CHAPTER ONE
Panay ang punas si Darryl Jung sa pawis habang nag-hahanda ito sa pag-dating ng bola mula sa kabilang court. Nag-ready na sya ng makitang handa na ring tumira ang opponent nya. Lahat ng lakas nya ay inilipat nya sa raketa ng hampasin nya ito pabalik muli sa kalaban. Muli nanamang nag-simula ang rally nila. Takbo dito, takbo dun. Hampas ng bola na para bang wala silang kapaguran.
Ilang saglit pa ay tumawag na ang amphire na nakaupo sa isang mataas na upuan sa gilid ng court. "Love-Fourty!"
Napasuntok sa hangin si Darryl dahil sa kaniya muli ang score. Ni hindi man lang nya binigyan ng chance na makapuntos ang kalaban. Hindi naman mag-kanda kumarat ang mga kababaihang nanunood sa laro nya. Mga official taga-hanga nya ang mga iyon na walang sawa ring sumosuporta sa kaniya na sinusundan pa sya kahit saan man sya mag-punta.
"Go Darryl!"cheer pa ng mga ito. Ang Tennis court na yatang ito ang pinaka-maingay sa lahat ng Tennis Court sa buong mundo dahil nga sa mga hiyawan ng mga fans nya. Naiistorbo na nga ang ibang mang-lalaro pero dahil si Darryl ang nag-lalaro at chini-cheer ng mga ito wala na silang magawa kundi ang makisama na lang.
"Game-Set-Macth! Won by Darryl!"tawag ulit ng amphire.
Napatalon sa tuwa si Darryl sa pag-kapanalo sa laro. Bakas sa mukha nito ang saya. Nag-hihiyawan ang mga babae lalo na ng masilayan nila ang dimple sa kanang bahagi ng pisngi ni Darryl. "Darryl! Your the best!"hiyaw ng isang babae. Nilingon sila ni Darryl saka nag-flying kiss. Para namang mahihimatay ang mga ito sa kilig.
Lumapit sa bench si Darryl at maingat nitong inilapag sa gilig ng bench ang kulay puting Wilson Racquet nya. Para sa kaniya ang Raquet at Tennis ball ay parang girlfriend na dapat ingatan. Ang pag-lalaro ng Tennis ang isa sa dahilan kung bakit sya nabubuhay. Without it, mas gugustuhin na lang nyang mag-pasagasa sa tren.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Panay ang talon ng mga nanunood habang ganadong ganado naman sa pag-tugtog ang banda ni Darren Jung. Intro pa lang ay makikita mong nasisiyahan ang mga tao. Lalo pa ng mag-umpisang kumanta si Darren.
"I saw your picture hangin' on the back of my door. Won't give you my heart. No one lives thier anymore. And we were lovers. Now we can't be friends. Fascinacion ends. Here me go again."sa bawat lyrics na binibitawan nya ay sinasabayan ng mga manunood. Para silang nasa isang concert. Lalo pang dumagundong ang kabuuhan ng bar ng kantahin na ni Darren ang bridge at chorus. "'Cause its cold outside, when you coming home. 'Cause its hot inside, isn't that enough? I'm not in-love! I'm not in-love! I'm not in-love! We are not in-love."nag-hiyawan pa ang mga ito sa instrumental ng kanta.
Sa tuwing tumutungtung sa stage si Darren ay nag-iiba ito. Makikita mo ang sinseridad nito sa ginagawa. Para kasi sa kaniya 'Life without Music is dead'. Buhay nya ang Music, Kahit ilang babaeng magaganda na ang humarap sa kaniya para mag-confess ng nararamdaman nila ay hindi nya pansin dahil wala syang ibang naririnig kundi ang rock music na parati nyang tintugtug at pinakikinggan.
Wala syang pakialam basta ang gusto nya lang gawin ay ang tumugtug ng tumugtug at kumanta ng kumanta sa stage kasama ang mga kabanda nya.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Kanina pa nag-sisikuhan sina Jennifer at Jean habang tahimik namang nakaupo sa black leather single sofa si Chairman Jung. Naka-diquatro pa ito at mukha nito ay hindi na maipinta. Halatang kanina pa ito may hinihintay.
"Honey!"tawag ni Jean. Tumayo sya para salubungin ang asawang si Brandon. "Dumating ka na."kinuha nya ang dalang bag nito saka hinalikan sa pisngi. Nag-tataka namang napatingin si Brandon sa amang nasa salas.
"Anong meron?"kunot nuo nyang tanong.
"Si Darren kasi wala pa."pabulong na saad ni Jean. Napangiti lang si Brandon sa kaniya. Ilang saglit pa ay dumating na rin ang nakababatang kapatid ni Brandon na si Brian.
