Thursday, August 2, 2012

Billion Dollar Quest: Chapter 2


CHAPTER TWO



      Parang maamong tupa na naka-upo sa sofa sina Darren at Darryl habang tinititigan ni Chairman. Hindi nila maiangat ang mga mukha nila dahil natatakot sila sa mga titig ng kanilang lolo. Naroon naman sa kabilang sofa ang mga magulang nila at lola nilang naka-upo sa tabi nilang dalawa.

     Walang may lakas ng loob na mag-salita. Parang nasasakdal sina Darren at Darryl na nag-hihintay na lang ng hatol. Matagal na nanatiling tahimik ang paligid. Ramdam na ramdam ang awkwardness sa paligid. Nakayuko lang ang dalawa hanggang sa mag-salita si Chairman Jung.

     "Mag-re-retired na ako next year."anunsyo nito na talaga namang ikinagulat nilang lahat. Ang alam kasi nila ay two years pa binigay nitong palugit sa sarili.

     "Ano? Akala ko ba two years pa? Biglaan naman yata yan."wika ni Mrs. Jung.

     "Hihintayin ko pa ang two years bago ko i-settle ang lahat? Hindi natin masasabi ang mga bagay na pwedeng mang-yari sa akin."hindi naman galit pero boses diktador nitong saad sa asawa. 

     "Hay! Wag ka nga mag-salita ng ganyan."kahit naman kasi malimit silang mag-kasagutan ng asawa nya dahil sa paraan nito ng pag-di-disiplina sa mga anak at apo nila ay mahal nya parin naman ito at hindi nya gugustuhing mawala ito.

     Hindi sya pinansin ni Chairman Jung. "Yun na ang desisyon ko."anya.

     "Papa, hindi kaya nabibigla lang kayo. Hindi pa nila kayang hawakan ang kumpanya. Wala pa silang alam sa mga pamamalakad."saad naman ni Brandon. Concern parin naman sya sa kumpanya ng kaniyang ama kahit merong na syang sariling business.

     "Kaya ko na po yun papa!"dali daling sagot ni Darren.

     "Lolo! Pinag-aralan ko na pong mabuti ang pamamalakad sa kumpanya kaya ko na po yung patakbuhin."singit ni Darryl. Dahil nga ang ari-arian lang ng lolo nila ang pinag-aawayan nilang dalawa. Walang gustong mag-patalo sa kanila. Syempre todo suporta naman ang kanilang ina. Maliban sa kanilang mga ama na ang kapakanan parin ng kumpanya ang iniisip.

     Muli silang napayuko ng ambahan sila ni Chairman Jung. Nag-sikuhan pa silang dalawa at nag-sisihan kung bakit nag-salita pa ang isa sa kanila.

     Nag-aalalang sinulyapan ni Brian ang dalawa saka bumaling sa ama. "Papa, alam mo kung gaano ka-hirap ang humawak sa ganyan kalaking kumpanya. Mga bata pa sila. Hindi ba dapat hayaan muna natin sila mag-enjoy?"suhestyon naman ni Brian.

     "Oo nga naman!"sangayon naman si Mrs. Jung.

     "Kelan pa sila kailangang matuto? Pag matatanda na sila? Sa tingin mo ba bata pa ang edad na bente tress? Sa panahon ngayon kahit eihteen years old nag-tatagumpay na samantalang sila na twety three na, wala paring ibang alam kung ang umakyat sa pader at sungkitin ang door knob sa lukuran pag ginagabi sila ng uwi! Sabihin nyo ngang dalawa! Gawain ba ng twenty three years old yan?"baling nya sa dalawa na ngayon ay nahihiya sa pinaalala ng chairman na ginawa nila ilang minuto lang ang nakakalipas.

     Hindi sumagot ang dalawa. "Papa, hayaan nyo. Kami na ang mag-didisiplina sa kanila. Mas mag-hihigpit na kami ngayon para lang matuto sila. Just give them time bago mo ibigay sa kung sino man sa kanila ang kumpanya."pakiusap ni Brandon. Sabay na napalunok sina Darren at Darryl. Kilala ni Darryl ang tito nya lalo naman ni Darren dahil ama nya ito. Alam nilang dalawa kung anong klaseng tao si Brandon kapag nag-seryoso ito. Masahol pa ito sa lolo nila. Hindi ito katulad ni Brian na easy easy lang ang lahat.

     "Kasalanan mo 'to e!"pabulong na sisi ni Darryl kay Darren. Siniko sya ni Darren.

