CHAPTER EIGHT
SABADO, kaya walang pasok sina Darryl at Darren ngayon. Pareho silang bored sa kani-kanilang kwarto, hindi kasi gaya sa Korea na pag walang pasok o kahit pa may pasok man ay may napag-lilibangan sila. Dito kasi ay wala, walang banda wala ding Tennis.
Ilang saglit pa ay sabay na kinuha ng dalawa ang cellphone nila. Ang kay Darren kasi ay tumunog dahil sa tawag ni Angel samantalang si Darryl naman ay para tawagan si Dian.
"Oh bakit?"walang ganang sagot ni Darren kay Angel.
"It's saturday."wika ni Angel sa kabilang line.
"May calendar ang cellphone ko kaya alam kong sabado ngayon. Kaya ka ba tumawag para sabihin lang sakin yan?"iritableng sagot ni Darren.
"My God! Wala ka na bang matinong sagot sakin?"mukhang hindi naman natuwa si Angel sa sinabi nyang yun.
"Ano ba kasi yun?"sa totoo lang wala syang pakialam kung mainis man sa kaniya si Angel.
"Lets go out! Lunch, don't tell me ibuburo mo lang sarili mo dyan sa apartment mo?"napaisip naman si Darren sa sinabi nito. Sabagay, bored sya ngayon at talaga namang walang magawa sa apartment nya, bakit hindi na lang sya sumama kay Angel kahit na alam nyang iritable sya dito. Pano naman kasi wala syang mapaglibangan ni gitara man lang. Hindi kasi pinadala sa kanila ng lolo nila ang mga bagay na mag-papadistorbo daw sa kanila. In short wala ding dalang raketa si Darryl para mag-laro ng Tennis.
Kung gusto man nilang bumili walang silang pera. Ang brand ng gitarang binibili ni Darren ay nag-kakahalaga ng three to four thousand. Ang brand naman ng raketang binibili ni Darryl ay nag-kakahalaga ng ten to twelve thousand. Saan naman sila kukuha ng ganung kalaking halaga? Mabuti sana kung hindi kinuha ng lolo nila ang mga cards nila, hindi sana sila nag-titiis ngayon.
"Hello Darryl, napatawag ka?"sagot naman ni Dian sa tawag ni Darryl.
"May ginagawa ka ba?"nahihiya pang tanong ni Darryl.
Nilingon ni Dian si Emily na nakaupo sa study table nito at busy sa pag-ta-type ng ginagawa nitong kwento. "Wala naman. Bakit?"sagot nya.
"Pwede ba tayong lumabas?"aya niya dito.
"Hu?Ah-"dali namang nabigla si Dian. Hindi nya kasi inaasahang yayayain sya ni Darryl na lumabas.
"Kung ayaw mo ayos lang sakin."agad namang binawi ni Darryl ang aya nyang iyon. Sumagot din agad si Dian.
"Hindi, sige. Tutal lalabs din ako para bumili ng mga kailangan namin dito sa apartment. Kung gusto mo samahan mo na lang ako? Busy kasi si Emily ngayon kaya hindi nya ko masasamahan."timing nga naman ang yayang iyon ni Darryl dahil wala na silang supply ng mga pag-kain para sa dalawang linggong budget nila. Marami rami ang kailangang bilhin ni Dian kaya kailangan nya ng tulong. Ayaw nya namang istobohin si Emily dahil alam nyang nag-hahabol ito para sa contest na sasalihan nito sa isang sikat na Publishing Company. Kahit naman kasi malayo sa course nya ang pag-susulat ay pinu-pursue nya parin ang sarili nya dahil first love nya ang sumulat lalo na ng mga romatic stories. Buti na lang talaga at nag-yaya si Darryl.
"Great! Sige! Hintayin kita sa tapat ng school."yun lang at ibinaba na ni Darryl ang cellphone nya at nag-mamadaling pumasok sa banyo para maligo na.
Pag-baba ng cellphone ay agad namang nag-paalam si Dian kay Emily. "Emily, ako na lang ang mamimili ng mga kailangan natin. Tapusin mo na lang yang ginagawa mo."saad ni Dian.
"Sure ka ba? Marami tayong kailangang bilhin ngayon. Baka mahirapan kang mag-bitbit."alalang wika ni Emily sa sandaling itinigil ang pag-ta-type nya.
"Kasama ko naman si Darryl. Nag-yaya kasi syang lumabas. Sabi ko kung pwede samahan nya na lang ako sa market."
