Saturday, August 4, 2012

SHINee Diary: Kim Ki Bum[One Shot]


KEY
ROMANTIC


     KUMAKANTA kanta si JongHyun habang nag-hahalughog ito sa kwarto nila ni Key. Hinahanap kasi nito ang iPod nito, pero hindi nito makita.

     "Asan na ba 'yun? Nan dito lang yun kahapon e."pinag-hahagis na nya sa lapag ang mga unan, comforter at ibang mga gamit, maging ang mga nakalagay sa drawer ay pinag-kukuha na nya. Pero hindi nya talaga makita ang hinahanap nya. Napahinto sya nang may bigla na lang bumagsak na pink notebook sa sahig. Hindi nya napansin kong saan ito galing.

     Kinuha nya iyon saka binuklat. Binasa nya ang unang page ng notebook. "Key's Diary."ikinagulat pa nya ang nabasa. "Diary ni Key?"tanong nya sa sarili. Binuksan nya ulit ang sunod na page at muling inumpisahang basahin ang nakasulat doon.

     "Ito ang unang araw na  nag-audition ako sa SM Entertainment. Nakakakaba. Hindi ko alam ang gagawin at dahil dance lang ang talent ko. Galaw na lang ako ng galaw. . ."bahagyang natawa si JongHyun.

     Nalibang na sya  sa diary ni Key kaya nawala na sa isip nyang may hinahanap pala sya. Lumabas sya ng kwarto habang basa basa parin nya ang diary. Nasalubong pa nya si MinHo sa salas na kababalik lang galing sa labas.

     Nag-tatakang tiningnan ni MinHo si JongHyun. "Hyung, kelan ka pa nag-karoon ng interest sa pag-babasa?"tanong nya.

     "Ngayon lang. Ngayon ko lang din nalaman na may mas exciting pa palang basahin kaysa sa libro."pero ang atensyon nito ay naroon parin sa binabasa nito.

     "Hu? Ano ba yang binabasa mo?"bigla tuloy na-curious si MinHo sa binabasa nya.

     "Diary ni Key."tapos ay lumakad ito palabas ng backyard. Nakuha pa nitong tawagin si MinHo para samahan ito sa pag-babasa.

     "Hyung! Bakit mo binabasa 'yan? Kay Key yan e. Private na gamit nya yan! Baka magalit sya!"sita ni MinHo pero nag-tuloy tuloy lang si JongHyun palabas. Nagulat pa ito nang may mabasa tungkol kay MinHo.

     "O! Nakasulat ka dito!"sabi ni JongHyun.

     "Ako?"tinuro pa niya ang sarili.

     "Oo!"

     "Patingin nga!"nilapitan ni MinHo si JongHyun para tinginan kung totoo nga ang sinasabi ni JongHyun.

     "Si MinHo Hyung ang Flaming Charisma sa group naming SHINee. Charismatic naman kasi talaga sya. Pero sya ang nabubuhay na makasarili sa mundo."natawa si JongHyun sa narinig na binasa ni MinHo. Hindi naman nag-react si MinHo. Nag-patuloy lang ito sa pag-babasa.

     "Hyung! Meron din sayo!"sigaw nya.

     "Talaga? Pabasa nga!"inagaw ni JongHyun ang notebook saka binasa ng malakas ang nakasulat. "Si Bling bling JongHyun ang pinaka-close ko sa lahat. Masaya sya kasama pero. . . ."hindi alam niJongHyun kung matatawa sya o maiinis. Nang makarating sila sa backyard ay naupo sila sa isang sementong upuan, patuloy parin ang pag-babasa nila.


❣❣❣❣❣

     SAMANTALA, ikinagulangat naman ni TaeMin ng makita ang makalat na kwarto nila JongHyun at Key. "Sino naman ang gumawa nito?"bumuntong hininga sya, "Kakaayos ko lang nito e."kakamot kamot sa ulong muling inayos ni TaeMin ang mga nakakalat. Matapos niyon ay lumabas sya sa kwarto para hanapin ang mga Hyung nya.

