CHAPTER THREE
Kanina ay maganda ang mood ni Dian, nasira lang ito ng dahil sa isang Koreanong lalaki na walang modo. Ang bastos na nga na yun ang may kasalanan sya pa ang may ganang magalit. Ni hindi man lang sya humingi ng sorry.
"Dian!"tawag ng isang babaeng may katangkaran at naka-suot ng salamin. Kumakaway pa ito kay Dian.
"Emily!"pinilit na lang maging masaya ni Dian sa harapan ng kaibigan at ka-roomate nya din sa apartment. "Kamusta ang bakasyon mo sa Hong Kong?"excited na tanong ni Emily sa kaniya.
"Ayon, masaya naman! Kaya lang ang boring mamasyal mag-isa."kwento nya.
"Hayaan mo next time mag-iipon ako para makasama ako sa susunod."niyakap nya sa braso si Dian at kinuha nya ang maletang dala nito para sya na ang humatak.
Pasakay na sila ng taxi ng muling makita ni Dian ang Koreanong walang modo. "Sandali."pigil nya kay Emily. Kwestyonableng napalingon si Emily sa kaniya. Saka sinundan ang tingin ni Dian.
"Na-site mo rin pala te? Ang gwapo nila no? Lalo na yung naka-red na t-shirt! Like ko sya!"kinikilig na saad ni Emily. Hindi masabi ni Dian dito na ang lalaking nagugustuhan nito ay ang lalaking bumastos sa kanya.
Nakatingin lang ng masama si Dian dito hanggang sa makasakay na ito sa itim na Hyundai. Sinundan nya lang ito ng tingin hanggang sa makaalis ito. Dumaan pa ito sa harapan nila.
"Ang gwapo talaga ng mga kalahi mo."habol pa ni Emily habang nakatanaw din ito sa papalayong kotse. "Tara na."aya nito kay Dian. Sumunod naman si Dian pero ang atensyon nito ay nasa papalayong Hyundai. "Oo nga pala, hindi ka ba kukuha ng summer class?"pag-iiba ni Emily sa usapan.
"Pinag-iisipan ko pa nga yung mga subject na kukuhain ko e."sagot naman ni Dian.
"Kuhain na lang muna natin yung mga minor subject para puro major na lang ang subject natin sa pasukan."suggestion naman ni Emily.
Nag-kakilala sina Dian at Emily ng minsang nag-kasabay sila noon na mag-hanap ng apartment na malapit sa school na papasukan nila sa college. Dahil masyadong mahal ang mga apartment na nahahanap nila ay naisipan na lang nilang mag-hati. Tutal naman ay pareho silang ng school na papasukan, at isa pa komportanble sila sa isa't isa. Nag-kataon pang pareho din silang Civil Engineering ang kinukuha kaya simula noon hindi na sila nag-hiwalay.
May kaya ang pamilya ni Emily na nag-mula sa Bacolod. Piniling mag-aral ni Emily sa Manila dahil balita nya ay maraming schools dito na maganda ang turo sa Engineering. Sinuportahan naman sya ng mga magulang nya. Ngayon nga ay second year college na sya.
Isang sponsor naman galing sa USA ang nag-papaaral ngayon kay Dian. Suportado sya nito sa lahat ng bagay. Mula sa pag-kain nito, hanggang sa maliit na gastusin, naroon ang sponsor nya para sumuporta. Ang sponsor nga nya ang gumastos ng pamasahe at accommodation nya sa bakasyon nya sa Hong Kong. Every summer kasi ay may free vacation trip sya galing nga sa nag-papaaral sa kaniya. Pero ni minsan ay hindi pa nya nakikita ang sponsor nya kahit sa picture man lang.
Bata pa lang ay ulila na sya sa mga magulang. Sabi ng ina nya Koreanon daw ang ama nya. Kaya nga ganun na lang sya nadismaya sa Koreanong nambastos sa kaniya. Ibang iba kasi ang pag-kaka-describe ng ina nya sa mga ugali ng Koreano noon. Gentleman daw sila at loving. Ganun daw kasi ang kaniyang ama. Pero base sa na-encounter nya mukhang ang ama lang nya ang ganun. Namatay ang ama nya noong isang taon sya. At namatay naman ang kaniyang ina noong walong taong gulang sya sa parehong dahilan, atake sa puso. Wala syang ibang kamag-anak kaya nabuhay syang mag-isa. Salamat na lang at dumating ang tulong mula sa USA at yun na nga ang tumuutulong sa kaniya hanggang ngayon nasa edad dise otso na sya. Kaya nga ang laki laki ng pasasalamat nya dito. Kung hindi dahil dito ay hindi sya mabubuhay sa mundo.
"Gusto mo mag-enroll na tayo ngayon? Tutal maaga aga pa naman. Para magandang schedule na rin ang mkuha natin."tila nagustuhan naman ni Dian ang idea nyang yun.