"Buti naman. Sige, pasensya ka na hu! Alam mo naman."anito.
Ngumiti si Dian. "Okay lang."wika nito sa kaibigan. Ngumiti rin si Emily saka muling nag-type.
♡♡♡♡♡♡
NAG-KASABAY na lumabas ng kwarto sina Darren at Darryl. Parehong bihis ang mga ito. Pareho pa silang nagulat sa isa't isa.
"San ang punta mo?"takang tanong ni Darryl.
"Bakit ka nakabihis?"tanong din ang isinagot ni Darren.
"Lalabas kami ni Dian. E ikaw?"hindi pa man sumasagot si Darren ay alam na ni Darryl kung saan sya pupunta. "Lalabas kayo ni Angel no?"may halong malisyang ngiti ni Darryl.
Inis lang syang tiningnan ni Darren saka nag-patiunang lumakad. "Ewan ko sayo!"sinundan syang ng nainsultongg tingin ni Darryl na may kasama pang duro.
"Hoy! Sandali!"tawag nya dito pero hindi na ito lumingon pa.
Hanggang sa makababa sila ng apartment ay tinatawanan sya di Darryl. Alam kasi ni Darryl na iyon ang kauna-unahang makikipag-date sI Darren sa isang babae. Ni minsan kasi sa buhay nito ay hindi pa ito nakipag-date sa kahit na sinong babae. Buhay na nga kasi nito ang musika. Kaya hindi na ito nag-karoon ng panahon para sa mga date date.
"Hay! Pwede ba! Tumigil ka na sa kakatawa mo! Nakakainis ka na e!"sita sa kaniya ni Darren. Naroon na sila sa tapat ng school nila.
"Bakit? E sa hindi ako makapaniwalang makikipag-date ka e!"pero bago pa man sumagot si Darren ay may tumawag kay Darryl. Pag lingon nila ay si Dian na pala iyon. Lalo namang naging masaya ang mood ni Darryl, bagay na ngayon lang nakita ni Darren sa pinsan. "Dian!"excited nyang tawag dito. Hindi maintindihan ni Darren kung bakit na sa tuwing makikita nyang mag-kasama si Dian at Darryl ay naiinis sya. Lalo na kapag nilalambing ni Darryl si Dian. Pansin nya sa sarili na madalas uminit ang ulo nya this past few days. And he doesn't know why. Marahil siguro ay nasi-stress sya sa kakaisip na kapag bumalik na sila sa Korea ay ikakasal na sya kay Angel. Sigurado yun dahil wala pang pumalya sa mga binitawang salita ng lolo nya.
Gusto nyang makuha ang mga ari-arian ng lolo nya pero na-realized nyang hindi pa sya handa na mag-patali. Madali lang sabihing kaya nya pero sa totoo ay hindi pa pala talaga sya handa.
Ilang na nilingon ni Dian si Darren para batiin ito. Okay na sila nung una pero hindi nya alam kung bakit bigla nanaman syang nailang dito ngayon. "Kamusta?"mahinang bati nya. Tiningnan lang sya ni Darren. Tinapik tuloy siya ni Darryl para lang sumagot.
"Hoy! Kinakamusta ka nya!"sabi pa ni Darryl.
Pero sa halip na mag-response sa bati ni Dian ay sinungitan nya si Darryl. "Ano ba! Bakit kailangan mo pa kong tapikin ng ganun!?"sigaw nito. Sa ganong akto naman sila naabutan ni Angel. Agad itong yumakap sa braso ni Darren na ikinagulat nya. "Hay! Ano ka ba!"agad syang kumawala sa yakap na iyon ni Angel. "Ginugulat mo naman ako! Sa susunod nga wag mo nang gagawin yun!"pati tuloy si Angel ay nadamay sa init ng ulo ni Darren.
"Jeez! Para yun lang e! Bakit ba ang init ng ulo mo ang aga-aga?"tataas taas pa ang kilay ni Angel habang sinasabi nya yun.
Napatingin si Dian sa suot na sing sing ni Angel. Sa tuwing nakikita nya ito ay hindi nya maiwasang malungkot. Naalala nya din ang kapares na sing sing nun na hawak ni Darren. Nilingon nya ang kamay ni Darren. Suot nito ngayon ang sing sing na yun. Habang pinanonood nya ang dalawa ay hindi maitago sa mukha nya ang lungkot. Lalo na pag nakikita nyang suot ni Angel ang sing sing. Napansin naman ni Darryl ang reaksyon nyang yun kaya agad nya itong nilibang.
