CHAPTER FOUR
Malapit lang ang school nila sa apartment na tinitirahan nila kaya wala pang sampung minuto ay nakarating na agad sila sa UPH. Pag-baba ng kotse ay ibinigay na ni Manager Kang ang schedule nila ng klase ngayon.
"Heto po ang schedule nyo ng mga klase ninyo. Classmate po kayong dalawa kaya sana naman po ay wag kayo mag-aaway sa gitna ng klase."iniabot ni Manager Kang ang mga schedule sa kanila. "At isa pa po, kailangan kong kuhain ang lahat ng credit cards ninyo maging ang mag ATM ninyo."
"Hu?"nagusot pareho ang preskong presko at gwapong gwapong mukha ng dalawa.
"Bakit?"inis na tanong ni Darren.
"Kung kukunin mo 'to anong ipang gagastos namin dito?"nawawala na rin ang coolness ni Darryl
"Yun po ang utos nga lolo nyo. Tungkol sa panggastos nyo, kailangan nyong pag-trabahuan yun. Fully paid na po kayo sa school. Wala na po kayong dapat problemahin. Ang pag-kain nyo na lang at ang bayad sa upa ng apartment ang dapat nyong problemahin."anya ni Manager Kang.
Hindi naman makapaniwala ang dalawa sa narinig. "Trabaho? Nag-papatawa ka ba?"gustong matawa ni Darren sa narinig.
"Saan naman kami mag-hahanap ng trabaho? Wala kaming alam sa lugar na 'to!"para nang mababaliw si Darryl. Parang gusto na lang nyang bumalik ng Korea at mag-laro ng Tennis.
"Hindi na po problema yun. Dahil naihanda ko na po ang mapapasukan nyong trabaho."
"Saan?"agad na tanong ni Darryl.
"Anong klase?"sunod naman ni Darren.
"Sa isang Fast Food Restaurant po malapit lang sa school ninyo."saad ni Manager Kang.
"Ano?!"lalong nanlumo ang dalawa. "Nasisiraan na talaga ng ulo si lolo!"sambit ni Darren sa sobrang inis.
"Pano yung kotse namin?"gusto nang mag-wala ni Darryl sa gitna ng campus.
"Kaya po walking distance lang ang lahat mula sa apartment, school at trabaho nyo dahil hindi po kayo pwede gumamit ng private car. Kung may pupuntahan man po kayo na isang lugar pwede naman po kayong mag-commute."paliwanag ni Manager Kang.
"Andwe![Hindi!]"tuluyan na ngang napasigaw si Darryl.
Para naman mahihimatay si Darren dahil sa mga nang-yayari. "Michigososseo![Mababaliw ako!]"napapakapit na lang ito sa sasakyan.
"Pasensya na po. Sinusunod ko lang ang utos ng Chairman."saad ni Manager Kang.
Wala na silang nagawa kundi ang sumunod na lang. Ibinigay nila ang lahat ng cards nila dito. Ayaw man nilang gawin yun, masakit man sa loob nila no choice na sila. Ginusto nila yan e. Kaya dapat panindigan na lang nila alang alang sa bilyon bilyong ari arian. Ngayon tuloy ay mas naging determinado silang hanapin ang babaeng nag-nga-ngalang Angel.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Problemado ang mga mukha nila habang nakatayo sila sa bridge sa may Japanes Garden. Katatapos lang ng unang subject nila at may thirty minutes vacant sila for the next subject. Nakasandal si Darryl habang nakalumbaba naman sa gutter si Darren. Sabay silang nag-pakawala ng mamalim na buntong hininga tapos ay sumandal na rin si Darren sa gutter.
"Kakayanin ba natin 'to?"seryosong tanong ni Darryl sa pinsan.
"Hindi ko alam. Ang nasa isip ko lang ngayon ay hanapin si Angel para makabalik na ko sa normal kong buhay."prangkang sagot nito.
Natawa si Darryl. "Tingin mo ba hahayaan kitang mauna? Tandaan mo dalawa tayong nag-hahanap sa kaniya kaya wag ka masyadong komportable."banta ni Darryl dito. Natawa lang din si Darren at napailing. Buhira lang silang makita sa ganung mood. Nag-bibiruan ang nag-ngi ngitian sa isa't isa. Kaya maswerte ang mga babaeng kanina pa nanood sa pag-da-drama nila.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Masayang nag-ku-kwentuhan sina Emily at Dian ng lumabas sila galing canteen. Bumili kasi sila ng maiinom bago sila mag-punta sa next subject nila.
"Algebra na next natin. Hay! Nakakatamad naman."nalungkot bigla si Emily.
"Ano ka ba! Parang hindi ka naman Engineering."natatawang wika ni Dian sa kaniya.
"Sabagay. Tara na nga."
Wala paring humpay ang tawanan at kwentuhan nila hanggang sa makarating sila sa room nila.
Nang-laki naman ang mata ni Darren ng makita nyang pumasok si Dian. Hinding hindi nya ito makakalimutan dahil ito ang kauna unahang babaeng nahawakan nya sa dib-dib. Nasa pangalawang row sila sa gawing kanan habang naupo naman sa unahan sa kaliwa sina Dian at Emily.
Nangi-ngiting kinalabit ni Darryl si Darren ng makita rin nito si Dian. Hinampas nya ito dahil nakakaramadam nanaman sya ng embarrassment sa sarili na hindi nya alam kung bakit. Kinakabahan nanaman sya, kaya tuloy hindi nanaman sya makahinga. Umayos sya ng upo at walang kurap kurap na nakatitg lang ito sa white board.