"Buti pa nga. Pero ihatid muna natin 'tong maleta ko sa apartment."wika ni Dian. Excited lang na tumango si Emily.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Hanggang ngayon ay damang dama parin ni Darren sa kamay ang nahawakan nya kanina ng hindi sinasadya. Hindi nya alam kung bakit, marahil siguro ay iyon ang kauna-unahang nakahawak sya ng dib dib ng isang babae. Sa loob kasi ng Twenty Three years ay wala syang naging girlfriend dahil walang ibang nasa isip nya kundi ang tumugtug ng tumugtug. Hindi katulad ni Darryl na may mga naka-relasyon at malamang siguro ay naka-experience na ng ganun.
Nakatitig lang sya sa kamay nang biglang mag-salita si Darryl. "Malambot ba?"parang nag-tayuan ang mga balahibo ni Darren sa bulong naiyon.
Tinulak nya palayo si Darryl dahilan para maumpog ito sa bintana ng sasakyan. Napalingon naman si Manager Kang at ang driver sa kanila. Pero nang makita nilang okay naman si Darryl ay bumalik sila sa konsentrasyon. Papunta na kasi sila ngayon sa school na papasukan nila. Sa University of Perpetual sa Las Pinas sila balak na i-transfer ng kanilang lolo dahil ang balita nga ng Chairman ay okay ang turo doon. At isa pa, yun ang school ng pinapahanap nyang si Angel.
"Yah! Aist! Masakit yun ah!"tinulak nya si Darren kaya bumangga din ito sa kabilang parte ng kotse. Muli nanamang napatingin sina Manager Kang at ang driver. Muli silang bumalik sa focus ng makitang okay naman si Darren.
"Aray!"sigaw ni Darren. "Non chukkoshippda?![Gusto mo nang mamatay?]"nangi-ngibabaw sa kulob na sasakyan ang sigaw na iyon ni Darren pero hindi iyon ikinabahala ni Darryl sa halip ay tumango ito ng napakasaya. Lalong nainis si Darren kaya walang ano ano ay sinakal nya ito. Sinusuntok suntok naman sya ni Darryl sa tagiliran. Sa ganung sitwasyon sila inawat ni Manager Kang.
"Young Masters! Tama na po! Tumigil na po kayo!"sa halip na umawat ay ito pa ang natamaan, dumugo tuloy ang ilong nito. Hindi parin tumigil ang dalawa kaya napilitan na ring umawat ang Driver. Itinabi nya ang sasakyan para awatin ang dalawa. Bumaba ito saka binuksan ang gawi ni Darren para hatakin ito palabas. Susugod pa sana si Darryl, mabuti na lang at naawat sya ni Manager Kang kahit na dumudugo ang ilong nito.
Imbes tuloy na isama pa ni Manager Kang ang dalawa sa school ay diniretso nya na lang ito sa apartment. Nag-alala sya baka mag-away nanaman ang mga ito sa school. Mas pinili ni Manger Kang na dalawang apartment ang rentahan. Baka kasi pag nag-sama ang dalawa ay hindi na sila abuntin ng umaga.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Matapos maihatid nila Dian at Emily ang maleta ay agad silang dumiretso sa University of Perpetual Help para mag-enroll for summer class. Kaunti lang ang students na kumukuha ng summer class ngayon kaya hindi sila gaano nahirapan sa pag-pila.
"Okay na lahat. Algebra, P.E, Communication Skills at Chemistry. Pwede na rin 'to para mabawas bawasan naman ang subject natin sa pasukan."aniya ni Emily habang binabasa ang nakasulat na enrollment slip nya. Kung ano ang kinuha nya ay ganun din ang kinuha ni Dian.
"Kaya nga e. Bakit kasi kailangan pa nating i-take lahat 'to? Kung tutuusin hindi naman natin magagamit 'to pag-graduate natin."reklamo ni Dian. Tumango naman si Emily, pero bigla nyang kinalabit si Dian ng may makita syang pamilyar na nakapila din sa cashier.
"Dian, tingnan mo yun!"nilingon ni Dian ang tinuro ni Emily. "Diba yun yung kasama ng dalawang pogi sa airport kanina? Anong ginagawa nya dito?"kunot nuong tanong ni Emily.
Hindi nya agad sinagot ang tanong na yun dahil may hinahanap sya pero hindi nya makita. Nasaan na kaya ang lalaking Koreano na walang modo? "Nasaan yung mga kasama nya?"muling tanong ni Emily.
"Oo nga saan sya??"sabi ni Dian sa isip pero hindi yun ang lumabas sa bibig nya. "Baka nag-eenroll sya."sagot nya.
"Sa tingin mo sino ini-enroll nya?"unti unting nagigising ang dugo ni Emily.
"Ewan ko."simpleng sagot ni Dian.
"Naku! Sana yung dalawang poging Koreano ang i-enroll nya!"kinikilig nitong saad.
"Tumigil ka nga! Hindi sila bagay dito."kontra ni Dian.
"Bunganga mo naman. Kung makapag-salita ka parang hindi ka half-Koreaan. Bakit hindi bagay? Pano mo naman nasabi yan?"nawiwirduhang tanong ni Emily sa kaibigan.