"Oh! Dian! Bakit hindi mo suot ang friendship ring natin?"tanong nito. Napatingin naman si Darren sa kanila, maging si Angel.
"Nan dito pala kayong dalawa?"ngayon lang napansin ni Angel ang dalawa ng mag-salita sio Darryl.
"Sa gwapo kong 'to hindi mo ko napansin dito?"biro pa ni Darryl na ikinatawa naman ni Angel.
"Mas gwapo parin si Darren sayo."kontra pa nya.
"Oo. Mas gwapo sya sa paningin mo kasi gustong gusto mo sya. Pero kung tatanungin ang iba kung sino mas gwapo samin. Syempre ako na ang pipiliin nila."confident na sabi ni Darryl. Napailing na lang si Darren.
"Really? Why don't we asked Dian?"baling ni Angel kay Dian. Nagulat naman si Dian. "Dian, sinong pinakagwapo? Si Darren ba o Darryl? Kung sino ang isagot mo ibig sabihin yun ang gusto mo."may twist pang tanong nito.
"Hu? Kailangan bang sagutin pa yan?"mukhang ayaw sagutin ni Dian ang tanong ni Angel.
"Oo. Kung hindi ka sumagot ibig sabihin wala kang pakelam sa kanila."iniipit panito si Dian para lang sumagot.
Kung ganun na ang consequence kailangan sumagot ni Dian, kasi baka mamaya isipin pa ni Darryl na kaya lang sya pumayag na lumabas sila ay dahil kailangan nya ito, pero ang totoo naman pala ay wala syang pakialam dito. She has no choice but to pick one.
Nilingon ni Dian si Darryl na mukhang confident na sya ang pipiliin. Tiningnan din nya si Darren na wala sa kanila ang atensyon. "Hmp! Sa totoo lang mas gwapo ka kay Darryl! Kaya lang ang sungit mo! At tsaka. . .at tsaka, naiilang ako sayo. Hindi ko alam kung bakit."wika nya sa isip.
Kunyari naman ay walang pakialam si Darren pero ang totoo ay umaasa sya na sana ay sya ang piliin ni Dian. Aminado si Darren na mas malakas ang dating ni Darryl sa kaniya. Madalas ito talaga ang pinipili ng mga babae. At wala naman syang pakelam dun. Pero ngayon pinag-darasal nya na sana ay sya ang piliin ni Dian.
"Sa tingin ko. . ."nang sabihin iyon ni Dian ay lalong bumilis ang pintig nag puso ni Darren to the point na halos hindi na sya makahinga. Hindi nya lang pinahahalata sa mga ito pero nate-tense sya. Samantalang si Darryl naman ay kalmado lang. ". . . si Darryl ang mas gwapo."napataas ang dalawang kamay ni Darryl sa ere ng marinig iyon. Pakiramdam nya ay nanalo sya sa lotto.
"Yes!"anito na para bang kinikilig pa. Lalo namang umangat ang dugo ni Darren sa ulo. Nadagdagan ang inis nito. "Grabe naman yun! Ibig sabihin ako ang gusto mo?"paninigurado pa ni Darryl. Nahihiya namang natawa si Dian sa kaniya. Sa tuwa ni Darryl ay niyakap pa nya si Dian. "Ang saya ko naman!"wika nito. Sa inis ni Darren ay naisipan na lang nitong mag-walked out. Pero hinatak nito sa pag-kakayakap si Darryl kay Dian at doon ito dumaan sa gitna nila. Bago sumunod ay tiningnan muna ni Angel si Dian saka tinakbo ang papalayong si Darren. "Anong problema nun?"takang tanong ni Darryl. Pero wala na syang pake ang importante ngayon ay sya ang pinili ni Dian at ibig sabihin ay gusto din sya ni Dian.
♡♡♡♡♡♡
WALANG mapag-lagyan ang tuwa ni Darryl habang mag-kasama silang namimili ni Dian sa Supermarket ng SM South Mall. Dun na lang sila pumunta dahil malapit lapit na mall iyon sa kanila. Panay ang kwento ni Darryl kay Dian ng mga nakakatuwang bagay habang si Dian naman ay tawa ng tawa.