     "Wag mo nga ko sisihin sa kalokohang ginawa mo!"bulong din nya dito.

     "Hindi na kailangan pa. Hayaan mo na lang silang gawin lahat ng gusto nilang gawin. Nag-bago na ang plano ko. Hindi ko na lang ibibigay sa kanila ang kumpanya."lahat sila ay muling nagulat sa sinabi ng Chairman. 

     "Ano pong ibig nyong sabihin papa?"kunot nuong tanong ni Brandon.

     "Ibibigay ko na lang sa charity lahat lahat ng meron ako. At mag-iiwan lang ako para sa perang ipang-iikot ko sa buong mundo. Iiwanan ko na kayo. Ang mama mo lang ang isasama ko. Bahala na kayong dalawa."tinuro pa nya ang dalawa. Lalong nagulat ang lahat maging sina Darren at Darryl. Ang matagal na panahong pinag-aagawan nila ay pakikinabangan pa ng iba.

     "Ano ka ba! Napaka-isip bata mo naman!"sita ng kanyang asawa.

     "Papa! Seryoso ba kayo sa sinasabi nyo?"paninigurado ni Brian.

     "Kelan ba ako nag-sinungaling?"tanong ng Chairman.

     "Baka ngayon pa lang.'pilosopong sagot ni Brian. Mabilis na kinuha ng Chairman ang news paper sa mini talbe saka hinampas ito kay Brian.

     "Wala ka talagang matinong sagot!"

     "Ano ka ba. Umayos ka nga kasi."mahinang bulong ni Jennifer sa asawa.

     "Pero lolo! Hindi nyo naman kailangang gawin yun! Kaya ko namang pamahalaan ang kumpanya e!"kontra ni Darren.

     "Kung sakin nyo ihahabilin ang kumpanya sigurado akong mas lalago pa yun! Wag mo nang gawin ang balak mo lolo."nag-mamakaawang boses na wika ni Darryl.

     "Tumigil kayo! Tingnan nyo nga yan! Ni hindi kayo mag-kasundo tapos gusto nyong ipag-katiwala ko sa inyo ang kumpanya? Buo na ang pasya ko."wala nang nagawa pa ang lahat. Tatayo na sana ang Chairman ng sabay na lumuhod sina Darren at Darryl. Sabay ding napatingin ang lahat sa kanila.

     "Lolo!"tawag ni Darren. "Ano bang gusto mong gawin ko para mag-bago ang isip mo?"

     "Kung gusto mong mag-pakatino ako gagawin ko!"wika naman ni Darryl

     "Sabihin nyo kung anong dapat kong gawin!"sabay nilang sigaw.

     "Talaga?"gumihit ang pilyong ngiti sa labi ng kanilang lolo. Mukhang umaayon sa plano nya ang lahat.

     "Opo!!"sabay ulit ang dalawa.

     "Hanapin nyo si Angel at dalhin nyo sya sakin. Kung sino man sa inyo ang unang makakita sa kaniya yun ang pakakasalan nya at buong buo kong ibibigay ang lahat lahat ng ari-arian ko."dire-diretsong sabi ng Chairman.

     "Kasal??"chorus ulit sila.

     "Papa, hindi kaya sobra naman po yang kundisyon nyo?"kontra ni Brandon.

     "Masyado pang bata ang dalawa bata para sa kasal."maging si Brian ay komontra na din.

     "Pag-isipan mo ngang mabuti yang sinasabi mo!"galit na saad ng asawa nya.

     "Yun ang kundisyon ko. Kung ayaw nila. Okay lang."nango-ngonsensyang wika ng Chairman. 

     Ilang sigundong napaisip ang dalawa. Kasal? Seryoso ba ang Chairman dun? Hahayaan ba nyang ikasal ang mga apo nya sa babaeng hindi naman nila mahal? Ni wala nga silang idea kung sino at anong klaseng babae ang Angel na pinapahanap ng lolo nila tapos gusto pa nyang ipakasal sila dun? Ano ngayong gagawin nila? Sa huli ay nabuo ang desisyon nila.

     "Sige, payag ako."determinadong sabi ni Darren na ikinagulat ng mga magulang nya.

     "Darren."sambit ng kaniyang ina.

     "Lolo."tawag ni Darryl. Napatingin din sa kaniya ang mga magulang. "payag din ako sa deal mo."

     "Darryl."tawag ni Brian pero hindi sya pinansin ng anak.

