Friday, August 24, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Introduction

Author's Note:

Hello! New Member here! Ako nga pala si MichiNoShojo (Screen name lang po yan) it means "Unknown Girl" in Japanese. I'm an otaku yey!

Ito pong storya na ito ay ang resulta ng love ko po sa Kimi Ni Todoke at Yamato Nadeshiko, I hope that you'll support it!

=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=

"Uwaaa! nakakatakot naman siya!"

"Hindi lang yun ah! nakakakita din raw siya ng mga multo at mga engkanto!"

"Eeeeek! mas gusto ko pang makasama ay baliw kesa sakanya."


Go, go, paglaitin niyo na ako, pag-usapan niyo na ako. Pake ko, wala namang mangyayari saakin kapag paglaitin niyo ako eh. Mas nagiging masaya ako no! tss! siyempre, ako ang nagiging pinakasikat dito sa campus. Hindi ko katulad ang mga iyakin na nasa pelikula. Hindi pelikula buhay ko no!

"Let's go na girl, baka madatnan natin ang mangkukulam at chaka na babaeng iyon!"

Kanina niyo na akong nadatnan mga panget! ako? ang chaka? hahaha! hindi noh, maganda talaga ako no! natural, eh kayo? alagang make-up! kung lagyan ko nalang ng mga chemicals ang mga make-up niyo para mas chaka kayo kesa sa baboy.


"You're so paranoid naman girl, hindi pa ako nakakapaglispstick eh!"

Hmmmm.....hehehe, bago kayo umalis, meron akong regalo sa inyong dalawa, magiging isa 'to sa pinakahindi niyo makakalimutan na moment sa buhay niyong boring!

"Oh, gurl, ang ganda ko naman! pwedeng pwede na maging asawa ni Ethan."

"Hindi no! mas..mas.ma..ma...ma..ma.."

"a....a....a....a.."

"Hehehe..."

"Ahhhhhh!"


Ayon sila ngayon, tumatakbo para sa buhay nilang walang kwenta. Haha! oh, anong sa tingin niyo ngayon? mukha ko lang, matatakot ko lang kayo.

*grin*

I am Sheena S. Suliman or Shie or Sadako. Alam niyo na kung bakit. Obvious naman diba? well, ako ang babaeng pinakatatakutan sa buong campus kasi maganda ako.

De joke lang, feeler naman si ati, iuntog niyo nalang ako sa pader.

Well, ang dahilan kasi ay ang itim ng buhok ko at sobrang shiny at smooth at ang haba ng buhok at a straight na may bangs kaya nagiging mukha akong sadako. Well, at first, hindi ko nagustuhan sarili ko pero nagustuhan ko rin sarili ko.

Haha, nakakalito no?  so, continue na tayo. Dahil sa mukha akong Sadako ay ang daming mga kwentong-barbero tungkol saakin sa buong town. Ewan ko kung sino ang nagsimula but, nagpapasalamat ako sakanya dahil sakanya ay naging pinakasikat ako dito sa buong town at parating maganda ang buhay ko. hahaha....



3 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^