Sa wakas ay natapos na sila sa pamimili. Ngayon nga ay nag-lalakad na para mag-hanap ng makakainan. Bitbit ni Darryl ang mabibigat na pinamili nila, magaan naman ang kay Dian. Sa pag-lalakad nila ay napadaan sila sa isang store na puro gamit sa iba't ibang sports ang binibenta. Napahinto si Darryl habang si Dian naman ay tuloy tuloy sa pag-lalakad. Sandaling nawala sa sarili si Darryl ng makakita sya ng raketa. Lalo pa syang natuwa ng makta nya ang presyo nito. Three thousand Five hundred lamang ito. Sale kasi sa sport shop na yun. Wilson ang tatak pero magaan lang ito hindi tulad nga gamit nya na mabigat.
Kinuha nya ito at hinawihawi, napangiti sya ng maramdaman nyang komportable sya sa raketang iyon. Pwede na ring pag-tyagaan ang importante makalaro lang sya ng Tennis. Ang problema nga lang ay wala pa syang pera. Next week pa ang kauna-unahang sahod nila. Agad nyang nilapitan ang sale lady para tanungin dito.
"Excuse me Miss, hanggang kelan ang sale nyo?"
"Hanggang friday next week po sir."nakangiting sagot ng babae. Muling inisip ni Darryl ang araw ng sweldo nila. Tuesday next week, aabot pa sya.
"Sige salamat."masaya nyang wika. Excited syang bilhin ang raketa na yun dahil makakapag-laro na ulit sya ng Tennis. Naudlot ang konsentrasyon nya ng bilang mag-vibrate ang phone nya. Si Dian ang tumatawag. Doon lang nya napag-tanto na wala na pala sa likuran nya si Dian. "Hello Dian? Nasaan ka?"alarmang tanong nya.
"Ikaw nasaan ka? Bigla kang nawala e."alalang sabi ni Dian sa kabilang linya.
"Nan dito ako sa Chirs sport."sagot nya.
"O, sige. hintayin mo ko diyan. Pupuntahan kita."ibinaba ni Dian ang phone nya saka binalikan si Darryl.
♡♡♡♡♡♡
HALATANG wala sa mood si Darren habang kumakain sila ni Angel sa Italianni's sa Greenbelt. Naka-halukipkip at nakatulala lang si Darren na halatang napaka-lalim ng iniisip samantalang si Angel ay halos maubos na ang kinakain nitong Sea Bass Mediterraneo.
"Darren are you okay? Didn't you like the food here?"alalang tanong ni Angel ng mapansin nyang kanina pa wala sa sarili si Darren.
"Hindi, okay lang ako. Kumain ka lang."sagot nya pero ang totoo ay hindi maalis sa isip nya ang nang-yari kanina. Ayaw tanggapin ng sitema nya na si Darryl ang pinili ni Dian. Ang kinaiinsi pa nya ay kung pano nya nakitang tuwang tuwa si Dian ng yakapin ito ni Darryl. Pag naiisip nya ang parteng yun ay talagang kumukulo ang dugo nya. Tulad ngayon, dahil naisip nya nanaman iyon. Padabog syang umunom ng tubig, sinundan lang sya ng tingin ni Angel. Hindi nya maintindihan ang sarili nya ngayon.
♡♡♡♡♡♡
GABI na nang makabalik sina Dian at Darryl. Masyado kasing traffic lalo pa at naabutan sila ng rush hour. Minabuting ihatid ni Darryl si Dian dahil sa dami ng mga bitbit nito. Nagulat pa si Darryl dahil nasa kabilang block lang pala ang apartment nila. Malapit lang din sa apartment nila ni Darren.
"Dito ka lang pala? Malapit lang sa tinitirahan namin."wika ni Darryl.
"Talaga? Saan ba kayo?"nagulat din si Dian.
"Sa kabilang kanto lang kami."sagot nya sakto naman dating ni Emily mula sa itaas.
"Hi!"masayang bati ni Emily kay Darryl.
"Hello!"masaya rin namang bati ni Emily. Kinuha ni Emily ang mga dalang supot ni Darryl para ito na ang mag-akyat sa itaas. "Mabigat yan."paalala pa ni Darryl.
"Okay lang."sagot ni Emily.
"Salamat sa pag-sama mo hu?"pag-kuway wika ni Dian.
Ngumiti si Darryl dahilan para lumabas ang dimple nito. "Wala yun. Nag-enjoy naman ako. Salamat din."ngiti ang isinagot ni Dian at ilang saglit pa ay pumasok na sila sa loob.