     "Okay."masayang tumayo sa single sofa ang Chairman pero huminto ito saka may idinukot sa bulsa. "Wala syang picture pero heto."hinagis nya ang isang silver na sing-sing na may nakabaon na rudy stone. Nasalo iyon ni Darren. Mukhang pang-lalaki ang sing-sing na yun dahil malaki ang size. Kasyang kasya sa pala-sing singan ni Darren. "May kapareho ang sing sing na yan. At nasa kanya yun. At isa pa nga pala mga apo."kinikilabutan ang dalawa sa tuwing marinig nilang tinatawag silang apo ng kanilang lolo. Madalas kasi itong galit sa kanila kaya nasanay na silang ganun ang way ng pag-papakita ng pag-mamahal ng lolo nila sa kanila. "Nag-aaral kayo diba? Balita ko maganda ang turo ng Business Administration ng isang School sa Philippines. Bakit hindi kayo mag-transfer dun? Tutal naan doon naman ang taong pinapahanap ko sa inyo."

    "Phi-Philippines?'halos mabulunan si Darren sa narinig.

    "Ba-bakit hindi nyo agad sinabi na taga dun pala sya? Sino ba 'tong pinapahanap nyo? importanteng tao ba 'to?"kunot na ang nuo ni Darryl.

    "Sya ang kaisa isang anak ng kaibigan ko na napangakuan ko ng tulong."yun lang ang sagot ng Chairman.

    "Papa, wag mo naman sila ilayo na amin."naiiyak na wika ni Jean.

    "Hindi ko sila ilalayo sa inyo. Pwede nyo naman silang tawagan. Maraming pwedeng maging komunikasyon nyo habang nasa Philippines sila."sagot ng Chairman.

    "Hindi mo naman kailangang gawin'to sa mga apo mo."pigil ng asawa nya.

    Pinapakalma ni Brandon ang asawang naiiyak habang tahimik namang nakaupo lang sina Jennifer at Brian. "Kung hindi nila gusto. Madali akong kausap."

    "Lolo sandali."pigil ng dalawa. "Payag na ako."napipilitang sabi ni Darren. Kung hindi lang dahil sa ari-arian hindi nya gagawin ang ganung bagay.

     "Payag na rin ako lolo."ganun din ang sinagot ni Darryl.

     "Okay. Mag-impake na kayo. Bukas na bukas lilipad na kayo papuntang Philippines. Ipapasama ko muna sa inyo si Manager Kang para may mag-asikaso sa pag-transfer ninyo. Pag tapos nun babalik na dito si Manager Kang at pwede nyo nang simulan ang pag-hahanap kay Angel habang nag-aaral kayo. Enjoy."saka tuluyang umalis na si Chairman Jung. Naiwang blangko ang mga utak nilang lahat. Nanatiling nakaluhod sina Darren at Darryl. Bagsak ang mga balikat nila at para bang nakawala saglit sa katawan nila ang kaluluwa nila.

      Paano sila makikipag-deal ngayon sa bagong mundong gagalawan nila? Mahahanap kaya nila si Angel gamit lang ang sing sing na ibinigay ng lolo nila? Marami silang naging problema sa mga oras na yun pero isa lang ang nasa isip nila. Dapat maunahan nila ang isa't isa na makita si Angel para sa ari-ariang ipapamana sa kanila ng lolo nila. Ano kaya ang magiging papel ni Angel sa buhay nila? 


♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

      Bitbit ang kaniya kaniyang maleta tahimik lang na nag-lalakad papasok ng airport sina Darren at Darryl kasama si Manager Kang. Hindi na pinayagan pa ng lolo nila na sumama mag-hatid ang mga magulang nila. Para hindi na sila maabala pa.

      Titig na titig si Darren sa sing sing. Naroon na sila ngayon sa loob ng eroplano ng mga oras na yun. Si Darryl naman ay tahimik na natutulog sa tabi nya. Hindi nya alam pero may kakaiba syang nararamdaman sa sing sing na yun. Pakiramdam na para bang looking forward sya sa sino mang tao na may hawak ng kapares nun. Naisip nya na lang, siguro dahil may kapalit na malaking halaga kung sya man ang maunang makahanap sa babae. Wala na syang paki-alam kung involved pa ang kasalan. Ang importante sya ang mauna.

      Makalipas ang mahigit apat na oras ay nakarating din sila ng Philippines. Summer ngayon sa Pilipinas kaya naman damang dama nila ang init. Panay ang punas ni Darryl sa pawis samantalang unti unti ng umiinit ang ulo ni Darren.