     Agad syang nag-punta sa backyard ng marinig nyang may nag-tatawana doon. Laking gulat ng dalawa sa nang bigla na lang sumulpot si TaeMin. Ang akala nila ay si Key na iyo kaya naman agad nilang itinago ang notebook.

     "Anong ginagawa nyo dyan? Ano yang tinatago nyo?"mukhang mabilis ang mata ni TaeMin dahil nakita agad nito ang tinatago ng dalawa. Naka mahinga naman ang malaim ang dalawa ng makumpiramang si TaeMin nga iyon. Muli nilang inilabas ang diary. Ikinagulat ni TaeMin ang nakita. "Oh! Diary yan ni Key hyung!"sigaw nya.

     "Shhhh!"sabay pa sina MinHo at JongHyun sa  pag-saway sa kaniya. Lumapit si TaeMin at naupo na rin sa tabi nila.

     "Cute daw ako sabi ni Hyung dyan."pa-cute pang ngumiti si TaeMin.

     "Hu?"nagulat ang dalawa at sabay pang tumingin kay TeaMin.

     Nauutal naman itong sumagot. "Hu-Ah-Ano-"nag-buntong hininga si TaeMin pag-kuway umamin ito sa dalawa. "Ang totoo nabasa ko na rin yan. Kaya lang hindi ko natapos kasi may narinig akong kumakaluskos sa labas. Nilapag ko yan sa lamesa, tapos nag-patuloy na ko sa pag-lilinis."mahabang paliwanag niya.

     "Ayos lang yan. Wala naman tayong gagawing masama e> Babasahin lang naman natin 'to. Sabi nga diba, every writer has their own readers. Tayo ang readers ni Key."tinapiktapik pa nito ang balikat ni TaeMin at kinukumbinsi ang dalawa sa sinabi nya na hindi nya alam kung saan nya nakuha yun.

     "Saan mo naman nakuha yan?"natatawang tanong ni MinHo sa kanya.

     "Wag ka nang mag-tanong! Hindi mo rin naman sya kilala!"pabiro pang tinapik ni JongHyun ang ulo ni MinHo. Nag-tawanan pa silang dalawa.

     "Anong ginagawa nyo?"biglang singit ni Onew sa llikuran nila.

     Sabay sabay silang napasigaw sa gulat. "Ah!!!!"napasapo si JongHyun sa dib-dib.

     Umikot si Onew sa harapan habang hawak ang iPod na kanina pa hinahanap ni JongHyun. "Ano yan hu?"sabi nya sa malisyosong tono.

     "Nasa iyo pala yang iPod ko! Kanina ko pa yan hinahap e!"reklamo ni JongHyun.

     "Kanina ka pa ba sa likuran namin? San ka ba galing?"halata parin ang gulat sa mukha ni TaeMin.

     "Habang nakikinig ako ng iPod nakatulog ako. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sa likuran. Napalingon sila ng bigla naman magulat si MinHo.

     "Pakinggan nyo to! Pakinggan nyo!"excited na saad ni MinHo. Binasa nito ng malakas ang nakasulat.

     "Winter nanaman. Ito na ang pangatlong winter na dumaan pero hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang babaeng una kong minahal."

     "Babaeng unang minahal??"chorus pa sina TaeMin, JongHyun at Onew.

     "Shhh!"saway ni Minho. 'Ito pa!"muli nyang binasa ang nakasulat.

     "Sya ang kauna-unahang babaeng napaiyak ko. Hindi ko naman gustong gawin yun. Kaya lang mainit lang talaga ng ulo ko ng mga panahong yun."

     "Nag-paiyak na sya ng babae?"wika ni Onew.

     "Ang laking kremen na ang ginawa nya!"protesta naman ni TaeMin.