Walang mapag-lagyan ang saya ni Darryl habang pauwi ito. Gaya ng isang araw, pakanta kanta nanaman ito ng sariling english version nya ng Make Love ni TaeYang. Sa sobrang kaligayahan nya kasi ay hindi na nya napansin na nakagawa na sya ng sariling lyrics nya.
"♫♪ Forever you're my girl, forever be my world, you are the only one. I'll live and die for you love. I'll smile and cry for you. Though the world might fall, I'll never let you fall, because i love you so. Just keep it to your mind I will promise you're the one ♫♪."
[Kung gusto nyo po mabasa yung full lyrics just click here po..]
"Walang mapag-lagyan yang tuwa mo ah."biglang singit ni Darren sa masayang moment ni Darryl. Napaatras turloy si Darryl sa gulat.
"Hay! Ano ka ba! Nagulat naman ako sayo!"inis na saad nito.
"Tuwang tuwa ka pa kahit alam mong sigurado na ako ang makakakuha ng lahat ng yaman ni lolo."seryosong wika nito.
Ang gulat na mukha ni Darryl ay napalitan ng tila inspired na reaksyon. "Sa ngayon hindi ko muna iniisip yan. Dahil alam ko naman na kahit ikaw mismo ay ayaw pang bumalik sa Korea."tinapik nya sa balikat ang pinsan saka lumakad at ipinag-patuloy ang pag-kanta nito. Asar lang syang sinundan ng tingin ni Darren.
♡♡♡♡♡♡
EXCITED sina Darren at Darryl sa unang sweldo nila bilang worker sa isang fast food restaurant. Sa tana kasi ng buhay nila ay ngayon lang sila nga-kapera galing sa pinag-hirapan nila. At syempre, proud silang dalawa doon. Bagay na pwede nilang maipag-malaki sa mga magulang nila at sa lolo nila.
Agad na umalis si Darryl matapos nyang makuha ang sweldo nya habang naiwan naman si Darren dahil gumagawa pa ito ng inventory.
Tinawagan ni Darryl si Dian, naisipan nya kasing i-treat ito ng dinner tutal naman ay pasado alas nueve pa lang ng gabi. Marami namang mga restaurant na malapit lang din sa kanila. Nag-tabi na rin sya ng pera para sa pambili niya ng racquet.
"Hello Dian? Pwede ka pa ba lumabas ngayon? Kakukuha lang kasi namin ng sweldo. Gusto lang kita i-treat."dire-diretsong saad ni Darryl. Pumayag naman si Dian kaya lalong natuwa si Darryl. "Sige! Hintayin na lang kita sa tapat ng school. Bye!"pag baba nya ng phone ay biglang may di inaasahang nang-yari.
Umalingaw-ngaw ang malakas na preno ng isang sasakyan pero naabot parin ang isang babae. Nabangga ito at tumilapon sa lapag. Timing pa na si Darryl lang ang nakatayo malapit sa insedente kaya naman agad nyang tinakbo ang babae na ngayon ay duguan na.
Inilapag ni Darryl ang hawak na cellphone sa lapag bago hinawakan ang duguang babae. "Miss! Miss! Gumising ka Miss!"tawag ni Darryl pero mukhang wala ng malay ang babae. Bumaba ang driver ng sasakyan para alamin ang nang-yari. Dali daling namang binuhat ni Darryl ang babae upang dalhin ito sa hospital.
♡♡♡♡♡♡
NAG-TAKA si Dian dahil wala pa si Darryl ng dumating sya. Naabutan nya ang commotion sa tapat ng school nila pero ang nasa isip nya ngayon ay kung nasaan si Darryl? Nag-hintay pa sya ng kinse minutos pero wala parin si Darryl. Kaya naisipan nya na 'tong tawagan. Pero out of coverage ang cellphone nito. Sinubukan nya muling mag-hintay ng sampung minuto pero sa halip na si Darryl ang makita nya ay si Darren ang nan doon.
Matuloy pa kaya ang labas nila Darryl at Dian? Ano ang gagawin ni Darren pag nakita nya si Dian? At ano ang magiging papel ng babaeng tinulungan ni Darryl sa isang aksidente?
✄ to be continue ...
my gosh! i like this chapter.. selosan??haha.. continue it na po..
ReplyDeleteiba tlga ang kilig effect kapag mei selosan eh noh? ang ganda!!!
Deletecorrect sis! kilig to the bones!! my gas!.. haha
Deletenakakakilig naman!
ReplyDelete