Saturday, August 4, 2012

Billion Dollar Quest: Chapter 5


CHAPTER FIVE




     MAAGANG nag-dismiss ng klase ang professor nila dahil unang meeting pa lang naman nila. Mahaba pa ang bakante ng susunod na schedule nila Dian at Emily kaya naman naisipan muna nilang kumain sa canteen. Alas dose na rin naman lasi.

     Wala sa mood na naglalakad si Dian habang walang humpay naman ang kwento ni Emily ng may biglang tumawag sa likuran nila. "Dian!"pag lingon nila ay sina Darren at Darryl pala  iyon.

     "Te! Tinatawag ka ni Darryl!"abot hanggang tenga na saad ni Emily.

     "Hay naku! Hayaan mo nga sila! Tara na!"hinatak nya si Emily pero mabilis na nahawakan ni Darryl ang braso nya.

     "Teka sandali!"pigil nito. Natigilan naman sina Dian at Emily. Galit na hinarap ni Dian si Darryl.

     "Ano bang problema nyo?"masungit nyang tanong. Kinakalabit naman sya ni Emily para sawayin.

     "Alam ko hindi maganda ang ipinakita sayo ni Darren noon."bahagya pa nyang nilingon si Darren na ngayon ay naiinis na rin sa nang-yayari. Kunot nuo namang napatingin si Emily kay Darryl.

     "Ibig sabihin nag-kita na kayo noon?"kulat nitong tanong. Pero walang sumagot ni isa sa kanila.

     "Kaya nga nan dito kami ngayon kasi gustong humingi ng sorry ni Darren sayo."kwestyonable syang tiningnan ni Darren.

     "Sorry? Paraan saan pa?"umaakyat na ang dugo ni Dian sa ulo.

     "Teka! Hindi ko kayo maintindihan."nalilitong singit ni Emily pero wala paring pumapansin sa kaniya.

     "Kung wiling mag-sorry ang bastos na 'to e di sana nung una pa lang!"sigaw ni Dian. Nag-init na ang dugo ni Darren ng marinig nya ang tawag saka niya ni Dian.

     "Ano bastos? Pwede ba! Ikaw ang biglang lumitak kaya nahawakan ko yang-"napahinto sya dahil hindi nya alam kung babanggitin ba nya ang dib-dib o hindi. "Yang-yang ano mo!"yun na lang ang nasabi ni Darren.

     "Anong ano?"lalong nalito si Emily.

     "Yah! Bastos ka talaga!"sinipa nya ito sa binti. Iika ika naman si Darren sa sakit. Mangha lang na tinitingan ni Darryl si Dian.

     "Ah! Aw! Aw!"sambit ni Darren. Nasa itsura naman ni Emily na parang ito ang nasasaktan. "Masakit yun ah!"namumula na ito sa galit. Tumayo itong pilit kahit masakit pa ang binti nya. "Akala mo kung sino ka? E ang liit lang naman nyang ano mo! Hindi ako mag-so-sorry dahil wala naman akong kasalanan!"saka ito nag-walked out at iniwan ang tatlo. 




♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥




     UNANG araw nila Darren at Darryl sa trabaho at yun ang unang beses na makaka-experience sila ng trabaho kaya naman wala silang kaide-idea ng mga dapat nilang gawin. Tahimik lang silang nakaupo habang hinihintay nila ang manager ng isang fast food malapit lang sa school nila. Pinanonood nila ang mga trabahador doon na kanina pa panay ang ikot.

     May mga nag-se-serve sa mga kumakain, may nag-liligpit ng pinag-kainan at may nag-ma-mop ng sahig. Pinanood lang nila yun without knowing na ganun din ang magiging trabaho nilang dalawa. Ilang saglit pa ay lumapit ba ang manager nila para i-explain sa mga ito ang mga dapat nitong gawin.

     "What??"gulat na sigaw ni Darren. Kanina pa talaga sya wala sa mood kaya hindi na nya kaya pang kontrolin ang galit nya.