     "Makinig muna tayo! Basahin mo pa!"excited na saad ni JongHyun.

     "Iyakin sya, lalo kapag sinisigawan sya. Nag-lalakad kami ng mga kaibigan ko nun ng may biglang tumamang snow ball sa mukha ko. Lumapit sya sakin at humingi ng sorry. Pero imbes na patawarin ko sya ay sinigawan ko sya."

     "Nataranta ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya niyakap ko na lang sya para patahanin."huminto si MinHo. "Niyakap nya!"ulit nya sa binasa.

     "Niyakap nya!"ulit naman ni JongHyun.

     "Tuloy mo pa!"ngayon ay si Onew naman ang excited.

     "Galit na galit na talaga ako nun. Hindi ko  na alam kung paano ko sya mapapatahan. Iniwan na rin ako ng mga kasama kong pinag-tatawanan ako. Kaya ang ginawa ko, naupo na lang ako sa snow at hinintay ko syang tumahimik. Pero naramdaman kong namamanhid na pwet ko sa lamig tumayo ako habang hinihintay ko parin syang manahimik."

     "Ang wirdo talaga ng taong yan."natatawang wika ni JongHyun. Natatawa ding nag-high five si Onew sa kaniya.

     "Hanggang sa nagulat na lang ako ng bigla syang mag-salita at humihingi sya sa akin ng sorry. Nang marinig ko yun may bigla na lang akong naramdaman na kakaiba."huminto si MinHo.

     "Ano daw?"halatang nabitin naman si TaeMin.

     "Bakit ka huminto?"kunot nuong tanong ni JongHyun.

     "Wala lang. Trip ko lang."saad nya. Inis syang tinulak ni Onew.

     "Hay! Basahin mo na!"utos pa nya.

     "Pakiramdam ko nun girl friend ko sya at may nagawa syang mali sa akin kaya sya nag-so-sorry. Nakatitig lang ako sa kaniya nun. HIndi ko kasi alam kung anong sasabihin ko at kung anong gagagwin ko."inilipat ni MinHo ang page. "Hingi parin sya ng hingi ng sorry hanggang sa isinubsub nya ang mukha nya sa dib dib ko at paulit ulit nyang sinasabi na sorry. Parang gustong tumalon ng puso ko sa kaba. Simula ng araw na yun sinabi ko sa sarili ko na gusto ko syang protektahan."

     "Para syang fragile na dapat ingatan. at yun ang gusto kong gawin. Ang ingatan syang wag masaktan."bumuntong hininga si MinHo. "Hindi ko akalaing madrama pala si Key."naiiling pa si MinHo.

     "Madalas ko syang tawaging Crying Princess dahil iyakin nga sya. Ayaw nya ng pangalang yun, pero ako. Gustong gusto ko yun. Sya ang prinsesa ko at ako naman ang kabalyero na mag-po-protekta sa kanya."

     "Naging mas malapit kami sa isa't isa. Walang araw na hindi kami mag-kasama. Sinusundo ko sya at inihahatid sa bahay nila. Nabawasan na rin ang pagiging iyakin nya at parati na syang nakangiti."

     "Tuwing walang pasok nag-pupunta kami sa lugar na gusto nyang puntahan. Ang pinaka-gusto nya sa lahat ay ang Amusement Park. Nakakatawa nga e, gustong gusto nya ang Roller Coaster pero ayaw nya subukang sumakay. Masaya kaming dalawa/. Para bang wala ng bukas pag mag-kasama kami. Pero..."ang exciting na mukha ni MinHo ay napalitan ng pag-kalungkot.

     "Anong problema?"tanong ni JongHyun ng mapansin nya ito.

     Sa halip na sumagot ay binasa lang ni MinHo ang sunod na nakasulat. "Isang araw bigla na lang syang nag-iba. Hindi na sya ang dating Crying Princess na nakilala ko. Bigla na lang syang nang-lamig. May mga araw na ayaw nya akong makita. Hindi ko alam kung bakit. Tinatanong ko sya kung anong problema, kung may nagawa ba ako mali pero ang laging sagot nya ay wala."maging sina Onew, JongHyun at TaeMin ay unti unting nalulungkot sa naririnig.

