Anong nang-yari sayo? Bakit puro dugo ka?"alalang tanong nito. Lumabas ang pagiging pinsan ni Darren kay Darryl.
Inis na tinapik ni Darryl ang kamay nya. "Hay! Mahabang usapan! Si Dian? Kamusta sya? Pinuntahan mo ba sya?"si Dian agad ang kinamusta nito.
Bigalang uminit ang ulo ni Darren ng maalala nya kung gaano katagal silang nag-hintay ni Dian kanina. Tinulak nya si Darren kaya dagli itong napa-atras. "Sa susunod nga sabihin mo ng mas maaga kung makakapunta ka o hindi! Ang tagal naming nag-hihintay doon! Bwisit!"wika ni Darren.
"Hindi ko naman alam e. Nawala kasi yung cellphone ko."paliwanag ni Darryl.
"Nawala? Ano ba kasing pinag-gagagawa mo? Inilabas ko na lang si Dian. Tutal nag-hintay na lang din kamidun."pag-amin ni Darren na hindi nagustuhan ni Darryl.
"Ano? Kayo ang lumabas?"gulat na sigaw nito.
"Bakit? Hindi naman date yun! Nilibang ko lang sya dahil naki kong nadismaya sya sa ginawa mo! Pasalamat ka pa nga e! Dyan ka na nga!"tuluyan nya ng iniwan si Darren na ngayon ay kumukulo na ang dugo sa inis.
"Sabi ko na e! Hindi ko dapat hinayaang makalapit si Dian kay Darren dahil ganito ang mang-yayari. Hay! Kainis!"sumunod na rin ito kay Darren sa loob.
Naii-inlove na nga ba si Dian kay Darren o si Darryl ang naii-in-love kay Dian? Ano kaya ang nang-yari sa babaeng nadisgrasya na may pangalang Demi?
Ano kaya ang mang-yayari kapag-nalaman ng Lolo nila Darren at Darryl na nahanap na nila ang Angekl na pinahahanap ng Lolo nila? Kasalan na kaya?
whoah!.. grabe!!!.. i find it funny.. lageh akong nababanga ni darryl noon,tapos ung grand entrance ko.. nabangga naman ng sasakyan.. hahaha.. oh san kpa.. shockabelles!.. ang ganda ate!.. :))
ReplyDeletethis is really funny!
ReplyDeleteang dami kong tawa habang nagbabasa nito! sana may kasunod agad! please!
ReplyDelete