      "Jigumi uriga odinun itnunkot? [Saan tayo pupunta ngayon?]"iba na rin ang tono ng boses nito. Bosy na ito at talaga namang nauubos na ang pasensya nya.

      Panay ang paypay ni Darryl sa damit habang nag-paling linga sa paligid. Napakaraming tao. Hindi nya mabilang sa kamay. May mga nag-tatawana na para bang hindi nila inda ang init, may mga foreigners at may mga kababaihang hindi maiwasang kiligin sa kanila. Pakiramdam tuloy nya ay grupo sila ng mga Korean idol na pumunta sa Pilipinas para mag-perform ng isang concert. Patuloy lang sya sa pag-mamasid sa paligid ng may biglang dumaan sa harapan nyang babae.

       Hindi nya alam kung bakit sinusundan nya ito ng tingin. Napaka-amo ng mukha nito na para bang isang anghel. Ang buhok nitong wavey at mahaba ay lalong nag-pabagay sa mukha nito. Hindi ito ganun katanggad dahil nasukat ni Darryl ng dumaan ito sa harapan nya. Hanggang dibdib lang nya ito. Halos pantay lang sila ng kulay. Sinusundan lang nya ng tingin ang babae. Ikinagulat ni Darryl ang sumunod na nangyari ng makalampas ito sa kaniya at makalapit kay Darren.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥


     Kakalabitin sana ni Darren si Darryl para utusang bumili ng maiinom pero natigilan sya ng may kakaiba syang nahawakan. Malambot ito at may bukol. Pag lingon nya hindi pala si Darren ang nahawakan nya kundi dib dib ng isang babae. Pareho silang nagulat at parehong hindi agad naka-galaw. Nag-palit palit ang tingin ni Darren sa kamay na hanggang sa mga oras na iyon ay naka-hawak parin sa dib-dib at sa mukha ng babae na ngayon ay hindi na maintindihan ang itsura.

     Nang matauhan si Darren ay agad nyang inalis ang kamay. Pakiramdam nya ay bigla itong namanhid, nawalan ng pakiramdam. Grabe ang kabog ng puso nya na halos hindi na sya makahinga. Ramdam nyang umiinit na ang mukha nya at namumula. Ngayon ay nangi-nginig na ang mga kamay nya. Muli syang natigilan ng makita nyang nakasimangot na ang babae

     "Ba-bakit-"tarantang saad ni Darren.

     "Bastos ka!"malakas na samapal ang pinalipad ng babae sa pisngi ni Darren kaya tuluyan na talaga itong namula. Nagulat si Darryl pero natuwa din ito sa huli, gulat din ang naging reaksyon ni Darren.

     "Yah! Bakit mo ko sinampal? Haharang harang ka kasi e!"galit na saad ni Darren. Lalapit sana si Manager Kang para awatin sila pero pinigilan sya ng natatawa na si Darryl. Hindi naman makapaniwala ang babae sa reaction niya.

     "Ikaw pa ang galit? Ikaw na nga ang naka-bastos! Dapat nga mag-sorry ka e!"

     "Hindi ko kasalanan kaya hindi ako mag-so-sorry!"giit ni Darryl. Napailing ang babae.

     "Ganyang klase ka bang Koreano? Mga bastos?"naka-halukipkip na sa galit ang babae.

     "Mag-sorry ka na nga. Pinapahiya mo lang ang bansa natin dahil sa ginagawa ko e."dag-dag pa ni Darryl.

     "Ayst!"napasapo sa ulo si Darren saka nag-walk out. Isultong naiwan ang babae habang natatawa namang lumapit si Darryl dito. Sinundan naman ni Manager Kang si Darren.

     "Mianhada[I'm sorry]."ito na ang humingi ng pasensya para sa pinsan. "Kurigo, Kamaoyo[At salamat na rin]."pasasalamat ni Darryl dahil sa ginawang pag-sampal nito kay Darren. Naka-kunot lang ang nuo ng babae habang sinusundan nya ng tingin ang papalayong sina Darren at Darryl.

     Inis na inis sya dahil hindi man lang nag-sorry si Darren sa kaniya sa halip ay ito pa ang nagalit. Hinihiling nya na sana ay hindi na mag-krus pa ang landas nila. Wala na syang nagawa kundi ang mag-lakad na lang ng padabog palabas ng airport.






2 comments:

  1. ~angel is luv~

    ang kulit lang ng lolo nila eh. ahaha!

    ReplyDelete
  2. haha.. mei mga saltik talaga sa utak ung dalawa eh.. astig ng lolo nila ah,manipulator pah..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^