     "You mean, gagawin din namin ang mga ginagawa nila?"paninigurado ni Darryl. Nakangiting tumango ang manager. Napasapo sa nuo si Darryl. "Angel! where are you!"bulaslas nya.

     "Kung hindi nyo sya kaya just tell me. Para maka-hanap ako ng ipapalit sa inyo."saad ng manager.

     Kung hindi naman nila kukunin ang trabahong yun. Paniguradong magugutom sila. Kinuha ang lahat ng cards nila, ang perang iniwan sa kanila ni Manager Kang ay sakto lang hanggang sa susunod na bwan. Kung hindi sila papasok sa trabahong hinanda ni Manager Kang wala silang sasahurin sa susunod na bwan para ipanggastos nila. Isa pa hindi lang pang-kain ang problema nila kundi pati pang-bayad ng bahay. No choice sila kundi ang mag-trabaho.

     Hindi mag-kamayaw si Darren kakasunod ng mga pinag-kainan ng customer habang si Darryl naman ay masayang nakikipag-kwentuhan sa mga babae na tulad nya ay cashier din sa fast food na yun. Naiinis lang syang tinititigan ni Darren nang hindi ito nakatiis ay nilapitan na nya ito.

     "Wala ka bang ibang gagawin kundi ang makipag-landian dyan?"sarkastikong tanong nito.

     "Hindi ako nakikipag-landian! Nag-ta-trabaho ako."sagot nito. Darren smiled bitterly.

     "Pano ka nag-ta-trabaho? Wala namang costumer! Nakatayo ka lang dyan!"sita nito.

     "Ano bang problema mo?"umiinit na rin ang ulo ni Darryl.

     "Ikaw!"

     "Kayong dalawa. Mag-trabaho na lang kayo."sita ng manager nila. Mabuti na lang at napigilan sila habang maaga dahil kung hindi ay mag-kakarambola nanaman silang dalawa. Nag-patuloy sa pag-liligpit ng mga kinainan si Darren habang nag-patuloy din sa pakikipag kwentuhan si Darryl sa mga babae na kilig na kilig naman sa kaniya.

     Panay ang unat ni Darryl habang nag-lalakad sila ni Darren pauwi sa apartment nila. "Hay! Nakakapagod pala ang mag-trabaho."wika nya. Sinipa sya ni Darren sa pwetan.

     "Parang may ginawa kang tarabaho! Wala ka namang ginawa  dun kundi makipag-landian!"halatang masamang masa ang loob nya sa pinsa.

     "Anong wala!?"sigaw nito. "Hindi ba trabaho yung binigay ko yung order ng mga taong ikaw ang nag-ligpit ng kinainan? Hay! Mag-isip ka nga!"dinuro pa nya ito sa sintido nito.

     "Ano ba!"hawi ni Darren sa kamay ni Darryl.

     "Yah."pag-kuway tawag ni Darryl kay Darren. Tumingin lang si Darren pero hindi sya sumagot. "Sa tingin mo pano natin mahahanap si Angel?"seryosong tanong nito.

     "Hindi ko alam. Ni itsura nga nya hindi natin alam e. Itong sing sing lang ang clue natin."inilabas ni Darren ang sing sing na nasa bulsa nya.

     Inagaw sa kaniya ni Darryl ang sing sing. "Sabi ni Lolo kapareho din natin sya ng school."saad nya habang inaalala ang mga sinabi ng lolo nila bago sila patalsikin papunta dito sa Pilipinas. "Ano kaya kung isa-isahin kaya natin ang mga pangalan sa school?"piglang saad nya.

     "Pano?"tanong naman ni Darren.

     "Himingi tayo ng list sa office!"excited pang wika ni Darryl.

     Napailing na lang sa kaniya si Darren saka inagaw ang sing sing kay Darryl at muli itong binalik sa bulsa nya. "Wala ka talagang alam! Puro pag-lalandi lang alam mo!"at nag-patiunan na ito kay Darryl.