     "Hindi ako sumuko, lahat ginawa ko maibalik lang sya sa dati. At kahit basang basa ako nun sa ulan kahihintay lang na labasin nya wala na akong pakialam. Pero hindi sya lumabas. Ilang araw pa ang lumipas  ay tuluyan na syang hindi nag-pakita."

     "Talaga??"gulat na wika ni Onew. Tumango lang si MinHo.

     "Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko hindi ako kumpleto pag wala sya. Yung pakiramdam ng salitang 'sya lang ang buhay ko'. Hinahanap-hanap ko sya. Araw araw pinupuntahan ko sya sa bahay nila pero ayaw nya akong harapin."

     "Hanggang sa dumating na ang kinakatakutan ko. Bigla na lamang syang nakipag-hiwalay ng walang dahilan-"napahinto si MinHo sa nabasa. "Nakipag-hiwalay sya ng walang dahilan?"kunot nuong tanong ni MinHo.

     "Grabe naman yun!"reaction ni JongHyun.

     "Mas kriminal pa pala sya kay Key."saan naman ni Onew.

     "Kawawa naman si Hyung."malungkot na wika ni TaeMin.

     Umiling si MinHo at nag-patuloy. "Parang katapusan na ng mundo ng marinig ko yun. Pakiramdam ko nun ay hindi na tumitibok ang puso ko. Automatic na ding tumulo ang mga luha ko. Hinang hina ako nun na parang gugustuhin ko na lang na mamatay na. Nakita ko na lang ang sarili ko sa gilid, nag-mumukmok. Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit? Lahat naman ginawa ko. Bakit dun lang natapos ang lahat?"

     "Naging mailap ako sa mga tao. Kahit sarili kong pamilya iniwasan ko. Hindi na ako pumasok. Maraming teacher ang pumuputa sa bahay para hanapin ako. Ni hindi ko na rin binubuksan ang kurtina ng bintana ko. Hindi ako kumakain hanggang sa isigod na lang ako sa hospital."

     "Sa mga panahong nasa hukay na ang kalahati ng katawan ko, walang ibang nasa isip ko kundi sya. Para na akong mababaliw. Hanggang isang araw nagising na lang ako sa katotohanang wala na sya. Hindi na talaga sya babalik. Sinubukan ko uling bumalik sa dati. mahirap pero kailangan kong gawin. Kahit sariwa parin ang sakit kailangan kong mabuhay."saglit na huminto si MinHo at nilingon ang tatlo. "Baka umiiyak na kayo dyan hu!"natatawa nyang sabi.

    "Ituloy mo lang!"anya ni Onew.

    "Sinubukan kong makipag-relasyon sa iba pero sya parin talaga ang hinahanap hanap ng puso ko. Kaya lang tadha na nga siguro ang nag-sasabing kalimutan ko na sya. Nag-kita kami ulit, sa lugar na madalas naming puntahan. Kasama ang ibang lalaki."nanglaki ang mga mata nila maging ni MinHo sa nakasulat sa notebook.

     "Talaga???"halos sabay sabay nilang sabi.

     Nag-patuloy si MinHo. "Mas matured sakin ang lalaki. Mga nasa mid-twenties ang edad. Pinili kong wag nang lumapit. Nakikita ko namang masaya na sya. Tumalikod akong may dala-dalang sakit sa dib dib. Pero kinaya ko dahil ayaw ko nang bumalik sa dati. Misirable. Kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanang hindi talaga sya para sa akin."

     "Bumalik na ako sa dati pero ang nararamdaman ko sa kaniya ay hindi parin nag-babago. Key."basa ni MinHo sa huling sentence ng napakahabang diary na yun.