Hindi naman makahagilap ng dahilan si Dian. Ayaw nya naman sabihing nabastos sya ng lalaking natitipuhan ni Emily dahil nakakahiya din sa part nya yun lalo na pag nalaman nito na wala man lang syang nagawang aksyon para gantihan ang Koreanong walang modo. Kaya ganun na lang din ang hatred nya dito. "Kasi ano-"
"Ano?"
"Kasi Koreano sila. Para lang sa mga Pilipino ang school na 'to."walang sense nyang dahilan.
"So, dapat na rin tanggalin si Lee as varsity ng basketball sa school na 'to kasi Koreano sya? At kelangan ka na rin mag-drop kasi may lahi ka ring Koreana remember? Bakit ang sama mo sa mga kabaro mo? Kelan pa ipinatupad ni Tamayo ang rules na for filipino only ang UPH?"pabiro nyang binatukan ang kaibigan. "Umayos ka nga."natatawa pa nyang sabi dito.
"Aray! Ano ba!"inis nyang sita dito.
"Baka naman ayaw mo silang pumasok dito dahil natatakot kang main-love sa isa sa kanila. Kasi nga super pogilicious and yummy sila!"dagdag biro pa nito.
"Excuse me! Ikaw lang ang patay na patay sa kanila hindi ako! At kung mai-in-love man ako at mag-aasawa gusto ko sa pinoy no!"depensa agad nito sa biro ni Emily na ikinatuwa naman niya.
"Ah~nakaka-touch ka naman. Sa kabila ng lahat, pinoy parin talaga ang choice mo. I love you."niyakap pa nya ang kaibigan.
"Baliw ka talaga!"natatawang saad na lang ni Dian sa kaniya.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Matapos isuot ni Darryl ang uniform ay nag-lagay na ito ng moisturizer sa mukha. Sinuot na rin nito ang Rolex at ang black wrist band na nag-sisilbing palatandaan na mag-pinsan sila ni Darren at mortal silang mag-kaaway. Sadyang pinagawa nila yun sa isang sikat na accessories designer sa Europe ng minsang mag-punta sila doon. Nakaukit sa itim na wrist band ni Darryl ang pangalan ni Darren na may nakasunod na "forever be my enemy." Ganun din ang kay Darren, pero Darryl naman ang naka-ukit na pangalan.
Gumawa pa sila ng kasunduan noon na hindi nila pwedeng hubarin yun. Not unless ay mag-dedesisyon na silang mag-aksundo na lang at kalimutan ang lahat lahat. Pero mukhang malabong mang-yari yun kaya hanggang ngayon nga ay suot suot nilang dalawa yun. Due to childishness kaya may tinatawag silang couple wrist band ngayon.
Huli nyang sinuot ang bagong shine nyang sapatos, at bago lumabas ng kwarto nya ay ngumiti una sya sa salamin. Kitang kita ang dimple nya sa ngiti nyang iyon.
Isinuot na ni Darren ang polo uniform nya ngunit bago nya ito binotones ay kinuha nya muna ang couple wrist band nila ni Darryl. Mula sa salamin ay makikita mo ang abs ni Darren na gaya ni Darryl ay six pack din ito. Sinuot din nya ang Rolex, natigilan sya saglit ng makita nya ang sing sing. Bigla nya tuloy naalala ang tunay na dahilan kung bakit sila nasa Pilipinas ngayon. Iyon ay ang hanapin ang nag-nga-ngalang Angel na para sa kanila ni Darryl ay isa syang kriminal na may nakapataw na bilyon sa ulo.
Binotones nya ang uniform saka kinuha ang sing sing at ibinulsa ito. Muli syang tumingin sa salamin with his serious looks bago lumabas ng kwarto nya.
Sa labas ng kwarto nya ay nag-hihintay na sina Darryl at Manager Kang. Mag-katabi lang kasi sila ng kwarto ni Darryl. "Tsi! Ang tagal mo talagang mag-bihis."saad ni Darryl at nag-patiuna na itong lumakad. Nginusuan lang sya ni Darren.
Kumuha kasi ng summer class para sa kanila si Manager Kang. Ang totoo iyon ang plano ng lolo nila. Alam kasi ng lolo nila na bakasyon ng mga students ngayon sa Pilipinas. Kaya pinahanapan nya ng paraan si Manager Kang kung paano nya gagawing busy ang dalawa sa loob ng isang buong summer vacation. Dahil hindi naman talaga ang pag-hahanap kay Angel ang totoong pakay ng Chairman. Kundi ang matuto silang mabuhay ng wala ang mga magulang nila sa tabi nila.
Kailangan nilang matutong maging responsableng tao, na hindi dumidipende sa yaman ng pamilya. Kailangan nilang matuto kung paano mag-hirap para kumita ng pera. Hindi man gustong ilayo ni Chairman ang mga apo pero kailangan nyang gawin yun para sa ikabubuti rin nila. Kaya nga ipinag-darasal ni Chairman Jung na maging matagumapay ang ginawa nyang planong ito.
~angel is luv~
ReplyDeletegrabe! naeexcite na ako sa next na mangyayari! exzoited much!
i like Darryl.. mei dimple ksi sya.. hehe update na po pls..
ReplyDelete