Sunday, August 26, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 5

Chapter five:
Prove me

Sadako's POV...
park...

*naglalakad ng mabagal*

"Uwaaaaaaa! mommy! multo! multo!"

"Lumayo ka sakanya anak kung ayaw mo na makulam ang nanay mo."

"Opo! opo!"

Wow, pati ba naman bata, pinapaiwas saakin. Hindi naman ako si Kamatayan eh! anak ng tokwa naman to oh! I'm in a badterp ryt now! asan ang slave ko?! san ba siya pumunta?! umalis na ba siya sa pilipinas at nagmigrate na siya sa pluto?! hayyyy nakuuuuuu..........



 Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagin si slave pero....WALA! WALANG SUMASAGOT! Grrrr......pag sinagot niya 'to, sisiguraduhin kong mabibingi siya!

Wag nalang baka forever na niyang hindi masagot tawag ko. 'Yan nalang, oras na masagot niya tawag ko, huhugutin ko siya mula sa cellphone ko at kukurutin ko siya! grrrr!

*stops walking*

"Ba...bakit tumigil lumakad si Sadako?"

"Ba...baka nagriritwal siya!"

"Hi..hindi, baka may nakita siyang multo at kinausap niya 'yun at sinabi niyang multuhin tayo."

"Pare, takbo!!!!!!"

At nagsitakbuhan na ang dalawang bakla na yun. Sa kalsada, ang tapang pero pagdating saakin, nababakla agad. Jackie Chan ba ako ha?

O sige, focus muna tayo sa call thingy.

Anak naman ng....hindi siya sumasagot! ano bang ginagawa niya?! sobra ba siyang naadik mag-aral?! kelan pa naging drugs ang pag-aral?!

"Aaaaaaaaaalllllllllliiiiiiiissssssssssssoooooooooooonnnnnnnnnn!"

"Si...sin..sino si Allison? mu...multo..b..ba..u..un?"

"Takbo!"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Kung multo siya ede sana multo siya para masunog siya! Okay, tawagin natin siya ulit baka sumagot.

***

"Hello?"

"S..shie...tu..tulong!"

"HA?! ANONG NANGYARI?! HOY SLAVE! SUMAGOT KA! KUNG AYAW MO KULAMIN KITA!"

"T..tulong! pi..pinsan m..mo!"

"ANO?! ANONG NANGYARI SA PINSAN KO?! NAGPAKAMATAY SIYA?!"

"Hi..hindi..ba.basta...tu..tulong!"at narinig ko sa kabilang linya ang pinsan ko.

"Cge na!!!!!! makipagdate ka saakin! sigurado ako, maeenjoy ka!"

"S..shie..tulong!!!!!!"

beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeepppppppppppppppp................

A...anong nangyayari? minamanyak ni pinsan si slave?!Oh my gas! naging petchay ang broccoli! dapat makapunta ako sa bahay ng slave ko! pero













asan bahay niya?
Uwaaaaaaaaa! paano ko mahanap! a..anong apilyedo ng slave ko? Guzman pala! wag ka nga ganyan Shie!

Guzman residence...
Allison's POV...

"U...uh,hi..hindi ako available sa Thursday!"

"Ehhhhhhhhh! bakit everyday hindi ka available?! gaano ba kaimportante sayo ang pag-aaral at ako'y ipinagpapalit mo doon?!" Nag-aaral ako ng maigi para makatakas ako sa pinsan mong alaga ni kamatayan!

Nandito ako ngayon sa kwarto ko na magulo. Nagulo dahil sa pinsan ni Shie.  Gumapang siya palapit saakin habang ako naman ay umatras mula sa kanya. Hayyyyyy! ano bang sinabi ko sakanya at nainlove siya saakin? ano bang magic word doon sa sinabi ko sakanya?

Nalilito kayo no! so ito ang reason.....after napigilan ko siyang magsuicide, sinabi niya saakin after three days na in love siya saakin. Siyempre, binasted ko siya. Wow! basted! first time ko iyon gamitin. Okay, okay! binasted ko siya, nagalit siya! sinabi niya na gagawin niya ang lahat para magustuhan ko siya. Siyempre, kapag sabihin ko sakanya na ayaw ko talaga sakanya, magsusuicide siya! Hayyyy....

Ano bang masamang ginawa ko sa inyo at ito ang ipinarusa niyo saakin?!

"Next thursday!"

"Hi...hindi rin ako available sa next thursday!"

"Ehhhhhh! ano bang gagawin mo sa next thursday?!"

"U..uh..i..i..ililibing  ang ipis namin sa bahay!"

"Ehhhh! nagsisinungaling ka! ano bang ayaw mo saakin?!"

"IKAW!" yan ang gusto kong isagot sakanya pero takot ako eh! takot ako na baka magsuicide siya.

"Uhhhhh......"

"Leshe! kung hindi ka available parati sa following days ede ngayon nalang tayo magdadate!"

"Ehhhhhhhhhhhhh! noooooooo! hiiindiiii ako........."

"Basta! magdadate pa rin tayo ngayon! kahit maglindol! kahit umulan, bumaha, bumagyo, magsnow, at umulan ng glacier!" at hinila niya ako paalis sa kwarto pero nakahawak parin ako sa poste ng higaan ko.

"Bi..tawan m..mo ng...nga..."

"Ayookoooooooooooooooooo!"

"Urgh! bitawan mo nga!"

"Ayokooooooo!"