     Napapailing na lang sila sa narinig. Hindi sila maka-react agad. Lutang pa sa kaisipan nila ang kwentong iyon ni Key.

     "Dramatic pala ang first love ni Key hyung."si TaeMin ang unang nag-salita.

     "Hindi ko lubos maisip na ipinag-palit nya si Key sa isang may edad."naiiling paring wika ni JongHyun.

     "Ayos lang yan. At least marami syang natutunan sa mga naranasan nya. Okay na yun. ang importante nalampasan nya ang depression na pinag-daanan nya."si Onew naman iyon. Tumango silang tatlo.

     "Ibalik nyo na yan! Baka mamaya maabutan pa kayo ni Key."utos ni JongHyun sa tatlo.

     "Bakit kami? Ikaw kumuha nyan e!"reklamo naman ni Onew. Pero sabay sabay silang napatingin kay MinHo na syang may hawak ng notebook. Maging si MinHo ay napatingin sa sarili. "Kung sino may hawak sya ang mag-babalik."dugtong pa ni Onew.

     "Bakit ako? Ako na nga nag-basa ako pa mag-babalik!"reklamo rin ni MinHo. Sa gitna ng diskusyuhan nila kung sino ang mag-babalik ay saka naman dumating si Key.

     "SHINee! Nasaan ba kayo?!"tawag ni Key. Nag-katinginan ang apat.

     "Lagot! Itago mo yan! Bilis!"tarantang wika ni JongHyun. Agad namang inipit ni MinHo ang notebook sa likuran ng pantalon nya bago pa man sila makita ni Key.

     "Anong ginagawa nyo dyan?"nag-tatakang tanong ni Key.

     "Nag-papahangin."madaliang sagot ni Onew. "Mainit kasi sa loob."dugtong pa nya.

     "Bukas lahat ng aircon sa loob. Naka-full blast pa yun, mainit pa para sa inyo yun?"nawiwirduhang saad ni Key sa apat. Nag-dududa tuloy ito sa kanila. "Hmm...mukhang-"bago pa man nya tapusin ang sinasabi ay inakbayan na sya ni JongHyun.

     "Tara! Punta na lang tayong Amusement Park!."yaya nya dito. Kinabahan ang tatlo sa ka-clumsy-han ni JongHyun. Mabuti na lang at hindi yun narinig ni Key.

     "Ano?"kunot nuo nyang tanong.

     "Wala! Tara na!"hinatak na lang sya ni JongHyun.

     "San tayo pupunta?"walang kaalam alam si Key sa mga nang-yayari.

     "Mamamasyal tayo.'sagot naman ni JongHyun.

     "Kararating ko lang, aalis nanaman?"

     "Paalis pa lang kami kaya sumama ka na."wala nang nagawa pa si Key kundi ang mag-padala kay JongHyun. Nang makalabas sina Key at JongHyun ay dali daling ibinalik ni MinHo ang Diary sa kwarto bago sumunod sa kanila.

     'Ang wirdo nya ngayon."saad ni Key pero hindi sya pinansin ni JongHyun.

     "Kumain tayo ng chicken!"suhestyon naman ni Onew saka inakbaya si TaeMin at nag-patinuna. Sumunod naman si MinHo sa kanila. Habang si JongHyun naman ay panay ang kanta ng ROMANTIC na sila din ang kumanta.

     Walang kaalam alam si Key na nabasa na pala ng apat ang tinatago tago nyang kwento na nakasulat sa diary nya.




~ tHe EnD ~

2 comments:

  1. an tgal q nde nkpag-net! ngaun n lng ulit! ung crying princess! ahhhahhahha! ang cute nito!!!!

    ReplyDelete
  2. awh.. ang sad nman ng first love story ni key!.. hindi ko talaga in-expect to!.. madrama pala siya,hahah.. at mei diary!.. pero carry lang,cute pa rin.. ang ganda ate!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^