"Sweet Heart, welcome home!"dali dali ding tumayo sa kinauupuan si Jennifer para salubungin ang asawa. Gaya ni Jean kinuha nya rin ang gamit nito saka humalik sa pisngi. Tapos ay nag-tinginan sila ng masama ni Jean sabay imid sa isa't isa.
Maging si Brian ay nag-taka ng maabutan ang ama sa salas. Usually kasi pag mga ganung oras ay nasa kwarto na ito namamahinga kasama ang ina nila. "Oh! Papa! Bakit gising pa kayo?"diretsong tanong ni Brian sa ama.
"Wala pa kasi si Darryl."mahina ring saad ni Jennifer. Tawa naman ang naging reaksyon ni Brian. Nilapitan nya ang ama kasunod ang kuya nyang si Brandon. Nanatili namang nakatayo sa likuran sina Jennifer at Jean habang nag-iinisan parin sa isa't isa.
Simula kasi nang mag-krus ang landas nilang dalawa noong college sila ay tinuring na nilang mortal na mag-kaaway ang isa't isa. Walang gustong mag-patalo sa kanila. Kahit saan mang bagay ay nag-papabonggahan silang dalawa. Kung may bagong gamit si Jean kailangang meron din si Jennifer. They hate each other kasi nga ay kinaiinggitan nila ang isa't isa. Nang maka-graduate sila noon ng college ay tuwang tuwa sila dahil hindi na nila makikita ang isa't isa. Pero tadhana na nga siguro ang nag-lapit sa kanilang dalawa dahil hindi inaasahang mag-kapatid pala ang napangasawa nila.
Kaya hanggang ngayon nag-papatuloy ang pa-bonggahan nilang dalawa. Mula sa mga gamit maging sa anak ay walang nag-papatalo. Pareho silang may tag-isang anak at pareho pang mga lalaki. Yun nga sina Darren at Darryl. Mukha ngang naipasa pa nila sa mga anak ang ugaling ituring na mag-karibal ang isa't isa dahil hindi mag-kasundo sina Darryl at Darren. Pero hindi tulad nila na napakaraming kinaiinggitan. Iisang bagay lang ang madalas pag-awayan nilang dalawa. Iyon ay ang ipapamanang ari-arian ng kanilang lolo sa kung sino man ang makita ni Chairman na karapat dapat pamanahan nito.
Isa kasing business tycoon hindi lamang sa Korea ang pamilya Jung kundi maging sa Asia, USA at Europe. Dahil nga nalalapit na ang retirement nya gusto nyang ibilin ang pinag-hirapan nyang business sa isang taong kayang alagaan ito. Wala na syang balak na ibigay pa ang mga ito sa dalawa nyang anak dahil may kaniya kaniya na rin naman ang mga ito na business. Wala na syang ibang pwede pang asahan kundi ang dalawa nyang apo. Pero sa ganitong state na hindi ma-kontrol ang katigasan ng ulo nila ay alangan pa si Chairman Jung na ipag-katiwala sa sino man sa kanila ang business nya.
"Oh! Naan dito na pala kayo! Bakit hindi pa kayo mag-bihis?"bati naman ng kanilang ina na si Mrs. Jung. Kabababa lang nito galing sa kwarto at may mga rollers pa ito sa buhok. Nag-sitayo sina Brandon at Brian para humalik sa pisngi ng kanilang ina.
"Si papa po kasi naan dito pa."saad ni Brandon.
"Hay naku! Ewan ko ba dyan sa papa nyo. Hindi makumpleto ang araw kapag hindi nakikita ang dalawa nyang pasaway na apo,"sabi ni Mrs. Jung habang nakatingin ito sa asawa.
"Pa, hayaan mo na sila. Malalaki na yung mga yun. Alam na nila ang ginagawa nila."baling ni Brian sa ama.
Mabilis na nahawi ng palad ni chairman ang ulo ni Brian. Agad naman nag-react ang asawa nya sa ginawang pag-batok sa bunso nilang anak. "Hay! Ano ba! Hangganga ngayon ginagawa mo parin sa mga anak mo yan!"galit nitong saway. Nakaramdama naman ng awa si Jennifer sa asawa.
"Kinukunsinti nyo kasi ang mga anak nyo kaya lalong tumitigas ang ulo! May nag-report sakin na hindi sila pumasok sa eskwela kanina! At saan naman mag-pupunta ang mga yun!"sumisigaw na sabi ni Chairman Jung. "Mabuti pang ipakasal na lang sila kaysa ganiyan na wala silang plano sa buhay!"
Lahat sila ay nagulat sa sinabing iyon ni Chairman Jung. Kilala kasi nila ito. Kapag nag-bitaw ito ng isang nakakagulat na salita ay walang dudang gagawin nya ito.