     "Anong sabi mo!?"inis syang naman syang sinundan ni Darryl.




♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥




     WALA nanamang humpay ang masasayang kwento ni Emily habang nag-hihintay sila sa waiting area ng swimming pool. P.E kasi nila ngayon umaga kaya naman nan dun sila ngayon sa pool area. Naroon na rin ang ibang mga student ng may biglang dumating na isang student na naka-agaw ng atensyon ng lahat lalo na ng mga kalalakihan.

     Napakagandang babae nya at napaka-puti. Isa syang foreigner na kung hindi sila nag-kakamali ay taga Australia dahil sa slang nitong pag-sasalita habang kausap ang mga kaibigan nitong babae. Kung umasta silang tatlo akala mo ay mga mean girls sila.

     Naupo sila sa tapat nila Dian na para bang mga wala silang pakialam sa mundo. "I really hate swimming."maarteng saad pa ng Australian na babae. Napanguso na lang si Emily saka nag-patuloy sa pakikipag-kwentuhan kay Dian. Siguro ay naingayan ang Australian na babae dahil nakataas ang kilay nitong napalingon kay Emily pero hindi sya pinansin ni Emily sa halip ay nag-patuloy lang ito. Natatawa naman si Dian sa kaniya.




♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥




     PANAY naman ang katok ni Darryl sa kwarto ni Darren. Pasado alas otso na pero tulog parin ito. Ang oras ng klase nila ay eight thirty kaya kailangan nilang makarating ng school bago man mag-thirty minutes. But knowing Darren, alam nya kung gano ito kabagal mag-bihis.

     "Darren! Open the door!!"todo na ang katok nito. Makailang beses na nga syang sinita ng kapit bahay nila pero kailangan nyang gisingin si Darren. Kahit naman kasi mortal silang mag-kaaway ay concern parin talaga sya sa pinsan.

     Sa wakas sa tagal nyang pag-katok dun ay nag-bukas din ng pinto si Darren. Kinukusot kusot pa nito ang mata ng bumungad kay Darryl. "Ano ba yun?"wala sarili nitong sabi.

     "Ano ba yun? Mali-late na tayo!"tinulak nya ito papasok sa loob para tulungan na itong mag-ayos. Sa ganung akto lumalabas ang pagiging mas matanda ni Darryl kay Darren dahil sa buwan na agwat ng birthday nila. Iniabot ni Darryl ang uniform ni Darren na nakasabot sa loob ng cabinet nito. "Isuot mo na yan!"utos nya.

     "Hindi mo man lang ba ako paliliguin?"tanong nito.

     "Wag na! Swimming naman P.E natin ngaon e! Bilisan mo na!"utos ni Darryl na sinunod naman ni Darren. Hindi na rin nito pinalitan ang boxer na suot dahil diretso na nitong sinuot ang pants.

     Si Darryl naman ay abala sa pag-hahalungkat ng trunks para kay Darren sa damitan nito. Wala na syang mahanap bukod sa nangi-ngintab na red trunks. Tiningnan nya ang relo. Eight twetyfive na. Wala ng oras. Ang nangi-ngintab na red trunks na lang ang kinuha nya at inilagay ito sa bag ni Darren. Sa taranta nya ay nawala na sa isip nyang kumuha ng tuwalya, sabon at shampoo para sa kanilang dalawa.

     Hinatak nya palabas ng kwarto si Darren na hanggang ngayon ay tulog parin ang diwa. Tumatakbo na sila papuntang school, pag pasok sa campus ay hindi pa nila alam ang swimming pool area. Mabuti na lang at may nakita silang guard. Tinatakbo nila ang gawing tinuro ng guard.

     Tumatakbo sila papasok sa pool hanggang sa makarating sila sa waiting area. Huminto sila sa harapan nila Dian at Emily habang hingal na hingal silang pareho. Napakapit sa upuan si Darren dahil sa bilis ng pintig ng puso nya sa pag-takbo. Namaywang naman si Darryl sa pagod.




♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥




     KUNOT ang nuo ni Dian habang tinitingnan nya ang dalawa. Kwestyonable namang nag-pasalit salit ang paningin ni Emily sa dalawa. "Bakit kayo tumatakbo?"tanong ni Emily.

     Ngumiti naman si Darryl. "Akala kasi namin late na kami."

     Umiling naman si Emily. "Wala pa si coach kaya hindi pa kayo late."wika ni Emily.

     "Buti naman."naupo si Darryl sa tabi ni Dian. Ilang namang umiwas ng tingin si Dian ng lingunin sya ni Darryl at ngitian. Inaamin ni Dian na nakaka-mesmerized ang mga ngiti ni Darryl lalo na kapag lumalabas ang dimple nito. At isa pa hindi mo makikitang nag-susungit ito na hindi gaya ni Darren na napaka-sungit at walang modo.

     Nilingon sya si Darren, ngayon ay naroon na ito nakatayo habang tinitingnan ang haba ng pool. Inismid nya ito saka nag-ayos ng mga gagamitin mamaya.

     "Galit ka parin ba samin?"pag-kuway saad ni Darryl. Saglit namang nagulat si Dian.

     "Hu-ah."utal nyang wika. "Ang totoo hindi naman ako sayo galit. Kundi sa pinsan mo. Gusto ko lang naman mag-sorry sya pero ayaw nya."pag-amin ni Dian.

     Natawa si Darryl. Ayan nanaman ang nakaka-mesmerized nitong smile at ang perpektong dimple nito. "Hindi mo sya maririnig na mag-sorry kung alam nya na wala naman syang kasalanan. Ganun kataas ang rpide nya."ngayon ay nag-bibigay na ng fact si Darryl tungkol sa pinsan nya.

     "Alam ko naman na hindi nya sinasadya, pero sana mag-sorry parin sya sa mga pang-iinsulto nya."halata ang galit sa boses nito.

     Hinawakan ni Darryl ang kamay ni Dian. Nagulat muli si Dian kaya hindi ito nakagalaw. "Don't worry. I'll convince him na mag-sorry sayo."at muli nanaman itong ngumiti. Nang bumitaw si Darryl ay parang biglang na-blangko si Dian. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya ng mga oras na yun.

     Ang lambot ng mga kamay ni Darryl. Parang bulak sa lambot. Mamula mula pa ito na para bang kamay ng isang babae. Ngayon lang sya nakakita ng ganun kagandang kamay ng isang lalaki. Pasimple nyang nilingon si Darryl. Nakatingin ito kay Darren na ngayon ay kausap ang Australian na babae.

     Ang parang langit na nararamdaman ni Dian ay napalitan ng inis ng makita niya si Darren na kausap ang Australian na girl. "Wala talagang kwenta! Bukod sa malandi na wala pang modo!"sigaw nya sa utak saka inismid muli ito.




♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥




     NAPALINGON si Darryl ng marinig nya ang pakilala ng babaeng lumapit kay Darren. "Hi! I'm Angel. And you?"nang-aakit nitong saad. Nakita nyang nagulat si Darren, maging sya rin naman.

     Angel? Sya na ba ang hinahanap nila? Biglang naalala  ni Darryl na may kaibigang American ang lolo nya pero namatay na ito noon. Hindi kaya ito na nga iyon? Kung ito na nga iyon, kailangan nyang maunahan si Darren bago pa mahuli ang lahat.



3 comments:

  1. nakaka inlove talaga si Darryl.. haii... ung Australian gurl si angel?.. parang hindi rin..

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    ako yang si angel! waaaaaaah! i so love this! feeling ko ako talaga yung nasa story. feel na feel ko talaga! pinagmamalaki ko pa sa mga classmates ko ang tungkol dito. ahaha! pako-commentin ko nga rin sila dito sa stories mo ate.

    ReplyDelete
  3. waaaaaa! naiingit nmn aq kei angel! peo sige, time mu nmn ito sis. ahhhahhaha! kkaexcite tlga!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^