"Okay ka lang ba?"natatawang tanong ni Darryl.
"Wag ka ngang magulo!"sita nya sa pinsa.
"Cool ka lang."nang mapalingon sa kanila si Dian ay nginitian nya ito at bahagyang kinawayan. "Ganitp lang."
"Itigil mo yan! Nakakahiya ka!"sita ni Darren na ikinagulat ni Darryl.
"Ano?"halos mabulunan ito sa narinig. "Kelan ka pa natutnong mahiya?"
"Ngayon pa lang dahil sa ginagawa mo!"mahina at halos pabulong nang saad ni Darren pero hindi ito gumagalaw sa posisyon nito. Napapailing na lang si Darryl sa kaniya.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Kilig na kilig naman si Emily habang si Dian naman ay hindi na maintindihan ang mukha. "Girl! Ako yata yung kinakawayan nya!"aligagang saad nito.
"Ano bang ginagawa nila dito?"inis na wika ni Dian.
"Grabe ka naman! Tanong mo pang-bobo e. Syempre classmate natin sila kaya sila nan dito. Ano ka ba!"pilosopong saad ni Emily. Tinginan lang sya ng masama ni Dian. Napakunot naman ang ulo ni Emily. "Bakit ba ang init ng ulo mo sa kanila?"imbis na sumagot ay napailing na lang si Dian sa kanya.
Ilang saglit pa ay dumating na ang kanilang professor na lalaki para sa subject nilang chemistry. Inilabas nito ang listahan ng mga student saka nag-upisang mag-roll call. "Arania Emily?"unang tinawag si Emily.
"Present!."masayang sagot nya. Dahil kaunti lang sila mabilis na natawag si Dian.
"Chavez Dian!"
"Present!"
"Jung Darryl!"
"Present!"masaya ding sagot ni Darryl. Kinikilig na siniko ni Emily si Dian. Inis lang syang tiningnan ni Dian.
"Jung Darren!"tumaas lang ng kamay si Darren. "Mag-kapatid ba kayo?"biglang tanong ng professor. Mabilis namang sumagot ang dalawa.
"Hindi po!"halos sabay pa uto. "Pinsan ko lang sya."wika naman ni Darryl. Tumango naman ang professor. Matapos ang roll call ay tumayo na ito para mag-discuss.
"Okay. Kailangang mag-form tayo ng group para sa mga activities na gagawin natin. Since nine student lang kayo. Hahatiin natin kayo sa tatlong group. Each group may three members. Okay ba yun?'anang professor.
"Yes sir."sagot naman nila.
"Naku! Sana mag-ka-group tayo!"dasal naman ni Emilly. Pero biglang tumaas ang kamay ni Darren. Napatingin si Dian sa kanya.
"Sir! Can I go out?"tanong nito na agad namang pinayagan ng prof. Lumabas si Darren na walang lingon lingon sa paligid nya. Habang si Dian naman ay insi syang sinundan ng tingin.
"Okay! Bumilang kayo from one to three lang. Lest start with Ms. Chavez."itinuro pa ng prof si Dian. Nalungkot naman si Emily dahil hindi sila mag-ka-grupo ni Dian. One kasi si Dian at two naman sya. One din ang nakuhang number ni Darryl.
"Ang swerte mo naman! Ka-grupo mo si Darryl!"naiinggit na saad ni Emily. Sakto tapos na ang bilangan ng muling bumalik si Darren.
"Mr. Jung. Group number one ka since three ang last na number natin."anunsyo ng prof.
"Wow! Silang dalawa pa ang ka-grupo mo! Ang swerte mo naman talaga friend!"lalo namang nainggit si Emily. Nang-lumo naman si Dian, sa dinami-dami naman kasing pwedeng maging ka-grupo bakit ang dalawa pang ito? Bakit ang tao pang kinaiinisan nya? Bakit ang bastos pa na ito?
Pakiramdam nya kapag naging ka-grupo nya ito ay mas hindi sya makaka-concentrate sa mga darating na activities nila. Ano na ngayon ang gagawin nya? Kung pwede lang sana na makipag-palitan sya ng group ay gagawin nya para lang hindi makasama ang lalaking 'to.
"You can now go to your respective group."mas lalong nang-lumo si Dian. Bakit kailangang mang-yari pa ang mga bagay na 'to. Ayaw nya talaga kay Darren! Sinusumpa nya ang taong 'to pero bakit pinag-lalapit sila ng tadhana?
Sapilitan syang lumapit sa dalawa. Hindi naman makatingin ng diretso si Darren sa kaniya. Nakangiti naman syang sinalubong ni Darryl. Tumayo pa ito para ibigay sa kaniya ang posisiyon nya sa tabi ni Darren. Ayaw pa sana tanggapin ni Dian pero nag-umpisa na uling mag-salita ang prof nila. Wala na siyang nagawa kundi ang maupo sa gitna ng dalawa. Halata ang ilang sa pagitan nila ni Darren.
"Yan na ang magiging permanent seat nyo."lalong gumuho ang mundo ni Dian. Hindi lang pala sa mga oras na yun makakatabi nya ang kinaiinisan nyang tao kundi sa mahigit tatlong bwan ng summer class nila.
hahaha.. ang saya!.. cnt wait 4 d next chapters..
ReplyDeleteang sya! kya gus2 q ngbbsa ng stories mu ate dhil nde aq nbibitin!
ReplyDeleteps ang gwapo ni darryl!!!!