Sadako's POV...

*knock knock*

"He..hello...." hindi na naituloy sabihin ng matandang babae ang sasabihin niya dahil nagulat siya saakin. Siyempre, sinong hindi magugulat kapag may kumatok sa pinto mo at si Sadako pa ang kumatok?! Hayyyy.........

"AAAAAAAsssssssaaaaaaan siiiii Aaaaaaaaliiiisssssssssssoooooooooooonnnnn?" Nanginig ang matanda at itinuro niya ang room ni Allison habang nanginginig. naglakad nalang ako papunta doon at siya naman ay hinimatay sa takot. Agad namang pumunta sakanya ang mga yaya niya.

Nang makapunta na ako sa pintuan ni Allison ay narinig ko ang boses ni cuz at ni Allison. Hindi ako muna pumasok at nakinig muna sa pintuan.

Nakarinig ako ng footsteps at hindi ko na pinansin. Biglang tumigil ang sound ng footsteps at tumingin ako sa likod ko. Nakita ko ay isang lalake na nasa 20's. Nanginig siya at nakatulala lang kami sa isa't isa.

"Huhuhu T_______T nakikita ko si kamatayan sa kwarto ni Allison. Mamamatay na kapatid ko! huhuhu T_______T" at tumakbo siya habang umiiyak. I shrugged my shoulders and continued listening.

"Araaaaaaaaaaaayyyyyy!"

"Allison, bitawan mo!"

"Ayooookooooooooo!"

"Urghhhhhhhh!"

Nanlaki mga mata ko dahil sa narinig ko. Don't tell me...don't tell me.....No way!

"AAALLLIIIIISOOOOOOOON!" at sinipa ko ang pintuan. Nakita ko si Allison na nakahawak sa may poste ng higaan niya at si cuz naman na hinihila si Allison paalis sa higaan.

"Tulong!!"

"Cuz! wag mo nga galawin slave ko!"

"Pahiram! I love him you know!"

"Kahit na! cuz, hindi siya para sau ang bata niya para sau! pedophile ka ba ha?!"

"Kahit na! age doesn't matter in love!"

"Ang korne! age doesn't matter your face! cuz, hindi yan age doesn't matter in love ang totoo ay child abuse 'yan! you're abusing him!"

"Eh ikaw! child abuse rin! ginamit mo siya bilang slave!"

"Kahit na! basta, stop loving him! or kukulamin kita!"

"Hindi ka naman..."

"Basta! I'll curse you!"

"Ano bang masama kung hiramin ko siya?! ano bang mapapala mo kung magdate kami?! matutunaw ka ba? mamamatay ka ba? hindi naman diba?!"

Napatigil ako magsalita ng sabihin niya iyon. Bakit nga pala ako ganito? Bakit galit na galit kapag may nag-aano sakanya? bakit parang gusto ko na saakin lang siya? ako lang master niya? at walang iba pa...

"Hindi mo naman siya boyfriend diba?! master ka lang niya! dahil cousin mo ako, master nya rin ako! kaya I command you, Allison my babes na makipagdate ka saakin!"

"Aaayokooooo!"

"Tsss! kainis, I can't believe na dapat ko talaga sakanya sabihin 'to, na dapat gawin ko 'to."bulong ko sa sarili ko. Inipon ko lahat ng lakas ko at pumunta sa pinsan ko. Inalis ko kamay niya sa paa ni slave at siyempre natumba si slave. Hindi siya nagfloat, may gravity ang earth 'kay?

"Aray!"

"Tayo!" tumayo na rin siya habang hinihimas himas niya ang parteng nasaktan sakanya.  Tinaas ko kamay niya at....

"Si Allison ay boyfriend ko! may angal ka?"

"Wha?!"

"Hindi yun...." at siniko ko si Allison para makiride siya saakin.

"Hindi yun...hindi yun kasinungalingan." bakat na bakat sa mukha ni cuz ang pagkadurog ng mundo niya.

"Eh ano 'yung slave thingy na yun?"

"Slave ang tawag ko sakanya aside from babes, honey, sweetheart, darling, mahal at iba pang korne na salita."

"E...endearment mo pala yun sakanya." at humagulgol na siya.

"Kung iniisip mo magsuicide. Magsuicide ka na! walang namang mawawala saakin eh!"

"S..Shie..." at binigyan ko siya ng isang masamang tingin para manahimik siya. We just watch her cry. At dahil napapagod ang mata at hindi unlimited ang luha ay tumigil na siyang umiyak.

"Hindi ako naniniwala." at napanganga ako sa bigla. "Hindi ako magpapakamatay."

"Tanggapin mo na nga ang katotohanan!"

"Hindi ako naniniwala kasi paano magkaboyfriend ang pinsan kong multo..."

"Hoy!"

 at nagsmirk siya "Maniniwala ako kapag  makita ko ang affection niyo sa isa't isa or in short words maniniwala ako kapag nagPPDA kayo sa harap ko!"

"Are you insane?!"

"Kapag fail kayo, saakin na si Allison!"

"Hayyyyyyyyyyyyyyyy!"

"Tommorow, prove me you love each other."



3 comments:

  1. ang kyut kyut! slave daw ang endearment! nakakaloka! i love it so much!

    ReplyDelete
  2. hndi un ksinungalngn! haha! npltan!

    ReplyDelete
  3. ~angel is luv~

    grabe!! kakilig much sobra!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^