"Hindi po kaya masyado pang maaga para sa kay Darren na mag-pakasal?"naiilang na singit ni Jean sa usapan.
"Sa tingin mo ba masyado pa akong bata para hintayin ko kung kailan sila titino?"pilosopong sagot naman ng Chairman. Nag-katinginan sina Jean at Brandon saka sumenyas si Brandon na wag na lang sumagot si Jean. Nginiwian naman sya ng nguso ni Jennifer ng mag-katinginan sila. Pasimple nya itong inambahan. "Buo na ang pasya ko. Kailangan ko silang turuan ng leksyon para matuto sila,"kitang kita ang determinadong expression sa mukha ng Chairman ng sabihin nya iyon. Mukhang may nabuo nang plano dito para mapatino ang dalawa nyang apo.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Nag-palingon lingon si Darren sa paligid at nang masiguradong walang tao sa paligid ay mabilis itong sumampa sa pader para makatawid papunta sa loob ng bakuran nila. Inilaylay nya ang mga binti saka patalikod na bumaba sa itaas ng pader. Kitang kita mo ang dimple nya sa kaliwang bahagi ng kaniyang pisngi dahil sa abot hanggang tenga nyang ngiti habang pababa sya ng pader.
Samantala, hindi naman mag-kandaugaga si Darryl kaka-palo sa kung ano mang lumalaylay sa ulo nya habang nakaupo sya sa lapag. Tumawid din kasi sya sa pader yun nga lang ay mas nauna sya kay Darren kaya hindi nila nakita ang isa't isa.
Nilingon ni Darryl kung ano ba ang bagay na yun. Nainis sya ng makitang ang pinsan pala nyang si Darren iyon. "Ige mwoya?![Ano ba yan!]."galit nyang saad. Paupong bumagsak sa lapag si Darren. Nagulat pa ito kay Darryl.
"Hu! Darryl!"sambit nya. Dali dali syang tumayo mula sa pag-kakabag-sak. "Ayst! Haharang harang ka kasi e!"ito pa ang ganang magalit.
"'Aygo!"wika naman ni Darryl kasabay ng pag-amba ng siko nya dito. Tiningnan lang sya ni Darren saka nag-patiunang lumakad. Panay ang pag-pag ni Darren sa pantalon nya habang si Darryl naman ay may inaayos sa Tennis bag nya habang palakad sila papuntang back door.
Ganun ang way of passege nila sa tuwing ginagabi sila ng uwing dalawa. Aakyatin nila ang pader ng bahay, tapos ay dadaan sila sa back door para makapasok sa loob. Sinusungkit lang nila ang door knob para mabuksan ang lock nito. Ayaw nilang mag-door bell dahil alam nilang ang lolo nila ang mismong mag-bubukas ng pinto at paniguradong bugbog ang abot nila.
"Buksan mo."utos ni Darryl kay Darren ng makarating sila sa bakc door.
"Bakit ako? Ikaw na!"tanggi naman ni Darren.
"Ikaw na! Matanda ako sayo ng buwan kaya ikaw na!"dahilan pa ni Darryl pero ang totoo ay may nararamdaman syang kakaiba. Pakiramdam na para bang may nag-hihintay sa kabilang pinto.
"Sira ulo!"inis na wika ni Darren saka dinukot ang hair pin sa ilalim ng pasong maliit sa may bintana. Sinungkit sungkit nya ang door knob at ilang saglit pa ay nabuksan na ito.
Sa pag-bukas ni Darren ng pinto ay bumulaga agad sa kaniya ang mukha ng lolo nila na kahit madilim ay maaninag mo ang mukha. Napa-inhale ng napakalalim ni Darren sa sobrang bigla. Nang-laki naman ang mata ni Darryl.
"Akala nyo makaka-lusot na kayo!"uang tinamaan ng walis tambo si Darren dahil ito ang nasa unahan. Tama nga si Drryl, may nag-hihintay nga sa pinto na yun. Worst, ang lolo pala nila. Ayan tuloy, bugbog silang dalawa. Iyon ang kauna-unahang pag-kakataong nahuli silang pumuslit papasok sa bahay. Sa loob kasi ng eleven years nilang ginagawa yun ngayon pa sila nahuli kung kelan twenty three na sila.
Umalingaw-ngaw ang sigaw nilang dalawa sa buong bayan dahil sa mga palo ng kanilang lolo.
~angel is luv~
ReplyDeletewoooooooooooo! i love diz!
ang pasaway lang nila eh.. haha.. ang adik..
ReplyDeletemygosh! may bagong story ka! aabangan ko ito!
ReplyDelete